Kinabukasan ay ang annual general meeting ng Huan Ying Entertainment...
Alas diyes pa ng umaga ang call time pero alas siyete palang ay nagising
na si Lu Jinnian para magluto ng lugaw.
Samantalang ang assistant naman ay dumating ng alas otso imedya para
hindi sila mahuli sa meeting kahit pa maipit sila sa traffic.
Pagkarating niya sa Mian Xiu Garden, hindi pa bumababa si Lu Jinnian
kaya ang buong akala niya ay hindi pa ito tapos magayos, pero laking gulat
niya dahil pagkalipas ng halos labing limang minuto ay nakita niya itong
dahan-dahang bumababa ng hagdanan habang inaalalayan si Qiao Anhao
na parang isang prinsesa at wala pang kaayos-ayos.
Hindi siya makapaniwala dahil bilang si 'Lu Jinnian' ang susunduin niya ay
inaasahan niyang nakabihis na ito kagaya ng palaging nangyayari sa tuwing
may importanteng meeting silang pupuntahan, pero imbes na magmadali ay
hinintay pa nitong maubos ni Qiao Anhao ang lugaw na may itlog at isang
basong gatas bago ito maghanda.
Habang nagpapantalon si Lu Jinnian, nagrepresinta si Qiao Anhao na
plantsahin ng mabilisan sa sala ang suit na gagamitin nito para magkaroon
ng pagkakataon na isiksik sa bulsa nito ang wallet at love letter, na
pinakatago-tago niya sa ilalim ng kama, bago siya umakyat pabalik sa
changing room.
Walang pagmamadaling sinuot ni Lu Jinnian ang kanyang suit at habang
binubutones niya ito ay hindi niya nakalimutang magiwan ng paalala, "May
lunch gathering kami ng mga board members kaya magpapadeliver nalang
ako ng tanghalian mo."
Nakangiting tumungo si Qiao Anhao habang tinutulungan niya itong
magkabit ng necktie. Pagkatapos niyang siguraduhing maayos na ang lahat,
tinapik niya ang bandang dibdib nito at malambing na sinabi, "Nilagay ko
na yung wallet mo dito."
"Mmh." Yumuko si Lu Jinnian para halikan ang pisngi ni Qiao Anhao at
habang naglalakad palabas, muli siyang nagiwan ng paalala, "Mas mabuti
kung dito ka nalang muna sa bahay lalo na ngayong buntis ka, pero kung
may gusto kang puntahan, sasamahan nalang kita paguwi ko."
"Okay," walang pagtutol na sagot ni Qiao Anhao habang hinahatid ito
palabas.
Pero noong nasa may bandang pintuan na sila, biglang pinutol ng assistant
ang momentum at hindi mapakaling sinabi, "Mr. Lu, forty minutes nalang
bago magumpisa ang meeting!"
Tumungo lang si Lu Jinnian at habang nagsasapatos ay walang awat pa rin
siya sa pagiiwan ng mga paalala. "Oh, may mga prutas sa ref ah.
Hinugasan ko na yung mga yon kaya pag nagutom ka, kainin mo yun."
"Mmh." Hindi kagaya ng reaksyon niya kagabi, ngumiti lang si Qiao Anhao
at hinayaan si Lu Jinnian na sabihin ang mga gusto nitong sabihin.
Nang makumpirma ni Lu Jinnian na wala na siyang nakalimutan, muli siyang
yumuko para halikan si Qiao Anhao sa pangalawang pagkakataon bago siya
pumasok ng sasakyan.
Samantalang si Qiao Anhao naman ay naiwan sa may pintuan habang
naghihintay na makaalis sila.
Pero sa kabila ng pagmamadali, biglang ibinaba ni Lu Jinnian ang bintana
ng back seat para magpahabol ng isa pang paalala, "Tawagan mo ako
kaagad kapag sumama ang pakiramdam mo, okay?"
-
Saktong alas dose ng tanghali natapos ang unang parte ng meeting.
Kaya dumiretso sila sa Beijing Hotel ng assistant kasama ang mga board
members para sa lunch gathering at habang nasa kalagitnaan ng
kasiyahan, nagpaalam muna si Lu Jinnian para tawagan at kamustahin si
Qiao Anhao.
Dahil may pangalawang parte pa ang meeting, kailan nila kaagad makabalik
sa office kaya pagkatapos nilang kumain, sinenyasan niya kaagad ang
waiter para sa bill.
Pagkarating nito sa lamesa nila, kinuha niya ang kanyang wallet para kunin
ang kanyang card at iabot dito.
Pero nang sandaling ibalik niya ito sakanyang bulsa, may maramdaman
siyang matigas.
Kaya biglang kumunot ang kanyang noo at muling inilabas ang kanyang
wallet para kapain ang bulsa niya at doon niya nakita ang isang kulay asul
na envelope.
Kaya biglang kumunot ang kanyang noo at muling inilabas ang kanyang
wallet para kapain ang bulsa niya at doon niya nakita ang isang kulay asul
na envelope.
Halatang luma na ang envelope dahil medyo gusot-gusot na ang gilid nito. Sa
gitna, may nakadrawing na isang kupas na kulay pink na heart.
Ganitong ganito ang mga nakikita niyang ginagawa ng mga kaklase niyang
babae noon... 'Teka...Si Qiao Anhao ba ang naglagay nito sa bulsa ko?'
Noong una, medyo nagalangan siya, pero noong sakong bubuksan niya na,
bigla namang sumilip ang kanyang assistant at nanguusisang nagtanong, "Mr.
Lu, ano yan? Woooow!! Parang Love Letter yan ah?"
Sa totoo lang, pareho sila ng kutob ng assistant na love letter nga ang laman
ng envelope dahil noong estudyante palang siya, madalas siyang makakita ng
mga ganitong klase ng papel sa loob ng drawer niya, pero dahil may iba na
siyang nagugustuhan, ni minsan ay hindi na siya nagkaroon ng interes sa iba
kaya kahit hindi niya pa nababasa o sinisilip man lang ay tinatapon niya na
kaagad ang mga ito sa basurahan.
Pero habang hindi niya pa nakikita ang totoong laman ng sulat, ayaw niyang
magpakasigurado na love letter nga ang laman nito kaya nang marinig niya ang
boses ng assistant ay bigla siyang namula at dali-daling ibinulsa ang envelope
kasama ang kanyang wallet at sumagot, "Tara na, kailangan na nating bumalik
sa office."
Alam niyang si Qiao Anhao lang ang pwedeng maglagay nito sa bulsa niya
dahil bukod sakanya, ito lang naman ang may akses sa mga gamit niya. Isa pa,
plinantsa nito kanina ang suit niya kaya malaki talaga ang posibilidad. Dahil
dito, lalo siyang naintriga kaya habang nasa byahe ay walang ibang tumatakbo
sa isip niya kundi ang sulat.
"Kaya ba bigla nalang naisipan ni Qiao Anhao na plantsahin ang suit ko? Kasi...
nahihiya siyang ibigay ito sa akin ng personal?"
Alas tres pa ang call time para sa pangalawang parte ng meeting kaya
pagkarating nila ng alas dos imedya, dumiresto muna siya sakanyang office at
naglock ng pintuan. Nagmamadali siyang umupo sakanyang upuan at hindi
mapakaling kinuha ang papel. Noong hawak niya na ito muli, hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil pareho siyang naeexcite at
kinakabahan. Ganitong ganito rin ang naramdaman niya noong unang beses
silang nagusap ni Qiao Anhao...
Medyo matagal siyang nakatitig sa envelope bago siya huminga ng malalim at
dahan-dahan itong binuksan, kung saan tumambad sakanya ang isang kulay
pink na papel na nakatupi ng hugis puso.
Dahil dito, lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso.... Hindi siya pwedeng
magkamali... Ganitong ganito ang usong tupi ng mga papel noong kabataan
nila... Sa totoo lang, interesado rin siyang matutunan ito noon pero bilang isang
tahimik na bata, nahihiya siyang magpaturo sa iba kaya nakikinuod nalang siya
sa mga kaklase niyang babae habang gumagawa nito. Pero isang araw... akala
noong isa niyang kaklase ay crush niya ito kaya bigla itong lumapit sakanya
pagkatapos ng klase para yayain siyang manuod ng sine.
Literal na nanginginig siya habang kinakalas ang pagkakatupi ng papel at sa
sobrang kaba ay basang basa na ng pawis ang kanyang mga kamay. Sa totoo
lang, sa dinami-rami ng mga papel na nabasa niya; script, kontrata, dokumento,
at iba pa, dito lang siya kinabahan ng sobra kaya para kumuha ng sapat na
lakas ng loob ay lumunok muna siya ng laway bago siya dahan-dahang yumuko
para basahin ang laman nito.
Halatang pambata ang sulat... hmm... hindi naman ito nalalayo sa itsura ng
sulat ngayon ni Qiao Anhao pero halatang mas mukhang pambata, na para
bang high school na Qiao Anhao ang nagsulat.
Nagsimula ang liham sa 'Lu Jinnian' na may katabing kuwit.
Lu Jinnian,
Alam kong hindi mo inaasahan ang sulat na 'to, pero wag ka sanang mailang.
May nakadrawing pa na smiley face sa tabi ng salitang 'maiilang', kaya kahit
naguumpisa palang at wala pa siya sa mismong punto ay hindi niya na
napagilang mapangiti.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES