App herunterladen
95.88% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 933: Pagpapatuloy (14)

Kapitel 933: Pagpapatuloy (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Medyo naalimpungatan pa si Xu Jiamu kaya hindi niya pa maintindihan ang

nangyayari noong una, pero nang maproseso na siya… Biglang nawala ang

antok niya.

Maging ang mga tuhod niya ay nanginginig habang nakatitig sa umiiyak na

Song Xiangsi kaya halos tatlong minuto pa ang lumipas na hindi siya

gumagalaw sakanyang kinatatayuan bago niya pilitin ang kanyang sarili na

dahan-dahang maglakad papunta rito.

Nakahiga si Mr. Song habang ang dalawa nitong mga kamay ay nakalapag sa

tyan nito, at kahit sa malyuan, kapansin-pansin na nakangiti ito, na para bang

nanaginip lang ng maganda.

Maingat na hinawakan ni Xu Jiamu ang kamay ni Mr. Song, at nang

maramdaman niyang malamig na ito, muli siyang natigilan at dahan-dahang

tumingin kay Song Xiangsi. Siguro dahil ngayon niya lang ito nakitang umiyak,

pakiramdam niya ay parang sinasaksak ang puso niya, kaya kahit alam niyang

hindi sapat ang mga salitang gusto niyang sabihin, naglakas loob pa rin siyang

lumapit dito para himasin ang balikat nito. "Sisi, wag ka ng malungkot."

Pero parang walang katapusan ang mga luha ni Song Xiangsi, at iyak lang siya

ng iyak.

Alam niya naman na parte talaga ng buhay ang kamatayan, at malinaw din

sakanya na hindi na rin magtatagal ang papa niya, pero hindi niya naman

naisip na ganito kabilis, kaya sobrang sakit para sakanya.

Akala niya pwede niya pang maiuwi ang papa niya sa Beijing para makita si

Little Red Bean. Gusto niya sanang ipakilala ang anak niya, sa

pagbabakasakali na pag nalaman nitong may apo na ito, biglang gumanda ang

kundisyon nito kahit papano. Bago sila matulog, ilang oras na magkahawak

ang mga kamay nila habang pinagkwekwentuhan ang mga nangyari noong

bata pa siya…Mukhang okay naman ito kagabi… Kumpara sa mga nakaraang

araw, alam niyang mas malakas ito. Kaya… Bakit ito biglang namatay?

Habang mas iniisip ni Song Xiangsi ang mga bagay-bagay, lalo lang niyang

hindi matanggap ang nangyari.

Dahan-dahang lumuhod si Xu Jiamu para yakapin si Song Xiangsi, at sa

sobrang tagal nitong umiyak, bandang huli, basang-basa na ng luha ang t-shirt

niya.

-

Pagkalipas ng ilang araw, hindi pa rin tanggap ni Song Xiangsi ang pagkawala

ng papa niya kaya madalas lang siyang nakatulala habang nakayap sa picture

nito.

Kaya si Xu Jiamu nalang ang umasikaso ng lamay ni Mr. Song.

Noong araw ng libing, lahat ng mga kaibigan ni Mr. Song ay dumating.

At dahil hindi pa rin kaya ni Song Xiangsi na humarap kahit kanino, inako na ni

Xu Jiamu ang lahat ng responsibilidad mula sa pagaasikaso ng mga bisita

hanggang sa mismong paglibing ni Mr. Song.

Nilagak si Mr. Song sa tabi mismo ng puntod ni Mrs. Song. Malayong malayo

sa inaasahan, umulan ng sobrang lakas habang ibinababa na ang kabaong ni

Mr. Song, pero sa kabila ng lahat ng putik, sumalampak pa rin si Song Xiangsi

habang emosyunal na umiiyak, kaya nang makita ito ni Xu Jiamu, dali-dali

siyang lumapit para payungan ito.

Hindi ganun kalaki ang payong at literal na si Song Xiangsi lang ang kasya,

kaya bandang huli, basang basa si Xu Jiamu.

Pagsapit ng alas tres ng hapon, isa-isa ng nagsi'alisan ang mga nakiramay,

hanggang sina Xu Jiamu at Song Xiangsi nalang ang naiwan.

Tatlong araw ng hindi masyadong kumakain si Song Xiangsi, at dahil dito,

halatang halata ang laki ng ipinayat nito, kaya naman sinadya ni Xu Jiamu na

paglutuan ito ng lugaw at dalhin sa kwarto nito.

Pagkapasok niya, nakahiga ito sa posisyong nakatalikod sa pintuan, kaya

dahan-dahan niyang inilapag ang dala niyang mangkok sa lamesa na nasa tabi

ng kama. Hindi nagtagal, maingat niyang hinalo, sinandok at hinipan ang

mainit na lugaw, pero noong sinubukan niyang subuan si Song Xiangsi, bigla

nitong hinawi ang kamay niya.

Kaya natapon sa kamay niya ang nakakapasong lugaw.

Biglang natigilan si Song Xiangsi, pero pagkalipas ng halos tatlong segundo,

muli siyang tumalikod, na para bang wala siyang pakielam sa nangyari.

Pero sa kabila nito, walang kahit kaunting galit o inis na naramdaman si Xu

Jiamu, bagkus, pinulot niya lang ang nalaglag na kutsara, nilinis ang mga

naging kalat, at walang imik na lumabas ng kwarto.

Hindi nagtagal, bumalik siya na may dalang bagong mangkok ng lugaw.


Kapitel 934: Pagpapatuloy (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero hindi pa rin kumain si Song Xiangsi.

Siguro hindi pa talaga siya handang makipagusap kahit kanino, kahit kay Xu

Jiamu pa, kaya noong sinubukan nitong subuan siya ulit, bigla siyang

bumangon at walang imik na naglakad papunta sa kwarto ng papa niya, kung

saan naglock siya ng pintuan.

Ilang beses na kumatok si Xu Jiamu, pero dahil ayaw talagang buksan ni Song

Xiangsi, lalo lang siyang nag'alala kaya bandang huli, napagdesisyunan niyang

hanapin nalang ang susi.

Nang mahanap niya na ito, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at

pumasok sa loob, kung saan nakita niya si Song Xiangsi na nakasalampak sa

sahig habang tinutupi ang mga damit ni Mr. Song.

Sa totoo lang, nirerespeto niya naman talaga ang pagluluksa ni Song Xiangsi

at sadyang nagaalala lang talaga siya dahil ilang araw na itong hindi kumakain,

pero noong nakita niyang maayos naman ang lagay nito, hindi na siya

nagsalita pa at tahimik nalang na naglakad palapit para samahan itong

magtupi.

Hindi maintindihan ni Song Xiangsi kung ano ba talagang gustong mangyari ni

Xu Jiamu. Hanggat maari, gusto niya sana talaga munang mapag'isa, pero

akmang itataboy niya sana ito ulit, bigla siyang natigilan nang makita niya ang

namamaga nitong kamay, kaya bandang huli, yumuko nalang siya at

nagpatuloy sa pagtutupi.

Sa kabinet ni Mr. Song, may isang lumang kahon na nakita si Song Xiangsi.

Hindi niya alam kung anong laman nito, pero noong sinubukan niyang kunin,

sobrang bigat, kaya kahit hindi siya humingi ng tulong, nang mapansin ni Xu

Jiamu na nahihirapan siya, walang pagdadalawang isip itong lumapit para

tulungan siya.

Pagkabukas niya ng kahon, tumambad sakanya ang mga litrato niya mula

noong kinder pa lang siya hanggang noong grumaduate siya ng high school.

Sa loob nito, may iba't-ibang klase rin ng libro, notebook, sketchbook, at mga

award… At habang iniisia-isa niya ang mga ito, muli nanaman siyang naging

emosyunal at hindi napigilan ang sarili niyang umiyak.

Ang natatanging tao na kilala niyang sobrang nagmahal sakanya ng buong

puso na alam niyang pwede niyang sandalan kahit anong oras ay iniwan na

siya… At mula ngayon, wala na siyang ibang pwedeng asahan kundi ang sarili

niya…

-

Pagsapit ng gabi, hindi pa rin kumain si Song Xiangsi, at dahil dito, nawalan na

rin ng gana si Xu Jiamu, kaya bandang huli, iniligpit nalang nito ang mga

nakahandang pagkain at inilagay sa ref.

Sa kwarto ni Mr. Song natulog si Song Xiangsi, samantalang si Xu Jiamu

naman ang natulog sa kwarto niya.

Pagsapit ng alas onse, bumuhos ang malakas na ulan, na may kasamang

kidlat, kaya si Xu Jiamu, na kakatulog palang, ay biglang napabangon sa

sobrang gulat.

Naalala niya ang sinabi sakanya ni Mr. Song noong huling beses silang

nagusap. Nabanggit ng matanda na kahit mukhang matapang at malakas na

babae si Sisi, ang totoo ay malambot talaga ang puso nito, at ang kidlat ang

pinaka kinatatakutan nito.

Dahil dito, dali-dali siyang bumangon at walang pagdadalawang isip na

pumunta sa kwarto ni Mr. Song, pero pagkabukas niya ng pintuan, laking gulat

niya dahil wala si Song Xiangsi sa kama.

Kaya kabang-kaba at punong-puno ng pagmamadali niyang hinalughog ang

buong kwarto, at nang makumpirma niyang wala talaga ito sa loob, bumalik

siya sa kwarto ni Song Xiangsi para kunin ang kanyang phone, at nang

sandaling mag'connect na ang tawag, narinig niyang may nagriring galing sa

loob ng kwarto ni Mr. Song.

Sa pagkakataong ito, lalong kinabahan si Xu Jiamu, kaya kahit nakapantulog

pa siya, kumaripas siya ng takbo palabas.

Sa sobrang pagmamadali, wala na sa utak niyang magdala ng payong kaya

pagkasakay niya ng sasakyan, basang basa ang buong katawan niya. Ang una

niyang naisip ay baka pumunta ito sa puntod ni Mr. Song, kaya dumiretso siya

dun, pero noong walang Song Xiangsi siyang nakita, dali-dali siyang

nagmaniobra pabalik. Pagkarating niya sa bahay ng mga Song, nagmamadali

naman siyang tumakbo papasok para tignan kung nakauwi na ba ito, pero bago

pa siya makapasok, bigla siyang naigilan at pagkalipas ng halos dalawang

segundo, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa Baishulin District.

Habang patagal ng patagal, palakas din ng palakas ang ulan, kaya maging ang

mga ilaw sa kalsada ay lumabo na rin, na lalo pang nagpahirap sa paghahanap

niya kay Song Xiangsi.

Kaya gamit ang flash light ng kanyang phone, inikot niya ang buong park

hanggang sa may makita siyang isang taong nakaupo sa isang gilid na

nakayuko sa pagitan ng mga tuhod nito.

Base sa pajama ng tao, sigurado siyang si Song Xiangsi 'yun.

Kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag at walang pagdadalawang isip na

naglakad papunta rito, pero noong malapit na siya, bigla siyang natigilan nang

marinig ang mga hikbi nito na sumasabay sa ulan at kidlat.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C933
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES