App herunterladen
97.22% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 946: Pagpapatuloy (27)

Kapitel 946: Pagpapatuloy (27)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sobra ba talaga siyang inlove kay Xu Jiamu para masaktan siya ng ganito?

Kaya sa sobrang bigat, hindi na inalintana ni Yang Sisi na makita siya ng driver

na umiiyak.

Kaya nang mapansin siya nito sa rear view mirror na humihikbi, bigla siyang

inabutan nito ng tissue. "Nakipagbreak?"

"Mmh… Hiniwalayan niya ako."

"Waaa," Hindi talaga si Yang Sisi yung tipo ng tao na makimkim, kaya kahit

hindi sila magkakilala, hindi na siya nagpapigil na ibuhos dito ang lahat ng

gusto niyang sabihin, " Sinaktan niya ako… Wala naman akong kasalanan

sakanya… Pero bakit namimiss ko siya…

"Hindi naman ako si Mother Theresa… Kapag binubully ako ng iba, nagagalit

ako sakanila, pero bakit ngayon, wala akong ibang gustong mangyari kundi

ang maging masaya siya…. at sa tuwing iniisip ko na tatanda nalang siyang

binata, sobrang nalulungkot ako para sakanya…"

Huminto lang si Yang Sisi ng sandali para suminga bago siya tumingin sa

driver at muling magpatuloy, "Sir, tatanungin kita… kapag mahal mo ba ang

isang tao, diba gusto mo rin naman silang sumaya?

"Alam kong nakakatawa, at sa mga libro lang 'to nangyayari, pero alam mo ba?

Gusto ko talaga siyang maging masaya….

"Sir, natatangahan ka ba sakin?

"Sir, ano ba talagang kulang sakin?

"Sir, pagsisisihan niya na hiniwalayan niya ako, diba?

"Sir, Yang Sisi ang pangalan ko, hindi Song Xiangsi.

"Ahahahaha…. Sir, hindi na pala ako pupunta sa ospital, dalhin mo nalang ako

sa EX building."

-

Ngayong hapon ang huling schedule ng pagshushoot ni Song Xiangsi para sa

commercial, pero sa sobrang daming gustong mangyari ng direktor, inabot na

sila ng gabi kaya alas otso na nang makalabas siya ng EX building.

Kagaya ng nakasanayan, si Jiang Licheng muna ang pinagiwanan niya kay

Little Red Bean, at katulad ng dating gawi, ginamit nito ang sasakyan niya

noong sumundo ito sa kindergarten, kaya pagkalabas niya, dumiretso siya sa

gilid ng kalsada para mag'abang ng taxi.

Medyo liblib ang lokasyon ng EX building, kaya medyo matagal bago siya

nakapara ng taxi, at dahil palalim na ng palalim ang gabi, dali-dali siyang

sumakay, pero bago niya pa masabi sa driver kung saan siya pupunta, biglang

may nagsalita sa tabi niya, "Sir, sa sementeryo pos a Western Suburbs."

"Sir, sa Su Yuan apartment…." Bagamat sinubukan niya pang kontrahin ang

sumabat, biglang natigilan si Song Xiangsi nang makilala niya ang babaeng

nasa tabi niya.

Yang Sisi.

Ang girlfriend ni Xu Jiamu…

Anong ginagawa niya rito?

Biglang kumunot ang noo ni Song Xiangsi.

Pero dahil pareho silang nagsabi ng magkaibang lokasyon, nalito ang driver,

kaya bago ito magmaneho, muli itong nagtanong, "Magkasama ba kayo?"

"Opo. Sa Sementeryo pos a Western Suburbs." Nagmamadaling sagot ni Yang

Sisi, sa takot nab aka pumalag pa si Song Xiangsi.

-

Kumpara sa Xu Enterprise, mas malapit ang EX Building sa sementeryo, kaya

wala pang isang oras ay nakarating na sila.

Pinakiusapan ni Yang Sisi ang driver na maghintay lang sandali, pero nang

makita niyang hindi pa bumababa si Song Xiangsi, iritable siyang nagtanong,

"Ano? Hindi ka ba bababa?'

"Miss Yang, bakit mo ba ako dinala dito?"

"Alam mo sa totoo lang, ayaw naman talaga kitang dalhin dito, pero at the

same time, gusto rin kitang dalhin dito, kaya para hindi na ako mailto, dinala

nalang kita." Naiinis na sagot ni Yang Sisi.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C946
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen