Kaya biglang kumunot ang kanyang noo at muling inilabas ang kanyang
wallet para kapain ang bulsa niya at doon niya nakita ang isang kulay asul
na envelope.
Halatang luma na ang envelope dahil medyo gusot-gusot na ang gilid nito. Sa
gitna, may nakadrawing na isang kupas na kulay pink na heart.
Ganitong ganito ang mga nakikita niyang ginagawa ng mga kaklase niyang
babae noon... 'Teka...Si Qiao Anhao ba ang naglagay nito sa bulsa ko?'
Noong una, medyo nagalangan siya, pero noong sakong bubuksan niya na,
bigla namang sumilip ang kanyang assistant at nanguusisang nagtanong, "Mr.
Lu, ano yan? Woooow!! Parang Love Letter yan ah?"
Sa totoo lang, pareho sila ng kutob ng assistant na love letter nga ang laman
ng envelope dahil noong estudyante palang siya, madalas siyang makakita ng
mga ganitong klase ng papel sa loob ng drawer niya, pero dahil may iba na
siyang nagugustuhan, ni minsan ay hindi na siya nagkaroon ng interes sa iba
kaya kahit hindi niya pa nababasa o sinisilip man lang ay tinatapon niya na
kaagad ang mga ito sa basurahan.
Pero habang hindi niya pa nakikita ang totoong laman ng sulat, ayaw niyang
magpakasigurado na love letter nga ang laman nito kaya nang marinig niya ang
boses ng assistant ay bigla siyang namula at dali-daling ibinulsa ang envelope
kasama ang kanyang wallet at sumagot, "Tara na, kailangan na nating bumalik
sa office."
Alam niyang si Qiao Anhao lang ang pwedeng maglagay nito sa bulsa niya
dahil bukod sakanya, ito lang naman ang may akses sa mga gamit niya. Isa pa,
plinantsa nito kanina ang suit niya kaya malaki talaga ang posibilidad. Dahil
dito, lalo siyang naintriga kaya habang nasa byahe ay walang ibang tumatakbo
sa isip niya kundi ang sulat.
"Kaya ba bigla nalang naisipan ni Qiao Anhao na plantsahin ang suit ko? Kasi...
nahihiya siyang ibigay ito sa akin ng personal?"
Alas tres pa ang call time para sa pangalawang parte ng meeting kaya
pagkarating nila ng alas dos imedya, dumiresto muna siya sakanyang office at
naglock ng pintuan. Nagmamadali siyang umupo sakanyang upuan at hindi
mapakaling kinuha ang papel. Noong hawak niya na ito muli, hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil pareho siyang naeexcite at
kinakabahan. Ganitong ganito rin ang naramdaman niya noong unang beses
silang nagusap ni Qiao Anhao...
Medyo matagal siyang nakatitig sa envelope bago siya huminga ng malalim at
dahan-dahan itong binuksan, kung saan tumambad sakanya ang isang kulay
pink na papel na nakatupi ng hugis puso.
Dahil dito, lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso.... Hindi siya pwedeng
magkamali... Ganitong ganito ang usong tupi ng mga papel noong kabataan
nila... Sa totoo lang, interesado rin siyang matutunan ito noon pero bilang isang
tahimik na bata, nahihiya siyang magpaturo sa iba kaya nakikinuod nalang siya
sa mga kaklase niyang babae habang gumagawa nito. Pero isang araw... akala
noong isa niyang kaklase ay crush niya ito kaya bigla itong lumapit sakanya
pagkatapos ng klase para yayain siyang manuod ng sine.
Literal na nanginginig siya habang kinakalas ang pagkakatupi ng papel at sa
sobrang kaba ay basang basa na ng pawis ang kanyang mga kamay. Sa totoo
lang, sa dinami-rami ng mga papel na nabasa niya; script, kontrata, dokumento,
at iba pa, dito lang siya kinabahan ng sobra kaya para kumuha ng sapat na
lakas ng loob ay lumunok muna siya ng laway bago siya dahan-dahang yumuko
para basahin ang laman nito.
Halatang pambata ang sulat... hmm... hindi naman ito nalalayo sa itsura ng
sulat ngayon ni Qiao Anhao pero halatang mas mukhang pambata, na para
bang high school na Qiao Anhao ang nagsulat.
Nagsimula ang liham sa 'Lu Jinnian' na may katabing kuwit.
Lu Jinnian,
Alam kong hindi mo inaasahan ang sulat na 'to, pero wag ka sanang mailang.
May nakadrawing pa na smiley face sa tabi ng salitang 'maiilang', kaya kahit
naguumpisa palang at wala pa siya sa mismong punto ay hindi niya na
napagilang mapangiti.
Lu Jinnian,
Alam kong hindi mo inaasahan ang sulat na 'to, pero wag ka sanang mailang.
May nakadrawing pa na smiley face sa tabi ng salitang 'maiilang', kaya kahit
naguumpisa palang at wala pa siya sa mismong punto ay hindi niya na
napagilang mapangiti.
May kasabihan na ang lahat ng tao sa mundong ito ay nageexist para hanapin ang
kanilang kabiyak, sa tingin ko nakita ko na ang para sa akin, at ikaw yun.
Gulat na gulat si Lu Jinnian nang mabasa niya ang sumunod na linya dahil
parang sobrang pamilyar nito para sakanya, pero kung saan niya narinig, yun
ang hindi niya matandaan.
Biglang kumunot ang kanyang noo at nagpatuloy sa pagbabasa.
Wala akong ibang hinihiling dahil ang gusto ko lang ay ang makasama ka.
Hindi rin ako magaling sa mga salita, pero ang gusto ko lang sanang sabihin ay kahit na
sa susunod na fifty years ay kaya pa rin kitang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo
ngayon.
Sa mga natitirang araw ng buhay ko, wala na akong mamahalin pang iba ng katulad ng
pagmamahal ko sayo.
Habang patagal ng patagal ay palakas din ng palakas ang kutob niya...
Oo...tama... siguradong narinig niya na ito noon.
Wala kang ideya kung gaano kahirap para sa akin ang lapitan ka mula noong unang
araw na nagkita tayo.
Marami akong pangarap, pero ang lahat ng iyon ay ikaw. Marami akong kahilingan,
pero ang lahat ng iyon ay ang makapiling ka. Marami akong gusto, pero ang lahat ng
iyon ay ang mahalin mo ako.
At sa wakas, naalala niya na! Parehong-pareho ito sa narinig niyang sinasabi ni
Qiao Anhao sa voice recording na binigay sakanya noon ni Qiao Anxia.
At.... sa wakas! Naalala niya na kung saan niya narinig ang mga ito... Sigurado
siya na ito ang mga narinig niyang sinabi ni Qiao Anhao sa voice recorder na
iniwan ni Qiao Anxia sa sasakyan niya noon.
Teka... Anong nangyari?
Bakit yung confession ni Qiao Anhao para kay Xu Jiamu ay biglang naging sulat
para sakanya?
Para sa mundong ito, marahil ay isa ka lang simpleng tao. Pero sa akin, ikaw ang
buong mundo.
For the rest of my life, I will only love you.
Sa ilalim ng sulat ay may dalawang linya ng kanta na nakasulat gamit ang kulay
pink na ballpen: Rainy days aren't the most beautiful / It's the house we hid to
shelter from the rain that is...
Qiao Anhao
Sa likod ng liham ay may nakasulat na petsa na limang taon na ang
nakakalipas.
Ibig sabihin limang taon na ang nakakalipas noong isinulat ito ni Qiao Anhao?
Noong mga panahon na 'yun, abala siya sa pagfifilm ng isa sa mga kauna-
unahan niyang pelikula sa Hangzhou, habang si Qiao Anhao naman ay
nagaaral sa Beijing, at pareho silang malapit ng grumaduate... Hindi pamilyar
sakanya ang eksaktong petsa na nakasulat, pero hinding hindi niya
makakalimutan ang nangyari sampung araw bago ang petsa na ito...
Noong araw na 'yun, bumyahe si Qiao Anhao ng magisa sa Hangzhou at
nanakawan ito ng wallet kaya tinawagan siya nito habang nasa kalagitnaan siya
ng pagfifilm sa Hengdian. Sa sobrang pagaalala, hindi niya inalintana ang layo
at lakas ng ulam mapuntahan lang ito kaagad... Yun din ang pinaka unang
beses na natulog sila sa iisang kwarto ng magkasama kaya sinamantala niya
ang pagkakataon na palihim itong halikan... at yun din ang gabi na pinangako
niya rito at sa sarili niya na sa oras na matapos na ang pagfifilm niya ay
manliligaw na siya dahil alam niya noong mga panahon na may kakayahan na
siya sa pinansyal dahil naguumpisa ng makilala ng buong China ang pangalan
niya bilang isang aktor.
Ibig sabihin... sinulat ito ni Qiao Anhao sampung araw bago ang gabing 'yun...
Hindi niya inaasahan na may mga ganitong rebelasyon siyang mababasa kaya
para kumpirmahin, nilapit niya ang papel sa mukha niya para titigan ito ng mas
malapitan.
Tandang tanda niya na sinabi ni Qiao Anhao sa bandang dulo ng recording:
"For the rest of my life, I will love you the most."
Na sinagot naman ni Xu Jiamu:"For the rest of my life, I will only love you."
Ha?! Bakit naman sa lahat ng isusulat ni Qiao Anhao sa love letter nito para
sakanya ay yung naging sagot pa talaga ni Xu Jiamu rito?
Teka... Ano ba talagang nangyayari?
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES