App herunterladen
81.39% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 792: Ang Love Letter mula sa nakaraan (3)

Kapitel 792: Ang Love Letter mula sa nakaraan (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Oo nga no! Sayang nakapagpa'autograph sana tayo!"

"Nakakalungkot naman…"

Sa gitna ng lahat ng mga lantarang nagpipicture sakanila, binuhat ni Lu

Jinnian si Qiao Anhao papunta sakanyang sasakyan.

Binuksan niya ang passenger seat at maingat itong pinaupo. Sa sobrang

pagaalala na baka hindi komportable si Qiao Anhao, dahan-dahan niyang

inatras ang upuan nito para mas makapag'inat ito ng binti.

Sa totoo lang, wala pa naman masyadong nararamdaman si Qiao Anhao,

siguro dahil isang buwan palang din ang bata, kaya sinabi niya kay Lu Jinnian

na hindi na kailangang iatras ang upuan niya.

Pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa pagpindot sa mga controls

ng upuan, "Ayan? Saan ka mas komportable?... teka, eh kung ganito? Mas

okay ba? Eh eto kaya?"

Noong hindi niya talaga makumbinsi si Lu Jinnian na tumigil, napairap nalang

siya sa inis at hindi na ito pinansin kata nang maramadaman nito na biglang

nagbago ang mood niya, bigla nitong binitawan ang control. "Qiao Qiao,

sigurado ka bang komportable ka na?"

"Lu Jinnian…" Kahit ang pinaka pasensyoso tao pa sigurong ang itapat kay Lu

Jinnian ngayon ay siguradong maiinis sa sobrang aligaga niya. Gusto niya

naman sana talagang kumalma, pero pagkatapos siyang tawagin ni Qiao

Anhao, parang walang nangyari at muli niyang inayos ang upuan nito, "Wag ka

na magseatbelt, baka sumakit yung tyan mo. Baka may mangyari sa baby."

Huminga ng malalim si Qiao Anhao para pigilan ang sarili niya. Gustong gusto

niya ng sigawan si Lu Jinnian, pero bandang huli, pinilit niyang ngumiti at

nagpaliwanag. "Ang sabi ng doktor dugo palang ang baby natin. Para lang

munggo ngayon kahit anong posisyon ko, wala pang mangyayari sakanya."

"Sinong doktor ang nagsabi niyan? Baka hindi siya nagiisip. Paano naman

magiging munggo ang anak ko?" Inis na inis na sagot ni Lu Jinnian habang

inaayos ang upuan ni Qiao Anhao. Ilang beses niyang niluwagan ang seatbelt

pero hindi talaga siya makuntento kaya bigla niyang tinignan ang kanyang

assistant, na dala ang mga ni Qiao Anhao, at sinabi, "Ikaw na magdrive, tatabi

ako kay Qiao Qiao."

"Sige, Mr. Lu."Nagmamadaling binuksan ng assistant ang backdoor, at muling

binuhat ni Lu Jinnian si Qiao Anhao para ilipat ito sa likod bago siya pumasok

at umupo sa tabi nito.

Hindi kagaya ng passenger seat, hindi pwedeng iatras ang backseat kaya sa

sobrang pagaalala niya na mangalay si Qiao Anhao, kumuha siya ng unan at

nilagay sa tabi nito, "Qiao Qiao, kamusta? Mas komportable ka ba?"

At… hindi pa siya nakuntento, kinuha niya ang unan at pinalitan ito ng mas

malaki, "Oh ito? Mas okay ba?"

"Eh.. kung sabay sila?"

Ayan nanaman siya… Kahit na nagaalala lang siya, nakakarindi pa rin habang

tumatagal!

Kaya sa inis ni Qiao Anhao, bigla niyang kinuha ang dalawang unan at

itinapon kay Lu Jinnian. Bukod sa pagod na siya, nawalan na rin siyang gana

na pumunta pa sa ibang lugar dahil sa sobrang kulit ni Lu Jinnian, kaya

walang pagdadalawang isip siyang tumingin sa assistant.

"Mian Xiu Garden!"


Kapitel 793: Ang Love Letter mula sa nakaraan (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero parang walang epekto kay Lu Jinnian ang galit ni Qiao Anhao.

Hinawakan niya ang isa nitong kamay habang ang isa niya namang kamay ay

nakahawak sa tyan nito para protektahan ang 'baby' nila kung sakali mang

prumeno ng malakas, at sa sobrang pagaalala niya sakanyang magina, ilang

beses niyang pinagalitan ang kanyang assistant sa pagmamaneho nito.

"Bagalan mo, konti pa… mas mabagal pa! Bakit ba ang bilis bilis mong

magmaneho? May buntis kang pasahero diba? Oh.. Malapit na sa stop light,

bagalan mo!"

Noong una, nagrereklamo pa si Qiao Anhao na mas mabilis pa silang

makakauwi kung maglalakad nalang sila, pero nang lumaon, kusa nalang din

siyang tumigil dahil nagsasayang lang siyang laway gawa ng wala namang

balak makinig sakanya si Lu Jinnian. Maging ang assistant, na di hamak na

may mas karanasan na sa pagiging tatay, ay wala ng nagawa at sumunod

nalang din. Bandang huli, para matapos na ang lahat, pumikit nalang si Qiao

Anhao habang nagtitiis sa 20km/hr na byahe pauwi ng Mian Xiu Garden.

Pagkauwi nila, dali-daling binuksan ni Qiao Anhao ang pintuan, pero bigla

itong isinara ni Lu Jinnian para pinigilan itong lumabas. Nang masigurado

niyang napatay na ng assistant ang makina, doon lang siya nagmamadaling

lumabas at naglakad papunta sa pintuan ni Qiao Anhao.

Pero hinawi siya nito at nagmamadaling naglakad papasok sa bahay.

Noong nakita niyang nagmamadaling humahabol ang assistant, kinuha niya

ang bag ni Qiao Anhao mula rito, at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pero

hindi pa man siya nakakadalawang hakbang, naalala niya ang atraso nito

sakanya biglang siyang huminto at tumalikod para tignan ito. "Shen Mingzhe,

hindi pa tayo tapos."

At muli, nagmamadali siyang humabol kay Qiao Anhao. "Qiao Qiao… bakit ba

ang bilis mong maglakad. Baka madapa ka ha."

Sa pagkakatong ito, hindi na talaga matiis ni Qiao Anhao ang sobra-sobrang

ka-OAan ni Lu Jinnian kaya bigla siyang huminto para kausapin ito ng

mahinahon, "Lu Jinnian, wag ka ng magalala ha? Ang sabi ng doktor, one

month palang si baby kaya wala pang dapat ikatakot."

"Mmh Mmh." Tumungo si Lu Jinnian, pero wala pang isang minuto, muli

nanaman siyang nagsalita, "Qiao Qiao, magiingat ka, baka madapa…"

At huminga ng malalim si Qiao Anhao na para bang nawawalan na siya ng

pagasa para kay Lu Jinnian.

Pagkapasok nila sa loob ng bahay, nagmamadaling kumuha si Lu Jinnian ng

tsinelas bago siya sumalampak sa sahig para tulungan si Qiao Anhao na

magtanggal ng sapatos.

Noong nasa kwarto na sila, kagaya ng nakasanyan, binuksan ni Qiao Anhao

ang TV para magpaantok habang nanunuod. Humanap siya ng komportableng

posisyon sa sofa habang may yakap-yakap na unan para panuurin ang replay

ng final round.

Samantalang si Lu Jinnian, na hanggang ngayon ay aligaga pa rin, ay maya't-

maya siyang pinapainom ng tubig at pinapakain ng prutas. Noong naubos niya

na ang lahat ng binibigay nito, umupo ito sa tabi niya na dalang laptop para

umorder ng mga libro tungkol sa pagbubuntis. At kagaya ng inaasahan,

maya't-maya siyang kinakalabit nito para magtanong opinyon…

Pero kahit na nagtatanong ito ng opinyon niya, hindi nrin naman ito nakikinig

at lahat ng nirejreect niyang order ay nilalagay din nito ulit sa cart.

 

Pagkatapos nitong magbayad, itinabi muna nito ang laptop nito para muli

siyang pakiinin ng prutas. "Qiao Qiao, talaga bang magiging tatay na ako?"

Ito na ang pang labing walong beses na tinanong ni Lu Jinnian ang eksaktong

tanong na ito at kagaya ng sagot ni Qiao Anhao sa naunang pito, tumungo

lang siya. "Mmh."

Una siyang sinubuan nito ng mansanas, at noong nalunok niya na, sinubuan

naman siya nito ng ubas na walang balat. "Qiao Qiao, one month na siya?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C792
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES