Sa tuwing magkasama sila, lagi lang itong kalmado at parang walang iniindang
problema. Pagnagugutom siya, pinagluluto siya nito; kapag nauuhaw siya,
binibigyan siya niyo ng tubig; kapag gusto niyang maligo, pinagiigib siya
nito….Sa totoo lang, wala siyang natatandaan na nagdemand ito sakanya…
Siya ang kusang nagbibigay ng regalo, pero kahit kailan, hindi ito humingi…
Hindi niya ito nakitang umiyak, tumawa ng todo, o kahit manlang nagkwento ng
mga pinagdadaanan nito, simple man o malalim…
Sa walong taon nilang pagsasama, ang buong akala niya ay kilalang kilala niya
na ito… pero ngayon niya lang napagtanto na malayong malayo pala ang Song
Xiangsi na kilala niya sa tunay na Song Xiangsi…
Noong sinabi nitong nagpa'abort ito, sobrang nagalit siya kasi hindi niya
matanggap na ayaw nito sa anak niya… Akala niya, dala lang yun ng pagiging
sobrang makasarili nito… Pero ngayon… narealize niya na hindi si Song
Xiangsi ang sumira ng relasyon nila, kundi siya….
Mula noong nagsama sila, kahit kailan, hindi siya gumawa ng paraan para
maramdaman nitong espesyal ito…
"Tapos, noong naging sikat na si Sisi, ilang beses din siyang hindi nakauwi dito
para magcelebrate ng New Year.
"May isang bisperas ng bagong taon na hindi siya nakauwi kasi may
tatanggapin daw siyang award, pero alam mo ba? Pagtungtong ng alas dose,
tinawagan niya ako… Sobrang tahimik sa linya niya siguro magisa lang siya…
Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasa labas siya 'nun kasi rinig na rinig
yung hangin .
"Sobrang ganado niya habang kinakausap ako…kinuwento niya na nakuha niya
ang best actress award at malaki daw ang nakuha niyang pera… Pagkatapos
daw nun, lalo pang lalaki ang kita niya kaya magtatrabaho siya ng mas maigi
para raw makapag enjoy ako pagtanda ko… Marami siyang kinuwento… Pero
alam ko, hindi siya masaya…
"Noong gabing 'yun, matagal kaming nagusap… Hindi ko sinabi sakanya na
nararamdaman ko, pero sigurado ako… Papa niya ako eh… Siguro malungkot
siyang magcelebrate magisa ng New Year kaya tinawagan niya ako."
Nanatiling tahimik si Xu Jiamu, pero sa pagkakataong ito, maging siya ay
mangiyak-ngiyak na rin habang nakikinig kay Mr. Song.
Noong gabing natanggap ni Song Xiangsi ang best actress award, nakita
niyang nag'missed call ito sakanya, pero dahil nagkakasiyahan sila ng mga
kaibigan niya, hindi niya narinig na nag'alert ang kanyang phone.
Kinaumagahan niya na ito tinawagan para itanong kung bakit. Ang sabi nito
wala naman daw problema… Noong tinanong niya naman kung nasaan ito,
sabi lang nito, umuwi raw ito ng probinsya…
Naniwala naman siya.
Ngayon niya lang nalaman na nag'New Year pala ito ng magisa sa Beijing.
Siguro sobrang lungkot nito nung gabing yun, pero nasan siya para damayan
ito?
Oo nga pala… Kahit kailan, hindi niya pinaramdam kay Song Xiangsi na
mahalaga ito sakanya, kaya bakit naman ito dedepende sakanya?
Pagkatapos ng mga litrato, binuklat naman ni Mr. Song ang mga tinago niyang
ginupit na magazine at dyaryo. Bilang tatay, siya ang higit na nasasaktan
ngayon na inaalala niya ang mga pinagdaanan ng anak, kaya bago
magpatuloy, pinunasan niya muna ang kanyang mga luha. "Maganda ba ang
Sisi ko?"
Tumungo si Xu Jiamu. "Sobra po."
"Ibig sabihin… ang ganda niya ang dahilan kung bakit mo siya nagustuhan at
binigyan ng fifty thousand dollars?"
Hindi inaasahan ni Xu Jiamu ang magiging tanong ni Mr. Song, kaya hindi siya
nakapagsalita habang nakatitig dito.
"Wag mo ng itago, alam kong walang boyfriend ang anak ko." Bakas ang
konsensya sa mga mata ni Mr. Song habang nagpapatuloy. "Alam kong
nakipag kasundo siya sayo para sa pampabayad sa operasyon ko. Alam ko na
'yun noong araw palang na binayaran niya ang mga bill ko sa ospital. Anak ko
siya kaya kilalang kilala ko siya… Alam ko kapag nagsisinungaling siya. Alam
ko na noon pa pero hindi ko lang sinabi sakanya kasi alam kong malungkot na
siya at ayokong dagdagan pa yun, at ang tanging rason lang kaya nagpumilit
ako sakanya na makita ka ay dahil may gusto akong ibigay sayo."
Dahan-dahan, nilabas ni Mr. Song ang isang bank card galing sa ilalim ng
unan niya at ibinigay kay Xu Jiamu. "May ten million RMB na laman ang card
na 'to. Hindi to pera ni Sisi. Inipon ko 'to noong nagtatrabaho pa ako. Para
sayo 'to."
Hindi maintindihan ni Xu Jiamu kung anong ibig sabihin ni Mr. Song, kaya
biglang kumunot ang kanayng noo at hindi kinuha ang binibigay nito.
Pero pinilit itong ibigay sakanya ng matanda habang nagpapatuloy, "Kapag
naging tatay ka na, maiintindihan mo kung bakit. Mas mamatamisin pa ng
isang tatay na mamatay kaysa maghirap ang anak niya, kaya kunin mo na
ang pera na to. Wala ng rason para ituloy niya yan. Para 'to sa anak ko…
Gusto kong mabawi niya ang dignidad niya. Kung nirerespeto mo ang anak
ko, kunin mo na ang pera na 'to."
Kahit na hindi naman sinisisi ni Mr. Song si Xu Jiamu, hiyang-hiya si Xu
Jiamu at hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng matanda.
"Eleven years na kayong magkakilala ni Sisi, tama…" Sa puntong ito,
mukhang napagod na si Mr. Song dahil pahina na ng pahina ang boses niya
habang nagsasalita, "Hindi maikli ang eleven years at ilang eleven years lang
ang mayroon ang isang tao sa buong buhay niya… Gusto lang sabihin sayo
na ang pinaka masasayang araw ng buhay ni Sisi ay ginamit niya sa tabi
mo…"
Nang marinig ito ni Xu Jiamu, biglang siyang napahawak ng mahigpit sa bank
card na binigay ni Mr. Song.
Dahan-dahang tumingin si Mr. Song kay Xu Jiamu at nakangiting nagpatuloy,
"Kahit na tatlong araw palang tayong magkakilala, alam kong mahalaga sayo
si Sisi, kasi kung hindi, naniniwala akong hindi ka magpupumilit na sumama
dito at magsayang ng oras para alagaan ang isang matandang malapit ng
mamatay.
"May dahilan ako kung bakit ko inutusan si Sisi at yun ay dahil may hiling ako
sayo." Halos tatlong segundong natigilan si Mr. Song bago muling magsalita,
"Kayo man o hindi ang magkatuluyan ni Sisi, sana naman iparamdam mo
sakanya na espesyal siya kahit kaunti."
"Alam kong sobra sobra 'tong hiling ko sayo, pero kung hindi naman talaga
kayo ang magkakatuluyan, hindi mo na siya kailangang isipin. Sobrang
nagaalala talaga ako para sakanya… Kapag nawala na ako, wala na siyang
pamilya. Kapag nasasaktan siya, wala na siyang maiiyakan. Siguro hindi mo
naiintindihan… Pero ang pinaka pinagsisisihan ko sa lahat ay yung hindi ko
na siya maabutang magkaroon ng pamilya…
"At sa tuwing iniisip ko 'yun, sobrang nasasaktan ako… pero bukod sayo,
hindi ko na alam kung kanino ko 'to sasabihin. Nagmamakaawa ako sa…
Pwede mo bang ipangako na kahit anong manyari sainyo ni Sisi,
magkatuluyan man kayo o hindi, kapag nasasaktan siya, pwede bang alagaan
mo siya para sa akin? Pwede bang ikaw ang maging sandalan niya…"
Walang pagdadalawang isip, tumungo si Xu Jiamu. "Nangangako po ako. Wag
po kayong magalala, aalagaan ko po siya."
Nang marinig ni Mr. Song ang sagot ni Xu Jiamu, kampante na siya.
"Kanina pa tayo naguusap, pagod na ako. Magpapahinga muna ako. O siya…
silipin mo muna si Sisi, baka kailangan niya ng tulong."
Magalang na tumungo si Xu Jiamu, pero bago lumabas, tinulungan niya muna
si Mr. Song na humiga at magkumot.
-
Habang hinihintay ni Xu Jiamu si Song Xiangsi sa labas ng bahay, sinulit niya
muna ang pagkakataong makapag sigarilyo.
Paulit-ulit sa utak niya ang mga salitang binitawan ni Mr. Song… Hindi niya
alam kung bakit pero habang iniisip ang mga ito, naalala niya ang sinabi
sakanya ni Song Xiangsi noong nasa ospital palang sila, "Pwede bang
magpanggap kang sweet sakin mamaya… Kahit sa harapan lang ni papa…"
Noong oras na 'yun, dali-dali itong umiling at pinalitan ang sinabi nito na ang
kailangan niya lang gawin ay kausapin ang papa nito ng sandali.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES