Pero ano naman ngayon?
Wala siyang pakielam kahit gaano man kadilim at karumi ang nakaraan nito, dahil ang gusto niya lang ay makasama ito hanggang pagtanda.
Sa loob ng isang buwang hindi sila nagusap, kahit hindi niya ito kinokontak, walang minuto na hindi niya ito naisip. Hindi niya naman talaga ito kayag tiiisin, gusto niya lang malaman kung mahal din ba talaga siya nito…
Pero sino nakakaalam na mangyayari ito?
"Xiaxia…" Bulong ni Chen Yang habang walang tigil na umiiyak.
Pati si Qiao Anhao na nasa tabi ni Qiao Anxia ay napahawak nalang ng mahigpit sa shirt ni Lu Jinnian habang umiiyak sa dibdib nito.
At pakalipas ng ilang sandali, ang sakit ng tiyan na ininda niya kanina ay muling nanumbalik kaya lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya kay Lu Jinnian.
Sa labas ng building ng "Isang daang taong kaligayahan", rinig na rinig ang sirena ng ambulansya.
-
Alas sinco na nang makalabas sina Xu Jiamu at Song Xiangsi sa police station. Palubog na ang araw kaya nagkulay pula ang buong paligid.
Masyado silang naging abala sa loob ng police station, kaya medyo huli na noong nabasa nila ang text ni Lu Jinnian na ligtas na si Qiao Anxia mula sa panganib pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Kasalukuyan itong binatanyan ni Chen Yang, pero ang nakakalungkot na balita ay dumiretso raw ang kutsilyo sa matris nito kaya baka imposible na itong magbuntis.
Hindi pa rin naalis ang mga bakas ng dugo sa mukha ni Xu Jiamu, na lalo pang nangibabaw noong namutla siya dahil habang kinakausap sila ng mga pulis, muli nanamang nabaliw ang mama niya at pinagsusugat siya.
Minaneho ni Xu Jiamu ang sasakyan niyang may ticket papunta sa police station.
Noong pabalik na sila, nakita ni Song Xiangsi kung gaano siya kalungkot. "Ako nalang magmamaneho."
Medyo nagalangan pa si Xu Jiamu bago niya ito tignan, pero dahil aminado naman siya na wala siya sa sarili, hindi na siya nagmatigas at kusang looob na siyang dumiretso sa passenger seat.
Habang nagmamaneho, maya't-mayang sinisilip ni Song Xiangsi si Xu Jiamu. Nakapikit ito at mukhang pagod na pagod, pero sa kabila ng mga nangyari, halatang kalmado ang itsura nito.
Kaya hindi niya na ito ginising hanggang sa makarating sila sa underground parking ng Su Yuan apartment. "Nakauwi na ba tayo?"
Tumungo lang siya bilang tugon, at kalmado itong bumaba.
Pagkarating na pagkarating nila sa loob ng apartment, humiga kaagad si Xu Jiamu sa sofa ng nakatakip ang mga mata gamit ang isa nitong kamay.
At imbes na pagalitan na magshower muna ito, nanahimik nalang si Song Xiangsi sa isang sulok at pinagmamasdan ito. Hindi nagtagal, walang ingay siyang naglakad papunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig, na inilapag niya sa coffee table, bago siya kumuha ng first aid kit. Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod sa para gamutin sana ang mga sugat nito, pero noong hahawakan niya na ang braso nito, nakita niyang umaagos ang luha sa mukha nito.
Kaya bigla siyang natigilan.
Muli niya itong pinagmasdan at pagkalipas ng kalahating minuto, unti-unting mas naging komportable itong umiyak.
Pero sa bawat hikbi nito, parang sinasaksak ang puso niya. Alam niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan nito at gusto niyang iparamdam dito na na hindi ito nagiisa kaya dahan-dahan niya itong niyakap. "Ayos lang yan. Nandito ako para sayo."
Gusto niya sanang sabihin na hindi siya mawawala sa tabi nito.
Pero alam niyang hindi niya naman yun mapapanindigan…malinaw sakanya na kailangan lang siya nito ngayon dahil malungkot ito, pero kapag naging maayos na ang lahat, kailangan niya ng umalis ulit.
Dahil sa oras na yun, siguradong wala na rin naman siyang lugar sa buhay nito…
Sa loob ng pitong taon, nakasanayan na nina Xu Jiamu at Song Xiangsi na
magsex gabi-gabi, o kung kailan nila gustuhin…pero kahit kailan ay hindi pa
sila nakakapagsabi ng kahit anong nakakakilig sa bawat isa.
Kaya ang mga salitang "Nandito lang ako" ni Song Xiangsi ay tumagos talaga
sa kaibuturan ng puso ni Xu Jiamu, at sa kalagitnaan ng pagluluksa niya,
pakiramdam niya ay biglang tumigil ang kanyang mundo, kaya nang sandaling
mahimasmasan siya, bigla niya itong hinila at niyakap ng mahigpit.
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi ang gagawin ni Xu Jiamu kaya ilang segundo
rin siyang natigilan bago niya ito yakapin pabalik.
At base sa naalala…. Ngayon lang siya niyakap ni Xu Jiamu ng ganito…
Sobrang tahimik ng buong kwarto…wala ni isa sakanila ang gumagalaw, na
para bang sinusulit nila ang oras nila sa piling ng isa't-isa… totoong malungkot
si Xu Jiamu, pero dahil sa yakap na 'to, unti-unting napawi ang bigat na
nararamdaman niya…at noong sandaling yun, bigla niyang naalala ang singsing
na nakita niya sa "Isang daang taong kaligayahan" at ngayong ramdam na
ramdam niya ang init ng katawan nito, sigurado na siya na gusto niya talaga
itong pakasalan…. at ayaw niya ng maghanap ng iba…
-
Saktong sakto lang ang dating ng ambulansy, kaya kahit medyo marami na ang
nawalang dugo kay Qiao Anxia, ay nailigtas pa rin siya.
Kagaya nga ng pagkakatext ni Lu Jinnian kay Xu Jiamu: Dumiretso ang kutsilyo
sa matris ni Qiao Anxia kaya kahit natahi na ito, malaki ang posibilidad na hindi
na ito makapagbuntis.
Noong lumabas ang balita, hindi si Chen Yang, o sina auntie at uncle Qiao ang
pinaka nalungkot, kundi si Qiao Anhao, pero dahil natamaan din ang tyan niya,
kinailangan niya ring iconfine, pero imbes na magpahinga ay wala siyang ibang
ginawa kundi umiyak lang ng umiyak…
Hindi kayang makita ni Lu Jinnian na nasasaktan ang asawa niya kaya para
tulungan ito, tinawagan niya si Lucy na maghanap ng mga gynecologist na
pwedeng makatulong sa sitwasyon ni Qiao Anxia.
Kaya hindi nagtagal, may grupo ng mga doktor, na galing sa ibang bansa, ang
nagvideo call kay Qiao Anhao. Kagaya ng inaasahan, hindi nagbigay ang mga
ito ng kasiguraduhan pero nangako ang mga ito na pagaaralang mabuti ang
kaso dahil may mga pasyente na rin naman daw na nagkaranas ng ganung
klaseng trauma, pero himala pa rin namang nabuntis at nanganak.
At dahil sa magandang balitang ito, sa wakas napanatag na rin si Qiao Anhao
at nakapagpahinga.
Hinintay lang ni Lu Jinnian na makatulog si Qiao Anhao ng mahimbing bago
niya ito maingat na kinumutan. Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumabas sa
corridor, at nang masigurado niyang nakalayo na siya, muli niyang kinuha ang
kanyang phone para tawagan si Lucy. "Thank you for helping me with the act
today."
Oo…pagpapanggap lang ang lahat…Dahil noong kinuwento niya ang sitwasyon
ni Qiao Anxia sa mga doktor na nakausap niya, napailing nalang ang mga ito,
kasi paano nga naman mabubuntis ang isang babaeng basag na ang matris?
Sa totoo lang, bago niya pa tawagan si Lucy, alam sa sarili niya na imposible
na talagang magbuntis si Qiao Anxia.
Pero kinailangan niyang humanap ng mga taong sasakay sakanya.
Alam niya naman na ang gusto lang ni Qiao Anhao ay kapiranggot na pagasa,
kaya yun ang gusto niyang ibigay dito.
At hindi lang para sa asawa niya, kundi pati na rin kay Qiao Anxia, na
hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
-
Sinadyang kunin nina auntie at uncle Qiao ang pinaka magaling na medical
team, at sabayan pa ng pinaka mahal na mga gamot, sa loob ng tatlong araw
ay kitang-kita na kaagad ang malaking progreso sa pagrerecover ni Qiao Anxia.
Habang nagpapagaling ng sugat, bente-kwatro oras siyang binabantayan ni
Chen Yang at ng mga magulang niya, at kahit hindi pinapayagang magbantay si
Qiao Anhao para sa kapakanan ng baby, sinisigurado nitong araw-araw itong
bumibisita.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES