App herunterladen
86.33% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 840: Ang katapusan (1)

Kapitel 840: Ang katapusan (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at bago pa maproseso ni Qiao Anhao ang sitwasyon, nagulat nalang siya na may biglang tumulak sakanya at sa sobrang lakas ng impact ay hindi niya na nakotrol ang katawan niya kaya dumausdos ang tyan niya sa lababo. At dahil dito, napakunot siya ng noo sa sobrang sakit, pero bigla siyang natigilan nang narinig niya ang pagbaon ng kutsilyo na sinundan pa ng pagpatak ng dugo sa sahig…. 

At noong oras na yun, biglang huminto ang mundo niya.

Kahit nakapikit siya, kabisadong kabisado niya ang pabango ng taong nasa harapan niya.

Kaya nang sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, gulat na gulat siyang tumingin ng diretso sa mga mata ni Han Ruchu.

Nagkalat ang dugo sa buong paligid, at maging ang puting mask ng matandang nasa harapan niya ay natalsikan din ng dugo.

Sobrang nakakatakot…

Hindi siya makapaniwala na sa kalagitnaan ng kasiyahan, ay may ganitong trahedyang mangyayari kaya noong unti-unti niya ng naintindihan ang mga nangayari, biglang nanlaki ang kanyang mga mata at habang nangingnig ang kanyang mga labi, dahan-dahan siyang tumingin kay Qiao Anxia, na para bang humihingi ng tulong.

Ilang beses niyang sinubukan magsalita, pero parang bigla siyang nawalan ng boses kaya ilang segundo rin ang lumipas bago niya masabi ang salitang "Sis…"

Sa sobrang tahimik ng buong paligid, rinig na rinig niya ang pagpatak ng dugo sa sahig…

Nang sandaling yumuko siya, nakita niyang may patak ng dugo sa paanan niya, kaya para siyang biglang nabaliw at nagsisisigaw ng "Lu Jinnian, Lu Jinnian, Lu Jinnian, Lu Jinnian…

Habang patagal ng patagal, palakas ng palakas ang boses niya, na para bang wala siyang balak na tumigil hanggat walang sumasaklolo sakanila.

At nang marinig ito ni Zhao Meng, na naghihintay sa labas, dali-dali siyang pumasok sa loob ng CR. "Qiao Anhao, anong nangya…."

Pero hindi niya inaasahan ang makikita niya kaya sa loob lang ng ilang segundo ay bigla siyang namutla. "Ate, ate Qiao… Anong nangyari…"

"Qiao Anxia, Qiao Anxia… Wag mo naman akong takutin…"

Hindi na mapakali si Qiao Anhao at noong nakita niyang walang tigil sa pagagos ang dugo mula sa katawan ni Qiao Anxia, dali-dali niyang tinakpan ang sugat nito, pero masyado itong malaki at malalim kaya kahit anong gawin niya ay ayaw talaga nitong huminto. Habang patagal ng patagal, nadedesperado na siya sa mga nangyayari kaya noong nakita niya nakatulala lang si Zhao Meng ay hindi niya na napigilang pagbuntunagn ito, "Zhao Meng, tanga ka ba? Bakit nakatulala ka lang jan! Tumawag ka na ng ambulansya at papuntahin mo dito si Lu Jinnian…"

Dahil sa sigaw ng kaibigan, biglang nahimasmasan si Zhao Meng at walang isip-isip na nagsisisigaw ng "Mamatay tao! Mamatay tao!"

Masyadong malalim ang pagkakatarak ng kutsilyo, at kahit pilitin ni Han Ruchu na hilain ito ay hindi niya na rin nagawa dahil maging siya ay natulala nalang rin sa nangyari. 

At kung hindi pa sumigaw si Qiao Anhao ay hindi siya mahihimasmasan…Siguro nga nawala na talaga siya sa sarili niya dahil bigla nalang siyang tumawa ng malakas noong nakita niyang may nakahandusay sa harapan niya, na ang buong akala niya ay si Qiao Anhao, "Patay na siya, patay na siya! Sa wakas, napatay ko na rin yung malinding yun, hahahahahaha…"

At parang walang katakot-takot na mahuli, nanatili lang si Han Ruchu sa loob ng CR at walangt tigil na humahalaklak.

Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan at sumulpot si Lu Jinnian. Sa sobrang pagaalala, sigaw siya ng sigaw ng "Qiao Qiao" kaya laking gulat niya nang makita niya ang nakakapanindig balahibong eksena. 


Kapitel 841: Ang katapusan (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Anong nangya…" Sa likod ni Lu Jinnian, nagmamadaling sumunod si Chen Yang, pero bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay nakita niya si Qiao Anxia na naliligo sa dugo. Noong una, medyo nanlanta ang katawan niya sa sobrang lala ng nangyari, pero agad din siyang nahimasmasan at dali-daling tumakbo papalapit, "XiaXia? XiaXia?"

Kagaya ni Chen Yang, sumama rin si Xu Jiamu kay Lu Jinnian, pero bago pa man din siya makapagsalita ay nakita niya ang taong tumatawa sa isang gilid.

Kaya bigla ring natigilan si Song Xiangsi at sinundan ang tinitignan nito. Kahit nakadisguise ang babae, sigurado siya kung sino ito kaya bigla siyang nagaalala para kay Xu Jiamu.

At sa kalagitnaan ng tensyon, walang pagdadalawang isip itong lumapit sa babae para samaplin ito ng sobrang lakas. "Tumigil ka na!"

Dahil dito, panandaliang tumigil si Han Ruchu, pero nang makita niya si Xu Jiamu na nasa harapan niya muli siyang tumawa habang dinuduro ito, "Anak kita pero sinampal mo ako… Mga kababayan, sinampal ako ng anak ko, hahahaha… Sinampal ako ng anak ko para sa ibang tao…"

At hindi nagtagal, ang tawa ay biglang naging iyak… Tinitigan niya si Xu Jiamu, na para siya ang naapi at nagpatuloy, "Anak kita, pero bakit ayaw mo akong kampihan?"

Walang balak makipagdiskusyon si Xu Jiamu kaya sa sobrang sama ng loob, ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim bago niya hilain ng marahas ang braso ng mama niya. "Pupunta tayo sa pulis."

"Pulis? Ipapakulong mo ang mama mo?" Tanong ni Han Ruchu habang iyak-tawang umiiling. "Xu Jiamu, pasaway ka talaga! Gusto mo talagang ipakulong ang mama mo?"

Sa pagkakataong ito, wala ng balak si Xu Jiamu na magpapigil kaya hinawakan niya ito ng mas mahigpit at kinaladkad palabas ng CR. 

"Hindi ako sasama, hindi ako sasama!" Nakakarinding tili ni Han Ruchu.

Pero parang walang naririnig si Xu Jiamu at nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang kinakaladkad ang mama niya. 

Pagklabas nila ng CR, biglang lumapit sakanya si Song Xiangsi at nagaalalang sinabi, "Sasama ako."

Medyo nagalangan pa siya noong una, pero si Song Xiangsi naman talaga ang kailangan niya sa mga oras na ito, kaya walang pagtanggi siyang tumungo.

Pero bago ang lahat, bumalik muna sandali si Song Xiangsi sa loob ng CR para magpaalam, "Pupunta muna kamo sa pulis. Parating na rin ang ambulansya. Magbibigay lang kami ng statement tapos susunod kami sa ospital."

Pero parang walang narinig sina Chen Yang at Qiao Anhao.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay tutok na tutok kay Qiao Anhao, kaya bandang huli si Zhao Meng at ang assistant nalang ang tumungo kay Song Xiangsi.

At pagkatapos, nagmamadali siyang tumakbo palabas.

Ngayon na nailabas na si Han Ruchu, biglang tumahimik ang CR.

Sa mga oras na 'to, sobrang putla na ni Qiao Anxia pero nang maramdaman niyang pumatak ang luha ni Qiao Anhao sa mukha niya, pinilit niyang dumilat para ngitian ito.

At dahil sa ngiting yun, lalo pang humagulgol ng iyak si Qiao Anhao. "Sis…sis…"

Sa kabila ng paghihingalo, pinilit ni Qiao Anxia na punasan ang luha ng pinsan niya at pabirong sinabi, "Bakit ka ba umiiyak? Magiging nanay ka na kaya wag mong tinatakot ang bata ng hanyan. Sige ka, baka maging iyakin din yan!"

Mula pagkabata, lagi ng nakukuha ni Qiao Anxia ang anumang gustuhin niya, at base sa kanyang personalidad, may mga paninidigan talaga siya, kaya nga madalas prangka siya kung magsalita at kahit pa pinagsisihan niya naman ang mga ito, mas pinipili niya nalang umiwas dahil hindi niya talaga kayang ibaba ang kanyang ego.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C840
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES