Pero bilang siya si Qiao Anxia, masyado siyang mapride, at hindi niya kayang magpakitang apektado sa harapan ni Cheng Yang.
At noong hindi siya sumagot, biglang kumunot ang noo ni Cheng Yang kaya sa sobrang pagaalala nito, nagmamadaling itong lumuhod para tignan sana ang paa niya, pero noong dadampi na ang kamay nito, bigla naman siyang nagsalita, "Mr. Chen, naalala ko lang na break na tayo, sa tingin mo ba tama yang binabalak mong gawin?"
Biglang natigilan ang kamay ni Cheng Yang at pagkalipas ng limang segundo, bigla siyang tumayo, at tinitigan ng diretso sa mga mata si Qiao Anxia. Sa totoo lang, nagaalala talaga siya para rito, pero ano pa nga bang magagawa niya kung ayaw na talaga nito sakanya, kaya tumungo nalang siya at magalang, pero halatang masama ang loob, na sumagot, "Pasensya na Miss Qiao kung naistorbo kita."
At pagkatapos, nginitian niya ito, na parang walang nangyari, at naglakad papunta sa CR ng mga lalaki.
Ha? Iniwanan siya ni Cheng Yang ng ganun ganun nalang?
Teka….bakit dati naman kahit gaano pa kataas ang tono ng boses niya, ay lagi lang siyang sinusuyo at nilalambing nito? Pero bakit bigla nalang nagbago ngayon…. Ramdam niya naman na hindi naman ang pagaalala nito sakanya, pero ang malaking katanungan sakanya ngayon, ay bakit bigla nalang siyang winalk'outan nito?
Dahil sa nangyari, hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan hanggang sa makalabas nalang ulit si Cheng Yang ng CR. Hindi niya alam kung kailan sila magkikita ulit o kung magkikita pa ba sila ulit, kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya na tawagin ito, "Cheng Yang?"
Kaya biglang napahinto sa paglalakad si Cheng Yang at tinitigan siya ng diretso sa mga mata. "May problema ba, Miss Qiao?"
Sinadya ni Cheng Yang na bigyang diin ang mga salitang "Miss Qiao" at sa sobrang tigas ng kanyang pananalita ay muling natulala si Qiao Anxia, na mukhang nakalimutan na ang gusto nitong sabihin.
Kanina pa nagtitimpi si Cheng Yang kaya noong hindi agad nakapagsalita si Qiao Anxia, lalo pang nadagdagan ang inis niya at walang kabuhay buhay na nagpatuloy, "Pasensya na Miss Qiao ha. May kailangan pa kasi akong gawin kaya mauuna na ako sayo."
Sa pagkakataong ito, hindi pa man din nakakasagot si Qiao Anxia ay bigla nalang tumalikod at naglakad palayo si Cheng Yang.
Kaya napatingin nalang si Qiao Anxia sa likod ng kanyang ex-boyfriend, na hindi nagtagal ay muling pumasok sa pinanggalingan nitong kwarto. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya at sa totoo lang, hanggang ngayon ay wala siyang ideya kung bakit bigla nalang nagbago si Cheng Yang sakanya at ngayon na naramdaman niya na mukhang malabo na talaga silang magkaayos, lalo siyang natakot.
Ibang iba na ito ngayon…. Mukhang galit na galit talaga ito sakanya at sobrang prangka pang manalita, na para bang wala silang pinagsamahan noon.
Kakaiba….Eh kung wala talaga silang pinagsamahan, bakit sobrang lungkot niya? At…bakit siya nasasaktan?
Pagkalipas ng ilang minuto, naglakad siya papasok sa CR at dumiretso sa lababo, nang walang ibang iniisip kundi si Cheng Yang.
-
Sa totoo lang, minsan mas misteryoso pa ang katotohanan kaysa sa mga kathang-isip na kwento.
Dahil ngayong gabi, hindi lang pala sina Qiao Anxia at Cheng Yang ang nasa China World Hotel, dahil nandoon din si Lin Shiyi at higit sa lahat, nasa iisang dinner party pala sila ni Cheng Yang.
Pagkalabas ni Lin Shiyi sa isa sa mga cubicle, dumiretso siya sa lababo at habang nagreretouch ng kanyang make up sa harap ng salamin, napansin niya ang babaeng nasa tabi niya na naghuhugas ng kamay habang nakatulala.
Noong una, wala siyang pakielam, pero nang mamukhaan niya ito, muli niya itong binalikan ng tingin at inisip kung saan nga ba sila nagkita ng babaeng nasa harapan niya. Teka… hindi ba yan ang ate ni Qiao Anhao na si Qiao Anxia? Hmp… Paano niya makakalimutan na ito ang babae na muntik ng sumira sa mukha niya noon?!
Aha… hindi niya inakala na maliit pala talaga ang mundo at sa lahat nga naman ng makikita niya ngayong gabi ay ay ang babae pa, bukod kay Qiao Anhao, na gustong gusto niya pang gantihan!
Dahil dito, biglang napangisi si Lin Shiyi at sinarado ang kanyang compact powder. "Oh, hindi ba ikaw si Miss Qiao Anxia? Ang tagal na nating hindi nagkita ha…"
Pero sa sobramg lalim ng iniisip ni Qiao Anxia, parang biglang huminto ang mundo niya at literal na hindi niya narinig kung anong sinabi ng taong nasa tabi niya.
-
At ang pinaka nakakatawa sa lahat ay kasalukuyan din palang nasa China World Hotel si Qiao Anhao ngayong gabi, kaya nang marinig niya ang mga salitang "Qiao Anxia", bigla siyang natigilan at binaba ang kanyang phone.
Boses ba yun ni Lin Shiyi? Ibig sabihin, parehong nasa labas ang pinsan niya at si Lin Shiyi?
Kahit gusto niya ng lumabas, hindi pa siya tapos umihi kaya inuna niya muna ang mga kailangan niyang gawin at habang kumukuha ng tissue, muli niyang narinig ang boses ni Lin Shiyi, "Ah, hindi ka naman siguro sobrang taas para makalimutan mo kung sino ako, tama?"
-
Sa pangalawang beses na nagsalita si Lin Shiyi, doon palang nahimasmasan si Qiao Anxia. Inirapan niya lang ito, at parang hindi apektado na nag'pump ng sabon sa dispenser para maghugas ng kamay. Nang masiguro niyang tuyo na ang kanyang mga kamay, balak niya na sanang lumabas kaagad at hindi na patulan ang babaeng bigla nalang sumulpot sa harap niya, na halatang naghahanap ng gulo.
Abay teka nga… Hahayan nalang ba ni Lin Shiyi na talikuran siya ni Qiao Anxia? Siyempre hindi! Kaya dali-dali siyang tumakbo para harangan ang daan nito. "Miss Qiao, bakit ba masyado kang nagmamadali? May sasabihin pa ako sayo!"
Dahil dito, biglang nag'cross arm si Qiao Anxia at tinitigan si Lin Shiyi ng nakangisi, na para bang diring diri siya sa pagmumkukha nito, "…sabihin mo nga sa akin, may karapatan ka bang kausapin ako?"
Habang nasa loob ng cubicle, hindi napigilan ni Qiao Anha na matawa sa sinabi ni Qiao Anxia.
Sa totoo lang, mabait nnaman talaga si Qiao Anxia, pero kapag may humamon sa kanya, masakit din talaga siyang magsalita…
Kaya kahit tipid pa ang sinabi niya ay napikon kaagad si Lin Shiyi. "Wala ka bang balak na babaan ang tingin mo sa sarili mo ng kahit konti lang? Ha! Siguro walang ideya ang ibang tao, pero ibahin mo ako… kasi alam ko na ang lalaking pinaka mamahal mo ay hindi ka gusto at mas piniling pakasalan ang pinsan mo. Ang sakit siguro niyan no?
At dahil dito, biglang nanlisik ang mga mata ni Qiao Anxia.
At maging si Qiao Anhao, na masayang nakangiti habang nakikinig sa paguusap ng dalawang babaeng nasa labas, ay bigla ring natigilan.
"Oh, teka lang ha. Kung tama ang pagkakarinig ko, hiniwalayan ka rin daw ni Cheng Yang?" Bakas sa pananalita ni Lin Shiyi na hindi lang basta-bastang komprontasyon ang hanap nito, kundi away… isang matinding away…"Ah, hindi ka kasi niya pinansin kanina kaya ka tulala no? Payong kaibigan lang ha? Wag ka kasing ambisyosa… Hindi mo na nga nakuha si Mr. Lu, tapos si Cheng Yan naman ngayon ang pinagpapantasyahan mo? Pagisipan mong maigi, Miss Qiao… Kasi kung habambuhay kang ganyan, hindi ka ba naawa sa sarili mo? At isa pa… Tanggalin mo sana sa isip mo na porket ikaw ang tagapag-mana ng isang mayamang pamilya ay pwedeng pwede mo ng paikutin ang mga tao sa palad mo…"
Sa pagkakataong ito, si Qiao Anhao, na kanina pa nanahimik sa loob ng cubicle, ay biglang bumulusok ang galit, kaya walang pagdadalawang isip niyang binuksan ang pintuan, at sinampal kay Lin Shiyi ng malakas ang kanyang phone. "Lin Shiyi, itikom mo nga yang bibig mo kasi kung hindi ka magsasalita, walang makakaalam kung gaano ka kabobo!"
Nang tumama ang phone sa mukha ni Lin Shiyi, literal na napasigaw ito sa sobrang sakit, at si Qiao Anxia, na kalmadong nakatitig dito ay biglang napatingin kay Qiao Anhao.
Sadlit niya lang na natignan ang pinsan niya dahil hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng kanyang konsensya, at para hindi nito mahalata ang kanyang kahinaan, muli siyang tumingin kay Lin Shiyi para pagbuntungan ito.
"Lin Shiyi, hindi ka na talaga natuto, no? Hindi mo ba napapansin na napapahiya ka lang sa tuwing ginagawa mo to? Kakaiba ka! Ngayon lang talaga ako nakakita ng kasing cheap mo!"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES