Parang kailan lang, walong taon na kaagad ang lumipas, kaya oras na para
pumasok sina Little Rice Cake at Little Red Bean sa elementary school.
Katapusan ng Agosto tumama ang Mid-Autumn festival, kaya sama-sama
silang nagtipon sa bahay ng mga Qiao. Dinala nina Lu Jinnian at Qiao Anhao si
Little Rice Cake, sina Xu Jiamu at Song Xiangsi naman ay sinama rin si Little
Red Bean, samantalang sina Cheng Yang at Qiao Anxia ay parang
mag'girlfriend at mag'boyfriend pa rin na hanggang ngayon ay walang dalang
anak.
Kahit na nagkaroon ng iringan noon sa pagitan nina Han Ruchu, Lu Jinnian at
Qiao Anhao, malinaw sa lahat na kung ano man ang mga nangyari noon ay
hindi na damay dun si Xu Jiamu. Isa pa, best friend ito nina Qiao Anhao at
Qiao Anxia, kaya magaan talaga ang loob sakanya nina Auntie at Uncle Qiao.
Sina Little Rice Cake at Little Red Bean nalang ang mga naiwang bata sa
pamilya, kaya lahat sila ay giliw na giliw sa dalawang ito. Kumpara kay Lu
Jinnian, mas na'spoiled ni Xu Jiamu ang anak niya dahil mas naging
emosyunal ang naging pagkikita nila, pero sa kabila nito, hindi pa rin nito
malalamangan ang pangs'spoil nina Chen Yang at Qiao Anxia sa dalawan
bata.
Bilang isang malaking pamilya, masaya nilang pinagdiwang ang Mid-Autumn
festival, pero pagsapit ng alas otso ng gabi, nakatulog na ang dalawang bata
sa sobrang pagod kakalaro buong araw. Ang isa ay nakatulog kay Chen Yang
ang isa naman ay kay Qiao Anxia.
Nang makita ito ni Auntie Qiao, dali-dali siyang nagpahanda ng kwarto para
makahiga ang dalawa.
Gusto sana nina Lu Jinnian at Xu Jiamu na sila nalang ang magbuhat ng mga
anak nila, pero hindi pumayag sina Chen Yang at Qiao Anxia na ibigay ang
mga ito, kaya sila nalang ang nag'akyat sa mga ito.
Pagkalapag ni Qiao Anxia kay Little Rice Cake, dumiretso siya sa CR para
kumuha ng basang bimpo. Habang nasa labas, naiwan si Cheng Yang sa loob
habang binabantayan ang dalawang bata. Bakas sa mga mata nito ang
naguumapaw na pagmamahal na may halong hindi maintindihan na inggit.
Nang makita ito ni Qiao Anxia, bigla siyang natigilan, pero hindi nagtagal,
pumasok si Qiao Anhao kaya dali-dali siyang ngumiti at naglakad pabalik dala
ang mga basang bimpo na gagamitin nilang pampunas sa mukha ng mga bata.
Pagkababa nilang tatlong, nakita nilang nakapulupot si Auntie Qiao kay Song
Xiangsi at aliw na aliw na nakikpag'kwentuhan ng mga pinaka bagong balita sa
entertainment industry.
Sa totoo lang, wala naman talagang interes dati si Auntie Qiao sa
entertainment industry, pero simula noong magpakasal sina Qiao Anxia at
Cheng Yang, nahilig na siyang manuod ng TV at kagaya ng mga teenager, may
mga crush din siya.
Bandang huli, umabot ang usapan nila sa isang direktor. Tinanong ni Auntie
Qiao kung totoo bang pito ang anak nito.
Kinumpirma naman ni Song Xiangsi.
Sakto, kasalukuyang bumababa si Qiao Anxia nang muli itong magsalita, "Alam
mo… Biyaya kayang magkaroon ng maraming anak… Kahit mahal, sulit
naman."
Pero dahil likas talagang sensitibo si Song Xiangsi, dali-dali niyang binago ang
usapan nang makita niya si Qiao Anxia.
Malinaw naman kay Qiao Anxia ang intensyon ni Song Xiangsi, kaya para hindi
na rin lumaki ang gulo, nagpanggap nalang siyang walang narinig. "Ma."
Nagpatuloy pa ang kasiyahan hanggang alas dose ng madaling araw bago sila
magsi'uwian.
Habang nasa byahe pauwi, may tumawag kay Chen Yang na kaklase niya
noong college para imbitahan silang dalawa ni Qiao Anxia sa isang salu-salo
dahil nanganak daw ng kambal ang asawa nito.
Hindi naman siya tumanggi at nangakong makakarating sila.
Noong oras na 'yun, antok na antok na si Qiao Anxia, pero dahil sa tawag na
ito, bigla siyang nagising.
Eight years ago, prinotektahan ni Qiao Anxia si Qiao Anhao, at mula noon,
binawian na siya ng pagkakataong maging isang insa.
Pwede…. Ang simpleng salitang ito na sinabi sakanila ng doktor noon ang
pinanghawakan niya hanggang ngayon, kaya kahit alam niyang sobrang liit
lang ng posibilidad na ito, hindi siya sumuko.
Noong una, sinasamahan pa siya ni Chen Yang na magpa'check up, pero
noong nakita nitong walang katapusan ang mga gamot na iniinom niya,
bandang huli, sinabi nito sakanya na tanggapin nalang nila baka wala talagang
pagasa…
Noong panahon na 'yun, si Chen Yang na sobrang pasensyoso pagdating
sakanya, ay sobrang nagalit noong nagpumilit siyang lumaban pa. Kaya mula
'nun, patago nalang siyang umiinom, pero kahit lumipas na ang maraming
taon, hindi pa rin talaga sila makabuo…
Kaya sa tuwing napaguusapan ang sa anak, sobrang nasasaktan siya.
-
Kinabukasan, pipirma lang ng kontrata si Chen Yang, pero pagkauwi nito,
sobrang dami nitong dala.
Nang silipin niya kung ano ang mga ito, nakita niya na puro laruan ang laman
ng kahon.
Siguro nakutuban ni Chen Yang na nagtataka siya, kaya dali-dali nitong
pinaliwanag na ang mga pinamili nito ay para sa kaibigan nitong nanganak ng
kambal.
Bukod sa mga laruan, may dalawang magandang bag din itong pinamili. Isang
pambabae, at isang panlalaki, na sigurado naman niyang para kina Little Rice
Cake at Little Red Bean.
Kung tama ang pagkakaalala niya, sa loob ng walong taon, sobrang dami na
nitong pinamili para sa dalawang bata, may mga pagkakataon din na pag
nagdedate sila, lagi itong nagyayayang pumunta sa Mian Xiu Garden, at kahit
na hindi ito umaamin, alam niyang ang totoo pakay nito ay para makita sina
Little Rice Cake at Little Red Bean….
Gusto talaga ni Chen Yang magka'anak, tama?
"Anong iniisip mo?" Nang makita ni Chen Yang na nakatitig si Qiao Anxia sa
dalawang bag, dahan-dahan nitong hinimas ang buhok niya at mahinahong
nagtanong.
Kaya bigla siyang nahimasmasan at dali-daling umiling. "Anong ulam dinner
natin?"
"Anong gusto mong kainin?"
"Maanghang?"
"Sige," Walang tutol na sagot ni Cheng Yang. "Magbihis lang ako ha?"
Tumungo lang si Qiao Anxia.
Pero kagaya ng nakasanayan, bago ito pumasok sa kwarto para magbihis,
hinalikan muna siya nito sa nito.
Pagkatapos nilang kumain, niyaya ni Cheng Yang si Qiao Anxia na manuod ng
pinaka bagong pelikula ni Lu Jinnian. Ayon sa balita, blockbuster daw ito dahil
sa sobrang ganda nito, na kinumpirma naman nila.
Alas onse na ng gabi noong nakauwi sila. Si Cheng Yang ang unang naligo,
pero pagkatapos niya, pinag'igib at hinandaan niya na rin ng pantulog si Qiao
Anxia.
Pagkatapos maligo ni Qiao Anxia, nagtataka siya kung bakit wala si Chen Yang
sa kwarto, kaya hinanap niya ito hanggang sa makarating siya sa study room.
"Ma, sabi ko naman sayo diba, ako yung may ayaw ng anak, hindi si Xia Xia."
"Gutsong gusto nga ni Xia Xia magkaroon ng anak, pero sa tingin ko kasi
malaking problema yun kapag nagkaroon ng bata dito sa bahay, kaya
pinipigilan ko siya."
"Hindi ako nagsisinungaling, nanay kita diba? Bakit naman ako
magsisinungaling sayo. Hindi… Hindi ko pinoprotektahan si Xia Xia"
"Ma, wag mong tawagan si Xia Xia. Ako nga yung may ayaw sa mga bata.
Kapag tinawagan mo siya, iisipin niya na sinisisi ko siya."
"Sabin g ako yung may ayaw magka'anak eh!"
Base sa tono ng boses ni Cheng Yang, halatang sobrang iritable nito.
Kaya napayuko nalang si Qiao Anxia at tahimik na naglakad pabalik sa kwarto
nila.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES