App herunterladen
87.76% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 854: Ang Katapusan (15)

Kapitel 854: Ang Katapusan (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi pa masyadong magaling ang sugat ni Qiao Anxia kaya pagkatapos na

pagkatapos ng reception, bumalik na siya kaagad sa ospital.

Simula noong masaksak siya, ni isang beses ay hindi pa siya iniwanan nina

Auntie at Uncle Qiao, pero dahil mahalaga ang araw na ito para kay Qiao

Anhao at sa buong Qiao Family, ayaw niya namang agawin ang momento na

para naman sa pinsan niya. Sa totoo lang, wala namang problema sakanya

kung magisa lang siya babalik sa ospital dahil matutulog at magpapahinga

lang naman siya, kaya noong sinabi ni Cheng Yang na sasamahan siya nito,

hindi siya pumayag at pinasunod nalang ito pagkatapos ng party.

Hindi na nakipagtalo si Cheng Yang at pumayag naman kaagad, pero

hanggang pagalis niya ay hindi ito tumigil sa pagasikaso sakanya. Maingat

siya nitong binuhat papasok sa sasakyan, kinabitan ng seatbelt, at higit sa

lahat, hinalikan sa mga labi habang paulit-ulit na nagpapaalala na magingat at

magpahinga siyang mabuti.

Pero hindi pa sapat ang isa kaya habang nakayap siya sa leeg nito,

naglambing siya ng isa pang halik bago siya dahan-dahang bumitaw.

Pagkaandar ng sasakyan, dali-dali niyang sinilip sa rear view mirror si Chen

Yang, na nakatayo pa rin sa labas ng hotel.

Kaya hindi niya napigilang mapangiti sa sobrang saya at kilig.

Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa niya, kabutihan pa rin ang ginanti

sakanya ng langit. Hindi siya namatay, at ngayong sigurado na siya sa

nararamdaman niya para kay Chen Yang, napagplanuhan na nila ang

magiging kasal nila sa paparating na Mayo. Kapag gumaling na siya at

nakalabas ng ospital, aasikasuhin niya kaagad ang bawat detalye ng magiging

kasal niya at sisiguraduhin niya na pag dumating ang araw na 'yun, kasing

saya rin siya ni Qiao Anhao. Kaya kailangan niya ng magpagaling ngayon para

maramdaman niya na rin ang nararamdaman ng pinsan niya , at higit sa lahat,

para magkababy na rin sila ni Chen Yang.

Pero ang nakakahinayang lang, mas mauunang manganak si Qiao Anhao kaya

ang magiging baby niya ang tatawag na ate o kuya sa baby nito.

Pagkabalik niya sa ospital, nanghihina na siya sa sobrang pagod kaya chineck

up siya kaagad ng doktor para makita kung may mga naging kumplikasyon.

Medyo bumuka ang tahi niya, pero hindi naman ganun seryoso kaya nilisan at

tinahi lang ito sandali ng isang staff.

Muli siyang swineruhan, at hindi nagtagal ay nakatulog na rin siya kaagad ng

mahimbing. Hindi niya alam kung dahil ba 'to sa kasal ni Qiao Anhao, pero

nanaginip siya. Napanaginipan niya na ikinakasal na sila ni Chen Yang kaya

nang magising siya, abot tenga ang kanyang ngiti. Lumubog na ang araw at

natanggal na rin ng nurse ang kanyang swero kaya dalawang plaster nalang

ang naiwan sa kamay niya.

Dahan-dahan siyang tumagilid para kapain ang kanyang phone na nilagay

niya kanina sa ilalim ng kanyang unan. Gusto niya sanang tawagan si Chen

Yang para makibalita sa mga nangyari sa kasal noong umalis siya, pero

habang hinahanap niya ang number nito, narinig niya ang pagbubulungan ng

dalawang nurse sa labas ng kanyang kwarto, "Totoo bang nasaksak ang

pasyente mo sa matris? Ibig sabihin, hindi na siya pwedeng mabuntis?"

Kaya bigla siyang natigilan at ang mga daliri niyang nakawak sa kanyang

phone ay literal na nanigas. Hindi nagtagal, narinig niya ang boses ng nurse

na nagaalaga sa kanya, "Shhh. Wag ka ngang magsalita ng ganyan dito.

Pasalamat ka natutulog siya ngayon, pero pag nagising siya at narinig yang

sinasabi mo, nako malilintikan talaga ako!"

"Natutulog naman siya diba?" Tanong ng kausap nitong nurse.

At muli niyang narinig na sumagot ang kanyang nurse, "Oo nga eh. Naawa ako

na hindi na pala siyang pwedeng magbuntis. Pero hindi niya pa alam kasi

ayaw pang sabihin ng pamilya niya. Teka nga, sa labas nalang tayo

magusap…"

Pagkatapos, biglang nagsarado ang pintuan at muling nabalot ng katahimikan

ang buong kwarto.

Hindi maintindihan ni Qiao Anxia kung anong nangyayari… Malinaw ang mga

narinig niya pero ayaw niyang maniwala…

Nakatulala lang siya ng halos sampung minuto hanggang sa maramdaman

niyang may pumatak na luha mula sa gilid ng kanyang mga mata. Dahan-

dahan siyang kumurap, at dahil dito, tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga

luha.

Anong sabi nila… Nasaksak ang matris niya at hindi na siya pwedeng

magbuntis?

Ano bang ibig sabihin nila na 'hindi na pwedeng magbuntis'? Ibig sabihin,

hindi na siya pwedeng maging nanay?

Kung ganun…Yung pangarap niya kaninang baby na tatawag na ate o kuya sa

magiging anak ni Qiao Anhao ay hindi pala mangyayari?


Kapitel 855: Ang Katapusan (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang mga mata ni Qiao Anxia na kanina'y sobrang saya ay parang biglang

nawalan ng buhay.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari… Awang awa siya sa kanyang sarili…

Bakit kailangan nitong mangyari…. Wala siyang karapatan na maging

nanay…. Ito ba ang parusa sakanya ng langit?

Bandang huli, hindi niya na kinayang kimkimin ang bigat na nararamdaman

niya at tuluyan na siyang umiyak ng umiyak.

Gaano nga ba siya katagal na umiyak? Hindi niya rin alam pero inilabas niya

lang ang lahat ng gusto niyang ilabas hanggang sa may narinig siyang katok,

kaya dali-daling nagtago sa ilalim ng kumot.

Bumalik ang nurse. Naramdaman niyang lumapit ito sakanya pero siguro dahil

akala nitong natutulog lang siya, hindi na siya inistorbo nito at umalis rin

kaagad.

Nang marinig niyang nagsarado na ang pintuan, dahan-dahan niyang ibinaba

ang kumot. Hanggang sa mga sandaling 'yun, wala pa ring awat ang kanyang

luha sa kapapatak. Nakatulala lang siya sa puting kisame at hindi niya na

alam kung ano ba eksakto ang dapat niyang nararamdaman.

Pagsapit ng alas siyete, muling bumalik ang nurse.

Natuyo na ang mga luha ni Qiao Anxia, pero namumugto pa rin ang kanyang

mga mata kaya halatang-halata na katatapos niya lang umiyak.

"Miss Qiao, gising ka na pala?" Nakangiting tanong ng nurse habang bitbit ang

tray na may lamang pagkain papunta sa harapan ni Qiao anxia. "Saktong

sakto po, oras na rin para sa gabihan niyo. Babalikan ko nalang po ang tray

mamaya."

Tumungo lang si Qiao Anxia pero hindi niya kinuha ang kanyang chopsticks,

kagaya ng nakasanayan sa tuwing dumarating ang pagkain niya.

Pagkalipas ng isang oras, kagaya ng pangako, bumalik ang nurse para kunin

ang tray. Hindi nito inaasahan na hindi pa pala kumakain si Qiao Anxia kaya

hindi nito napigilang magtanong sa sobrang pagaalala, "Miss Qiao, bakit hindi

ka pa kumakain? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Bilang sagot, walang kabuhay-buhay na umiling si Qiao Anxia. Gusto niya

sanang sabihin sa nurse na ilabas nalang ang pagkain, pero noong

magsasalita na siya, sakto namang nagbukas ang pintuan at pumasok si Chen

Yang. na suot pa rin ang suit na ginamit nito kanina sa kasal bilang best man.

"Mr. Chen, nakabalik na po pala kayo?" Pagkatapos batiin ng nurse si Chen

Yang, muli itong nagpatuloy, "Hindi ko po alam kung anong nangyari… Ayaw

pong kumain ni Miss Qiao."

Biglang kumunot ang noo ni Chen Yang at naglakad papunta sa kama. Kinapa

niya ang tray at nang mapansin niyang medyo malamig na ang pagkain,

inutusan niya ang nurse na kumuha nalang ng bago. Dahan-dahan siyang

umupo sa kama para kapain ang noo ni Qiao Anxia. Kinakabahan siya na baka

nagkaroon ng kumplikasyon dahil napagod ito kanina, pero nang makumpirma

niyang normal naman ang temperature nito, kumalma na rin siya at malambing

na nagtanong, "Bakit ayaw mong kumain? Ayaw mo ban g pagkain mo o

masama ang pakiramdam mo?"

Dahil dito, lalong nasaktan si Qiao Anxia kaya muli nanaman siyang naiyak.

Hanggat maari, ayaw niyang ipakita kay Chen Yang na malungkot siya kaya

dali-dali siyang yumuko at pinilit ang sarili niya na magpanggap na walang

nangyari. "Hindi, siguro sobrang nabusog lang ako sa reception nina Qiao

Qiao. Hindi talaga ako gutom."

"Pero kailangan mong kumain kahit kaunti para gumaling kaagad."

Walang balak na makipagtalo si Qiao Anxia, kaya tumungo lang siya at

niyakap ng mahigpit ang braso ni Chen Yang.

Hindi nagtagal, bumalik ang nurse na may dalang bagong pagkain. Alam ni

Chen Yang na walang gana si Qiao Anxia, kaya nagrepresinta siya na subuan

ito. Pagkatapos, pinunasan niya rin ang gilid ng mga labi nito, pinainom ng

gamot, at maingat na ihiga sa kama.

Alam niya kung gaano ka mitikolosa si Qiao Anxia lalo na pagdating sa

mukha. Kahit sa mga araw na hindi ito nagmemake up, lagi talaga itong

naghihilamos, kaya ngayong hirap itong bumangon, siya na mismo ang

naglinis ng mukha nito gamit ang facial wipes.

Simula nang magising si Qiao Anxia, araw-araw na itong ginagawa ni Chen

Yang.

Noong una, magkahalong saya at kilig ang nararamdaman ni Qiao Anxia dahil

para silang mga batang naglalaro, pero ngayon, hindi niya maintindihan kung

bakit sobrang sakit…

Hindi dahil sa hindi sakanya sinabi ni Chen Yang ang totoo.... Hindi na siya

pwedeng magkaanak at masyado na rin siyang alagain, pero bakit sobrang

bait pa rin nito sakanya?


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C854
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES