Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na muli nanamang magdidilim kaya bigla siyang
napa atras sa sobrang gulat. Hindi nagtagal, may narinig siyang nagbukas na
parang galing sa isang maliit na kahon at maya-maya pa'y, muling kumutitap
ang mga makukulay na Christmas lights na nakapalibot sakanila ni Lu Jinnian.
Sa ilalim ng libo-libong makukulay na ilaw, tumambad sakanya ang isang kulay
lila na kahon na hawak ni Lu Jinnian, at sa loob nito ay isang singsing na may
makinang na kulay asul na diamond.
Sa kalagitnaan ng napaka romantic na field, nakatingala lang si Lu Jinnian sa
mukha ni Qiao Anhao ng halos sampung minuto bago siya magpatuloy, "Noong
third year ng middle school, lagi kang nakikinig ng "Common Jasmine Orange",
kaya bumili ako ng album ni Jay Chou.
"Noong first year high school naman, nakita kitang nagbabasa ng 'Flowers in
Never Dream', kaya bumili ako ng libro ni Guo Jingming.
"Noong second year high school, napansin ko na lagi kang kumakain ng hot
spicy soup sa restaurant na katapat ng school, kaya lagi din akong kumakain
dun kahit magisa lang ako.
"Noong third year hgh school, naadik ka sa QQ, kaya nagdownload din ako ng
QQ.
"Noong nagcollege tayo, magkaiba na tayo ng school kaya para malaman ko
ang mga updates tungkol sayo, lagi kitang iniistalk sa QQ. Alam mo ba... walang
araw na hindi ako nakinig ng mga paborito mong kanta, madalas ko ring
binabasa ang mga librong lagi mong binabasa at sa tuwing nagpopost ka ng
bago mong picture, napapatulala nalang ako.
"Pagkatapos ng graduation, para tayong hindi magkakilala...Pero kung iniisip
mong nakalimutan na kita, nagkakamali ka... Libo-libong mga text message ang
nakasave lang sa phone ko dahil hindi ko kayang isend sayo...
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na ganito ang gagawin ni Lu Jinnian kaya
habang nagsasalita ito ay hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya at iyak
nalang siya ng iyak.
"Kabisado ko ang lahat ng posts mo at ang mga posts ng mga kaibigan mo
tungkol sayo, kasi araw-araw kitang iniistalk sa Weibo at WeChat... At alam mo
ba? Para lang makausap kita, gumawa ako ng maraming dummy accounts at
lagi akong nagmemessage sayo.
"Pero, Qiao Anhao... ayoko ng palihim kang sundan. Gusto kong sabay nating
pakinggan ang mga paborito mong kanta, basahin sa tabi mo ang mga paborito
mong libro, at samahan kang pumunta sa kahit saang lugar na gusto mong
puntahan para mamasyal at kumain ng mga paborito mong pagkain.
"Gusto ko rin na ang mukha mo ang huling mukhang makikita ko bago ako
matulog at ang unang mukhang makikita ko pagmulat ko ng aking mga mata.
"Sa mga darating pang taon, gusto kong magumpisa ng bagong taon,
magcelebrate ng birthday ng mga mahal natin sa buhay at salubungin ang
Valentine's day ng kasama ka.
"Kaya..."
Huminga ng malalim si Lu Jinnian at tumitig ng diretso sa mga mata ni Qiao
Anhao. "Qiao Anhao, will you marry me?"
Nang sandaling sabihin ni Lu Jinnian ang pinaka hihintay na linya ni Qiao
Anhao, may malalaking patak ng luha na biglang tumulo sa magkabila niyang
mga mata. Sa sobrang saya, hindi siya makapagsalita kaya ilang beses siyang
paulit ulit na tumungo bago niya mangiyak-ngiyak na sinabi, "Oo."
Kaya ba siya niyaya ni Lu Jinnian na maglakad-lakad kanina, kasi gusto nitong
magpropose sakanya?
Masyadong biglaan ang naging pagpapakasal nila kaya hindi sila nabigyan ng
pagkakataon na magkaroon ng magandang ceremony o kahit proposal manlang.
Ni hindi nga siya nabilhan ng singsing ni Lu Jinnian eh. Sa totoo lang, pinipilit
niyang magpatay malisya lang, pero sino ba namang babae ang masaya sa
ganun diba? Kaya sa tuwing naiisip niya ito ay naiinggit siya sa ibang babae at
sobrang nalulungkot siya. Noong nalaman niyang buntis siya, napanatag na siya
na sila na talaga ni Lu Jinnian ang magsasama habang buhay kaya isang araw
naisip niya na bumili ng sarili niyang singsing para lang masabing nakumpleto
ang kasal nila.
Pero... masakit yun para sakanya...
Kagaya nga noong una niyang sinabi, hindi naman siya humihiling ng
mamahaling singsing kagaya ng kay Lin Shiyi kaya ngayon na nagpropose si Lu
Jinnian sakanya ng ganito kaganda sa lugar kung saan sila unang nagkita, hindi
talaga siya makapaniwala...
Kahit na sila lang dalawa lang at walang pumapalakpak o kumukuha ng mga
picture, walang kapantay ang saya na nararamdaman niya at parang gusto ng
sumabog ng puso niya sa sobrang kilig.
At dahil dito, bigla siyang natawa habang umiiyak at muling tumungo ng paulit-
ulit, "Oo."
Nilabas ni Lu Jinnian ang singsing at hinawakan ang kaliwang kamay ni Qiao
Anhao para maingat na isuot ang napaka gandang singsing na inihanda niya
para rito. "Qiao Qiao, naniniwala ka ba sa akin?"
Kahit na hindi direkta ang tanong ni Lu Jinnian, naiintindihan ni Qiao Anhao na
ang gustong malaman nito ay kung naniniwala ba siya na kaya siya nitong
pasayahin.
Mula sa dulo ng kanyang mga daliri, ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng
lamig sa buong katawan niya hanggang sa puso niya kaya muli siyang tumungo
at emosyunal na sumagot, "Oo, naniniwala ako sayo."
Sa sobrang saya, hindi niya na napigilan ang sarili niya at siya na mismo ang
humila patayo kay Lu Jinnian para halikan ang mga labi nito.
Para sa naguumapaw niyang puso, hindi sapat ang isang halik para mailabas
niya ang lahat ng saya na nararamdaman niya kaya muli siyang tumingkayad
para halikan ulit ang mga labi nito…ng paulit ulit hanggang sa nadala na rin si
Lu Jinnian at niyakap siya ng mahigpit para halikan siya ng mas mapusok.
"Qiao Qiao, naniniwala ka ba sakin?"
"Oo, naniniwala ako sayo."
Si Lu Jinnian lang ang nagiisang tao na kayang pasayahin at pakiligin ng sabay
si Qiao Anhao.
Simula noong nagkita sila, minahal na kaagad nila ang isa't-isa sa pinaka
magandang araw ng mga buhay nila – ang kabataan nila, ngayon na nakaalpas
na sila sa yugtong ito, mukhang naawa sakanila ang langit at sa wakas ay
binigyan na rin sila ng pagkakataon na makasama ang isa't-isa.
Sa nakalipas na labintatlong taon, na palagi lang silang nagsasakitan at
nagiiyakan, sobrang sinubukan ang pagmamahalan nila kaya sila lang ang
nakakaalam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
At kung hindi siya magtitiwala kay Lu Jinnian, eh sino nalang ang paniniwalaan
niya?
Ang makukulay na Christmas lights na nakapalibot sakanila ay muling
kumutitap.
Kasabay ng pagihip ng malamig na simoy ng hangin na nagdala ng ilang petals
sa mahabang buhok ni Qiao Anhao.
Matagal silang naghalikan...
Na para bang sinusulit nila ang bawat segundo na kayakap nila ang bawat isa…
At nang sa wakas naghiwalay na sila, yumuko si Qiao Anhao para tignan ang
singsing na binigay ni Lu Jinnian.
May malaking diamond sa gitna nito, na mas malaki pa sa daliri niya.
Sobrang ganda… at… pamilyar?
Kaya bigla niyang inangat ang kamay niya para titigan ang singsing ng mas
malapitan. "Ehh.. Bakit parang kamukha 'to ng Heart of Eternity?"
Oo… hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisadong kabisado niya ang itsura
ng Heart of Eternity kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para
ikumpara ito sa picture na sinave niya sakanyang gallery, "Oh.. pareho nga!!"
Dahil kitang kita ni Lu Jinnian ang saya sa mukha ni Qiao Anha, napangiti rin
siya at mahinahong nagsalita, "Nagustuhan…"
Pero bago niya pa matapos ang tanong niya, biglang tumingin sakanya si Qiao
Anhao at masayang sinabi, "Lu Jinnian, paano mo 'to nagawa?! Kuhang kuha
talaga ng imitation na napili mo ang Heart of Eternity!"
Imitation?!
'Qiao An-hao? Seryoso ka ba?! Sobrang daming oras ang pera ang ginugol ko
para makuha ang diamond na gusto mo tapos sasabihin mong imitation lang
yan?'
Dahil dito, biglang natigilan si Lu Jinnian at hindi niya alam kung anong
magiging reaksyon niya.
"Oh tignan mo oh pati kulay at hugis, kuhang kuha mo! Lu Jinnian, paano mo 'to
nagawa?"
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES