Wala pang dalawang minuto, flinush ni Qiao Anhao ang bowl.
"Kiak!"
Nang marinig ni Qiao Anxia na nagbukas ang pintuan ng kabilang cubicle, nagmamadali siyang sumilip sa siwang, at nakita niyang naglakad ang pinsan niya papunta direksyon kung nasaan siya, pero siyempre, wala naman itong kaalam-alam na nagtatago siya doon, kaya dumiretso ito sa lababo para maghugas ng kamay. At hindi nagtagal, naramdaman niya na dahan-dahang nagbubukas ang pintuan ng cubicle, na kanina niya pa binabantayan…
Lalabas na ba si Han Ruchu?
Kung kanina, wala siyang maisip na pwedeng dahilan ng pagtatago ni Han Ruchu, pero ngayong dumating ang pinsan niya, unti-unti ng lumilinaw sakanya ang lahat, kaya habang pinapakiramdaman ang matanda na nasa kabilang cubicle, dahan-dahan niya ring binuksan ang pintuan ng pinagtataguan niyang cubicle.
At kagaya nga ng inaasahan niya, lumabas si Han Ruchu ng pintuan pagkalipas ng sampung segundo…
Kitang-kita niya na pasimple nitong inilabas ang kutsilyong tinago nito kanina habang maingat na naglalakad para hindi makakutob si Qiao Anhao.
Aha! Ito na ang sagot na kanina niya hininhintay….Ibig sabihin, sinadya ni Han Ruchu na magtago sa loob ng cubicle dahil alam nitong magc'CR at magc'CR si Qiao Anhao!
Mukhang napagplanuhang maigi ng matanda ang gagawin nito dahil nga naman sa tagal ng fitting, imposibleng hindi maihi si Qiao Anhao lalo na ngayon na buntis ito. At kagaya niya, nagmamanman lang din si Han Ruchu sa loob ng pinagtataguan nito, kaya pagkapasok ng pinsan niya, tantsado na nito ang gagawin nito…
Sinadya nitong lumabas habang naghuhugas ng kamay si Qiao Anhao para hindi marinig ng biktima ang mga yabag ng paa nito…
Kung hindi lilingon si Qiao Anhao, siguradong mas magiging madali ito para kay Han Ruchu… At kung totoo ngang magtatagumpay ang plano ng matanda, kahit pa mabuhay si Qiao Anhao, siguradong hindi makakaligtas ang bata…
Sa ngayon, mahalaga ang bawat segundo, dahil kahit anong bagal ng paglalakad ni Han Ruchu, siguradong hindi magtatagal ay makakalapit ito sa pinsan niya…. At hindi niya pwedeng hayaan na mangyari yun, kaya matapos ng ilang sandaling pagmamanman, bigla niyang binuksan ang pintuan at nagmamadaling tumakbo papalapit kay Qiao Anhao habang sumisigaw, "Qiao Qiao, magingat ka!"
Hindi akalain ni Han Ruchu na bukod sakanilang dalawa ni Qiao Anhao ay may iba pa pa palang tao sa loob ng CR, pero nang makita niya si Qiao Anxia, hindi siya natakot kahit kaunti, bagkus, lalo pang nanlisik ang kanyang mga mata.
Ang buong akala niya, magagawa niya ang plano niya ng walang kahirap-hirap…
Magkaaway sila ng pinaka mamahal niyang anak, iniwan na rin siya ng sarili niyang asawa, at ang pangalan at katanyagan na iningatan niya ng buong buhay niya ay matagal ng ninakaw sakanya….
At ngayon, pinandidirihan na siya ng lahat…
Paano niya naman kakayaning mabuhay ng ganun kababa?
Paano niya hahayaan na maging masaya ang taong naging bunga ng pagtataksil ng asawa niya?
'Hah! Hindi nga dapat naipanganak ang hampas lupang yun. Bakit ba pabor na pabor pa sa walang kwentang taong yun ang buhay?'
Samantalang siya? Tinalikuran lang naman siya ng lahat kaya ngayon wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang maghiganti sa mga taong naging dahilan ng paghihirap niya, at sa totoo lang? Hanggang panagip ay gusto niyang patayin ang mga ito.
Hindi ba si Qiao Anhao ang pinaka mahalagang tao sa buhay ni Lu Jinnian?
Pwes, hindi lang ang taong mahal nito ang papatayin niya dahil idadamay niya rin ang walang kamuwang-muwang nitong anak!
Papatayin niya ang lahat ng umapi sakanya! At ngayong walang wala na siya, sisiguraduhin niyang kagaya niya, hahalik din si Lu Jinnian sa lupa!
Pare-pareho tayong maghihirap!
Biglang ngumisi si Han Ruchu at tumawa, na para bang nawala na talaga siya sa sarili niya, at limang segundo pagkatapos sumigaw ni Qiao Anxia, biglang niyang hinawakan ng mahigpit ang kutsilyong kanina niya pa tinatago at nagmamadaling tumakbo papalapit kay Qiao Anhao, na nakatutok ang dulo ng kutsilo sakto sa tyan nito.
-
Biglang natigilan si Qiao Anhao nang narinig niyang may tumawag sa pangalan niya, at noong nabosesan niyang si Qiao Anxia ito, walang pagdadalawang isip siyang lumingon, at doon niya nakita ang isang babaeng nakadisguise na tumatakbo papalapit sakanya at may hawak na kutsilyo.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at bago pa maproseso ni Qiao Anhao ang sitwasyon, nagulat nalang siya na may biglang tumulak sakanya at sa sobrang lakas ng impact ay hindi niya na nakotrol ang katawan niya kaya dumausdos ang tyan niya sa lababo. At dahil dito, napakunot siya ng noo sa sobrang sakit, pero bigla siyang natigilan nang narinig niya ang pagbaon ng kutsilyo na sinundan pa ng pagpatak ng dugo sa sahig….
At noong oras na yun, biglang huminto ang mundo niya.
Kahit nakapikit siya, kabisadong kabisado niya ang pabango ng taong nasa harapan niya.
Kaya nang sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, gulat na gulat siyang tumingin ng diretso sa mga mata ni Han Ruchu.
Nagkalat ang dugo sa buong paligid, at maging ang puting mask ng matandang nasa harapan niya ay natalsikan din ng dugo.
Sobrang nakakatakot…
Hindi siya makapaniwala na sa kalagitnaan ng kasiyahan, ay may ganitong trahedyang mangyayari kaya noong unti-unti niya ng naintindihan ang mga nangayari, biglang nanlaki ang kanyang mga mata at habang nangingnig ang kanyang mga labi, dahan-dahan siyang tumingin kay Qiao Anxia, na para bang humihingi ng tulong.
Ilang beses niyang sinubukan magsalita, pero parang bigla siyang nawalan ng boses kaya ilang segundo rin ang lumipas bago niya masabi ang salitang "Sis…"
Sa sobrang tahimik ng buong paligid, rinig na rinig niya ang pagpatak ng dugo sa sahig…
Nang sandaling yumuko siya, nakita niyang may patak ng dugo sa paanan niya, kaya para siyang biglang nabaliw at nagsisisigaw ng "Lu Jinnian, Lu Jinnian, Lu Jinnian, Lu Jinnian…
Habang patagal ng patagal, palakas ng palakas ang boses niya, na para bang wala siyang balak na tumigil hanggat walang sumasaklolo sakanila.
At nang marinig ito ni Zhao Meng, na naghihintay sa labas, dali-dali siyang pumasok sa loob ng CR. "Qiao Anhao, anong nangya…."
Pero hindi niya inaasahan ang makikita niya kaya sa loob lang ng ilang segundo ay bigla siyang namutla. "Ate, ate Qiao… Anong nangyari…"
"Qiao Anxia, Qiao Anxia… Wag mo naman akong takutin…"
Hindi na mapakali si Qiao Anhao at noong nakita niyang walang tigil sa pagagos ang dugo mula sa katawan ni Qiao Anxia, dali-dali niyang tinakpan ang sugat nito, pero masyado itong malaki at malalim kaya kahit anong gawin niya ay ayaw talaga nitong huminto. Habang patagal ng patagal, nadedesperado na siya sa mga nangyayari kaya noong nakita niya nakatulala lang si Zhao Meng ay hindi niya na napigilang pagbuntunagn ito, "Zhao Meng, tanga ka ba? Bakit nakatulala ka lang jan! Tumawag ka na ng ambulansya at papuntahin mo dito si Lu Jinnian…"
Dahil sa sigaw ng kaibigan, biglang nahimasmasan si Zhao Meng at walang isip-isip na nagsisisigaw ng "Mamatay tao! Mamatay tao!"
Masyadong malalim ang pagkakatarak ng kutsilyo, at kahit pilitin ni Han Ruchu na hilain ito ay hindi niya na rin nagawa dahil maging siya ay natulala nalang rin sa nangyari.
At kung hindi pa sumigaw si Qiao Anhao ay hindi siya mahihimasmasan…Siguro nga nawala na talaga siya sa sarili niya dahil bigla nalang siyang tumawa ng malakas noong nakita niyang may nakahandusay sa harapan niya, na ang buong akala niya ay si Qiao Anhao, "Patay na siya, patay na siya! Sa wakas, napatay ko na rin yung malinding yun, hahahahahaha…"
At parang walang katakot-takot na mahuli, nanatili lang si Han Ruchu sa loob ng CR at walangt tigil na humahalaklak.
Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan at sumulpot si Lu Jinnian. Sa sobrang pagaalala, sigaw siya ng sigaw ng "Qiao Qiao" kaya laking gulat niya nang makita niya ang nakakapanindig balahibong eksena.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES