App herunterladen
81.7% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 795: Ang Love Letter mula sa nakaraan (6)

Kapitel 795: Ang Love Letter mula sa nakaraan (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Niyakap ni Lu Jinnian ng sobrang higpit si Qiao Anhao at matapos ang ilang

sandali, dahan-dahan siyang yumuko para bulungan ito, "Qiao Qiao,

maraming salamat. Pangako, buong buhay kitang aalagaan."

Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin.

Maraming salamat dahil pumayag ka na maging asawa ko.

Maraming salamat sa pagdadala mo sa magiging anak ko.

Walang salita ang sasapat sa pasasamat ko sayo, at ang tanging maisusukli

ko lang, ay ang habang buhay kitang aalagaan at iingatan…

Hanggang sa huling hininga ko…

Masyado pang maaaga ang panghabang buhay na pangako, pero pagdating

kay Lu Jinnian, palaging panatag si Qiao Anhao.

Niyakap niya ng mahigpit ang bewang nito.

Sa kalagitnaan ng napakatahimik na gabi, sinulit nila ang pagkakataon na

yakapin ang bawat isa.

Pagkalipas ng matagal na pananahimik, muling nagsalita si Lu Jinnian,

"Qiao Qiao, wag mong sasabihin sa magiging baby natin na pinainom niya

ng contraceptives…"

Pero bago pa siya matapos ay naramdaman niyang tinignan siya ni Qiao

Anhao ng masama kaya dali-dali niyang binago ang usapan, "Qiao Qiao, ang

galing mo kanina."

Kahit kailan, hindi naisip ni Qiao Anhao na ang isang Lu Jinnian na

hinahangaan ng lahat, ay pupurihin siya kaya napatawa nalang siya sa

sobrang kilig pero sa kalagitnaan ng katuwaan, bigla niyang naalala ang

tungkol sa bagong scandal na lumabas bago magumpisa ang finals, kaya

nagtataka siyang nagtanong, "Lu Jinnian, totoo bang naginvest ka sa

Hollywood movie?"

"Oo, isa kasi yung asawa ni Lucy sa mga direktor kaya matagal na naming

napagkasuduan ito." Kahit alam ni Lu Jinnian na hindi siya pinagiisipan ni

Qiao Anhao ng masama, gusto niya pa ring linawin ang lahat, kaya muli

siyang nagpatuloy, "Yun yung dahilan kung bakit ako pumunta sa America."

Naalala rin ni Qiao Anhao na isa sa mga bilin ni Lu Jinnian sa assistant

bago ito magpakalayo-layo ay tulungan siyang maging screen queen. "Lu

Jinnian, dinaya mo ba ang resulta? Nakapagtataka lang kasi na biglang

nagkaroon ng scandal sa kalagitnaan ng competion.

"Hindi," paninigurado ni Lu Jinnian. "Nangangako ako sayo na lahat ng

resultang natanggap ay galing sa lahat ng pinaghirapan mo."

Ilang sandaling natigilan si Lu Jinnian bago siya magpatuloy, "Qiao Qiao, sa

totoo lang, gusto sana talaga kitang tulungan pwero noong final round lang.

Naniniwala kasi ako na kayang kaya mo ang preliminary rounds, pero hindi

ko naman akalain na gagalingan mo masyado sa kanina. Lahat kami

napanganga sayo."

Ito ang unang pagkakataon na pinuri ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kaya bigla

siyang namula sa sobrang kilig. Dali-dali niya itong niyakap ng mas mahigpit

at payabang na sinabi, "Lu Jinnian, ang galing galing ko talaga!"

-

Nang magising si Cheng Yang ng ala-una ng madaling araw, napansin

niyang gising rin si Qiao Anxia. Naka'earphones ito at nakatikod sakanya

habang abalang abala sa phone nito.

Sobrang taas ng brightness ng screen nito kaya lalo pa itong nagmukhang

maputi.

"Xia Xia," Pero dahil nakaearphones si Song Xiangsi, hindi siya nito narinig

kaya dahan-dahan siyang umupo para lapitan ito.

Malinaw ang mata ni Cheng Yang, kaya kahit medyo malayo siya sa screen,

kitang-kita niya pinapanuod nito ang video ng interview ni Lu Jinnian

kahapon.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit, pero siyang nalungkot sa nakita niya.


Kapitel 796: Ang Love Letter mula sa nakaraan (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi niya rin maintindihan kung bakit, pero siyang nalungkot sa nakita niya.

Ngayon ang araw ng final round ng Hollywood casting at kumakalat sa

internet kung paano tumakbo si Lu Jinnian sa entablado noong nalaman

nitong buntis si Qiao Anhao. Habang nanunuod sila, kitang-kita niya na

masaya naman si Qiao Anxia at sinabi pa nito, "Buntis pala si Qiao Qiao,

magiging titan a ako."

Pero hindi nagtagal, bahagyang lumungkot ang mukha nito habang nakatitig

sa screen. Sinubukan niyang tawagin si Qiao Anxia ng ilang beses pero

nakatulala lang ito kaya sa sobrang sama ng loob, umalis muna siya ng

apartment para magpalamig ng ulo.

Marami na siyang nalaman tungkol kay Qiao Anxia… pero dahil

nangingibabaw ang pagmamahal niya para rito… nagdesisyon siyang

magtanga-tangahan at magpanggap na hindi nasasaktan kaysa mawala ito…

Pero habang tumatagal… lalong lumalaki ang sugat sa puso niya… maayos

naman ang lahat noon, pero mula noong nalaman nito na kasal na si Qiao

Anhao at Lu Jinnian, araw-araw siyang nagigisng sa madaling araw at

makikita itong nakakatig sa screen.

Pinanuod ni Qiao Anxia hanggang matapos ang video at para hindi marinig

ang kanyang hikbi, dali-dali niyang tinakpan ang kanyang bibig habang

umiiyak.

Pero ang hindi niya alam… nakita ni Cheng Yang ang lahat.

Noong medyo kumalma na siya, maingat niyang isiniksik ang phone sa ilalim

ng unan at tingggal ang kanyang earphones. Balak niya sanang

magpahangin muna sa labas pero noong patayo na siya, bigla siyang

natigilan…. Dahan-dahan siyang lumingon at laking gulat niya nang makita

niya si Cheng Yang na nakatingin sakanya. Wala siyang ideya kung gaano

na ito katagal sa pwesto nito, pero para hindi mahalata, pinilit niyang

ngumiti at nagaalalang nagtanong, "Cheng Yang, bakit gising ka pa?"

Pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sakanya…

Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito kasama ang tingin

sakanya ni Cheng Yang kaya dali-dali niyang ibinaling sa iba ang kanyang

tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang titig nito. Wala siyang

natatandaan na hindi nila pinagkasunduan kanina kaya sa sobrang

pagaalala, sinubukan niyang hawakan ang kamay nito, pero hindi pa man

din nagdidikit ang mga balat nila, bigla siya nitong hinawi at galit na galit na

tinapon ang kumot sa isang gilid.. Hindi niya talaga maintindihan ang mga

nangyayari, kaya napatingin nalang siya dito, na nagmamadaling nagbihis at

lumabas.

Bigla siyang nahimasmasan at hinabol ito. Muli, sa pangalawang

pagkakataon, hinawakan niya ang kamay nito. "Cheng Yang ano ba? Bakit

ka ba nagagalit?"

"Ano sa tingin mo?" Sa totoo lang, gustong gustong gusto niyang pigilan ang

galit at magpatuloy sa pagbubulag-bulagan, pero sa pagkakataong ito, hindi

niya na talaga kinaya at tuluyan na siyang sumabog. "Qiao Anxia, pagod na

ako. Kung hindi mo siya kayang pakawalan, maghiwalay nalang tayo."

Hiwalay? Biglang nanlaki ang mga mata ni Qiao Anxia sa sobrang

pagkagulat.

Maging si Cheng Yang ay nagulat din sa lumabas sa bibig niya… Siguro

dala na rin ng sobrang sakit...Pero kahit kailan hindi niya naisip

makipaghiwalay… Bigla siyang yumuko at gusto niya sanang humingi ng

tawad, pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin kaya bandang huli,

muli niyang hinawi ang kamay nito at lumabas.

Nahimasmasan lang si Qiao Anxia noong narinig niya ang pagbalibag ng

pintuan. Bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib at unti-unting prinoseso

ang mga nangayari...Hiwalay? Bakit maghihiwalay?

Noon, sa tuwing may makikipaghiwalay sakanya, wala siyang pakielam, pero

noong narinig niya mga sinabi ni Cheng Yang…. sobrang natatakot siya…

Ano bang nagawa niya?


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C795
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES