Nagkasundo ang magpinsan na wag ng pagusapan ang mga malulungkot na
nangyari kaya sa tuwing bumibisita si Qiao Anhao, palagi lang silang
nagkwekwentuhan ng masasaya mga bagay, kagaya ng ginagawa nila dati. At
noong minsang may nakakita sakanilang isang nurse, palihim nitong pinuri si
Auntie Qiao sa sobrang ganda ng samahan nila.
Sa totoo lang, wala naman talagang sinuman ang pwedeng magsabi kung
tama o mali ang isang bagay.
Dahil sa mundong ito, walang tao na maituturing na sobrang bait o sobrang
sama at kadalasan, kaya lang naman nagagawa ng tao na magpatawad ay
dahil sa pagmamahal.
-
Sa sobrang bilis ng paglipas ng mga araw, hindi nila namalayan na dumating
na araw na pinakahihintay nina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Hanggat maari, gusto sana ni Qiao Anhao na iatras ang petsa ng kasal nila
hanggang sa makalabas si Qiao Anxia ng ospital, pero dalawang buwan na
siyang buntis sa kasalukuyan….Unti-unti ng lumalaki ang tyan niya, at kung
iaatras nila ang petsa, siguradong mas lalaki pa ito…Kung magkakaganoon,
siguradong hindi papayag ang Auntie at Uncle niya na isuot niya ang kanyang
wedding gown ng malaki ang tyan at baka pilitin siya ng mga ito na ituloy
nalang pagkatapos niyang manganak… Isa pa, nakapagpadala na sila ng mga
invitation kaya kung bigla nilang papalitan ang petsa, mas magiging abala pa
ito dahil kailangan nilang isa-isahing abisuhan ang mga bisita nila…
Kaya matapos ang matagal na pagdidiskusyon, napagdesisyunan nilang lahat
na ituloy nalang ang kasal sa orihinal na petsa.
Hindi pa rin kayang bumangon ni Qiao Anxia hanggang ngayon kaya hindi siya
pwedeng maging bridesmaid, pero kung siya lang ang masuusunod, gustong
gusto niya talagang dumalo sa kasal ng pinaka mamahal niyang pinsan. Hindi
naman talaga siya pinagbabawalang lumabas, pero dahil masyadong
nagaalala si Chen Yang, nakipagugnayan ito sa isang doktor na pwedeng
sumama sakanila sa kasal para masolusyunan kaagad kung sakanila mang
may mangyari.
-
May ilang pulis na nakabantay sa police station noong dumating si Xu Jiamu
kaya para makapasok, binola-bola niya muna ang mga ito at binigyan ng tig-
iisang sigarilyo para payagan siyang pumasok sa interrogation room.
Sa loob, sumalubong sakanya ang iisang lampara, na patay-sindi, na
nakabukas sa isang gilid at ang umaalingasaw na mapanghing amoy.
Ang taong nakaupo sa likod ng seldang bakal ay si Han Ruchu… Nang marinig
niya ang pagkaluskos ng pintuan, bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo
para sumilip. Halos isang linggo palang noong huling beses silang magkita ni
Xu Jiamu, pero kumpara noong araw na 'yun, sobrang laki na ng itinanda niya
na lalo pang nahalata dahil pumuti na ang halos lahat ng hibla ng mga buhok
niya.
Sobrang sama ng pagkakatingin niya kay Xu Jiamu, na hindi nagtagal ay agad
niya ring ibinaling.
Kaya napayuko nalang ito at mahinahong sinabi sa katabi nitong pulis, "Pwede
bang iwanan mo muna kami ng sandali?"
Tumungo naman ang kausap nito at dahan-dahang isinarado ang pintuan.
Sobrang tahimik sa loob ng interrogation room. Pagkalipas ng ilang minuto,
dahan-dahan at punong-puno ng pagdadalawang isip na lumapit si Xu Jiamu
sa selda, at biglang lumuhod.
Pero nang marinig ito ni Han Ruchu, wala pa ring nagbago sa reaksyon niya,
at muli, tinignan niya lang ito ng masama.
"Ma, alam kong ayaw mo akong makita ngayon, pero nandito pa rin ako para
bisitahin ka."
"Baka hindi na pwedeng magkaanak si Xia Xia dahil sa sobrang lala ng
pagkakasaksak mo sakanya.
"Alam ko na inutusan mo si Aunt Yun na maghanap ng abogado, kaya
pinigilan ko siya. Pinuwi ko na siya sa probinsya niya. Si papa naman…nasa
ibang bansa siya ngayon at sabi niya, hindi raw siya pwedeng umuwi ng
basta-basta. Binenta ko na rin yung bahay natin, Ma. At base sa
pagkakaintindi ko sa kaso mo, siguro lalabas na ang magiging hatol sayo sa
makalawa."
Punong-puno ng emosyon at medyo nanginginig ang boses ni Xu Jiamu
habang nagsasalita. "Siguradong mahirap jan sa loob. Matanda ka na, at may
sakit ka pa kaya alagaan mong maigi ang sarili mo ah?"
"Pangako, dadalawin kita ng madalas…Kahit pa ayaw mo akong makita.
"Sana mapagnilayan mo na yung mga ginawa mo. At…at kung pagkalipas ng
labindalawang taon, makalabas ka rito na napagsisihan mo na ang lahat,
tatanggapin kita ulit, Mama."
Sa pagkakataong ito, gusto sanang magsalita ni Han Ruchu pero walang
lumabas na salita mula sakanyang bibig.
Kung may pinaka malungkot na tao sa lahat ng mga nangyari, si Xu Jiamu yun
kaya habang nakaluhod, bigla siyang yumuko na abot hanggang sahig.
"Sorry, Ma."
Ang mga salitang iyon ay simpleng paghingi ng tawad ng isang anak.
Dahil alam niya na kahit anong sabihin niya ay tumatak na sa puso't isipan ni
Han Ruchu na isa siyang suwail na anak.
Muling nabalot ng katahimikan ang buong interrogation room at ilang minuto
rin siyang nanatili sakanyang posisyon, bago siya dahan-dahang tumayo.
Tinitigan niya ng diretso sa mga mata si Han Ruchu at bumulong, "Magingat
ka."
Pero pagkalipas ng ilang minuto, wala siyang nakuhang kahit anong sagot,
kaya bandang huli, tumalikod nalang siya at malungkot na naglakad palabas.
Samantalang si Han Ruchu ay nakatitig lang sa likuran ni Xu Jiamu habang
naglalakad.
Pero nang mahawakan na nito ang pintuan, hindi niya na napigilan ang sarili
niya at punong-puno ng emosyon na sinabi, "Jiamu, alagaan mo ang sarili
mo."
Napakasimpleng mga salita, pero sapat na ang mga ito para madurog
nanaman ang puso ni Xu Jiamu. Mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay Han
Ruchu at nakangiting sinabi, "Ma, hihintayin kitang makalabas."
Habang sinasabi niya ito, nagdadasal din siya na sana pagkalipas ng
labindalawang taon ay pumabor sakanila ang tadhana at makalabas talaga
ang mama niya sa presinto. Sa panahon na yun, siguradong puro puti na ang
buhok nito, kaya sisiguraduhin niya na babawi siya at aalagaan niya ito
hanggang sa huli nitong hininga.
Pero hindi niya naman akalain na hindi na pala nito mahihintay ang
labindalawang taon….
-
Habang inihahanda ang lahat ng kakailanganin para sa 'big day' nina Qiao
Anhao at Lu Jinnian, sobrang daming ideya ang pinagsama-sama para maging
perpekto ito, pero noong mismong araw na ng kasal, lahat sila ay hindi
makapaniwala sa sobrang ganda ng kinalabasan dahil para silang literal na
nasa fairy tale.
Punong-puno ang paligid ng mga chandelier, may mga petals ng bulaklak na
walang tigil sa pagbuhos, shaig na salamin, mga lamesang magaganda ang
pagkakaayos, isang siyam na palapag na cake na kasing tangkad na ng
tao…at isang malaking screen na nagfaflash ng mga prenuptial pictures nina
Qiao Anhao at Lu Jinnian, na sinabayan pa ng mga nakakakilig na kanta.
Pagsapit ng alas dose impunto, nagsidatingan na ang mga bisita.
Kaya pagtungtong ng alas dose kinse, umakyat na ang assistant ni Lu Jinnian
sa stage para maumpisahan na ang programa.
Alas dose bente singko, pinaakyat na nito ang groom sa entablado at
nagsipalakpakan ang lahat.
Base sa astrology, alas dose trenta'y tres ang maswerteng oras para
magpakasal kaya ibig sabihin may walong minuto pa bago pumasok ang bride,
at bilang master of ceremonies, sinamantala ng assistant na usisain si Lu
Jinnian ng mga katanungang matagal ng bumabagabag sakanya habang
nagpapalipas ng oras.
"Narinig ko na nagkaroon kayo ng pekeng kasal ng bride noon, at ayon sa
isang mapagkakatiwalaang source, ayaw daw ng bride na malaman ng lahat
ang tungkol dun, kaya ang tanong ko ngayon, paano ka napapayag ng bride?"
'Hay nako… Halata namang sinusulit ng lalaking 'to ang pagkakataon na
mangusisa… Pero pasalamat ka dahil araw ng kasal ko ngayon…' Itinaas ni
Lu Jinnian ang microphone at walang pagdadalawang isip na sumagot, "Noong
gabi ng pekeng kasal naming, binigyan niya ako ng tatlong rule."
AHA! Dahil sa sagot ni Lu Jinnian, lalo pang naging interesado ang assistant.
"Ano naman ang tatlong rule na yun? Naalala pa kaya yun ng groom natin?"
Naalala? Paano niya naman kaya makakalimutan? HELLO? Lahat kaya ng
sinabi ni Qiao Anhao, masakit man o nakakakilig, ay tandang-tanda ni Lu
Jinnian.
Sa totoo lang, sobrang nasaktan siya ng tatlong rule na tinutukoy niya, pero
ngayon, isa na ito sa mga pinaka paborito niyang mga salita.
Muli, kalmado niyang itinapat ang microphone sakanyang bibig at sinabi,
"Hindi mo ako pwedeng hawakan sa publiko.
"Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino na misis mo ako.
"Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino na tumitira tayo sa iisang bubong."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES