Pagkalipas ng halos sampung minutong pakikipaglaro kay Little Red Bean,
muling tumingin si Xu Jiamu kay Song Xiangsi, "Sa makalawa na kayo aalis,
diba?"
"Oo." Nakangiting sagot ni Song Xiangsi habang kinukuha si Little Red Bean.
"Anong oras flight niyo?"
Nang makita ni Little Red Bean na kinukuha na siya ng mommy niya, dali-dali
niyang hinalikan si Xu Jiamu sa pisngi, na sobrang nagpabilis ng tibok ng puso
ni Xu Jiamu.
Pagkatapos, masayang lumapit si Little Red Bean kay Song Xiangsi.
"Alas tres ng hapon." Sagot ni Song Xiangsi habang binubuhat ang bata.
"So mga alas sinco na ng hapon na pala kayo makakarating America."
"Oo… oh paano, kailangan na naming bumalik ni Little Red Bean sa kwarto
namin."
"Sige."
"Bye."
"Bye."
Tinignan ni Song Xiangsi si Little Red bean at mahinahong sinabi, "Mag'bye ka
kay uncle."
"Bye bye, uncle." Malambing na paalam ni Little Red Bean habang ikinakaway
ang napaka cute niyang kamay.
"Bye." Nakangiting sagot ni Xu Jiamu.
Pagkatapos, tuluyan ng naglakad si Song Xiangsi palabas ng CR na buhat-
buhat si Little Red Bean, pero hindi pa man din siya nakakalayo, muli nanaman
siyang tinawag ni Xu Jiamu, "Xiangsi."
Kaya bigla siyang natigilan, pero halos tatlong segundo pa ang lumipas bago
siya dahan-dahang lumingon. "Mm?"
"Nilagay ko yung card ko sa bulsa ni Little Red Bean. Kapag pagod o
nalulungkot ka sa ibang bansa, tawagan mo lang ako anytime. Iuuwi kita dito."
Ibinuka ni Song Xiangsi ang kanyang bibig, pero bandang huli, hindi niya na
tinuloy ang gusto niyang sabihin, at muling tumalikod para magpatuloy sa
paglalakad.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay nanatili lang sakanyang kinatatayuan
habang sinusundan ng tingin ang mag'ina hanggang sa tuluyan ng mawala ang
mga ito.
Ang pinaka malayong distansya sa mundo ay hindi ang distansya nating
dalawa, kung saan ka nakatayo sa malayo ng walang kaalam-alam na mahal
kita, kundi, ang distansya na kahit gaano pa tayo kalapit, ay alam kong hindi
mo na ako kailangan.
Alam kong minahal mo rin ako… Pero para sakin, hindi yung nawala nating
pagkakataonna magsama ang pinaka masakit sa lahat, kundi, ang katotohanan
na wala ka na sa tabi ko, pero nakatira ka pa rin sa puso ko.
-
Noong gabing yun, nagpakalunod si Xu Jiamu sa alak, at kung paano siya
nakauwi sa Mian Xiu Garden? Wala siyang ideya.
Ang natatandaan niya lang, may umakay sakanya noong pasuray-suray siyang
bumaba ng sasakyan niya. Pagkatapos pinisil nito ang ilong niya habang
kinakausap siya na may tonong parang inis na inis. "Jiamu, kanina pa kita
hinihintay. Bakit ngayon ka lang umuwi?"
Pamilyar ang boses, pero kahit anong pilit niya, hindi niya maalala kung kanino
'yun.
Nang sinubukan niyang tignan ang itsura ng taong umakay sakanya, nakita
niya ang mukha ni Song Xiangsi, na hindi nagtagal ay unti-unti ring nawala
kaya bigla niya itong tinulak at pasuray-suray na naglakad papunta sa pintuan,
pero dala ng kalasingan, ilang beses niyang naenter ng mali ang passcode
niya.
"Jiamu, sabihin mo sakin ang passcode, ako na mageenter." Dali-daling
humabol si Yang Sisi para alalayan si Xu Jiamu.
"0513"
Pagkabukas ng pintuan, inakay ni Yang Sisi si Xu Jiamu papasok at hirap na
hirap itong binuhat papunta sa kwarto nito sa taas.
Gamit ang buong lakas, inihiga niya si Xu Jiamu sa kama, bago siya bumaba
para ikuha ito ng mainit na tubig sa kusina, pero pagkabalik niya, marinig
niyang sumusuka ito sa CR.
Kaya dali-dali niyang inilapag ang baso para puntahan ito. Sa tabi ni Xu Jiamu,
sumalampak siya habang hinihimas ang likod nito at nang matantya niyang
kumalma na ang pagsusuka nito, binigay niya ang baso na may lamang tubig
para makapagmumog ito.
Nagmumog lang sandali si Xu Jiamu, at ibinalik din kaagad kay Yang Sisi ang
baso habang hirap na hirap itong tumatayo para maglakad palabas ng CR.
Kaya dali-dali, hinabol niya ito at buong lakas itong inakay pabalik sa kama,
pero noong kukumutan niya na ito bigla siyang natigilan dahil narinig niya itong
bumubulong, "Sisi…"
"Saan pa ba ako makakahanap ng kagaya mo?
"Sisi.. Wag kang umalis…
"Sisi.. Nangako ka sakin diba… wag mo kong iwan..
"Sisi...Sisi..."
Dahil dito, biglang napakapit ng mahigpit sa kumot si Yang Sisi.
Bakit ganun… kahit tinatawag siya ni Xu Jiamu… pakiramdam niya ibang Sisi
ang tinutukoy nito….
-
Kinaumagahan, nagising si Xu Jiamu na may sobrang sakit na ulo.
Parehong pareho pa rin ang damit na suot niya sa kahapon, pero ngayon,
sobrang gusot na nito, at amoy na amoy ang alak at sigarilyo sa buong
katawan niya.
Kaya takang taka siyang bumangon at dumiretso sa CR para maligo.
Pagkababa niya, laking gulat niya nang nakita niya si Yang Sisi na
naghahanda ng hapag kainan.
Kaya bigla siyang natigilan habang inaalala niya kung paano siya sinalubong ni
Yang Sisi.
"Kagigising mo lang? Tara kain." Nakangiting yaya ni Yang Sisi.
Hindi sumagot si Xu Jiamu, naglakad lang siya papunta sa dining area at
walang imik umupo.
Habang naghahanda ng umagahan, binuksan ni Yang Sisi ang TV, at ngayong
nagumpisa na silang kumain, ang kasalukuyang palabas ay isang variety show
patungkol sa mga mga makalumang tula. Sa sobrang tahimik ng buong dining
area, medyo nailang si Yang Sisi kaya nang hindi niya na matiis, gumawa siya
ng paraan para makapagtanong. "Jiamu, anong paborito mong tula?"
Pero dahil ngumunguya si Xu Jiamu, nilunok niya muna ito bago sumagot.
"Xiangsi."
"Huh?" Gulat na gulat na tanong ni Yang Sisi.
"Red berries grow in the South, when Spring comes, I hope that my love would
bring more branches, for it is a symbol of love." Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni
Xu Jiamu ng mga tula at literatura, at ang alam niya lang ay ang mga tulang
pinakabisado sakanila noong elementary at isa na 'dun ang "Xiangsi."
"Gusto ko rin yang tulang yan ni Wang Wei." Nakangiting sagot ni Yang Sisi.
Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Xu Jiamu at muli siyang yumuko para
magpatuloy sa pagkain.
-
Pagkatapos ng agahan, may natanggap na tawag si Xu Jiamu galing sa opisina
kaya dumiretso siya kaagad sa study room.
Samantalang si Yang Sisi naman ay nagpaiwan pa sa kusina para ipagtimpla si
Xu Jiamu ng kape. Pagkaakyat niya sa study room, naabutan niyang may
kausap pa rin ito sa phone habang nagyatype sa laptop nito.
Kaya para hindi ito maistorbo, dahan-dahan niyang inilapag ang kape sa tabi
nito. Pero imbes na umalis kaagad, nanatili pa siya ng halos kalahating minuto
sa kanyang kinatatayuan para pagmasdan si Xu Jiamu hanggang sa makita
niya ang pirma nito sa isang dokumento - sobrang simple pero halatang
elegante.
-
Pagkaputol ng tawag, nakita ni Xu Jiamu si Yang Sisi na nakaupo sa sofa at
abalang nagsusulat habang umiinom ng kape. "Anong sinusulat mo?"
"Pumipirma ako." Masayang itinaas ni Yang Sisi ang papel na hawak nito at
nagpatuloy, "Nakita ko kasi ang ganda ng pirma ko kaya nainggit ako, pero
kahit anong gawin ko, ang pangit talaga eh… Pwede mo ba akong tulungang
pagandahin?"
Tumungo si Xu Jiamu.
Kaya dali-daling tumayo si Yang Sisi, dala ang papel at ball pen, papunta sa
lamesa.
Walang imik na kinuha ni Xu Jiamu ang ballpen, at kagaya ng request ni Yang
Sisi, tinulungan niya itong pumirma, pero sa dami ng 'Yang Sisi' na naisulat
niya, hindi talaga siya makuntento.
Kaya nagpatuloy siya, pero habang nasa kalagiutnaan, bigla itong sumigaw.
"Jiamu, hindi ako si Song Xiangsi."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES