Noong nakita ng assistant na nakatulala pa rin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao
habang naghihiyawan na ang lahat, hindi niya na napigilan ang sarili niya na
sikuhin ito, "Mr. Lu, ano? Bakit hindi ka pumapalakpak kay Miss Qiao? Hindi
ka ba nagalingan sakanya?"
'Baliw…' Tinignan ni Lu Jinnian ang kanyang assistant na para bang diring-diri
siya rito, at muli muling tumingin kay Qiao Anhao, pero sa pagkakataong ito,
kasabay ng lahat, ay pumalakpak na din siya.
'Hehe… kung hindi ko pa pinaalala sayo, papalakpak ka ba?' Muling humarap
ang assistant sa stage at kinaway ang hawak niyang glow sticks. "Qiao Anhao,
ako ang number one fan mo!!!"
Habang nagkakagulo ang lahat, umakyat ang host sa entablado at naglakad
papunta sa tabi ni Qiao Anhao. "Grabe naman yun! Sino kaya rito ang hindi
natouch sa kwento ni Miss Qiao? Ngayon, tanungin naman natin ang mga
hurado kung ilan ang nakuha niyang score."
Sinenyasan ng host ang mga hurado.
Mula kaliwa, isa-isang nagsalita ang mga hurado.
"Sobrang natouch ako sa kwento mo, dalang-dala kaming lahat kung paano
mo bitawan ang bawat salita. Kung performance mo lang ang pagbabasehan,
sobrang galing kaya binibigyan kita ng one hundred."
"Para sa kwento mo, one hundred."
"Pagkatapos kong marinig ang kwento mo, parang yan na ata ang pinaka
nakakakilig na love story na narinig ko. Sana maging masaya kayo. One
hundred."
At ang huling magsasalita ay walang iba kundi ang special guest na si Song
Xiangsi. Masaya siyang tumingin sa kaibigan at walang kinikilingang sinabi,
"Para sakin, ikaw ang pinaka umangat sa lahat at pinaka deserving na
pumunta sa Hollywood."
"Grabe! ONE HUNDRED?! Mukhang nakuha ang puso ng mga hurado
ngayong gabi, Miss Qiao Anhao. Ngayon naman tignan natin ang mga score
na galing sa ating mga audience." Biglang nanahimik habang nagbibigay ng
score ang mga manunuod.
Sa ngayon, si Qiao Anhao ay pang'apat."
"Pangatlo"
"Oh, teka, pangalawa."
"Pero pataas pa rin ng pataas ang mga boto."
"Ifinalize na po natin ang mga ating mga boto dahil magcocountdown na tayo."
"Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, one!"
Pagkasigaw ng host ng 'one', saktong nalampasan ni Qiao Anhao ang score
ng nasa first place at hindi siya makapaniwala sa sobrang taas ng nakuha
nitong overall score.
"Congratulations, Miss Qiao Anhao! Ikaw ang nakakuha ng female lead role
sa ating Hollywood casting competition. At susunod naman ay ang live signing
ceremony. Sabay-sabay nating iwelcome ang direktor ng pelikula, na galing
pang America, at ang ating master of ceremonies."
Habang tumutugtog ang backgroung music, masayang tumingin ang assistant
kay Lu Jinnian at sinabi, "Mr. Lu, Congratulations. Si Miss Qiao Ang nanalo."
"Salamat."Pagkatapos ng ginawa ni Qiao Anhao, sobrang sayta ni Lu Jinnian
kaya sa kauna-unahang pagkakataon, sumagot siya sa kanyang assistant na
walang ibang ginawa kundi magpapansin sakanya buong gabi.
"Mr. Lu, nanalo si Miss Qiao, di mo ba kami ililibre?"
'Bakit ikaw ba ang nanalo? Kung ililibre ako si Qiao Anhao lang yun…' at
walang pagdadalawang isip na sumagot si Lu Jinnian. "Wala akong plano."
"Edi kay Miss Qiao nalang ako magpapalibre. Siguro naman akong papayag
siya." Biglang tumalikod ang assistant at sinabi sa kanyang loob-loob,
'Damot!'
Tinignan lang ni Lu Jinnian ang kanyang assistant at hindi nagtagal, may bigla
siyang naalala, "Shen Mingzhe, kung tama ang naalala ko, nabanggit ni Qiao
Qiao na nagsend ako ng email sa isa kong kaibigan. Ikaw ba yung tinutukoy
niya? Diba sinabi ko naman sayo na wag mong sasabihin sakanya?"
'Nako! Sobrang nadala ako sa kwento ni Miss Qiao at sa pagpapalibre…
nakalimutan kong pinagtaksilan ko nga pala si Mr. Lu!'
Biglang nanigas ang assistant at hindi niya alam kung paano siya titingin kay
Lu Jinnian.
"At… pwede mo rin bang ipaliwanag kung paano nalaman ni Qiao Qiao na ako
ang nagpakalat ng mga tsismis ko?"
Napakagat nalang ang assistant ng kanyang labi… nako nako mukhang
katapusan niya na 'to…
"Paano niya rin pala nalaman na naghintay ako ng sixteen hours noong
Valentine;s day?"
Hindi na talaga alam ng assistant kung anong gagawin niya at pakiramdam
niya ay huminto ang pagtibok ng kanyang puso.
Pero buti nalang…. Biglang nagsalita si Miss Qiao Anhao sa microphone…
"Pasensya na, hindo ko pwedeng pirmahan ang kontratang ito."
Ang assistant na halos mamatay na sa takot ay biglang napatingin kay Lu
Jinnian, "Mr. Lu, si Miss Qiao ang nanalo pero ayaw niyang pumirma ng
kontrata."
Pati si Lu Jinnian ay nabigla rin sa sinabi ni Qiao Anhao kaya nakalimutan
niya na ang sinasabi niya sakanyang assistant at dali-daling tumingin sa gitna
ng entablado.
Halatang nagulantang ang lahat sa sinabi ni Qiao Anhao…
Kaya para linawin ang nangyayari, muling kinuha ng host ang microphone at
hindi makapaniwalang nagtanong, "Qiao Anhao, anong sinabi mo? Hindi mo
pipirmahan ang kontrata?"
"Oo." Kalmadong tumungo si Qiao Anhao.
Dahil kinumpirma niya ang kanyang desisyon sa pangalawang pagkakataon,
muling nagkagulo ang mga manunuod.
Para sumali sa isang competion at manalo, bakit ayaw niyang pumirma?
Anong ibig sabihin nito?
Pati ang mga organizer at mga hurado ay nagbubulungan rin.
"Mr. Lu, bakit naman ayaw pumirma ni Miss Qiao? Sobrang gandang
oportunidad kaya na makarating sa Hollywood at pag balik niya, siguradong
naghihintay na sakanya ang spot ng screen queen!" Nanghihinayang na
hinaing ng assistant.
Ang saya na nararamdaman ni Lu Jinnian mula sa confession ni Qiao Anhao
ay biglang napalitan ng lungkot…
Si Qiao Anhao pa naman ang rason kung bakit siya naginvest pelikula… Kaya
ba yaw na nito ay dahil may kumakalat na balita na luto ang laban?
Hindi normal na may ganitong nangyayari sa isang casting at karapatan ng
show na malaman ang dahilan ni Qiao Anhao kaya hindi na nagpaawat ang
isang hurado na magtanong, "Qiao Anhao, gusto ko lang malaman kung bakit
ayaw mong pirmahan ang kontrata? Tumatanggi ka ba kasi ayaw mong isipin
ng mga tao na gumagamit ka ng koneksyon na makuha ang role, dahil ang
asawa mong si Mr. Lu Jinnian, ang CEO ng Huan Ying Entertainment, ay
naginvest sa pelikula?"
Na sinundan pa ng isang hurado, "Isa 'tong competition. At ang nanalo ay
dapat pumirma sa kontrata bilang female lead ng pelikula. Hindi tayo naglalaro
tayo kaya hindi mo pwedeng gawin kung ano lang ang maisip mo, Miss Qiao.
Pwede bang respetuhin mo naman ang show, ang hurado, at ang mga
milyung-milyong viewers na nanunuod satin ngayon!"
"Pasensya na sa naging desisyon ko, wala na akong ibang magagawa kundi
humingi ng tawad sainyong lahat." Kinuha ni Qiao Anhao ang microphone para
marinig ng lahat ang sunod niyang sasabihin, "Una, hindi ko alam na an gang
asawa kong si Lu Jinnian ay naginvest sa pelikulang 'to, at siya rin yung
nagsign up sa akin kaya ginawa ko lang ang best ko sa bawat round para
maging proud siya sa akin.
"Alam ko namang kahit sabihin kong hindi ako nandaya, malinaw na naginvest
pa rin siya sa pelikula, kaya wala na tayong paguusapan dun. Pero,
sinisigurado sainyong lahat na hindi ako tumanggi sa role ng dahil sa mga
pambabash online. Alam ko namang hindi totoo yun kasi ginawa ko talaga ang
best ko para maging deserving sa role ng female lead.
"Pero hindi ko nasabi sa lahat na pumunta ako sa ospital kahapon at dahil sa
sinabi ng doktor, nagdesisyon akong wag nalang ituloy ang sayaw na ilang
araw kong pinaghandaan at imbes na back out ay naisip kong magkwento
nalang sainyong lahat."
Biglang natigilan si Qiao Anhao at matapos ang ilang sandali, muli siyang
nagpatuloy, "Buntis kasi ako."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES