"Paano mo ba ako naalala, ang masasaya ba o ang malulungkot…Sa mga
nagdaang taon, may nagpapasaya na ba sayo ngayon…"
At noong sandali ring iyon, unti-unti niyang naalala ang ilang mga linyang
binitawan nito sakanya noon.
"Jiamu, nandito lang ako."
"Jiamu, buntis ako."
"Jiamu, maghiwalay na tayo…"
Napahawak si Xu Jiamu ng mahigpit sa kanyang manibela, at bilang sobrang
emosyunal na tao, tuluyan na siyang sumabog at nagiiyak. "Xiangsi,
Xiangsi…"
"Paano mo ba ako naalala, ang masasaya ba o ang malulungkot…Sa mga
nagdaang taon, may nagpapasaya na ba sayo ngayon…"
"Bakit ba ngayon ko lang nalamang mahal kita… kung kailan wala ka na…
"At kahit gaano pa karaming luha ang iiyak ko araw-araw, alam kong balewala
na ang lahat ng ito dahil kahit kailan…. Hindi ka na babalik."
-
Saktong alas dose sa Seattle, nagbukas ang delivery room at ang pagod na
pagod na Song Xiangsi at nagmamadaling ipinasok. Hindi kagaya ni Qiao
Anhao, wala pang isang minuto nang maglakad ang isang nurse, na may
blondeng buhok papalapit sakanya, dala-dala ang isang batang nakabalot sa
tela. Nginitian siya nito at sinabi, "Congratulations, it's a princess."
"Thank you." Nakangiting sagot ni Song Xiangsi sa nurse, na masayang
ipinasa sakanya ang bata.
Mamula mula ang balat ng baby niya at noong nakita siya nitong nakatitig,
bigla itong ngumiti sakanya.
Kaya ang lahat ng pagod na naramdaman niya habang nagle'labor ay napawi
noong nakita niya ang magandang ngiti ng kanyang munting prinsesa. Dahan-
dahan siyang yumuko para titigan ang napakagandang batang nasa braso niya
at noong sandaling iyon, wala siyang ibang maramdaman kundi ang
naguumapaw na kaligayahan at kapanatagan.
Hindi nagtagal, nakatulog din kaagad ang baby sa braso niya.
Hindi maawat ni Song Xiangsi ang sarili niya sa katititig sakanyang anak,
habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa pagdiriwang ng pasko.
Pagkalipas ng ilang minuto, dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at
humarap sa bandang silangan. Alam niyang milyun-milyong milya ang layo ng
nito mula sakanya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niyang tumingin
sa direksyong ito.
Kamusta kaya ang pasko sa Beijing?
Kamusta na kaya si Xu Jiamu?
Hindi nagtagal, muli siyang yumuko para titigan ang munting prinsesang,
kasalukuyang sobrang sarap ng tulog sakanyang braso, at kagaya noong una
niya itong nakita, muli siyang napangiti sa sobrang saya.
Ngunit sa kabila ng kanyang matamis na ngiti, hindi imposibleng mabasa ang
kalungkutan na bumabalot sakanyang mga mata.
Sa loob ng siyam na buwan, nagkatotoo ang pangako nila sa isa't-isa na
tuluyan ng mawalan ng koneksyon…
-
Alas dose na ng madaling araw noong lumabas si Lu Jinnian ng private room.
Sobrang daming nainom ng iba nilang mga kasama, kaya pasuray-suray na
ang mga ito noong naglakad palabas.
Sakto, naabutan nila ang isang napakagandang fireworks display kaya
huminto muna sandali. Dala ng kalasingan, nagtatatalon at nagsisigaw si
Qiao Anxia, at maging si Chen Yang ay hindi na rin siya maawat. Natural
talaga siyang malambing, pero ngayong nasa ilalim siya ng impluwensya ng
alak, lalo pa itong na-trigger, kaya para siyang pusang yakap ng yakap kay
Chen Yang at nagsisigaw, "Mahal kita, Chen Yang."
Kaya ang mga pasuray-suray na Zhao Meng at assistant ni Lu Jinnian, ay
natawa nalang sa pinaggagawa ni Qiao Anxia.
Samantalang si Qiao Anhao naman na nakatayo sa pinaka mataas na
tungtungan ng hagdanan, ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Lu Jinnian
habang masayang pinagmamasdan ang lahat.
Pagkatapos ng fireworks, tuluyan na silang naghiwa-hiwalay.
Dahil hindi uminom ng kahit anong alak si Qiao Anhao, nasa wisyo siyang
magmaneho, kaya imbes na mag'taxi, kagaya ng iba, ay naglakad sila ni Lu
Jinnian papunta sa parking lot.
Maraming nainom si Lu Jinnian, pero hindi pa naman siya lasing. Sobrang
lakas ng snow, at mula sa entrance ng club, malayo pa ang parking lot, kaya
sa takot niya na baka magkasakit si Qiao Anhao, hinubad niya ang suot
niyang jacket at pinasuot dito bago siya bumaluktot para pasanin ito.
Sumandal si Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian habang inaalala ang isang
napaka pamilyar na eksena na nangyari noong nakaraang taon – Noong
gabing yun, dahil sa road construction, makapasok ang mga sasakyan sa
Mian Xiu Garden, kaya kinailangan nilang maglakad ng ilang metro. Pero
dahil katatapos lang ng ulan, natakot si Lu Jinnian na mabasa ang kanyang
mga paa, kaya kagaya ngayon, pinasan din siya nito.
Sa totoo lang, kahit ngayong magasawa na sila at mayroon na silang Little
Rice Cake, pakiramdam niya ay para pa rin siyang nasa isang napaka
gandang panaginip… Hinding hindi niya makalimutan ang bawat detalye ng
nangyari sakanila….Ang pagkikita nila, labintatlong taon na ang nakakaraan;
ang buhay nila bilang mga high school; ang pagiging long distance nila noong
college; ang ilang taong hindi nila paguusap pagkatapos ng graduation; ang
muli nilang pagkikita noong nakaraang taon; at sa wakas, ang kasal nila
ngayong taon….
Walang mapaglagyan ang saya niya lalo na ngayon na pwede niya ng
sabihing, 'sa wakas, nagkaroon na kami ng happy ending'.
Ngayong araw, nakalabas na siya sa ospital at nakapagcelebrate na sila ng
ika-one month ni Little Rice Cake, kasama ang buong pamilya at malalapit na
kaibigan…Totoong sobrang napagod siya ngayong araw dahil medyo matagal
din na limitado lang ang galaw niya. Pero, sa kabila nito, sigurado siya na
sobrang saya ng puso niya. Niyakap niya ang leeg ni Lu Jinnian, at habang
nilalabanan ang napakalamig na hangin, kwento lang siya ng kwento ng lahat
ng gusto niyang ikwento.
Inulit niya ang mga kwento na nangyari noong hindi pa nila alam na pareho
pa silang may gusto sa isa't-isa; ang mga gusto niyang mangyari sa future
nilang pamilya; ang mga gagawin nila kapag matanda na sila; at kung paano
siya mamatay sa harapan nito.
Sa kabuuhan, nakangiti lang siya habang nagkwekwento sa tenga ni Lu
Jinnian, "Lu Jinnian, paano kung balang araw may dumating na mas gwapo at
mas mayaman sayo na mas mamahalin ako…Hmm… Siyempre mas mahal
mo pa rin ako, pero yung para bang handa siyang mamatay sa akin. Tapos
kunwari, nainlove rin ako sakanya, anong gagawin mo?"
Noong abot tanaw na ang parking lot, biglang binagalan ni Lu Jinnian ang
lakad niya, na para bang gusto niya pang sulitin ang momento.
Kasabay ng malamig na hangin, lalo pang lumakas ang snow, kaya literal na
wala na silang makitang iba bukod sa puti.
Sa bawat hakbang ni Lu Jinnian, maririnig ang 'shhkk', na sobrang sarap sa
tenga. Medyo nalalaglag na si Qiao Anhao, kaya bago siya sumagot, inayos
niya muna ang pagkakapasan dito. ""Edi hahayaan ko siyang mamatay."
"Mmh?" Mahinanong tanong ni Qiao Anhao.
"Diba sabi mo, handa naman siyang mamatay para sayo? Edi bakit hindi
nalang natin siyang mamatay… Isa pa, nandito naman ako para mahalin ka,
kaya hindi niya na kailangang mabuhay."
Dahil sa napakapilyong sagot ng asawa, hindi napigilan ni Qiao Anhao na
matawa ng sobrang lakas. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap kay
Lu Jinnian, at habang pinagmamasdan ang kalsada, alam niyang sobrang
kampante at kuntento niya.
Noong malapot na sila sa sasakyan, muling nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao
Qiao, alam mo ba? May wish ako, maliit lang, at apat na salita lang."
"Ano yun?" Muling sumandal si Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian, para silipin
ang mukha nito. May anak na sila, at literal na araw-araw na silang
magkasama, pero bakit ba para sakanya, sobrang gwapo pa rin nito?
Huminto si Lu Jinnian sa tapat ng sasakyan nila at tinulungan si Qiao Anhao
na bumaba. Pagkatapos, tintigan niya ito ng diretso sa mga mata at nagsalita
ng sobrang hina.
Kung hindi nakaharap si Qiao Anhao, hindi niya maiisip na nagsalita ito, dahil
sa lakas ng hangin, halos hindi na talaga ito marinig.
Pero para kay Qiao Anhao sobrang linaw ng sinabi nito, kaya bigla siyang
napangiti ng abot-tenga at sumagot gamit ang dalawang salita.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES