"Bakit sobrang tahimik?" Hindi mapakaling tanong ni Qiao Anxia kay Chen
Yang. Pero dahil ito ang una nilang pagkakataon na magwitness sa isang
nanganganak, umiling lang ito para sabihing wala rin itong ideya.
Nanatili lang si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan, pero sa totoo lang, halos
hindi na siya makahinga sa sobrang kaba.
"Wala naman sigurong nangyaring masama, diba?" Nagaalalang tanong ni
Zhao Meng.
"Oo, wala naman siguro." Sagot ni Chen Yang.
Kagaya ng lahat, hindi rin mapalagay si Xu Jiamu kaya kinakabahan din itong
nagsalita, "Pero bakit sobrang tahimik nila sa loob?"
At sa pinaka hindi inaasahang pagkakataon, biglamg humirit ang assistant,
"May narinig akong balita na may isang doktor daw na sikretong tumakas ng
delivery room kasi aksidente niyang napatay yung magina…"
Kaya si Lu Jinnian, na kakakalma lang dahil sa walang tigil na pagbubunganga
ni Qiao Anxia, ay muling nanginig sa takot, at habang nasa kalagitnaan ang
lahat ng pagtatanong, bigla siyang tumakbo papunta sa pintuan ng delivery
room at muli itong pinagsisipa. Sa sobrang lakas, kitang kita ang panginginig
ng salamin, na kung magtutuloy-tuloy pa ay siguradong mababasag na.
Pero noong mabubuksan niya na ito, biglang umalingawngaw ang isang
malakas na "Waaaaah" galing sa loob.
Sobrang lakas at tining ng iyak, kaya lahat sila ay biglang natigilan.
"Buhay siya! Buhay ang baby!" Sa sobrang saya ni Qiao Anxia, bigla niyang
niyakap ang assistant ni Lu Jinnian, na nakatayo sa tabi, at nagtatatalon, kaya
nang makita ito ni Chen Yang, bigla siyang hinila nito at niyakap.
Maging ang assistant ay hindi na rin napansin kung anong nangyari at
masayang sinabi, "Mr. Lu, nanganak na si Miss Xiao Qiao…"
Hindi rin napigilan ni Zhao Meng na magsalita sa sobrang saya, "Sa wakas
nanganak na si Qiao Qiao!"
Si Jiamu naman, na sobra ring kinabahan, ay biglang nakahinga ng maluwag.
"Uncle na ako!"
Samantalang ang tatay, na si Lu Jinnian, ay parang biglang naging estatwa,
na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito.
At noong bubuksan na nila ang pintuan, saktong may isang nurse na lumabas
na may yakap-yakap na malinis na sanggol. "Congratulations Mr. Lu, lalaki po
ang baby ninyo."
"Patingin ako, patingin ako!"
At noong sandaling yun, ang grupo ay sabay-sabay na kinuyog ang nurse.
"Ahhh, grabe ang cute niya!"
"Oo nga, ang lambot lambot niya…"
"Ahhh, nginitian niya ako!"
Sa wakas nahimasmasan na rin si Lu Jinnian, pero imbes na silipin muna si
Little Rice Cake, nagmamadali siyang pumasok sa delivery room at dumiretso
sa kama.
Tumambad sakanya ang Qiao Anhao na sobrang putla at halos maligo na sa
pawis. Nakapikit ito at base sa lalim at tagal ng pagitan ng paghinga ng
asawa, ramdam na ramdan niya ang pagod nito.
Kaya dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito, "Qiao Qiao…"
Nang marinig ni Qiao Anhao ang boses ni Lu Jinnian, dahan-dahan siyang
dumilat, at noong nakita niya ang itsura nito na halatang sobrang nagaalala,
biglang nawala ang lahat ng takot na nararamdaman niya. Pinilit niyang
ngumiti at malambing na sinabi, "Sobrang sakit."
At dahil dito, lalong hinigpitan nbi Lu Jinnian ang pagkakahawak niya sa
kamay ni Qiao Anhao at paulit-ulit na tumungo. "Sorry." Pagkatapos, dahan-
dahan niyang nilapit ang kamay nito sa kanyang mga labi para halikan,
habang umiiyak. "Wag na tayong gumawa ng baby ulit."
Habang sinasabi ito ni Lu Jinnian, ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang
panginginig ng kamay nito, at kahit sandali palang silang magkahawak, halos
mapiga na ang kamay nito sa sobrang pawis….Ibig sabihin, mas kinabahan
pala si Lu Jinnian kaysa sakanya habang nanganganak siya...
Kaya ang sakit na naramdaman niya noong lumabas si Little Rice Cake ay
biglang nawala at napalitan ng saya….
Maliwanag na noong natapos maglabor si Qiao Anhao kaya sa sobrang pagod,
nakatulog na siya habang nililipat siya sa ward.
Buong araw na sinamahan ng grupo si Lu Jinnian para bantayan sina Qiao
Anhao at Little Rice Cake, kaya gabi na noong isa-isang magsi'alisan ang mga
ito matapos siguraduhing maayos na ang lagay ng mag'ina.
Si Xu Jiamu ang pinaka huling umuwi, pero bago siya umalis, muli niyang
sinilip si Little Rice Cake, na sobrang himbing ng natutulog matapos dumede.
Kahit na ilang oras palang na nakakalabas si Little Rice Cake, mukhang alam
nitong may nakatingin dito, dahil pagkasilip ni Xu Jiamu, bahagya itong
umiling, ngumuso, at ngumiti ng sobrang tamis.
Sobrang kinilig si Xu Jiamu sa ginawa ni Little Rice Cake, kaya maging siya ay
hindi rin napigilang mapangiti, na noong lumaon ay unti-unti ring nawala.
Matagal din siyang nakatitig kay Little Rice Cake bago siya tuluyang umalis na
may mabigat na puso.
Kagabi pa walang tigil ang pags'snow sa buong Beijing, kaya ngayong gabi,
para na silang nasa winter wonderland.
Naglabas si Xu Jiamu ng isang stick ng sigarilyo at habang nasandal sa
pintuan ng driver's seat, humithit siya, na para bang hindi alintana ang
pagbuhos ng yelo sakanya.
Lumabas na si Little Rice Cake, at isa na siyang uncle ngayon…Diba dapat
masaya siya? Hmm… sa totoo lang, masaya naman talaga siya…. Pero
kasabay ng sayang ito ay lungkot, na mula pa sa pinaka kailalim-ilaliman ng
puso niya.
Dahil habang nakatitig siya kay Little Rice Cake kanina, hindi niya mapigilang
maalala ang batang pinalaglag ni Song Xiangsi…
Kung buhay ang bata, walong buwan na sana ngayon si Song Xiangsi….At
isang buwan nalang, lalabas na rin ito kagaya ni Little Rice Cake… Sabay
sana silang lalaki ng kuya niya, at kapag pwede na silang lumabas, siya
mismo ang magdadala sakanila sakahit saang amusement park…
Sobrang sensitibo ng bagay na ito para kay Xu Jiamu, kaya habang iniisip
niya ang mga posibilidad, hindi niya mapigilang mapaiyak sa sobrang
pagka'emosyunal.
Ano ba kasing iniisip niya? Patay na ang bata at ang nagiisang babae na
pinangarap niya sanang makasama ay iniwan na rin siya, kaya ngayon
natupad na ang sinabi niya noong araw na 'yun- wala na talaga silang
koneksyon sa isa't-isa.
-
Kinaumagahan, sinabihan kaagad ni Qiao Anxia sina Auntie at Uncle Qiao na
nanganak na si Qiao Anhao, kaya sa sobrang saya, nagluto muna si Auntie
Qiao ng ginger soup bago sila pumunta sa ospital.
Noong hapon din ng araw na 'yun, bumalik sina Qiao Anxia, Zhao Meng, at
ang assistant ni Lu Jinnian, para dalawin sina Qiao Anhao at Little Rice Cake.
Gabi na noong nakaalis ang tatlo at noong oras lang din na 'yun nanumbalik
ang katahimikan. Nakapagpadede na rin si Qiao Anhao, kaya noong
nakatulog na si Little Rice Cake, sinulit niya ang pagkakataon na picturan ito
at magpost sa Weibo.
Hindi nagtagal, kumalat kaagad ang picture sa buong internet at wala pang
isang oras ay naging headline na ito.
-
Alas otso na ng umaga sa Seattle.
Mula sa bintana, saktong sakto ang pagtama ng liwanag mula sa sinag ng
araw sa isang European style na kama, kaya nang sandaling imulat ni Song
Xiangsi ang kanyang mga mata, bigla siyang nasilaw, kaya napakunot siya ng
kanyang noo at hinang-hinang itinaas ang isa niyang kamay para takpan ang
mukha niya, bago siya dahan-dahang bumangon.
Una niyang kinuha ang kanyang iPad, na ibinato niya kung saan lang kagabi,
at ang unang notification na nagpop up sakanyang Weibo ay: Lalaki ang anak
ng Lu Qiao couple.
Pagkapindot niya ng notification, lumabas ang isang picture: Isang malaking
kamay na may na isang maliit na kamay.
Maganda at halatang pangmayaman ang malaking kamay, na lalo pang
pinaganda ng suot nitong singsing na may nagniningning na Heart of Eternity.
Binasa niya ang buong article at noong nalaman niyang malusog ang mag'ina,
hindi niya napigilang mapangiti para sa kaibigan niya. Pagkatapos, hinawi niya
ang kumot na nakatalukbong sakanya, at dahan-dahang bumangon sa kama.
Ilang buwan na tin simula noong pumunta siya sa America, pero kagaya ng
nakasanayang Song Xiangsi, balingkinitan pa rin ang kanyang katawan, at ang
tanging pinagkaiba lang ay kanyang malaking tyan.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES