"Siguro nasa thirty na siya no… Ibig sabihin… Mas matanda siya sa akin ng
limang taon, pero tignan mo, ang layo ng dipirensya namin parang mas mukha
pa siyang bata sakin…"
Walang imik at nakangiti lang si Xu Jiamu habang naghihimutok si Yang Sisi.
"Pupumunta lang ako sa CR sandali. Hintayin mo nalang ako dito."
Walang tutol namang tumungo si Yang Sisi.
Dahan-dahang tumayo si Xu Jiamu, at habang naglalakad, muli niyang sinilip si
Song Xiangsi, na nasa itaas ng stage at gumagawa ng iba't-ibang pose base
sa utos ng cameraman.
-
Pagkatapos ng unang set ng picture, kailangan ni Song Xiangsi na magtanggal
ng makeup.
Parehong may CR sa magkabilang dulo ng set, pero pinili niyang pumunta sa
gawing kanan, at noong malapit na siya, hindi niya inaasahan na makikita niya
si Xu Jiamu na nagsisigarilyo sa tapat nito.
Kaya napahinto siya sa paglalakad, na para bang gusto niyang umatras at
lumipat nalang sa CR na nasa bandang kaliwa, pero bago pa siya makapag
desisyon, bigla itong tumingin sakanya at tinitigan siya ng diretso sa mga
mata.
Dahil dito, biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa dala niyang cleansing
lotion…Sa pagkakataong ito, alam niyang hindi na magandang ideya kung
aatras pa siya. Isa pa, ano pang dahilan niya eh nakita na siya nito, kaya
yumuko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam niyang
sinusundan siya nito ng tingin, at sa totoo lang hinihintay niyang tawagin siya
nito… Pero kagaya niya, yumuko lang din ito at pinatay ang hawak nitong
sigarilyo sa katabi nitong ash tray.
Pagkatapos niyang maghilamos, narinig niyang bumubulong si Xu Jiamu sa
labas, "Sigem pabalik na ako. Hintayin mo nalang ako sa labas ng set…
Mmmm."
At hindi nagtagal, narinig niya ang yabag ng mga paa nito na naglalakad
palayo.
Sa loob, nakikiramdam lang siya at nang masiguro niyang wala na talaga ito,
dahan-dahan siyang naglakad palabas, pero nang silipin niya ang pwesto kung
saan nakita itong nakatayo, muli siyang natigilan dahil hindi siya makapaniwala
sa ga-bundok na upos ng sigarilyong iniwan nito. So…. Si Xu Jiamu ang
umubos ng lahat ng yan?
Sa tagal nilang nagsama, alam niyang nagsisigarilyo talaga si Xu Jiamu, pero
hindi naman ganito kalala…at base sa pagkakaalam niya, naninigarilyo lang ito
kapag hindi maganda ang mood nito.
Tama…. Tandang-tanda niya na nakita niya itong nagsigarilyo ng sobrang dami
ay noong kumalat ang scandal ni Qiao Anhao at pagkatapos nilang dalhin ang
mama nito sa police station.
Pero…. walang wala ang dami 'nun, sa dami ng stick na naubhos nito
ngayon…
'May nagpagalit ba sakanya ngayon?'
"Sis Xiangsi, bakit nakatayo ka lang jan? Hinihintay ka na nila!"
Kanina pa naghihintay ang assistant niya sa set, pero nang hindi siya bumalik
kaagad, alalang alala itong hinanap siya.
At dahil sa boses nito, bigla siyang nahimasmasan. Inabot niya rito ang hawak
niyang cleasing lotion, at parang walang nangyari, naglakad siya pabalik sa
set.
-
Bilang major investor ng commercial, niyaya ni Xu Jiamu ang lahat ng staff na
mag dinner.
Sobrang laki ng private room na kinuha niya, at sa loob ay may isang malaking
round table, na kasya silang lahat.
Pero dahil dalawa sina Song Xiangsi at Xu Jiamu sa mga pinaka importanteng
tao sa investment na ito, sinadya ng ibang staff na iwanan sila ng mga upuan
na halos magkalapit.
Halos lahat ng nasa private room ay nabasa na ang balitang may 'girlfriend' na
si Xu Jiamu, at ngayon na dinala niya si Yang Sisi sa set, nakumpirma na ng
lahat na may relasyon nga sila, kaya naman sobrang naintriga ang lahat at
walang awat ang mga ito katatanong tungkol sakanya.
At siyempre, bilang 'girlfriend' ni Xu Jiamu, game na game naman si Yang
Sisi na makipag'inuman at sumagot sa mga tanong ng mga ito.
Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang beses na naipit siya sa ganitong
klaseng sitwasyon, kaya medyo kinakabahan siya. Sa tuwing may
magtatanong sa kanya, sumisilip muna siya kay Xu Jiamu, bago siya sumagot
at makipag toast.
Alam ni Xu Jiamu na nakakailang ito para sa isnag normal na tao, kaya hindi
niya napigilang magsalita, "Guys, wag niyo na nga siyang pagtripan."
Kahit na walang emosyon ang tono ng boses niya, para sa lahat sobrang
protective niya sakanyang 'girlfriend'.
Pagkatapos, tinawag niya ang waiter para palitan ang basong hawak ni Yang
Sisi na may lamang wine ng isang mainit na corn juice, bago niya lagyan ng
pagkain ang bowl nito.
Dahil sa ginawa niya, napangiti ang lahat sa sobrang kilig…
Oo… Kasama si Song Xiangsi sa mga ngumiti….Pero kapansin-pansin na sa
tuwing may magpapainom sakanya, hindi siya tumatanggi kagaya ng lagi
niyang ginagawa noon at talagang iniinom ang kahit anong ipainom sakanya.
Hindi masyadong nagsasalita si Xu Jiamu, pero mahilig din talaga siyang
uminom kaya habang nagkwekwentuhan ang lahat, walang tigil din siya sa
paginom. Maya't-maya, sinisilip niya si Song Xiangsi, kaya tantsado niya
kung gaano na karami ang naiinom nito, at dahil dito, bigla siyang napakunot
ng noo.
"Jiamu… ang lakas palang uminom ni Song Xiangsi no," bulong ni Yang Sisi,
na nakatitig rin kay Song Xiangsi.
Ngumiti lang si Xu Jiamu kay Yang Sisi, at muli, nilagyan niya ng laman ang
bowl nito.
"Jiamu, nakalimutan mo na ba? Hindi ako kumakain ng mushrooms." Himutok
ni Yang Sisi habang ibinabalik sa bowl ni Xu Jiamu ang mushroom na inilagay
nito.
Maging si Xu Jiamu ay nagulat sa ginawa niya, kaya dali-dali siyang kumuha
ng isda na muli niyang inilagay sa bowl nito.
At doon lang ngumiti si Yang Sisi at nagpatuloy sa pagkain.
Tinitigan ni Xu Jiamu ang mushrooms na nasa plato niya, at pagkalipas ng
ilang segundo, muli niyang kinuha ang kanyang chopsticks at dahan-dahan
itong isinubo.
Si Song Xiangsi ang mahilig kumain ng muchrooms…
May isang private restaurant sa Second Ring Road ng Beijing na nagseserve
ng masasarap na putahe ng mushroom. Yun ang paboritong kainan ni Song
Xiangsi…Noong unang beses silang kumain sa labas ni Yang Sisi, dinala niya
ito doon, pero sa kasamaang palad, nalaman niya na hindi pala ito kumakain
ng mushrooms, kaya mula 'nun, naging maingat na siya sa tuwing magoorder
ng pagkain kapag tmagkasama sila. Pero ngayong gabi….halos eighty
percent ng mga inorder niyang ay may mushroom…
-
Dahil ayaw painumin ni Xu Jiamu si Yang Sisi, ang lahat ng atensyon ay
nabaling kay Song Xiangsi na ni isang beses ay hindi tumanggi.
Natural na malakas ang alcohol tolerance ni Song Xiangsi, pero matapos ang
sunod-sunod na paginom ng hindi niya na mabilang kung ilang baso na,
dumating na siya sa puntong hindi niya na kayang sundan pa .
Sa mata ng lahat, kalmado at walang pakielam si Xu Jiamu, pero sa
anggulong hindi nakikita ng kahit sino, maging ni Yang Sisi, pahigpit ng
pahigpit ang pagkakahawak niya sa chopsticks na nasa kanyang kamay
habang tinitignan si Song Xiangsi na halatang lasing na.
Tsk ang babaeng yan… halos siya na ang umubos ng isang litrong alak
ah….Isa pa, mula noong magumpisa ang dinner, hindi pa siya kumakain kahit
kaunti. Nagpapakamatay ba siya?
Ilang sandali pa ang lumipas, hindi na talaga kinaya ni Song Xiangsi kaya
bigla itong tumayo at nagpaalam na lalabas muna sandali.
Dahil dito, pakunot ng pakunot ang noo ni Xu Jiamu habang pinapanuod ang
mga nangyayari, at nang makita niyang pasuray-suray si Song Xiangsi, hindi
niya na natiis, kaya tuluyan niya ng inilapag ang hawak niyang chopsticks at
nagmamadaling lumabas para sundan ito. "Magsisigarilyo lang ako."
Mabilis siyang naglakad papuntang CR pero medyo malayo pa man din siya,
rinig na rinig niya ng may sumusuka sa loob at sigurado siya na si Song
Xiangsi 'yun.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES