Na sinundan naman ng mahinahong boses ng isang babae. "Sorry, hindi ako nakarating
kaagad."
Isang napakapamilyar na boses….Sa totoo lang, gusto sanang hawakan ni Xu Jiamu
ang maliit na kamay ni Little Red Bean, pero nang sandaling marinig niya ito, bigla
siyang natigilan…
Bigla siyang napalunok at dahan-dahang lumingon. "Little Red Bean, nandito na ang
mommy mo."
Sa likod ng principal, may isang lalaking pumasok.
Na sa tantsa niya ay nasa bandang thirty-eight years old pataas na ang edad, at kung
pakiramdam lang ang pagbabasehan, palagay niya ay mabuti itong tao.
Pagkalingon ni Little Red Bean, biglang nanlaki ang mga mata nito, at masayang
napasigaw "Daddy!"
Pero wala pang dalawang segundo, may isang babaeng nakasuot ng pulang t-shirt at
palda naman ang pumasok sa classroom....Kagaya ng nakita niya kanina, nakashades
at nakasumbrero pa rin ito, at ang tanging pinagkaiba lang ay mas totoo ang ngiti nito
ngayon…. "Little Red Bean…"
Alam ni Song Xiangsi na magkaklase sina Little Red Bean at Little Rice Cake pero hindi
niya naman inaasahan na magkikita sila ngayong araw ni Xu Jiamu…. at maabutan
niya pang magkayap ang mag'ama…. Kaya nang sandaling makita niya ang eksenang
ito, literal na bigla siyang napahinto sa paglalakad at pagsasalita.
Maging si Xu Jiamu ay natigilan din at gulat na gulat na napatingin kay Song Xiangsi, at
kahit anong pilit niyang iwasan ito, pakiramdam niya ay nagkukusa ang kanyang mga
mata na titigan ito, kaya bandang huli, hindi niya na namalayan na lumapit pala sakanya
ang kasama nitong lalaki para kunin si Little Red Bean.
Hindi niya alam kung paano siya nahimasmasan, pero ang sunod niya nalang na nakita
ay hinahalikan na ni Little Red Bean ang lalaki sa pingi nito at masayang sinasabi, "I
miss you daddy so so sooo much."
Kagaya ni Little Red Bean, hinalikan din ito ng lalaki sa pisngi. "Daddy missed Little Red
Bean too, so so soo much."
Pagkatapos, masayang sumandal ang batang babae sa balikat ng lalaki, at nang
sandaling makita nito si Song Xiangsi na nakatulala sa may pintuan, muli itong
nagsalita, "Mommy."
Daddy... Mommy...
Ang dalawang salitang ito ay parang matatalas na kutsilyong sumaksak sa puso ni Xu
Jiamu…
Paano niya naman makakalimutan ang 'tsismis' na ikinasal na si Song Xiangsi sa
America sa isang diborsyadong lalaki? Ayon sa balita, may dalawang anak daw ang
lalaki sa dati nitong asawa; walong taon ang panganay at tatlong taon naman ang
bunso.
Dagdag pa ng nagkwento, maraming nanghihinayang sa naging kapalaran nito, dahil
hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na minsan itong naging dream girl ng kahit
sinong lalaki sa China, pero bandang huli pala, ay ikakasal lang ito sa isang normal na
lalaking hindi naman ganun kayaman, at may dalawa pang anak.
Pero ang tanging rason lang naman kung bakit tinatawag niya itong 'tsismis' ay dahil
paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na hindi totoo ang mga balitang ito.
Kanina, narinig niya nanaman ang balitang ito habang kalaro niya sina Mr. Zhang at Mr.
Luo sa Royal Palace.
Sa totoo lang…. natatakot siya… natatakot talaga siyang malaman kung totoo ba o
hindi ang kumakalat na balita, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang galit na
galit sakanya ang langit, na wala pang limang oras ay sinampal na siya ng katotohana
na paulit-ulit niyang pinilit takbuhan sa loob ng tatlong taon na nagdaan.
Hindi niya alam kung ano ba eksakto ang dapat niyang maramdaman , pero siguro dala
na rin ng sobra sobra niyang emosyon, biglang nanginig ang kanyang buong katawan
habang nakatitig kay Song Xiangsi.
Pero ayaw niya namang magmukhang desperado sa harap nito… at ng asawa nito…
Wala siyang ideya sa kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon, at hindi rin siya
sigurado kung kagaya niya, ay apektado rin ito, pero nang tawagin ito ni Little Red Bean
ng "Mommy", kitang-kita niya na yumuko ito, at pagkalipas ng kulang-kulang isang
segundo, muli nitong iniangat ang ulo nito at naglakad na parang walang nangyari
papunta kay Little Red Bean para haplusin ang buhok ng batang babae.
Walang kaalam-alam ang principal na magkakilala sina Xu Jiamu at Song Xiangsi kaya
bilang respeto sa dalawang kampo, pinakilala niya ang mga ito sa isa't-isa. "Hello Miss
Song, ito po ang uncle ni Little Rice Cake, si Mr. Xu. Xu Jiamu."
Nang sandaling banggitin ng principal ang pangalan ni Xu Jiamu, mahahalatang biglang
nadistract ang lalaking tinawag ni Little Red Bean na daddy, at sa anggulong hindi
nakikita ni Xu Jiamu, ilang beses niya itong tinignan.
Nakangiting nagpatuloy ang principal, "Mr. Xu, sigurado naman akong kilala mo an
gating big star, si Miss Song. Song Xiangsi. At ito nga pala ang asawa niya, si Jiang
Licheng, o Mr. Jiang nalang."
Pinalaglag ni Song Xiangsi ang anak niya… at pagkalipas ng tatlong taon… malalaman
niyang nagpakasal na pala ito sa iba at nakuntento nalang na maging isang stepmother
ng mga batang hindi naman nito kadugo…
Habang pinapakilala ng principal ang 'mag-asawa' kay Xu Jiamu, bigla siyang ikinuyom
ng kanyang mga kamay, na sa sobrang tindi ng pwersa ay halos bumaon na ang mga
kuko niya sa kanyang mga palad.
Pagkatapos makinig ni Jiang Licheng sa sinasabi ng principal, tumingin ito kay Xu
Jiamu, para ngumiti, ng sobrang nakakailang, at makipagkamay. "Mr. Xu."
At parang isang robot, nakipagkamay din si Xu Jiamu at magalang na bumati. "Hello,
Mr. Jiang."
Pagkatapos magbitaw ng dalawa, si Song Xiangsi, na nakatayo sa tabi ni Jiang
Licheng, ang sumunod na nakangiting nakipag kamay, at mahinahong sinabi, "Mr. Xu,
maraming salamat sa pagbabantay kay Little Red Bean."
Tinawag siya nitong Mr. Xu…. Bakit… Bakit… Parang sobrang kalmado lang nito… Na
para bang wala silang pinagsamaan noon, at ito ang kauna-unahhan nilang pagkikita….
Pero hindi kagaya ni Song Xiangsi, hindi niya kayang magpanggap na kalmado, kaya
ilang segundo pa ang lumipas bago siya nahimasmasan at nakipagkamay dito.
Kagaya noon… malamig pa rin ang mga kamay nito kahit tag'init… at sobrang lambot…
na noong sandaling mahawakan niya, ay parang gusto ng sumabog ng puso niya sa
sobrang bilis ng pagtibok nito…..
Pero kagaya nga ng pinanghahawakan niyang paninindigan… Ayaw niyang
magpakitang desperado sa harapan nito, kaya lakas loob niyang pinilit na kumalma at
sumagot, "Walang anuman, Mrs. Song."
Ngumiti lang ito sakanya, at wala ng sinabi pang kasunod… Pagkatapos, kalmado
nitong binitawan ang kanyang kamay, at parang walang nangyari, tumingin ito sa
principal para humingi ng tawad. "Pasensya na talaga para sa araw na 'to. Medyo
nalate ako ng labas sa trabaho. Oh paano, mauna na kami."
"Sige, bye." Nakangiting sagot ng principal.
Ngumiti lang din si Song Xiangsi sa principal, bago nito tignan si Jiang Lincheng, na
walang emosyong nagpaalam kay Xu Jiamu, habang buhat-buhat si Little Red Bean.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay nanatiling tulala sa kanyang kinatatayuan
hanggang sa tuluyan ng hindi maaninag ang dalawa.
Pagkatapos kumain ni Little Rice Cake, nagtataka niyang tinignan si Xu Jiamu, at nang
mapansin niyang hindi ito gumagalaw, dali-dali siyang bumaba sa upuan niya para
lapitan ito, "Uncle, uwi na tayo."
Pero ang magiliw na uncle, ay walang karea-reaksyong yumuko para buhatin si Little
Rice Cake, kasama ang mga gamit nito, at nagpaalam sa principal bago lumabas ng
classroom.
Dahil sa kakaantay sa sundo ni Little Red Bean, nauna pang nakauwi sina Lu Jinnian at
Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden. Sa totoo lang, wala naman itong problema sa
mag'asawa dahil tiwala naman sila kay Xu Jiamu, kaya nang sandaling magdoorbell ito,
si Qiao Anhao pa mismo ang masayang sumalubong. Pero pagkabukas niya ang
pintuan, hindi niya inaasahan na tatambad sakanya ang isang napakaputlang Xu Jiamu,
kaya ang masaya niyang ngiti ay napalitan ng sobrang pagaalala, "Anong nangyari?
Masama ba ang pakiramdam mo?"
Pero kagaya ng inaasahan, umiling lang ito at maingat na ibinaba si Little Rice Cake.
Pagkatapos, inabot nito sakanya ang bag ng bata at hindi pa man din siya
nakakapagpasalamat ay nagmamadali itong nagpaalam na aalis na ito, "Mauna na
ako."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES