Kalmado lang ang itsura ni Song Xiangsi, na para bang wala na talaga siyang
pakielam sa batang nasa sinapupunan niya. "Oo."
"Ayaw mo bang pagisipan mina?" Muling tanong ng gynecologist. Bilang
doktor, trabaho niyang bumuhay ng tao at hindi pumatay, kaya sa pinaka
huling pagkakataon, gusto niya sanang suyuin si Song Xiangsi na huwag
nalang iabort ang bata, pero nang makita niya ang pagkairita nito, wala na
siyang nagawa kundi ang ibalik ang resulta ng check up nito. "Wala naman
akong nakitang kahit anong problema sa kalusugan mo. Maghanda ka na.
Pagkalipas ng kalahating oras, ako mismo ang magoopera sayo."
-
Hindi pa man din nagtatagal sina Xu Jiamu at Lin Qianqian sa loob ng private
room ng Jade Wave Hotel, dumating na rin kaagad si Mr. Lin.
Kaya dali-daling tumayo si Lin Qianqian para yakapin ang tatay nito.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay nanatili lang sakanyang kinauupuan, at
ngumiti lang ng bahagya bilang respeto, at yumuko rin kaagad.
Hindi nagtagal, dumating ang waiter dala ang menu. Si Mr. Lin ang unang
nagorder at pumili ito ng dalawang masustansyang putahe. Pagkatapos,
ibinigay naman ng waiter ang menu kina Lin Qianqian at Xu Jiamu.
Masayang binuklat ni Lin Qianqian ang menu at sa bawat putahe, palagi itong
tumitingin kay Xu Jiamu para tanungin ang opinyon nito, "Brother Jiamu, gusto
mo bang kainin 'to?"
Pero nang makarating na si Lin Qianqian sa pinaka dulong pahina ng menu, si
Xu Jiamu, na kanina pa nanahimik, ay biglang nagsalita, "Nagpunta ako rito
para makipagusap, at hindi para kumain, kaua orderin mo kung among gusto
mo."
"Oh." Nakangusong sagot ni Lin Qianqian, na wala ng nagawa kundi
mag'order nalang ng ilang putahe. Pagkatapos, inulit ng waiter ang mga order
at nang makumpirmang kumpleto na ang lahat, agad din itong umalis. Muli,
tumingin si Lin Qianqian kay Xu Jiamu para magtanong, "Brother Jiamu, may
gusto ka bang sabihin sa papa ko? Sige lang, sigurado naman akong
pagbibigyan ka niya."
Bilang respeto, ngumiti si Xu Jiamu at walang pagdadalawang isip na
nagsalita, "Hindi po tungkol sa negosyo ang gusto kong sabihin sa inyo."
Huminto siya ng halos dalawang segundo at napatuloy, "Pero kumain po muna
tayo."
Nanatili namang kalmado si Mr. Lin at masayang tumungo.
Hindi maintindihan ni Lin Qianqian ang nangyayari, kaya maya't-maya siyang
tumitingin kay Xu Jiamu para silipin ang reaksyon nito.
Dumating kaagad ang mga inorder nilang pagkain at hindi kagaya ng mga
tipikal na salu-salo ng mga mayayaman, kaunti lang ang mga putaheng
inorder nila, pero walang duda na sobrang ganda ng presentation kaya kahit
sinong makakaita ay talagang kakaganahang kumain.
Pero bukod tangi si Xu Jiamu dahil hindi talaga siya ginanahang kumain o
baka naman sadyang hindi lang talaga siya interasado sa mga kasama
niya…kaya nang ibaba ni Lin Qianqian ang chopsticks nito, napansin kaagad
nito na walang kabakas-bakas ang plato niya.
"Brother Jiamu, masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ayaw mong kumain?"
Pero imbes na sagutin si Lin Qianqian, humarap siya kay Mr. Lin. "Uncle, yung
tanong niyo po sa akin, yan din po talaga ang gusto kong sabihin sa inyo
ngayon."
At dahil dito, ang nagaalalang Lin Qianqian ay hindi na napigilang mapangiti
sa sobrang saya, "Brother Jiamu, tinanong ni papa sayo kung kailan mo ako
papakasalan. Kailan mo ba talaga ako planong pakasalan?"
Walang emosyong tinignan ni Xu Jiamu ang nakangiting Lin Qianqian, at
muling hindi nagtagal, muling tumingin kay Mr. Lin. "Ang tungkol sa kasal na
'to, hindi kop o itutuloy."
At noong sandaling yun, biglang natigilan si Lin Qianqian at base sa reaksyon
nito, halatang hindi ito makapaniwala.
Maging si Mr. Lin ay nanlaki rin ang mga mata habang nakatitig kay Xu Jiamu.
Parehong hindi makapagsalita ang mag'ama.
At dahil dito, biglang nabalot ng katahimikan ang buong private room.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay kabaliktaran ng dalawa at nanatili lang
siyang kalmado sa kanyang kinauupuan. Pagkalipas ng isang minuto, muli
niyang inulit ang sinabi niya, "Pasensya na po, hindi ko po pwedeng ituloy ang
kasal na 'to."
Sa totoo lang, sobrang kinabahan si Xu Jiamu noong una, pero ngayong
naumpisahan niya na, di hamak na mas lumakas na ang kanyang loob…
Sobrang seryoso ng kanyang mukha habang nakatitig kay Mr. Lin, na para
bang siguradong sigurado na siya sa desisyon niya at wala siyang kahit
katiting na balak na makipag negosasyon.
Samantalang si Lin Qianqian, na pinaka nagulat sa sinabi niya, ay hindi na
napigilang umiyak. "Brother Jiamu, nagbibiro ka diba…."
Pero hindi sumagot si Xu Jiamu.
Walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mukha ni Lin Qianqian. "Brother Jiamu,
nakalimutan mo na ba yung pangako sa akin ng papa ko? Diba sabi niya
kapag pinakasalan mo ako, mapupunta sayo yung lupain naming sa
Dongyuan… at yung collaboration sa Chengsi…"
Nanatali pa ring tahimik si Xu Jiamu, na para bang kahit anong sabihin ni Lin
Qianqian ay hindi na talaga magbabago ang isip niya.
Kaya sa sobrang pagkadesperado, galit nag alit na tumayo si Lin Qianqian.
"Brother Jiamu, diba matagal mo ng gusto ang Dongyuan at Chengsi? EWag
mong sabihin na nagbago na ang isip mo?"
"Oo, nagbago na ang isip ko." Sa wakas nagsalita na rin si Xu Jiamu, pero
hindi kagaya ni Lin Qianqian, sobrang kalmado niya, na para bang pinagisipan
niya talaga ng sobra ang sunod niyang sasabihin . "Matagal ko na 'tong
pinagisipan, at narealize ko na hindi ko naman kailangan ang mga 'yun."
Kaya sa pagkakataong ito, maging si Mr. Lin, na nakikinig lang mula noong
magumpisa ang komosyon, ay hindi na rin napigilang magtanong, "Bakit?"
Habang humahagulgol si Lin Qianqian, na parang isang batang inagawan ng
laruan, tintigan ni Xu Jiamu ng diretso sa mga mata si Mr. Lin at emosyunal na
nagpatuloy, "Dahil narealize ko na may mas mahalaga sa akin."
"Isang babae?" Tanong ni Mr. Lin.
"Isa pong babae." Determinadong sagot ni Xu Jiamu.
"Sapat bang dahilan yan?" Natatawang sagot ni Mr. Lin, na para bang
nakarinig ito ng sobrang nakakatawang biro. "Para sa isang babae, handa ka
talagang talikuran ang isang napaka gandang kapalaran? Wag mong
kalimutan na kapag nakuha mo ang Dongyuan at Chengsi, ikaw na ang
magiging pinaka maimpluwensyang negosyante sa buong Beijing…."
"Wala pong bagay sa mundong ito ang hihigit sa kanya." Sa kabila ng lahat ng
panggigipit ng mag'ama, matatag ang paninindigan ni Xu Jiamu, at ngayong
nasabi niya na ang pakay niya, wala na siyang dahilan pa para magtagal kaya
bigla siyang tumayo para magpaaalam na sa dalawa, at naglakad palabas
dala ang kanyang jacket.
Pagkabukas niya ng pintuan, huminto lang siya sandali para tawagin ang
waiter, "Bill out."
At agad niya rin itong isinarado kaya tuluyan ng nawala sa pandinig niya ang
nakakaawang iyak ni Lin Qianqian.
-
Alas tres na ng hapon nang makaalis si Xu Jiamu sa Jade Wave Garden, at ito
ang oras na pinaka tirik ang araw.
Bago siya tuluyang dumiretso sa kanyang sasakyan, huminto muna siya sa
entrance ng restaurant para sulitin ang pagkakataon na tumingala sa
kalangitan at huminga ng malalim. Napakaraming nangyari sa buhay niya… at
ngayong sa wakas malaya na siya, pakiramdam niya ay para siyang lumilipat
sa sobrang gaan ng puso niya.
Mula pagkabata, nakatanim na sa utak niya na walang ibang tungkulin ang
mga kalalakihan kundi ang mangingibabaw sa mundo ng negosyo, kagaya
nalang ng mga bayani noong unang panahon, na walang takot na
nakipaglaban sa mga dayuhan, kaya habang tumatanda, sinarado niya ang
puso niya sa pag ibig, dahil para sakanya, kalokohan lang ito.
Kaya ni isang beses sa pitong taon nilang pagsasama ni Song Xiangsi, hindi
niya naisip na mahal niya ito at darating ang araw na ikakasal silang dalawa.
Pero totoo palang misteryoso ang pagibig, na kahit anong pigil mo ay
makikipaglaban at makikipaglaban talaga ito.
Inaamin niya na maraming pagkakataong sobrang naguluhan siya. Noong
unang beses silang naghiwalay ni Song Xiangsi, tinatanong niya ang sarili
niya kung bakit sobrang apektado siya. Malinaw na wala naman silang
relasyon, pero bakit sa sobrang galit niya, bigla siyang lumabas ng apartment
nito, pero noong nasa labas na siya…. ayaw niya namang umalis…
Kaya naghintay siya ng tatlong oras hanggang sa lumabas ito, pero nang
walang Song Xiangsi na nagpakita, lalong sumama ang loob niya kaya para
siyang nabaliw na nagmaneho ng sobrang bilis…na nauwi pa sa aksidente…
Pagkagising niya, ito ang unang taong sasalubong sakanya, pero hindi… at ni
isang beses ay hinid manlang ito nagparamdam sakanya, kaya yunng galit na
naramdaman niya bago siya maaksidente ay lalo lang nag'init.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES