App herunterladen
85.4% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 831: Peligro (2)

Kapitel 831: Peligro (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

At sa isang iglap, nakatanggap si Lin Shiyi ng sampung malalakas na sampal, kaya bandang huli ay wala na siyang nagawa kundi tignan nalang si Qiao Anxia sa sobrang pagkagulat, at ang kanyang maputing mukha ay napuno ng bakas ng mga daliri nito.

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya maproseso ang mga nangyari kaya dali-dali niyang hinawakan ang kanyang mukha at mangiyak-ngiyak na tinitigan si Qiao Anxia. "Anong klaseng tao ka? Pagkatapos kang iwanan ni Cheng Yang, ibubuntong mo sa akin ang galit mo?"

"Pa—"

Pero bago pa siya matapos sa sasabihin niya, ay muli nanaman siyang sinampal ni Qiao Anxia, na isaang daang beses na mas malakas kumpara sa sampung nauna kaya bigla siyang tumilapon sa pader, kung saan nauntog ang kanyang ulo.

At hindi pa man din siya nakakatayo ay muli itong lumapit sakanya at sinakal siya ng mahigpit. Pagkatapos, itinaas nito ang kanyang baba at galit na galit siyang tinitigan sa mga mata, "Naalala ko, sinabi ko sayo noon na mas mabuti kung iiwas ka nalang kapag nakita mo kami ni Qiao Anhao, diba?"

Si Qiao Anhao, na halos isang metro ang layo mula sa dalawa, ay biglang nahimasmasan nang marinig niya ang kanyang pangalan. Kitang kita niya kung gaano kagalit si Qiao Anxia kaya maging siya ay wala ng nagawa kundi titigan at hayaan nalang hanggang sa matapos ito. 

Hinarangan ba siya ni Qiao Anxia dahil nagaalala rin ito para sa baby niya?

"Makinig ka! Ito na ang huling beses na babalaan kita dahil kung uulitin mo pa ito ulit sa susunod…" Huminto sandali si Qiao Anxia para sindakin ito sa tingin at nagpatuloy, "Teka… mali pala… dahil wala ng susunod kasi mula ngayon, hindi ka na pwedeng lumapit sa akin o kay Qiao Anhao. At kung magkataon man na magkasalubong tayo ng hindi sinasadya, maswerte ka nalang kung maganda ang araw ko, dahil kung hindi, kagaya nga ng kasasabi mo lang, ikaw ang pagbubuntungan ko. Ano sa palagay mo?"

At muling tinignan ni Qiao Anxia ng masama si Lin Shiyi at naghahamong sinabi, "Wag mo akong matignan ng ganyan. Ipapaalala ko lang sayo na si Qiao Anxia ang binangga mo, at hinding hindi ko aatrasan ang mga kagaya mo. Lahat ng sabihin ko ay pinaninindigan ko, pero ayaw mo talagang maniwala, sige lang. Tignan lang natin bsa susunod nating pagkikita!"

Pagkatapos niyang magsalita, pwersado niyang binitawan ang leeg ni Lin Shiyi, pero noong maglalakad na sana siya palabas, bigla siyang natigilan dahil nakita niya sakanyang peripheral view si Qiao Anhao na nakatayo sa isang gilid at halatang sobrang naalala para sakanya. Sa totoo lang, hindi pa siya handa na kausapin o kahit harapin ito ngayon, pero kung iiwanan niya itong magisa, paano nalang kung pagbuntungan ito ni Lin Shiyi at madamay pa ang bata…

Pero titignan niya palang ito ay pinangungunahan na siya ng takot kaya para mailayo iyo sa peligro, bigla niyang hinila ang buhok ng malditang si Lin Shiyi para ikulongito sa isa sa mga cubicle.

Kaya sa loob lang ng ilang segundo, napuno ang CR ng matining na hiyaw at iyak ni Lin Shiyi. Samantalang si Qiao Anxia naman ay nanatiling determinado habang hinahawi ang mop na nakaharang sa pintuan at walang awa itong itinulak sa loob. At gamit ang mop, muli niyang nilock ang pintuan at naglakad palabas ng CR. 


Kapitel 832: Peligro (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkadaan ni Qiao Anxia sa harapan ni Qiao Anhao, mahinahon siyang tinawag nito, "Sis?"

Kaya bigla siyang natigilan… Gustuhin niya mang lumingon at pakinggan ang gusto nitong sabihin, hindi niya pa talaga kaya dahil muli nanaman siyang pinangunahan ng takot kaya pagkalipas ng tatlong segundo ay nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.

Sa likod nila, maririnig ang walang tigil na pagsigaw at pagkalabog ni Lin Shiyi.

"Sis!" Nang hindi pansinin ng pinsan, muli itong tinawag ni Qiao Anhao habang tumakbo palapit dito, at noong sandaling naabutan niya na ito, dali-dali niyang hinawakan ang braso nito at sinabi, "Sis, salamat ha! Kung hindi dahil baka napahamak na…."

"Bakit ka nagpapasalamat sakin?" Pasinghal na sagot ni Qiao Anxia. "Ginawa ko lang yun dahil kinalaban ako nung malanding yun, at walang koneksyon yun sayo."

At pagkatapos magsalita, sinubukan ni Qiao Anxia na hawiin ang kamay ni Qiao Anhao pero lalo lang siyang hinawakan nito ng mas mahigpit. Wala na siyang kawala…pero hindi pa ngayon ang tamang oras para magusap sila kaya kailangan niyang makawala, ngunit sa takot niya na baka maitulak niya ito ng malakas, isa-isa niyang tinanggal ang mga daliri nito.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagmatigas si Qiao Anhao, pero bago pa nito mabitawan ang kanyang kamay ay hindi niya na napigilan ang sarili niya na diretsahin ito, "Sis, galit ka ba sa akin dahil kay Lu Jinnian?"

Dahil dito, biglang namutla si Qiao Anxi. Pakiramdam niya ay parang biglang huminto ang tibok ng kanyang puso kaya palihim siyang huminga ng malalim at imbes na sagutin ang tanong ng pinsan ay tuluyan niyang hinawi ang kamay nito at naglakad palabas ng CR.

Kaya dali-daling yumuko si Qiao Anhao para pulutin ang kanyang phone bago niya sundan si Qiao Anxia.

-

Medyo matagal na ring naghihintay si Lu Jinnian, kaya tinawagan niya na si Qiao Anhao, pero nang hindi niya ito makontak, lalo siyang kinabahan kaya dumiretso na siya sa CR para puntahan ito, pero habang naglalakad, hindi niya inaasahang magkakasalubong sila ni Qiao Anxia kaya bigla siyang huminto para bigyan ito ng daan, at ilang segundo palang ang lumilipas ay may narinig siyang pamilyar na boses na humabol dito, "Sis!"

Kaya sa takot niya na baka biglang matalisod si Qiao Anhao ay dali-dali niyang niyakap ang bewang nito para alalayan. "Anong nangyari?"

Pero hindi siya pinansin nito at patuloy lang sa pagtawag ng "Sis!" sa pinsan nito, na hindi manlang lumingon dito.

Sa sobrang lungkot ni Qiao Anhao, napakagat nalang siya ng kanyang labi at yumuko.

Kahit hindi alam ni Lu Jinnian ang mga eksaktong nangyari, alam niya na malungkot ang asawa niya dahil kay Qiao Anxia, at para pakalmahin ito, dahan-dahan niya itong niyakap ng mahigpit. 

Pagkatapos ng lahat, nawalan na ng ganang kumain si Qiao Anhao kaya imbes na pilitin pa siya ni Lu Jinnian ay hinayaan nalang siya nito tumawag nalang sa restaurant para sa bill. Masyadong tagos sa puso ang mga nangyari kaya nang makasakay nila ng elevator, malungkot niyang kinuwento kay Lu Jinnian nag mangyari sa loob ng CR.

Tahimik lang na nakinig si Lu Jinnian habang pinoproseso ang mga detalye. Pagkatapos magpaliwanag ni Qiao Anhao, napabuntong hininga ito at muling nagsalita, "Sinampal ni Anxia si Lin Shiyi dahil sakin."

Tumungo lang siya at dahan-dahang hinimas ang mahaba nitong buhok. 


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C831
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES