"Totoo! Kakaiba talaga siya. Hindi ko nga alam kung may mahahanap pa
akong kagaya niya eh."
Halatang manghang mangha talaga ang videographer kay Song Xiangsi dahil
walang ibang lumabas sa bibig nito kundi puro kabutihan nung isa. "Kapag
may sinabi akong role, kayang kaya niya kaagad. At sa lahat ng artistang
nakasalamuha ko, siya talaga ang the best… kaso nakakalungkot lang na
iniwan niya na kaagad ang industriya."
Dahil nasa iisang lamesa, sumagot din si Qiao Anhao, "Sobrang bait sa akin ni
Sister Xiangsi. Grabe… hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niya na
akong natulungan eh. Pero bakit nga ba siya bigla nalang umalis sa
industriya? Kailangan niya tuloy bayaran yung dalawang bilyon na budget ng
pelikulang tinggap niya."
"Hayyy… Medyo pabigla-bigla si Sister Xiangsi."
Kilala si Song Xiangsi bilang mataray, pero alam ng mga totoo nitong kaibigan
kung gaano ito kabait, kaya ngayong napagusapan ito, puro mabubuti lang
ang nasasabi ng lahat.
Mula noong magumpisa ang paguusap, nakangiti lang si Xu Jiamu, na para
bang hindi niya kilala ang taong pinaguusapan. May mga pagkakataon pa
ngang hinahagis niya si Little Rice Cake sa hangin, na gustong gusto naman
ng bata.
"Pero mukhang hindi na talaga babalik si Song Xiangsi…" Dagdag ni Chen
Yang habang umiinom ng wine.
"Noong huli ko siyang makita…." Tumingin sa kisame ang kaibigan ni Chen
Yang para magisip, bago ito magpatuloy. "Mga six months na siguro yun… Sa
Los Angeles… Nakita ko siyang nagshoshopping na may kasamang
lalaki…Noong binati ko siya, binati niya rin naman ako tapos binatawan niya
yung kamay ng kasama niya."
Nakikinig lang si Xu Jiamu sa paguusap ng grupo, pero bilang siya si Xu
Jiamu, hindi siya nagpahalatang apektado at nagpanggap lang na abala sa
pagaasikaso kay Little Rice Cake. Hindi nagtagal, hinawakan ng maliit nitong
kamay ang baba niya, kaya giliw na giliw siyang ngumiti.
Para sa mata ng lahat, mukhang normal lang naman ang kilos ni Xu Jiamu,
pero ang hindi alam ng mga ito, simula noong magumpisa ang paguusap kay
Song Xiangsi, sinadya niyang laruin si Little Rice Cake hanggang sa
makatulog ito, at noong sinenyasan na siya ni Qiao Anhao na ipasa na rito
ang bata, umiling lang siya at nagpatuloy sa pagpapanggap na inaasikaso ang
bata.
-
Sakto, nataong pasko ang nasabing salu salo para kay Little Rice Cake.
Simula noong nabuntis si Qiao Anhao, hindi na siya pinapayagan ni Lu Jinnian
na masyadong magkikilos, kaya noong naubos na ang mga bisita, nagpumilit
si Auntie Qiao na lumabas naman silang magkakaibigan para makapag enjoy
din sila kahit papaano.
Palagi naman silang nagkikita-kita, lalo na noong dumating si Little Rice Cake
sa buhay nila, pero madalang silang magenjoy, kagaya ng ginagawa nila
noong kabataan nila, kaya sa pagkakataong ito, hindi tumanggi si Lu Jinnian
at agad-agad na inutusan ang kanyang assistant na magbook ng isang private
room sa isang club.
Nagpapadede pa si Qiao Anhao kaya hanggang orange juice nalang muna
siya.
Noong bata-bata pa sila, madalas nila itong ginagawa, at sa tuwing may mga
ganitong kaganapan, si Xu Jiamu ang laging pinaka maingay. Pero sa
paglipas ng mga panahon, kapansin-pansin na unti-unting naging ma pino ang
kilos nito.
Samantalang si Qiao Anxia naman ay wala pa ring pinagbago. Maingay at
malihig pa rin itong maginom, at sa tuwing nalalasing ito, nakaugalian na
nitong magyaya ng truth or dare.
Noong nagumpisa na ang laro, kitang-kita ang saya sa mukha ni Qiao Anhao
dahil pakiramdam niya ay bumalik sila sa nakaraan.
Ganitong ganito ang ginawa nila noong kasagsagan ng taping nila sa 'Alluring
Times'. Yun yung araw na nanlibre si Chen Yang at sinagot ito ni Qiao Anxia
bilang boyfriend nito. Tandang tanda niya pa na kakaumpisa lang ng
production nila, pero dahil sa truth or dare noong gabing yun, naging
magkakaibigan agad silang lahat.
Noong gabing yun din, hindi siya hinayaan ni Lu Jinnian na uminom ng alak,
kaya sa tuwing maglalaban, lagi itong nagpapatalo, at badang huli, napakanta
pa ito ng "Nakakalungkot talaga."
Yun yung gabing ginamit nito ang hand sign para magconfess – papel,
gunting, at bato… Pero wala siyang kaalam-alam.
Ngayon gabi, umupo sila sa parehong posisyon –sa gitna. At kagaya noong
gabing 'yun, palaging papel, gunting, at bato lang ang binabato ni Lu Jinnian
sakanya, pero sa tuwing makikipaglaban ito sa iba, sobrang competitive at lagi
itong nanalo.
Kagaya ng kuya niya, magaling din si Xu Jiamu sa larong ito, pero ngayong
gabi, lagi siyang talo.
At kagaya ng dati nilang patakaran, ang matatalo ay mamimili kung truth or
dare, at pagkatapos gawin ang parusa, kailangan nilang uminom ng tatlong
baso ng beer.
Wala namang problema kay Xu Jiamu, at game na game niyang ginagawa ang
mga parusa at iniinom ang mga beer na binibigay sakanya sa tuwing natatalo
siya.
Lagi niyang pinipili ang 'truth', at noong umpisa, puro kalokohan lang ang
tanong.
Kagaya ng: Virgin ka pa ba? Anong ginagamit mong kamay kapag may
ginagawa ka sa sarili mo? Ilang oras kang nakikipagsex?
Pero sa dami ng talo niya, bandang huli ay naging seryoso na at napunta na
sakanyang love life.
Tanong: "Xu Jiamu, mula noong tinanggihan mong magpakasal kay Lin
Qianqian, hindi ka pa ulit nagkakagirlfriend. Dahil ba yun sa may
nagugustuhan ka ng iba?
Matapat na sumagot si Xu Jiamu, "Oo."
Tanong: "Siya ba ang dahilan kung bakit ka umatras sa kasal?"
Kumurap si Xu Jiamu at tumungo, "Oo."
Tanong: "Eh bakit hindi pa rin kayo hanggang ngayon?"
Biglang natahimik si Xu Jiamu. Sobrang kalmado lang ng itsura niya, pero
dahil kilalang kilala siya ng mga kasama niya, ramdam ng mga ito biglang
bigat ng kanyang pakiramdam at dahil lang sa isang napaka simpleng tanong,
sobrang naging nakakailang ang awra ng paligid. Pero para hindi mabasag
ang kasiyahan, bigla siyang ngumiti at kalmadong sumagot, "Naghiwalay na
kami."
Tanong: "Sinong nakipag break?"
Isa pa to…para siyang sinaksak ng tanong… Sa pagkakataong ito, medyo
matagal siyang natigilan bago sumagot, "Ayaw niya na sa akin."
Totoo namang ayaw na sakanya ni Song Xiangsi… Mula noong magumpisa
ang taon, lagi na itong nakikipaghiwalay sakanya hanggang sa…. nagawa
niyong ipalaglag ang anak niya…
Tanong: "Mahal mo pa ba siya?"
"Oo naman." Walang pagdadalawang isip niyang sagot.
Tanong: "Anong pangalan niya?"
Sa kabuuhan ng laro, halos si Xu Jiamu lang ang laging natatalo, kaya sa
puntong ito, apat na pu't walong baso ng beer na ang suma total na naubos
niya, at kahit gaano pa kalakas ang kanyang alcohol tolerance, sapat na ang
dami nito para tamaan siya kahit papano.
Nang marinig niya ang huling tanong, muli siyang natigilan, pero bandang huli,
imbes na sagutin ito ay pasuray suray siyang tumayo at naglakad papunta sa
karaoke machine para mamili ng kanta.
At hindi nagtagal, isang pamilyar na kanta ang tumugtog. Pagkalipas ng
limang segundo, kinuha ni Xu Jiamu ang microphone at nagumpisang
kumanta. "Sa wakas natutunan ko na ring magmahal… pero huli na pala ang
lahat dahil hindi ka na nakapaghintay at mas pinili ng magpakalayo."
Samantalang si Qiao Anxia naman, na kilala ng grupo bilang tanggera, ay
lasing na lasing na sumandal sa braso ni Chen Yang. Bigla niyang itinaas ang
kamay niya at sumigaw ng malakas, "Wala ka sa tono!"
Parang walang narinig si Xu Jiamu at nagpatuloy lang, "Bandang huli…kahit
anong iyak ko, hindi ka na babalik…"
Pero pagkatapos ng linyang ito, bigla siyang huminto at hindi na kayang kumanta pa.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES