Kasi dun lang ang pwesto na matatanaw niya ang basketball court dahil tuwing
Miyerkules ng hapon, habang nasa kalagitnaan ng pangatlo niyang klase, lagi
niyang pinapanuod si Lu Jinnian na maglaro ng basketball habang nagp'PE ang
Class One.
Medyo matagal na nakatitig si Lu Jinnian sa parehong direksyon bago niya
muling tignan si Qiao Anhao ng diretso sa mga mata at malungkot na
nagpatuloy, "Alam mo ba, akala ko magiging kaklase kita dati."
Ramdam ni Qiao Anhao ang biglaang pagbabago ng mood ni Lu Jinnian pero
hindi niya maintindihan kung bakit sobra siyang kinikilig sa simpleng mga sinabi
nito.
Noong taong 'yun, sinadya ni Lu Jinnian na iwanang walang sagot ang kalahati
ng test paper niya para lang bumagsak at makapunta sa Class Three,
samantalang si Qiao Anhao naman ay nagaral ng maigi lang makarating siya sa
Class One. At yun, ang kauna-unahang pagkakataon na sinubukan sila ng
tadhana.
Dahil dun, parang may biglang bumara sa lalamunan ni Qiao Anhao… masakit
na nakakakilig… Ngumiti siya at nedyo nanginginig ang boses na sumagot,
"Talaga? Alam mo ba, akala ko magiging magkaklase rin tayo eh!"
Gulat na gulat na tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at hindi
makapaniwalang nagtanong, "Ibig sabihin, sinadya mong ipasa yung exam para
makapunta ka sa Class One kasi gusto mong maging magkaklase tayo?"
"Oo."Tumungo si Qiao Anhao at dahan-dahan siyang sumandal sa lamesa na
para bang inaalala niya ang masasaya nilang kahapon at pagkalipas ng ilang
segundo, muli siyang napatuloy, "Hay nako, naramamdaman ko nanaman tuloy
ang bangungot na yun! Anim na buwan… anim na buwan na wala akong ibang
ginawa kundi mag aral ng mag aral para lang makapasok ako sa Class One.
Alam mo ba, ala una na ata ng madaling araw ang pinaka maaga kong tulog…"
Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, bigla siyang hinila ni Lu Jinnian
para yakapin ng mahigpit at muli itong nagsalita na punong-puno ng emosyon,
"Ibig sabihin, nagaral ka ng mabuti para makapasok ka sa A University dahil sa
akin?"
"En," Mahinahon niyang sagot bago niya halikan ang mga labi nito.
Sa kalagitnaan ng matamis nilang paghahalikan, biglang lumayo si Lu Jinnian
at hinihingal na sinabi, "Qiao Qiao, sobrang saya ko."
'Sobra, sobrang saya'
Wala siyang kaalalam alam na sa mga panahong akala niya siya lang ang
gumagawa ng paraan para makalapit kay Qiao Anhao ay gumagawa rin pala ito
ng sarili nitong paraan para makalapit din sakanya.
'Hindi ako nagkamali na ikaw ang minahal ko noong kabataan ko, at ngayon
sobra sobrang saya ko.'
Muli, hinalikan ni Lu Jinnian ang mga labi ni Qiao Anhao at sinulit ang napaka
tahimik na paligid na lalo pang pinaganda ng pumapasok na liwanag mula sa
sinag ng araw.
Sobrang saya.
Noong taon na nagkakilala sila, yun din pala ang taon na nagumpisa ang
kwento nila.
At pagkalipas ng labintatlong taon, sa wakas nagkrus na rin sila ng landas.
Kahit na marami ng nagbago sakanila, lalo ang mga pisikal nilang katawan, siya
pa rin ang batang Lu Jinnian na mahal na mahal pa rin ang batang Qiao Anhao.
Ilang minuto rin silang naghalikan.
At sa sobrang tahimik ng paligid, tanging ang mga paghahabol lang nila ng
hininga ang maririnig.
Kahit na magasawa na sila at buntis na siya, kinikilig pa rin si Qiao Anhao sa
tuwing naghahalikan sila kaya nahihiya siyang yumuko.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay nakatitig lang sa napakagandang babae
na nasa harapan niya at dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Hindi
nagtagal, muli niyang hinawakan ang kamay nito at sinabi, "Tara, lakad lakad
ulit tayo?"
Magkahawak kamay silang lumabas ng classroom at naglakad papunta sa
Class One. Sa pagkakataong ito, hindi na sila pumasok, pero noong sandaling
dumaan sila sa bintana, huminto pa rin sila para sumilip.
Hindi pa nabura ang mga nakasulat sa black board kaya mula sa pwesto nila,
kitang kita nila ang mga graph at ilang kumplikadong formulas na nakasulat.
"Ayaw na ayaw ko talaga sa math! Ang hirap namankasi!" Naiinis na reklamo ni
Qiao Anhao habang nakatitig sa mga formula na hindi niya maintindihan. Dahil
math na rin ang napagusapan, may bigla siyang naalala noong nagaaral pa sila
kaya masaya siyang tumingin kay Lu Jinnian para magkwento, "Speaking of
math, alam mo ba may magic na nangyari sa akin?"
Pinatong ni Lu Jinnian ang isa niyang kamay sa pasilyo ng bintana at tumingin
kay Qiao Anhao, "Ano?"
"Nangyari yun noong first half ng second year high school. Diba pareho lang
naman ang math teacher ng Class One at Class Three? Grabe talaga pag
naalala ko yung teacher na yun! Biruin mo ba naman lagi nalang nagpapaexam
every other month eh pinaka ayaw ko pa naman ng math! Buti na nga lang eh
may mga naiintindihan pa rin ako kahit papano…Bukod lang talaga sa parabola.
Hindi ko talaga kaya yun at tignan ko palang, nahihilo na ako.
"Eto na! Noong exam na sa parabola, Class Three yung unang nakaschedule
kaya sinabi ko kay Qiao Anxia na isulat niya yung mga sagot para sa
kinagabihan nun, pupunta ako kina Brother Jiamu at makipagcompare ng sagot,
para pagdating ng exam, may masasagot ako. Hulaan mo anong nangyari?
Habang nagkwekwento si Qiao Anhao, kitang-kita sa mukha niya ang
pagkamangha. "Bago yung math ko, nag PE muna kami. Pagbalik ko sa
classroom, tapos na ang klase kaya hindi ko na nakuha ang sagot kay Qiao
Anxia… Nalungkot talaga ako nun, pero parang may anghel na naawa sa akin
kasi may nakita akong test paper sa drawer ko! Tapos…punong puno pa ng
sagot… Sa tingin mo, sino kayang nakahula na kailangan ko ng sagot kaya
naglagay siya ng test paper sa drawer ko…"
Ilang sandaling natigilan si Qiao Anhao para alalahanin ang iba pang mga
detalye ng kwento niya, "Siguro may nagkakacrush sa akin sa Class Three no?
Pero kung may crush ang isang tao, diba dapat love letter, eh bakit test paper
ang binigay niya?! O kaya posible din na nagkamali siya ng drawer na
napaglagyan no? Aiya…Pero kahit ano pa mang dahilan niya, Lu Jinnian, alam
mo ba? Yun ang kauna-unahang beses na nakaperfect ako sa math!"
Kahit na nandaya siya, ganadong ganado pa rin si Qiao Anhao na ikwento na
nakaperfect siya sa topic na pinaka kinaayawan niya pa!
Tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, na nagyayabang, at hindi niya
napigilang matawa. "Talaga ba? Ako naman, yun ang unang beses na nabokya
ako sa math."
"Eh?" Hindi makapaniwalang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian dahil hindi
niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito.
Kaya tinapik ni Lu Jinnian ang ulo ng asawa at nagpaliwanag, "Yung test paper
na sinasabi mo…Nakita kong walang tao sa classroom niyo dahil nga PE niyo,
kaya sinamantala ko yung pagkakataon na ilagay yun sa drawer mo…."
"Ah?" Literal na napasigaw si Qiao Anhao sa sobrang gulat. "Ikaw yung
naglagay nun?"
"En," mahinahong sagot ni Lu Jinnian.
"Eh paano naman nalaman na kailangan ko ng sagot?"
Habang magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa hagdanan, masaya
nilang inalala ang mga masasayang nangyari sakanila noong kabataan nila.
At pagkalipas ng ilang minuto, muling nagsalita si Lu Jiinian, "Narinig ko kasi
yung sinabi mo kay Qiao Anxia."
Noong hapon na 'yun, bago pumasok ang magpinsan sa kanya-kanya nilang
mga classroom, hinila muna ni Qiao Anhao si Qiao Anxia at pabulong na sinabi,
"Wag mong kakalimutan na isulat yung mga sagot mo ha."
Sakto, si Lu Jinnian ang nakatokang magbura ng board kaya rinig na rinig niya
ang pagbubulungan ng dalawa.
Noong panahon na 'yun, siya ang pinaka magaling sa Class Three pagdating sa
math kaya tuwing natatapos silang magexam, siya ang laging taga kolekta ng
mga papel.
Kaya noong nalaman niya na kailangan ng crush niya ng sagot, tinapos niya
ang exam niya pero imbes na ipasa ang papel ay palihim niya itong isiniksik sa
drawer ni Qiao Anhao habang nagp'PE ang buong klase nito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES