Dahil dito, kinabahan si Xu Jiamu na baka umalis nanaman si Song Xiangsi,
kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Mr. Song para icheck ito.
Kaya si Song Xiangsi, na nasa loob, ay biglang napatalon at gulat na gulat na
napatingin, "Bakit?"
"Wala." Nang makita niya si Song Xiangsi, nakahinga ng maluwag si Xu Jiamu.
Pero hindi niya na ito inistorbo at isinarado lang ulit ang pintuan.
Dahil medyo malalim na ang gabi, niligpit niya lang ng mabilisan ang lamesa at
dumiretso na rin siya sa kwarto ni Song Xiangsi para makapagpahinga, pero
noong papasok na siya, biglang kumidlat ng malakas kaya natigilan siya at
imbes na magpatuloy, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto ni Mr.
Song para silipin si Song Xiangsi.
Pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya itong nakabaluktot sa kama at
mukhang nanginginig sa sobrang takot. Siguro, dahil unang beses niyang
makitang ganun si Song Xiangsi, hindi niya maipaliwanag ang sakit, kaya dali-
dali, tumakbo siya papunta sa tabi nito. "Xiangsi?"
Ilang beses niya itong tinawag, bago nito ilabas ang ulo nito sa kumot, at
tumingin sakanya. "Pwede bang dito ka muna?"
Nang makita niya ang takot sa mga mata nito, lalo siyang nasaktan, kaya
walang pagdadalawang isip siyang tumungo. "Sige."
Ilang araw ng hindi makatulog ng maayos si Song Xiangsi, pero ngayon –
siguro dahil sa presensya ni Xu Jiamu – nakatulog siya kaagad.
Kinabukasan, nakaalis na ang bagyo kaya nang sandaling imulat niya ang
kanyang mga mata, sumalubong sakanya ang napaka gandang kalangitan.
Ngayon nalang siya ulit nakatulog ng mahimbing, kaya kahit gising na siya,
muli siyang pumikit at nanatili pa sa kama ng halos sampung minuto, bago siya
bumangon. Pagkaupo niya, nakita niya si Xu Jiamu na natutulog habang
nakasandal sa kabinet.
At doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.
Sa totoo lang, ayaw na ayaw niyang magpakitang mahina sa harap ng ibang
tao. Pero mula noong mamatay ang papa, sobra talaga siyang nalungkot, kaya
siguro niya nasabi kay Xu Jiamu kagabi na wag muna itong umalis. Ang buong
akala niya, hihintayin lang siya nitong makatulog, pero hindi niya naman naisip
na talagang babatayan siya nito buong magdamag hanggang sa makatulog
nalang ito ng nakaupo dala ng sobrang pagod.
Sobrang putla at itim na ng ilalim ng mga mata nito…
Nitong mga nakaraang araw, aminado siya na mas napagod ito ng di hamak
kumpara sa kanya dahil habang nagluluksa siya, ito ang umasikaso ng lahat.
Pero sa kabila 'nun, kahit kailan, hindi niya ito narinig na nagreklamo o kahit
simpleng sumimangot manlang sakanya.
Siguro dahil natutulog si Xu Jiamu, ngayon nalang ito natititgan ni Song
Xiangsi ng matagal simula noong magkita sila ulit.
Sobrang gwapo pa rin nito kagaya ng dati, pero halatang halata rin na ang laki
na ng kina'matured ng itsura nito ngayon.
Halatang pagod na pagod ito…. Siguro dahil sa pagaasikaso nito sakanila ng
papa niya…
Habang pinagmamasdan ang natutulog na Xu Jiamu, hindi mapigilan ni Song
Xiangsi na hawakan ang nakakunot nitong noo, pero pagdamping pagdampi
palang ng dulo ng kanyang daliri sa balat ni Xu Jiamu, bigla namang nagring
ang phone nito.
Kaya bigla siyang natigilan, at dali-daling binawi ang kanyang kamay sa takot
na baka bigla itong magising at makita siya nito. Pagkatapos, pasimple siyang
sumilip sa screen ng phone nito, pero nang sandaling makita niya ang
pangalan ng tumatawag, muli siyang natigilan.
Sisi… parehong pareho ng palayaw niya…
'Ito ba yung babaeng Yang Sisi raw ang pangalan?'
Siguro dahil hindi naman talaga nawala ang nararamdaman ni Song Xiangsi
para kay Xu Jiamu, masakit pa rin para sakanya ang katotohanan na may
'girlfriend' na ito, kahit pa sabihin niyang tanggap niya ng hindi talaga sila
pwedeng magkatuluyan, kaya napayuko nalang siya at dali-daling lumabas ng
kwarto. Pagkasarado niya ng pintuan, nairnig niyang nagsalita si Xu Jiamu, na
mukhang naalimpungatan sa tunog ng ringtone. "Hello? Bakit?"
"Mmm… wala ako sa Beijing, nasa probinsya ako eh… Hindi ko pa alam kung
kailan ako uuwi… Sige… Oo, inantok pa ako. Mmm. Sige. Bye. Kita nalang
tayo pagbalik ko ng Beijing."
Sa ikapitong araw ng pagkawala ni Mr. Song, umuwi na sina Xu Jiamu at Song
Xiangsi sa Beijing.
Pinaka maagang flight ang kinuha nila, kaya mga bandang ala una ng tanghali,
nakarating na sila sa Beijing.
Bago sila umalis, iniwanan ni Xu Jiamu ang sasakyan niya sa parking lot ng
Beijing Airport, kaya hinatid niya muna si Song Xiangsi.
Dahil patay na oras silang bumyahe, wala pa masyadong mga sasakyan sa
kalsada, kaya wala pang forty minutes ay nakarating na sila sa Su Yuan
apartment.
Pero bago bumaba, tumingin muna si Song Xiangsi kay Xu Jiamu at
nakangiting sinabi, "Jiamu, maraming salamat sa lahat."
Pagkatapos iunlock ang mga pintuan, tumingin din si Xu Jiamu kay Song
Xiangsi at nakangiting sumagot, "Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang
ako. Hindi ako nagpalit ng number."
"Naalala mo ba ang number ko? Kung hindi na…"
Naglabas si Xu Jiamu ng isang business card at iniabot kay Song Xiangsi.
"Nandito ang lahat ng contact details ko."
Pero hindi ito kinuha ni Song Xiangsi at nagpatuloy lang sa pagngiti kay Xu
Jiamu.
Kaya malungkot na yumuko si Xu Jiamu para tignan ang business card na
hawak niya, at muling nagpatuloy, "Xiangsi, nangako ako sa papa mo na
aalagaan kita. Kunin mo na 'to. Kung may kailangan ka, kahit anong oras…"
Pero hindi pa man din tapos si Xu Jiamu sa sinasabi niya nang biglang
magsalita si Song Xiangsi. "Jiamu… Tinawagan ko na ang direktor.
Magshushoot na ulit kami bukas para sa commercial."
Dahil sa sinabi ni Song Xiangsi, biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu. "Diba
sinabi ko naman na sayo? Magpahinga ka muna pagblik natin ng Beijing. Hindi
mo kailangang magmadali…."
"Jiamu," Muling sabat ni Song Xiangsi. "Jiamu, isang linggo nalang, matatapos
na ang pagshushoot ng commercial… Sa susunod na Miyerkules, babalik na
ako sa Amerika…"
Hindi makapaniwala si Xu Jiamu sa sinabi ni Song Xiangsi, kaya halos
kalahating minuto siyang napatitig dito bago siya muling magsalita na halatang
gulat na gulat, "Ba…balik ng Amerika?"
"Oo."
Ang tanging rason lang naman kung bakit umuwi si Song Xiangsi ng Beijing ay
para alagaan ang papa niya, pero ngayong wala na ito, sa tingin niya,
kailangan niya ng umalis ulit.
Alam ng Diyos na sobrang nagpapasalamat siya kay Xu Jiamu para sa lahat ng
ginawa nito para sakanya, pero sa kabila ng lahat ng 'yun, hindi niya na
mababago ang katotohanang hiwalay na sila.
Biglang nanahimik si Xu Jiamu, at dahil dito, sobrang naging nakakailang nga
awra sa loob ng sasakyan, kaya nang hindi na matiis ni Song Xiangsi, muli
siyang nagsalita, "Kung wala ka ng sasabihin, bababa na ako."
Nakatulala lang si Xu Jiamu sa harapan niya, at nang sandaling marinig niya
ang sinabi ni Song Xiangsi, tumungo lang siya.
"Bye." At tuluyan na itong bumaba at pumasok sa apartment nito.
Hindi alam ni Xu Jiamu kung dahil ba nagkasama sila ng ilang araw o dahil sa
mga nalaman niya tungkol dito, pero…. mayroong parte sa puso niya na
humihiling na sana wag na silang magkahiwalay ulit, kahit alam niyang may
asawa at sarili na itong buhay… kaya ngayong sinabi nitong aalis na ito ulit,
para siyang binuhusan ng malamig na tubig na hindi niya alam kung paano
siya gagalaw sa kinauupuan niya at ang tanging nararamdaman niya lang ay
ang nangingig niyang mga kamay.
-
Isang araw pagkatapos nilang bumalik ng Beijing, pumasok na si Xu Jiamu sa
Xu Enterprise, at dahil mahigit sampung araw siyang nawala, natambak na ang
mga trabaho niya. Bukod sa sunod-sunod na mga meeting, halos mamaga na
ang kanyang kamay kakapirma ng iba't-ibang mga dokumento. Hindi rin sapat
ang isang buong araw para mahabol niya ang mga kailangan niyang habulin,
kaya sa madaling salita, kinailangan niyang doblehin ang pagtatrabaho kahit
pa sa opisina na siya matulog.
Apat na magkakasunod na araw siyang nagbabad sa trabaho at halos hindi
makausap bago niya natapos ang lahat.
Kapag nagiging busy ang isang tao, normal lang na hindi niya iniisip ang mga
bagay na malayo sa ginagawa niya, pero sa oras na mabakante siya,
imposibleng hindi niya maalala ang lahat, kaya para aliwin ang sarili,
nakipagmeeting si Xu Jiamu sa isang kliente kahit gabi, pero sa hindi
inaasahang pagkatataon, nagkasalubong sila ni Song xiangsi sa isang seafood
stall sa Xiangyuan.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES