Ang mga mata ni Qiao Anxia na kanina'y sobrang saya ay parang biglang
nawalan ng buhay.
Hindi niya maintindihan ang nangyayari… Awang awa siya sa kanyang sarili…
Bakit kailangan nitong mangyari…. Wala siyang karapatan na maging
nanay…. Ito ba ang parusa sakanya ng langit?
Bandang huli, hindi niya na kinayang kimkimin ang bigat na nararamdaman
niya at tuluyan na siyang umiyak ng umiyak.
Gaano nga ba siya katagal na umiyak? Hindi niya rin alam pero inilabas niya
lang ang lahat ng gusto niyang ilabas hanggang sa may narinig siyang katok,
kaya dali-daling nagtago sa ilalim ng kumot.
Bumalik ang nurse. Naramdaman niyang lumapit ito sakanya pero siguro dahil
akala nitong natutulog lang siya, hindi na siya inistorbo nito at umalis rin
kaagad.
Nang marinig niyang nagsarado na ang pintuan, dahan-dahan niyang ibinaba
ang kumot. Hanggang sa mga sandaling 'yun, wala pa ring awat ang kanyang
luha sa kapapatak. Nakatulala lang siya sa puting kisame at hindi niya na
alam kung ano ba eksakto ang dapat niyang nararamdaman.
Pagsapit ng alas siyete, muling bumalik ang nurse.
Natuyo na ang mga luha ni Qiao Anxia, pero namumugto pa rin ang kanyang
mga mata kaya halatang-halata na katatapos niya lang umiyak.
"Miss Qiao, gising ka na pala?" Nakangiting tanong ng nurse habang bitbit ang
tray na may lamang pagkain papunta sa harapan ni Qiao anxia. "Saktong
sakto po, oras na rin para sa gabihan niyo. Babalikan ko nalang po ang tray
mamaya."
Tumungo lang si Qiao Anxia pero hindi niya kinuha ang kanyang chopsticks,
kagaya ng nakasanayan sa tuwing dumarating ang pagkain niya.
Pagkalipas ng isang oras, kagaya ng pangako, bumalik ang nurse para kunin
ang tray. Hindi nito inaasahan na hindi pa pala kumakain si Qiao Anxia kaya
hindi nito napigilang magtanong sa sobrang pagaalala, "Miss Qiao, bakit hindi
ka pa kumakain? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Bilang sagot, walang kabuhay-buhay na umiling si Qiao Anxia. Gusto niya
sanang sabihin sa nurse na ilabas nalang ang pagkain, pero noong
magsasalita na siya, sakto namang nagbukas ang pintuan at pumasok si Chen
Yang. na suot pa rin ang suit na ginamit nito kanina sa kasal bilang best man.
"Mr. Chen, nakabalik na po pala kayo?" Pagkatapos batiin ng nurse si Chen
Yang, muli itong nagpatuloy, "Hindi ko po alam kung anong nangyari… Ayaw
pong kumain ni Miss Qiao."
Biglang kumunot ang noo ni Chen Yang at naglakad papunta sa kama. Kinapa
niya ang tray at nang mapansin niyang medyo malamig na ang pagkain,
inutusan niya ang nurse na kumuha nalang ng bago. Dahan-dahan siyang
umupo sa kama para kapain ang noo ni Qiao Anxia. Kinakabahan siya na baka
nagkaroon ng kumplikasyon dahil napagod ito kanina, pero nang makumpirma
niyang normal naman ang temperature nito, kumalma na rin siya at malambing
na nagtanong, "Bakit ayaw mong kumain? Ayaw mo ban g pagkain mo o
masama ang pakiramdam mo?"
Dahil dito, lalong nasaktan si Qiao Anxia kaya muli nanaman siyang naiyak.
Hanggat maari, ayaw niyang ipakita kay Chen Yang na malungkot siya kaya
dali-dali siyang yumuko at pinilit ang sarili niya na magpanggap na walang
nangyari. "Hindi, siguro sobrang nabusog lang ako sa reception nina Qiao
Qiao. Hindi talaga ako gutom."
"Pero kailangan mong kumain kahit kaunti para gumaling kaagad."
Walang balak na makipagtalo si Qiao Anxia, kaya tumungo lang siya at
niyakap ng mahigpit ang braso ni Chen Yang.
Hindi nagtagal, bumalik ang nurse na may dalang bagong pagkain. Alam ni
Chen Yang na walang gana si Qiao Anxia, kaya nagrepresinta siya na subuan
ito. Pagkatapos, pinunasan niya rin ang gilid ng mga labi nito, pinainom ng
gamot, at maingat na ihiga sa kama.
Alam niya kung gaano ka mitikolosa si Qiao Anxia lalo na pagdating sa
mukha. Kahit sa mga araw na hindi ito nagmemake up, lagi talaga itong
naghihilamos, kaya ngayong hirap itong bumangon, siya na mismo ang
naglinis ng mukha nito gamit ang facial wipes.
Simula nang magising si Qiao Anxia, araw-araw na itong ginagawa ni Chen
Yang.
Noong una, magkahalong saya at kilig ang nararamdaman ni Qiao Anxia dahil
para silang mga batang naglalaro, pero ngayon, hindi niya maintindihan kung
bakit sobrang sakit…
Hindi dahil sa hindi sakanya sinabi ni Chen Yang ang totoo.... Hindi na siya
pwedeng magkaanak at masyado na rin siyang alagain, pero bakit sobrang
bait pa rin nito sakanya?
Habang tinatapon ni Chen Yang ang facial wipes, napansin niya na nakatitig
sakanya si Qiao Anxia kaya dahan-dahan siyang lumapit at hinaplos ang
mukha nito, "Anong iniisip mo?"
Dahil dito, biglang nahimasmasan si Qiao Anxia, pero hindi niya pa rin inalis
ang pagkakatitig niya kay Chen Yang.
Wala namang naiisip si Chen Yang na dapat niyang ipagaalala kaya natawa
nalang siya at tumayo para maglakad papunta sa sofa na punong-puno ng
gamit.
Alam ni Qiao Anxia na kukunin ni Chen Yang ang kanyang makeup bag kaya
sinundan niya ito ng tingin at hindi nagtagal, punong-puno ng pagdadalawang
isip siyang nagtanong, "Chen Yang, anong gusto mo? Babae o lalaki?"
Kahit na nakatalikod ito sakanya, kitang-kita niya na bigla itong natigilan, pero
siguro sa takot nitong makakutob siya, patay malisya itong humarap, "Bakit
mo naman yan biglang natanong?"
Kilalang kilala niya si Chen Yang, kaya sigurado siyang kinakabahan ito, na
para bang sobrang nagaalala. "Ngayong buntis na si Qiao Qiao, sa tingin ko
dapat pinaguusapan na rin natin ang bagay na 'to. Kaya ano ba talagang
gusto mo? Babae o Lalaki?"
Sa totoo lang, sobrang kinabahan si Chen Yang na baka may alam na si Qiao
Anxia at baka magalit ito sakanya dahil hindi niya sinabi, pero noong narinig
niya ang napaka inosente nitong paliwanag, medyo napanatag siya at
kalmadong sumagot, "Gusto mong marinig yung totoo?"
"Hmm… Siyempre naman."
Dala ang makeup bag, muling naglakad si Chen Yang pabalik sa kama.
Inilabas niya ang facial cream ni Qiao Anxia at parang expert, maingat niyang
pinahiran ang mukha nito. Ayaw niyang paasahin ito, pero mas lalong ayaw
niyang masaktan ito ng katotohanan lalo na ngayon na hindi pa ito masyadong
magaling kaya tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata at seryosong sumagot,
"Masyadong makukulit ang mga bata, kaya sa totoo lang, mas gusto ko kung
tayong dalawa nalang sana hanggang pagtanda."
'Sinabi ba yun ni Chen Yang dahil alam nitong hindi na siya pwedeng
magbuntis?'
Eh dati naman sinasabi nito na kapag lalaki ang naging anak nila, dalawa na
ang magiging taga pagtanggol niya, at kung babae naman, sisiguraduhin
nitong magiging prinsesa silang dalawa ng magiging anak nila….
'Chen Yang… Bakit ka ganyan… Alam kong gusto mong magka'anak… Hindi
mo naman yun kailangang talikuran dahil sa akin…' Oo, alam ni Qiao Anxia na
sinasabi lang ito ni Chen Yang para hindi siya masaktan, pero alam niya rin
ang sakripisyong handa nitong akuin para sakanya, at dahil dito, hindi niya na
napigilang maging emosyunal sa harapan nito.
Inilapag ni Chen Yang ang bote ng cream sa lamesa na katabi ng kama at
hinawakan ang kamay ni Qiao Anxia. "Xia Xia, kapag nakalabas ka na ng
ospital, magpakasal na tayo kaagad ah."
Sa sandaling ito, hindi na kayang pigilan ni Qiao Anxia ang kanyang mga luha,
kaya para hindi makita ni Cheng Yang, dahan-dahan siyang yumuko, at
tumungo nalang bilang sagot.
Habang si Chen Yang naman ay masayang ngumiti at maingat na lumapit para
halikan ang kanyang noo. "Sige na, malalim na ang gabi. Kailangan mo ng
magpahinga."
Pinilit ni Qiao Anxia na ngumiti at magpanggap na normal, "Mhm, goodnight."
"Night." Hinaplos ni Chen Yang ang kanyang buhok, at kinumutan, bago ito
pumunta sa CR.
Noong narinig niyang bumukas na ang gripo, hindi niya na kayang pigilan ang
bigat na nararamdaman niya, kaya dali-dali siyang nagtalukbong ng kumot at
tuluyan ng umiyak.
Sinabi ni Chen Yang na gusto siyang pakasalan nito… Pero ano pa bang
karapatan niya para tawaging 'misis' nito?
Hindi niya pinagsisisihan na iniligtas niya si Qiao Anhao dahil mahal na mahal
niya ang pinsan niya kaya kahit pa sabihing wala siyang nagawang kasalanan
dito noon, handa pa rin siyang ibuwis ang buhay niya para lang mailigtas ito…
Kaya ngayon, wala siyang sinisisi sa mga nangyari.
Pero ayaw niya rin namang idamay si Chen Yang sa pagdurusang naghihintay
sakanyang pagtanda…
-
Ngayong araw, naguumapaw ang saya ni Lu Jinnian kaya sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagbigyan niya ang lahat ng lumalapit sakanya para
magpainom ng alak. Bukod sa hindi siya mahilig uminom, natural talaga
sakanya na madaling malasing kaya bago pa man makaalis ang mga bisita
nila ay tumba na siya kaagad, at bandang huli, pinagtulungan nalang ni Xu
Jiamu at ng assistant na akayin siya paakyat sa kwarto nila ni Qiao Anhao.
Pagkababa ni Xu Jiamu, sinamahan niya pa sina Auntie at Uncle Qiao
hanggang alas siyete ng gabi para asikasuhin ang iba pang mga bisita. Bukod
sa mga nakaraang araw na wala silang ibang ginawa kundi maghanda para sa
kasal ng kuya at best friend niya, sobrang napagod din siya ngayong araw
dahil sa impluwensya ng alak, kaya pagkatapos niyang siguraduhing nakaalis
na ang mga bisita, balak niya na rin sanang umakyat sa kwartong nakareserve
para sakanya, pero bigla namang nagring ang kanyang phone…
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES