App herunterladen
87.56% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 852: Ang Katapusan (13)

Kapitel 852: Ang Katapusan (13)

Redakteur: LiberReverieGroup

'Teka… sinabi rin ba 'to sakanya ni Qiao Anxia?'

Habang patagal ng patagal, painit din ng painit ang laban kaya hanggat maari,

ayaw sanang magpatalo ni Qiao Anhao.

Dahil sa mga nakakakilig nilang rebelasyon, lalong ginanahan ang kanilang

mga bisita, pero hindi kagaya ng mga normal na tuksuhan, hindi sila nauwi sa

pikunan, bagkus, bandang huli, wala silang ibang naramdaman kundi ang

naguumapaw na pagmamahal at kapanatagan.

Oras na para sa reception, pero bilang master of ceremonies, hindi na muna

inistorbo ng assistant ang bride at groom, at sikreto siyang bumaba sa

entablado para abisuhan ang isang staff.

Sa puntong ito, ang Qiao Anhao na sobrang competitve ay hindi na napigilang

maging emosyunal. Mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata habang nakatitig

kay Lu Jinnian at nang sandaling magsalita siya, halatang naginginig ang

kanyang boses, "Eh sino naman kaya yung pumapasok sa school tuwing

umaga tapos magtatrabaho sa gabi noong nasa middle high kami para

mabilhan lang ako ng cake sa Black Swan."

Habang nagsasalita, biglang huminto ang 'Wedding March Song' na kanina pa

tumutugtog, at pinalitan ito ng bagong kanta.

Ang sumunod na kanta ay ang official soundtrack ng isang sikat na pelikulang

inilabas kamakailan lang kaya halos lahat ng mga bisita ay kabisado ang lyrics

nito.

Pagtungtong ng first stanza, manghang mangha ang lahat dahil imbes na

boses ng orihinal na singer ang marinig nila, ay nangibabaw ang malambing

na boses ni Qiao Anhao!

"May mga pagkakataon na nakasalumbaba lang ako sa lamesa…nakatulala at

nakatitig sa anino mo…Siguro wala kang ideya….Kasi lahat ng tungkol sayo

ay nakatago lang sa puso ko..."

'Ha? Sinabi ba sakanya yun ni Xu Jiamu?'

Tinignan ni Lu Jinnian ng masama si Xu Jiamu, na dali-daling tumingin kay

Song Xiangsi para umiwas ng tingin.

Pagkatapos kumanta ng babae, oras na para sa parte ng lalaki, at dahil lahat

ng mga imbitado ay malalapit nilang mga kaibigan, sigurado ang mga ito na si

Lu Jinnian ang kumakanta. "Hinihintay kita sa kanto kasama ang bisikleta

ko…Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin, hindi ka nagalinlangang

samahan ako…Kahit gaano pa kaganda ang paglubog ng araw, hinding hindi

yun makukumpara sa ganda ng iyong mga mata…Hindi kita narinig na

nagpaalam, pero isang araw bigla ka nalang nawala at hindi na

nagparamdam…"

Sa pagkakataong ito, hindi na hinintay ni Qiao Anhao na maksagot si Lu

Jinnian at habang pinapatugtog ang nakakakilig nilang duet, muli niyang inisa-

isa ang mga naalala niya. "Isa pa, sino kaya yung hindi mapakaling nagdala

sa akin sa clinic at binantayan ako buong maghapon… Ayun… napagalitan

siya ng teacher niya at pinatayo sa labas ng classroom ng buong araw dahil

nagcutting class siya."

At muli, nangibabaw na naman ang boses ni Qiao Anhao sa background

music. "Maya't-maya mo rin ba akong naiisip? Kagaya ng pagalala ko sa mga

nakaraan natin…Tag sibol, tag lamig, tag lagas, at tag ulan, pero kahit minsan

hindi na ulit tayo nabigyan ng pagkakataon na makapagusap…Akala magkikita

na ulit pagsapit ng panibagong tagsibol, pero nagkamali ako..."

Habang nakatitig sa mga mata ni Qiao Anhao, muling nagsalita si Lu Jinnian,

"Eh sino naman yung pumasok sa entertainment industry para lang maging

ka'screen couple ko?"

Bahagyang kumurap si Qiao Anhao at malumanay na sinabi, "Eh sino naman

yung may crush sa akin mula third year senior high?"

Mahinahong sumagot si Lu Jinnian, "Sino kaya yung na love at first sight daw

sa akin noong third year senior high habang nagpapatila kami ng ulan?"

Pagkatapos ng huling birada ni Lu Jinnian, hindi na napigilang mapaiyak ni

Qiao Anhao. Masaya siyang ngumiti at sinabi, "Ako."

"Ako," sabay na sabay na sagot ni Lu Jinnian.

Muli silang nagtitigan na may abot-tengang mga ngiti.

Habang ang background music ay patuloy lang sa pagtugtog.

"Maya't-maya mo rin ba akong naalala? O masaya ka na sa buhay mo at wala

ka ng pakielam sa akin…Buti nalang, nagkita kita tayo noong kabataan natin…

Ikaw ang laman ng kabataan ko, at ako naman ang laman ng iyo."

Pagkalipas ng halos isang minuto, muli silang nagsalita at sabay na sabay na

sinabi, "Minahal kita ng labintatlong taon."

Walang rehearsal na nangyari, pero tugmang tugma ang mga iniisip nila.

Kaya ang mga bisita na kanina pa naghihiyawan ay bigla ring natahimik at

nakaitig lang sakanila na may mga matang punong-puno ng emosyon.


Kapitel 853: Ang Katapusan (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ngumiti si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at niyakap ito ng mahigpit para ituloy

na ang naudlot nilang halikan.

At sa kabila ng presensya ng kanya-kanya nilang mga pamilya at kaibigan,

hinalikan niya ito ng sobrang diin.

Kaya hindi na rin nagpapigil si Qiao Anhao at niyakap ang leeg nito para

gantihan din ito ng halik.

Walang humpay ang pagkutitap ng mga chandelier, kasabay ng pagbuhos ng

mga mababangong petals ng bulaklak.

Habang ang bagong kasal emosyunal na naghalikan, na para bang hindi nila

alintana ang mga nanunuod sakanila.

Kaya muling nagsipalakpakan at naghiyawan ang lahat.

Pagdating sa huling linya ng kanta, na hindi na mabilang kung ilang beses ng

pinaulit-ulit, wala pa rin silang balak na maghiwalay.

"Ikaw ang laman ng kabataan ko, at ako naman ang laman ng iyo."

Muling tumahimik ang lahat.

Dahan-dahang lumayo si Lu Jinnian para isandal ang kanyang noo sa noo ni

Qiao Anhao, at kasabay ng kanta, muli niyang ibinuka ang kanyang bibig,

"Ikaw ang laman ng kabataan ko."

"At ako naman ay sayo," sagot ni Qiao Anhao, na binago ang lyrics para mas

maging nakakakilig.

Walang may alam kung sino ang unang pumalakpak, pero pagkatapos nito,

napuno ang venue ng walang katapusang palakpakan.

Niyakap ni Lu Jinnian ng sobrang higpit si Qiao Anhao.

Ikaw ang laman ng kabataan ko, at ako naman ang laman ng iyo.

Si Qiao Anhao ang pinaka magandang alala ng kabataan ni Lu Jinnian, at

para naman kay Qiao Anhao, si Lu Jinnian ang katuparan ng lahat ng mga

pangarap niya.

-

Walang inimbitahang press sina Qiao Anhao at Lu Jinnian, pero may hindi

matukoy na guest ang nagrecord ng ilang bahagi ng kasal nila at inupload

online.

Kaya sa loob lang ng dalawang oras ay muli nanaman nilang nabingwit ang

headline at hindi lang isa, kundi dalawang topic pa.

[Ang magarbong kasal ng Lu Qiao] at [Ang nakakakilig na pag'amin ng Lu

Qiao]

Sa ilalim ng topic na [Ang magarbong kasal ng Lu Qiao], may ilang

naka'attach na litrato mula sa kasal nina Qiao Anhao at Lu Jinnian. Sobrang

perpekto ng lahat, na kahit sinong makakita ay papangarapin ding makaranas

nito.

Samantalang sa ilalim naman ng topic na, [Ang nakakakilig na pag'amin ng

Lu Qiao], may nagupload ng video ng pabirong bangayan nina Qiao Anhao at

Lu Jinnian sa entablado. Noong una, hindi pa sineryoso ng netizens, pero

nang matapos na ang video, maraming umaming napaiyak sila nito.

Hindi lang naiyak ang mga ito dahil sa labintatlong taong pagmamahal ng

dalawa, pero higit sa lahat, mas naantig ang mga tao sa mga naging

sakripisyo ng dalawa para ipaglaban ang pagmamahal ng mga ito.

Sino ba ang hindi dumaan sa first love noong kabataan nila? Maraming

nakipaglaban at nagpakamartyr…. Pero iilan lang ang umabot hanggang dulo,

tama?

Ang pinaka nakakakilig sa kwento nina luy Jinnian at Qiao Anhao ay hindi

yung pagmamahal, kasi lahat naman ng tao ay nakakaramdam ng ganun,

pero yung pakikipaglaban na ginawa ng bawat isa kahit na alam nilang baka

wala naman silang kahinatnan bandang huli.

Dahil sa huling scandal, maraming netizens ang nagalit kay Qiao Anhao at

kahit na nilinaw na ni Xu Jiamu ang lahat, marami pa ring nambabash sa Lu

Qiao. Pero ngayong araw, maging ang mga ito ay naantig din nang malamn

ng mga ito ang tunay nilang kwento at tuluyan ng pinakawalan ang galit.

Maraming bumati sakanila at humiling na sana maging masaya sila hanggang

sa pagtanda.

-

Pagsapit ng alas tres ng hapon, dinala muna ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa

hotel room nila para makapagpahinga ang asawa.

Dahil sa pagbubuntis nito, sigurado siyang napagod si Qiao Anhao sa lahat

ng mga ginawa nila sa buong araw kaya para makapagpahinga na ito kaagad,

tinulungan niya itong magbihis at niyakap ng mahigpit. "Napagod ka ba?"

Napagod talaga si Qiao Anhao, pero lamang pa rin ang saya.

Umiling siya at dahan-dahang hinalikan ang mga labi ni Lu Jinnian.

Kung kanina nagawa siyang halikan nito sa harap ng maraming tao, ano pa ngayon na

silang dalawa? Niyakap siya nito ng mas mahigpit at hinalikan ng sobrang madiin, pero

noong dalang-dala na sila, bigla namang kumatok ang assistant para sabihin kay Lu

Jinnian na asikasuhin muna ang mga bisita.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C852
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES