"Totoong kinasal kami sa pangalan ni Miss Qiao, pero bukod sa kasunduang
yun, wala na kaming ibang relasyon. Sa madaling salita, mabuti kaming
magkaibigan.
"Kung ang tinutukoy niyong salu-salo ng mga Qiao at Xu noon ay kasal, edi
kinasal nga kami. Pero ang totoo, walang batas na nagsasabing naging
magasawa kami. Hanggang ngayon, single ako at walang asawa, hindi single at
divorce, o sa madaling salita, wala kaming marriage certificate."
Sobrang kalmado ni Xu Jiamu, na para bang nagkwekwento lang siya sa isang
malapit na kaibigan, pero dahil sa mga pasabog niya, sobrang bigat ng awra at
wala ni isa sa mga manunuod ang makapagsalita.
"Isa pa, ang Xu Jiamu sa wedding photo na kumakalat ngayon sa internet ay
hindi ako."
Hindi pa man din napoproseso ng mga manunuod ang mga nauna niyang
rebelasyon, muli nanamang nagulantang mga ito sa panibago niyang pasabog,
at sa pagkakataong ito, pati ang mga hurado ay atat na atat na ring marinig ang
kasunod niyang sasabihin, kaya hindi na napigilan ng isa na magtanong, "Ibig
sabihin, dalawa ang Xu Jiamu?"
"Tama. Mayroong dalawang Xu Jiamu," pagamin ni Xu Jiamu, na muli nanamang
nagpagulo sa mga manunuod.
Dahil may isang hurado ng naunang maglakas loob, hindi na napigilan ng isa
pang interesadong hurado na magtanong, "Dalawang Xu Jiamu? Mr. Xu, ang
ibig mo bang sabihin ay may kambal ang Xu family?"
"Ang isang Xu Jiamu ay ang nakakatanda kong kapatid." Ilang sandaling
natigilan si Xu Jiamu bago siya muling magpatuloy na halatang may pagdidiin,
"si LU JI-NNI-AN."
Hindi makapaniwala ang lahat kaya muli nanamang nabalot ang buong venue ng
mga bulungan.
Maging ang mga hurado ay nagbulungan na rin para kinukumpirma sa isa't-isa
kung tama ba ang mga narinig nila.
"Mr. Lu? Magkahawig nga kayo, pero hindi naman masyado."
"Sa picture, mukhang ikaw talaga yun Mr. Xu na may peklat sa mukha."
"Mamaya na natin pagusapan ang tungkol jan. May kailangan akong ipakita
sainyong lahat." Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, naglabas siya ng isang
dokumento mula sakanyang bulsa at inabot sa host na nakatayo sa tabi niya.
"Pwede ba kkong makisuyo sayo na palakihin ang dokumentong ito sa screen?"
"Sige."
"Salamat," Magalang at pormal na sagot ni Xu Jiamu.
"Walang anuman." Nagmamadaling tumakbo ang host dala ang dokumento.
Pagkalipas ng limang minuto, lumabas sa screen ang larawan ng dokumento.
Gulat na gulat ang lahat na napatitig sa screen para sundan ang bawat picture
na may dalawampung segundong pagitan sa bawat isa. Hinintay ni Xu Jiamu na
lumabas ang pinaka huling puicture bago siya magpatuloy, "Ito ang medical
record ko galing sa ospital. Base sa mga picture na 'to, naniniwala ako na
malinaw naman sa lahat kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Nagising
ako ng September at February.
"Pero, alam kong naguguluhan kayong lahat, dahil noong nakaraang February,
nagpa'press conference si Mrs. Han Ruchu para iannounce na ang
tagapagmana ng Xu Enterprise, na si Mr. Xu Jiamu ay nagising na mula sa
comatose. Hindi lang dun natapos, dahil nakasubaybay rin ang media noong
araw na lumabas siya ng ospital. Pagkalipas ng linggo, marami pang lumabas
na picture mula sa iba't-ibang events na dinaluhan niya.
"Kaya ang tanong… ano ba talaga ang totoo? Ang balitang lumabas noong
nakaraang taon o ang sinasabi ko ngayon."
Pagkatapos magtanong ni Xu Jiamu, ilang sandali siyang nakatitig sa mga mata
ng taong nasa harapan niya bago siya dahan-dahang yumuko.
Kahit na pinipilit niyang mukhang kalmado, halata pa rin sa itsura na para bang
nahihirapan siyang magdesisyon.
Noong akala ng lahat na tapos na siya, bigla siyang naglabas ng USB at muling
ibinigay sa host, "Pwede ba kitang maabala ulit na iplay yung audio file na
sinave ko jan?"
"Ah…Sige," Naguguluhang sagot ng host.
Pero noong kukunin na ng host ang USB, biglang nagbago ang isip niya at muli
itong inagaw. Sa pagkakataong ito, ang kaninang napaka kalmadong Xu Jiamu,
ay biglang namutla ng sobra na para bang gusto niya ng magpalamon sa
lupa….pero pagkalipas ng matagal na pagdadalawang isip, tuluyan niya ng
pinakawalan ang takot at ibinigay ang USB sa host.
Hindi nagtagal, nangibabaw sa buong venue ang isang usapan…
"Ma, pwede ba akong magtanong sayo?"
"Sige anak."
"Alam mo bang gusto ng kapatid ko si Qiao Qiao?"
"Jiamu? Bakit mo naman biglang natanong yan?"
"Ma…Noong nacomatose ako sa ospital, hindi masabi ng mga doktor kung
kailan ako magigising at yun din ang panahon na nasa panganib ang Xu
Enterprise, kaya nilapitan mo ang kapatid ko at si Qiao Qiao para iligtas ang
kumpanya. Sa totoo lang… Base sa pagkakakilala ko sa kapatid ko, hindi siya
yung tipo ng tao na basta-basta nalang papayag na magpanggap bilang ako…
Pero ngayon… malinaw na ang lahat… dahil yun kay Qiao Qiao, Ma."
"Jiamu..."
"Ma, alam mong matagal ng gusto ng kapatid ko si Qiao Qiao, tama? Kaya
ginamit mo ang kahinaan niya para magpanggap bilang ako, at sinamantala mo
ang pagkakataon na pinilitin silang pumasok sa isang pekeng kasal, tama ako
diba?"
"Jiamu, ang tagal mong hindi binisita si mama…Minsan ka nalang umuwi kaya
pwede ba, wag mo ng banggitin ang bas…sila."
"Ma, ikaw din ang nagpakalat sa internet diba? Ikaw ang nasabi sa mga
reporters kung saan nakatira ang kapatid ko at si Qiao Qiao, diba? At… yung
dalawang picture nina Qiao Qiao at ng kapatid ko habang nagdidinner, diba
sinabi ko sayo na punitin mo na ang mga yun? Bakit hindi mo yun pinunit at
pinakalat mo pa? Ma, yung kapatid ko at si Qiao Qiao, mabait sila at wala silang
ibang gustong gawin kundi tulungan tayo, kaya bakit… bakit mo sila sinisira?"
"Jiamu, wag ka ng magalit…. Nangangako si mama, nangangako si mama na ito
na ang huli…"
At doon na natapos ang audio, kaya kung ano mang napagusapan na sumunod,
wala ng nakakalam…
Muli, nabalit nanaman ng katahimikan ang buong lugar.
Sa huling pagkakaton, si Xu Jiamu na tahimik na nakatayo sa gitna ng
entablado, ay muling itinaas ang microphone, "Sa tingin ko, sapat na ang mga
sinabi ko, tama ba? Ang nirecord kong paguusap ang sagot sa lahat ng mga
katanungan ninyo."
Oo…napaka raming ginawang masama ng nanay niya… sa kapatid niya… sa
best friend niya… at sa walang kamuwang muwang na bata… kaya nagalit siya,
nagtanim ng sama ng loob, at nagtago… pero kahit kailan, hindi niya naisip na
darating ang araw na tatayo siya sa harap ng maraming tao para ilaglag ito…
Alam niyang araw-araw siyang hinihintay nitong umuwi, dahil kahit sinong ina
naman siguro ay walang ibang iniisip kundi ang mga anak nito.
Noong umuwi siya kanina, alam niyang sobrang napasaya niya ang nanay niya,
na walang kaalam alam tungkol sa tunay niyang motibo. Sinadya niyang
ungkatin ang lahat para makakuha ng matibay na ebidensya…
Malinaw sakanya na kapag narinig ito ng lahat, tatantanan na ng mga tao ang
kapatid at best friend niya… at ang lahat ng sisi ay maibabaling sa nanay niya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES