Dahan-dahan niyang sinundan ang mga ilaw at nang sandaling makalapit na
siya sa kinatatayuan ni Lu Jinnian, nakatitig lang siya rito kaya noong una, hindi
niya napansin ang mga dekorasyong nakapaligid sa gitna ng field.
Si Lu Jinnian ang gumawa ng lahat ng ito? Pero... lagi silang magkama nitong
mga nakaraang araw kaya kailan naman kaya nito plinano ang lahat?
Manghang mangha siya habang pinagmamasdan ang napakaganda niyang
paligid dahil ganun na ganun ang eksaktong nabasa niya sa mga fairy tale
noong bata pa siya. Hindi niya maipaliwanag ang magkahalong saya at kilig na
nararamdaman niya kaya gulong-gulo siyang tumingin sa mga mata ni Lu
Jinnian.
Walang katapusan ang pagtama ng liwanag mula sa mga kumukutitap na
makukulay na ilaw sa mukha ni Lu Jinnian habang tahimik na nakatitig kay Qiao
Anhao. Ilang minuto rin ang lumipas na wala ni isa sakanila ang nagsasalita
bago niya basagin ang katahimikan na para bang nanghaharana siya sa sobrang
lambing ng kanyang boses. "Qiao Qiao, alam mo ba? Ikaw ang init na matagal
ko ng pinangarap na maramdaman."
Nang marinig ito ni Qiao Anhao, hindi niya napigilang matawa dahil ito ang
kauna-unahang pagkakataon na naging ganito ka'sweet si Lu Jinnian. Sa totoo
lang, sanay na siya sa hindi pla-salitang personalidad nito at wala rin naman
siyang intensyon na baguhin kung saan man ito komportable kaya ngayong
naririnig niya ang mga salitang hinihintay ng kahit sinong babae mula sa pinaka
supladong lalaking nakilala niya, tuluyan na siyang bumigay at hindi niya na
napigilang maiyak.
Habang nagiging emosyunal ang asawa, nanatili lang si Lu Jinnian sa kanyang
kinatatayuan at nakatitig ng diretso sa mga mata nito. "Sa tingin ko, walang
kang ideya na sapat na ang pinaka simple mong ngiti para mabuo ang mundo
ko."
Sa kalagitnaan ng napaka romantic na eksena, biglang umihip ang hindi ganun
kalakas na hangin kaya may ilang mga petals ang nagsiliparan.
At ang mga makukulay na ilaw ay biglang naging kulay rosas na hindi nagtagal
ay muli nanamang namatay.
Kaya ang napaka romantic na field ay muling nabalot ng kadiliman.
"Alam kong narinig mo na ang lahat ng mga gusto kong sabihin sayo, pero sa
mga sandiling ito, wala akong ibang gustong gawin kundi ang uilitiin ang mga
yun sayo..." Nang sandaling matigilan si Lu Jinnian, muling umilaw ang mga
Christmas lights at sa pagkakataong ito ay kulay asul naman ang nagpaliwanag
sa paligid. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Qiao Anhao na para bang
nanunumpa siya ng buong puso, "Qiao Anhao, mahal kita."
Kagaya ng mga tipikal na babae, ang mga ganitong eksena rin ang kahinaan ni
Qiao Anhao kaya nang sandaling bitawan ni Lu Jinnian ang huli nitong salita,
napatakip nalang siya ng kanyang bibig at tuluyan ng umiyak.
"Akala ko sagad na ang pagmamahal ko... Pero alam mo ba? Simula noong
nalaman mo ang tungkol sa nararamdaman ko, mas lalo kitang minahal."
Sa totoo lang, habang hinahanda ni Lu Jinnian ang mga sasabihin niya, medyo
nailang siya sa sobrang kacheesy-han, pero dahil minsan lang naman sa buhay
ng isang tao ang makapagpropose kaya naisip niya na kung kaya ng ibang
lalaki, dapat kayanin niya rin.
At para kay Qiao Anhao, gusto niyang gawin itong perpekto para kahit sa
ganitong paraan manlang ay makabawi siya sa mga pagkakataong hindi niya
naiparamdam ang pagmamahal niya para rito.
"Mas matindi ang pagmamahal ko sayo ngayon kaysa sa nakaraang segundo...
"At mas titindi pa ang pagmamahal ko para sayo sa mga lilipas pang minuto...
'Hindi hihinto at patuloy lang na mas lalalim...
Dahil sa mga binitawang salita ni Lu Jinnian, hindi na napigilan ni Qiao Anhao
na muling matawa sa sobrang kilig habang patuloy na umiiyak.
Hindi nagtagal, muling namatay ang mga ilaw at nagdilim nanaman ang buong
paligid.
Sa kalagitnaan ng napakalawak na field, nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao
Anhao at pagkalipas ng kalahating minuto... bigla siyang naglabas ng maliit na
kahon at dahan-dahang lumuhod.
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na muli nanamang magdidilim kaya bigla siyang
napa atras sa sobrang gulat. Hindi nagtagal, may narinig siyang nagbukas na
parang galing sa isang maliit na kahon at maya-maya pa'y, muling kumutitap
ang mga makukulay na Christmas lights na nakapalibot sakanila ni Lu Jinnian.
Sa ilalim ng libo-libong makukulay na ilaw, tumambad sakanya ang isang kulay
lila na kahon na hawak ni Lu Jinnian, at sa loob nito ay isang singsing na may
makinang na kulay asul na diamond.
Sa kalagitnaan ng napaka romantic na field, nakatingala lang si Lu Jinnian sa
mukha ni Qiao Anhao ng halos sampung minuto bago siya magpatuloy, "Noong
third year ng middle school, lagi kang nakikinig ng "Common Jasmine Orange",
kaya bumili ako ng album ni Jay Chou.
"Noong first year high school naman, nakita kitang nagbabasa ng 'Flowers in
Never Dream', kaya bumili ako ng libro ni Guo Jingming.
"Noong second year high school, napansin ko na lagi kang kumakain ng hot
spicy soup sa restaurant na katapat ng school, kaya lagi din akong kumakain
dun kahit magisa lang ako.
"Noong third year hgh school, naadik ka sa QQ, kaya nagdownload din ako ng
QQ.
"Noong nagcollege tayo, magkaiba na tayo ng school kaya para malaman ko
ang mga updates tungkol sayo, lagi kitang iniistalk sa QQ. Alam mo ba... walang
araw na hindi ako nakinig ng mga paborito mong kanta, madalas ko ring
binabasa ang mga librong lagi mong binabasa at sa tuwing nagpopost ka ng
bago mong picture, napapatulala nalang ako.
"Pagkatapos ng graduation, para tayong hindi magkakilala...Pero kung iniisip
mong nakalimutan na kita, nagkakamali ka... Libo-libong mga text message ang
nakasave lang sa phone ko dahil hindi ko kayang isend sayo...
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na ganito ang gagawin ni Lu Jinnian kaya
habang nagsasalita ito ay hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya at iyak
nalang siya ng iyak.
"Kabisado ko ang lahat ng posts mo at ang mga posts ng mga kaibigan mo
tungkol sayo, kasi araw-araw kitang iniistalk sa Weibo at WeChat... At alam mo
ba? Para lang makausap kita, gumawa ako ng maraming dummy accounts at
lagi akong nagmemessage sayo.
"Pero, Qiao Anhao... ayoko ng palihim kang sundan. Gusto kong sabay nating
pakinggan ang mga paborito mong kanta, basahin sa tabi mo ang mga paborito
mong libro, at samahan kang pumunta sa kahit saang lugar na gusto mong
puntahan para mamasyal at kumain ng mga paborito mong pagkain.
"Gusto ko rin na ang mukha mo ang huling mukhang makikita ko bago ako
matulog at ang unang mukhang makikita ko pagmulat ko ng aking mga mata.
"Sa mga darating pang taon, gusto kong magumpisa ng bagong taon,
magcelebrate ng birthday ng mga mahal natin sa buhay at salubungin ang
Valentine's day ng kasama ka.
"Kaya..."
Huminga ng malalim si Lu Jinnian at tumitig ng diretso sa mga mata ni Qiao
Anhao. "Qiao Anhao, will you marry me?"
Nang sandaling sabihin ni Lu Jinnian ang pinaka hihintay na linya ni Qiao
Anhao, may malalaking patak ng luha na biglang tumulo sa magkabila niyang
mga mata. Sa sobrang saya, hindi siya makapagsalita kaya ilang beses siyang
paulit ulit na tumungo bago niya mangiyak-ngiyak na sinabi, "Oo."
Kaya ba siya niyaya ni Lu Jinnian na maglakad-lakad kanina, kasi gusto nitong
magpropose sakanya?
Masyadong biglaan ang naging pagpapakasal nila kaya hindi sila nabigyan ng
pagkakataon na magkaroon ng magandang ceremony o kahit proposal manlang.
Ni hindi nga siya nabilhan ng singsing ni Lu Jinnian eh. Sa totoo lang, pinipilit
niyang magpatay malisya lang, pero sino ba namang babae ang masaya sa
ganun diba? Kaya sa tuwing naiisip niya ito ay naiinggit siya sa ibang babae at
sobrang nalulungkot siya. Noong nalaman niyang buntis siya, napanatag na siya
na sila na talaga ni Lu Jinnian ang magsasama habang buhay kaya isang araw
naisip niya na bumili ng sarili niyang singsing para lang masabing nakumpleto
ang kasal nila.
Pero... masakit yun para sakanya...
Kagaya nga noong una niyang sinabi, hindi naman siya humihiling ng
mamahaling singsing kagaya ng kay Lin Shiyi kaya ngayon na nagpropose si Lu
Jinnian sakanya ng ganito kaganda sa lugar kung saan sila unang nagkita, hindi
talaga siya makapaniwala...
Kahit na sila lang dalawa lang at walang pumapalakpak o kumukuha ng mga
picture, walang kapantay ang saya na nararamdaman niya at parang gusto ng
sumabog ng puso niya sa sobrang kilig.
At dahil dito, bigla siyang natawa habang umiiyak at muling tumungo ng paulit-
ulit, "Oo."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES