Nilabas ni Lu Jinnian ang singsing at hinawakan ang kaliwang kamay ni Qiao
Anhao para maingat na isuot ang napaka gandang singsing na inihanda niya
para rito. "Qiao Qiao, naniniwala ka ba sa akin?"
Kahit na hindi direkta ang tanong ni Lu Jinnian, naiintindihan ni Qiao Anhao na
ang gustong malaman nito ay kung naniniwala ba siya na kaya siya nitong
pasayahin.
Mula sa dulo ng kanyang mga daliri, ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng
lamig sa buong katawan niya hanggang sa puso niya kaya muli siyang tumungo
at emosyunal na sumagot, "Oo, naniniwala ako sayo."
Sa sobrang saya, hindi niya na napigilan ang sarili niya at siya na mismo ang
humila patayo kay Lu Jinnian para halikan ang mga labi nito.
Para sa naguumapaw niyang puso, hindi sapat ang isang halik para mailabas
niya ang lahat ng saya na nararamdaman niya kaya muli siyang tumingkayad
para halikan ulit ang mga labi nito…ng paulit ulit hanggang sa nadala na rin si
Lu Jinnian at niyakap siya ng mahigpit para halikan siya ng mas mapusok.
"Qiao Qiao, naniniwala ka ba sakin?"
"Oo, naniniwala ako sayo."
Si Lu Jinnian lang ang nagiisang tao na kayang pasayahin at pakiligin ng sabay
si Qiao Anhao.
Simula noong nagkita sila, minahal na kaagad nila ang isa't-isa sa pinaka
magandang araw ng mga buhay nila – ang kabataan nila, ngayon na nakaalpas
na sila sa yugtong ito, mukhang naawa sakanila ang langit at sa wakas ay
binigyan na rin sila ng pagkakataon na makasama ang isa't-isa.
Sa nakalipas na labintatlong taon, na palagi lang silang nagsasakitan at
nagiiyakan, sobrang sinubukan ang pagmamahalan nila kaya sila lang ang
nakakaalam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
At kung hindi siya magtitiwala kay Lu Jinnian, eh sino nalang ang paniniwalaan
niya?
Ang makukulay na Christmas lights na nakapalibot sakanila ay muling
kumutitap.
Kasabay ng pagihip ng malamig na simoy ng hangin na nagdala ng ilang petals
sa mahabang buhok ni Qiao Anhao.
Matagal silang naghalikan...
Na para bang sinusulit nila ang bawat segundo na kayakap nila ang bawat isa…
At nang sa wakas naghiwalay na sila, yumuko si Qiao Anhao para tignan ang
singsing na binigay ni Lu Jinnian.
May malaking diamond sa gitna nito, na mas malaki pa sa daliri niya.
Sobrang ganda… at… pamilyar?
Kaya bigla niyang inangat ang kamay niya para titigan ang singsing ng mas
malapitan. "Ehh.. Bakit parang kamukha 'to ng Heart of Eternity?"
Oo… hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisadong kabisado niya ang itsura
ng Heart of Eternity kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para
ikumpara ito sa picture na sinave niya sakanyang gallery, "Oh.. pareho nga!!"
Dahil kitang kita ni Lu Jinnian ang saya sa mukha ni Qiao Anha, napangiti rin
siya at mahinahong nagsalita, "Nagustuhan…"
Pero bago niya pa matapos ang tanong niya, biglang tumingin sakanya si Qiao
Anhao at masayang sinabi, "Lu Jinnian, paano mo 'to nagawa?! Kuhang kuha
talaga ng imitation na napili mo ang Heart of Eternity!"
Imitation?!
'Qiao An-hao? Seryoso ka ba?! Sobrang daming oras ang pera ang ginugol ko
para makuha ang diamond na gusto mo tapos sasabihin mong imitation lang
yan?'
Dahil dito, biglang natigilan si Lu Jinnian at hindi niya alam kung anong
magiging reaksyon niya.
"Oh tignan mo oh pati kulay at hugis, kuhang kuha mo! Lu Jinnian, paano mo 'to
nagawa?"
Noong nagtanong si Qiao Anhao, halatang manghang mangha ito, kaya imbes
na matuwa ay lalo pang naguluhan si Lu Jinnian sa kung anong isasagot niya.
Sa sobrang saya, hindi na napansin ni Qiao Anhao na biglang nagbago ang
mood ni Lu Jinnian at wala siyang ibang ginawa kundi titigan ang singsing na
nasa daliri niya at paulit ulit na purihin ang kanyang asawa, "Lu Jinnian, wala
talaga akong masabi… kahit kailan sobrang galing mo talaga!"
Hindi naman sa naiinis si Lu Jinnian, pero hindi niya lang talaga alam kung
anong mararamdaman niya na naisip ni Qiao Anhao na hanggang imitation lang
ang kaya niyang ibigay kaya pagkatapos ng matagal niyang pananahimik,
badandang huli ay hindi niya na kinaya at dismayado siyang nagsalita, "Qiao-
An-Hao!"
At sa wakas! Naramdaman na rin ni Qiao Anhao na naiinis si Lu Jinnian kaya
dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo para silipin ang mukha nito. Nang
masigurado niyang galit nga ang itsura nito, dali-dali siyang umiwas ng tingin at
inisip kung bakit bigla nalang itong nagalit. .
Malinaw na sinabi ng gobyerno na walang nakakaalam ng kinalalagyan ng Heart
of Eternity, isa pa, sobrang mahal ng ganung klaseng diamond….kaya
komportable si Qiao Anhao na imitation lang talaga ang batong nasa singsing
niya, pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makapagsalita dahil nakasimangot
na si Lu Jinnian…
Kaya dali-dali niyang niyakap ang braso nito at pacute na sinabi, "Sorry na, ako
yung mali. Wag ka ng magalit…"
Na agad din namang nagpakalma kay Lu Jinnian. Gusto niya na sanang sabihin
kay Qiao Anhao na hinanap niya talaga ang Heart of Eternity kaya totoo ang
diamond na nasa singsing nito, nang bigla itong ngumuso at muli nanamang
humirit, "Kahit na alam kong imitation lang ito, para sa akin, ito ang pinaka
maganda!"
Kaya sa pagkakataong ito, hindi na talaga napigilan ni Lu Jinnian ang inis niya
at hinawi ang kamay nito na nakayakap sa braso niya. Para siyang batang
nagtatampo na biglang naglakad papalayo pero wala pang limang metro, muli
siyang tumingin kay Qiao Anhao at gigil na gigil na sinabi, "Totoong bato yan!"
At muli niyang hinawakan ang kamay nito at naglakad palabas ng sports field.
Medyo malayo na ang narating nila bago maproseso ni Qiao Anhao ang sinabi ni
Lu Jinnian. "Lu Jinnian, ang ibig mo bang sabihin na ang diamond na ito ay
totoong Heart of Eternity?"
Naiinis pa rin na tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at sumagot, "Ano sa
tingin mo?"
"Ito nga ang Heart of Eternity!" Muling tinignan ni Qiao Anhao ang kanyang daliri
at ngayon na alam niyang totoong bato ang nasa kamay niya, lalo pa siyang
namangha at masayang nagpatuloy, "Lu Jinnian, ang galing galing mo naman!
Nahanap mo ang Heart of Eternity!"
At sa pagkakataong ito, mas masaya na si Lu Jinnian sa papuri ni Qiao Anhao.
"Siguro ang laki ng nagastos mo…" Himukmok ni Qiao Anhao na parang
nagpapaawang bata.
Siguro sa dami na rin ng nasabing cheesy lines ni Lu Jinnian ngayong gabi,
naubusan na siya ng sasabihin, kaya inisip niya muna kung anong sasabihin
niya bago siya sumagot. Hindi niya napigilang pisilin ang kamay ni Qiao Anhao
at noong sasabihin niya na sanang, "Hindi na mahalaga kung magkano yan,
basta masaya ka."
Nang bigla nanaman itong magsalita, "Grabe… hindi ako makapaniwala na may
ganito ako kamahal na singsing at kung isang araw, naisipan mong idivorce ako,
pwede kong ibenta 'to at siguradong yayaman ako…Ah… Lu Jinnian… Bakit mo
pinalo ang pwet ko…"
-
Nagdinner lang ng mabilisan sina Qiao Anhao at Lu Jinnian, at umuwi na rin sila
agad ng mga bandang alas onse sa Mian Xiu Garden.
Sabay silang naligo sa magkaibang CR, at bago sila humiga sa kama,
sinamahan muna ni Lu Jinnian si Qiao Anhao na inumin ang folic acid nito.
Dahil sa proposal ni Lu Jinnian, walang mapaglagyan ang saya sa puso ni Qiao
Anhao kaya hindi siya makatulog. Maya't-maya, tinitignan niya ang Heart of
Eternity na nasa daliri niya hanggang sa nairita na si Lu Jinnian at naiinis na
sinabi, "Sige ha, isa pa, babawiin ko na talaga yan!" na sobrang nagpasindak
naman kay Qiao Anhao kaya dali dali siyang pumikit at yumakap sa braso nito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES