App herunterladen
98.56% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 959: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (1)

Kapitel 959: Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang unang ginawa nina Xu Jiamu at Song Xiangsi pagkauwing pagkauwi nila

ng Beijing ay ang maghanda para sa paparating nilang kasal.

Doon lang din nalaman nina Lu Jinnian at Qiao Anhao na ang taong matagal

na palang mahal ni Xu Jiamu ay kaibigan nila, at hindi lang basta bastang

kaibigan, kundi, matalik na kaibigan pa.

Kaya bilang best friend, medyo nainis si Qiao Anhao sa pagtatagong ito ni Xu

Jiamu, at si Lu Jinnian, na wala naman talagang pakielam sa mga ganitong

bagay, ay bigla ring nainis sa kapatid niya dahil sa paninindigan niya na kung

anong tama kay Qiao Anhao, yun din ang tama para sakanya….

Pero sa totoo lang, hindi naman seryosohan ang inis na nararamdaman nila,

dahil sa totoo lang, sobrang saya nila para kina Xu Jiamu at Song Xiangsi.

Pero sakanilang lahat, wala ng hihigit sa saya nina Little Red Bean at Little

Rice Cake.

Para kay Little Rice Cake, si Xu Jiamu na talaga ang pinaka paborito niyang

uncle, dahil nagawa nitong pabalikin sa kindergarten si Little Red Bean.

Ilang araw bago ang kasal, hindi na muna pumasok ang dalawang bata sa

school, at dahil marami pang kailangang asikasuhin ang mga matatanda, wala

silang ibang ginawa kundi maglaro lang ng maglaro buong maghapon, at sa

sobrang saya, nagkasundo sila na ayaw nilang pumasok sa school.

Ikalawang araw matapos ang kasal, aksidenteng narinig ni Little Rice Cake ang

paguusap nina Lu Jinnian at Qiao Anhao. Ayon sa mama at papa niya,

magho'honeymoon raw ang uncle Xu Jiamu at auntie Song Xiangsi niya sa

Paris, Provenance, Aegean Sea, at Rome…. Pero hindi raw pwedeng dalhin ng

mga ito si Little Red Bean kaya isang buwan itong titira sa bahay nila.

Matalinong bata si Little Rice Cake, pero dahil masyado pang mura ang edad

niya, hindi niya pa alam ang ibig sabihin ng honeymoon, kaya ang naiintindihan

niya lang ay isang buwan silang pwedeng maglaro ni Little Red Bean, at sa

sobrang saya, magmamadali siyang tumakbo papunta sa playroom.

Kaya si Little Red Bean, na naiwang kinukumpleto ang isang puzzle, ay

masayang tumingin nang marinig nito ang mga yabag ng paa niya. "Nasaan

ang yogurt ko?"

At doon lang naalala ni Little Rice Cake na kaya pala siya bumaba ay dahil

kukuha siya ng yogurt para kay Little Red Bean, kaya dali-dali, kumaripas siya

ng takbo pababa sa kusina at pagkabalik niya, may dala na siyang dalawang

bote ng yogurt, isa para kay Little Red Bean at isa para sakanya. "Ayaw mong

pumasok bukas, tama?"

"Mmh." Masayang tumungo si Little Red Bean habang umiinom ng yogurt.

Kaya dali-daling inalis ni Little Rice Cake sa bibig niya ang iniinom niyang

yogurt para magpatuloy, "Edi magpakasal na tayo, tapos kapag kasal na tayo,

pwede tayong mag'honeymoon."

"Anong honeymoon?"

"Hindi ko rin alam… pero kapag naghoneymoon tayo, pwede tayong maglaro

ng isang buwan!"

Isang buwan…. Sino ba namang bata ang ayaw maglaro ng isang buwan?

Kaya nang marinig ito ni Little Red Bean, masaya rin siyang pumayag.

Pagkatapos nilang magkasundo, nagpatuloy sila sa pagbuo ng puzzle, at nang

makumpleto na nila ito, para silang matatandang naguusap na pinagtuturo ang

mga lugar na gusto nilang puntahan sa 'honeymoon' nila.

Ang puzzle na binubuo nila ay ang mapa ng China, at dahil lumaki si Little Red

Bean sa America, "Beijing" lang ang alam niya.

"Nasa Beijing na tayo eh," Sagot ni Little Rice Cake.

"Hmm.. Sa Xian nalang."

"Sige."

"Dalian."

"Sige."

Hindi pa masyadong marunong magbasa si Little Red Bean, kaya literal na

pinagtuturo niya lang ang mga lugar na pamilyar sakanya. "Suzhou… Lijiang…

Xinjiang…"

Bilang tatlong taong gulang, hindi pa nanunuod si Little Rice Cake ng mga

balita, pero may mga pagkakataon na nakakarinig siya sa tuwing nanunuod si

Lu Jiannian kaya nang sandaling banggitin ni Little Red Bean ang 'Xinjiang',

dali-dali siyang umiling. "Little Red Bean! Wag tayong pumunta sa Xinjiang,

delikado 'dun!"


Kapitel 960: Ang dalawa sa tatlong pinakamasayang bagay (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil mali ang pagkakalagay ni Little Red Bean si piraso ng 'Xinjiang', ang

buong akala niya ay 'yun ang tinutukoy ni Little Red Bean. "Okay lang yan. Ako

naman yung gumulo niyan eh."

Pagkatapos, dali-dali niya itong inayos at nakangiting tumingin kay Little Rice

Cake. "Diba, maayos na, pwede na tayong pumunta!"

"..."

Isa sa pinaka nakakatuwa sa pagkakaibigan nina Little Rice Cake at Little Red

Bean ay kahit anong mapagusapan nila, bandang huli ay nagkakasundo talaga

sila, kagaya ngayon… napagdesisyunan nilang magpakasal para hindi na nila

kailanganing pumasok sa school.

Kinabukasan, habang nasa byahe sila papasok sa school, biglang sinabi ni

Little Rice Cake kay Xu Jiamu, "Unle, papakasalan kop o si Little Red Bean."

"Opo, daddy, papakasalan ko po si Little Rice Cake."

Sobrang inosente pero nakakakilabot – ito ang eksaktong naramdaman ni Xu

Jiamu, at sa sobrang pagkagulat niya sa sinabi ng dalawang bata, dahan-

dahan niyang inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan para magpaliwanag ng

mahinahon. "Kuya ko si Lu Jinnian, ibig sabihin magkakakamag'anak tayo kaya

hindi kayo pwedeng magpakasal. Ayon sa batas, magpinsan kayong dalawa

…"

Sa totoo lang, alam ni Xu Jiamu na masyado pang bata sina Little Rice Cake at

Little Red Bean para maintindihan ang sinabi niya, pero umaasa siya na kahit

papaano ay makuha ng mga ito ang punto niya.

Hindi na sumagot ang dalawang bata kaya akala ni Xu Jiamu ay maayos na,

pero hindi pa man din sila nakakalayo ay muling humirit si Little Rice Cake.

"Uncle, pwede po ba kayong mag'divorce?"

Dahil dito, muling naapakan ni Xu Jiamu ang preno, pero sa pagkakataong ito,

hindi niya na nakontrol ang lakas niya.

"Uncle, idivorce mo na sip o si auntie, para mapakasalan ko na po si Little Red

Bean."

Kaya si Xu Jiamu, na sobrang pasensyoso sa dalawang bata, ay biglang

pumintig ang tenga at naiinis na sumagot, "Hindi ako makikipag'divorce, at

kahit na magdivorce kami ng auntie mo, hindi pa rin kayo pwedeng magpakasal

kasi magkamag'anak kayo!"

Pero pagkalipas lang ng halos limang segundo, si Little Red Bean, na kanina

pa nanahimik ay hindi na natiis at sumawsaw na rin, "Daddy, mula ngayon,

pinuputol ko na po ang pagiging magkadugo naming ni Little Rice Cake."

At dahil sobrang talino ni Little Rice Cake, muli nanaman siyang gumatong,

"Edi pwede na tayong magpakasal!"

Sa pagkakataong ito, alam ni Xu Jiamu na kahit anong paliwanag niya ay hindi

talaga maiintindihan ng dalawang bata, kaya imbes na makipagtalo ay

huminga nalang siya ng malalim at humarurot ng takbo papunta sa

kindergarten. Pagkarating nila, ibinaba niya lang ang mga ito at umalis na siya

kaagad.

-

Noong mga unang buwan mula noong umuwi si Little Red Bean galing

America, medyo nahihiya pa siya kina Lu Jinnian at Qiao Anhao.

Para kay Xu Jiamu naman, isa siyang napaka gandang sorpresa…. Sa totoo

lang, noong una, medyo nahirapan siya dahil ang pagkakaalam niya ay si Jiang

Licheng ang daddy niya, pero dahil sobrang lambing at bait sakanya ni Xu

Jiamu, hindi nagtagal ay nakuha rin naman nito ang tiwala niya…

Siguro dahil sa lukso ng dugo, mula noong tanggapin ni Little Red Bean si Xu

Jiamu, kapansin-pansin na mas naging close sila kumpara pa kay Song

Xiangsi, pero siyempre mahal niya pa rin naman ang mommy niya, at siguro

sadyang daddy's girl lang talaga siya.

Ngayong araw, lumabas lang sandali si Song Xiangsi. Naiwan si Little Red

Bean sa play room na naglalaro ng slide, kaya noong nagutom na siya,

humingi siya kay Xu Jiamu ng gatas.

Wala pang limang minuto noong bumalik si Xu Jiamu, pero noong sandaling

'yun, aksidente palang nalaglag si Little Red Bean sa slide. Sa totoo lang, hindi

naman talaga siya nasaktan dahil sinadya nina Xu Jiamu at Song Xiangsi na

kapalan ang carpet, pero noong patayo na siya para mag'slide ulit, biglang

bumukas ang pinto, kaya dali-dali siyang bumalik sa pinaglaglagan niya at

umiyak ng umiyak.

At dahil dito, kumaripas naman ng takbo si Xu Jiamu para buhatin siya, pero

pagtahan niya, bigla niyang tinapik ang ulo nito, at kagaya ng madalas niyang

naririnig na sinasabi ng mommy niya, inulit niya ito sa daddy niya, "Ikaw bata

ka, paano ka ba mag'alaga ng bata!"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C959
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES