"Ano bang plano ni Song Xiangsi? Diba sabi niya may sorpresa siya?"
"Oo nga… Akala ko pa naman kakanta siya..."
-
Habang nagkakagulo ang lahat, nanatiling kalmado si Xu Jiamu na muling
itinaas ang hawak niyang microphone para magpatuloy, "Maraming salamat kay
Miss Song Xiangsi para sa sampung minuto, ar sa program team na
pagdadalawang isip na pumayag. Ngayong araw, nandito ako hindi para
magperform, kundi, para bigyan ng kaliwanagan ang ilang bagay."
At muli, nagilan ang mga manunuod at gulat na gulat na napatingin sakanya.
-
Maging si Qiao Anhao na naghihintay na tawagin sa backstage ay bigla ring
napatitig sa screen.
Bakit biglang umakyat si Xu Jiamu sa entablado?
"At anong ipapaliwanag? Bakit niya kailangang magpaliwanag?
-
Dahil final round na, pinagbawalan si Lu Jinnian na pumunta sa backstage kaya
inutusan niya nalang ang kanyang assistant na bumili ng VIP ticket para
mapanuod ang asawa niyang magperform.
Sa madaling salita, ito ang unang beses na mapapanuod niya si Qiao Anhao na
magperform ng live dahil sa nakaraang tatlong round, lagi lang siyang nanunuod
ng live stream sa loob ng kanyang sasakyan.
Sa takot niya na baka makilala siya ng mga tao, nagsuot siya ng sumbrero at
sinadya niyang itaas ang kwelyo ng kanyang coat para matakpan ang halos
kalahati ng mukha niya.
Si Qiao Anhao lang ang gusto niyang mapanuod kaya habang nagpeperform
ang iba ay abala rin siyang naglalaro sakanyang phone.
Samantalang ang assistant naman ay aliw na aliw sa mga nagpeperform at
maya't-mayang siyang sinisiko at bumubulong ng mga komento nito. "Mr. Lu,
tignan mo siya. Ang ganda niya no?""Mr. Lu, ang galing niya!"
Hanggat maari, ayaw niya sanang pansinin ang kanyang assistant pero dahil
paulit-ulit ito kakasiko sakanya, inis na inis siyang sumilip sa nagpeperform, at
sa tuwing gagawin niya ito, laging magpapalubag loob ang assistant, "Pero
naniniwala ako na si Miss Qiao pa din ang the best!"
Hehe…sipsip! Natatawa nalang siya sa ginagawa ng kanyang assistant at muli,
yuyuko nanaman siya para maglaro sakanyang phone.
Suma total, dalawang beses lang siyang tumingin ng diretso sa stage bago
tawagin ang pangalan ni Qiao Anhao…
Noong una, dahil sa pamilyar na background music kaya ang buong akala niya
ay si Qiao Anhao na ang sumasayaw, pero nang iangat niya ang kanyang ulo,
laking gulat niya nang makita niya si Lin Shiyi na nakasuot ng parehong-pareho
sa damit ng kanyang asawa.
Silang magasawa lang ang nakakaalam ng tungkol sa magiging performance at
costume ni Qiao Anhao ngayong gabi, kaya paano naman ito malalaman ni Lin
Shiyi?
At paano naman si Qiao Qiao? Kung may nauna ng magperform ng drum dance,
siguradong lugi ang asawa niya.
Sa inis ni Lu Jinnian, tinignan niya ng masama si Lin Shiyi habang sumasayaw.
Ang pangalawang beses naman ay noong pagkatapos magsalita ni Song Xiangsi
at may isang lalaking umakyat sa entablado. Muling lumapit sakanya ang
kanyang assistant at nagmamadaling bumulong, "Mr. Lu, si Mr. Xu."
Bago niya pa maproseo kung sinong Mr. Xu ang tinutukoy ng assistant, bigla
niyang narinig ang boses ni Xu Jiamu kaya napahawak siya ng mahigpit
sakanyang phone at dali-daling inangat ang kanyang ulo para tignan ang
kanyang kapatid.
-
Nakangiting nagpatuloy si Xu Jiamu, "Naniniwala ako na marami sainyo ang
narinig na ang pangalan ko, at dahil yun sa kumakalat na scandal namin ni Qiao
Anhao."
"Totoong kinasal kami sa pangalan ni Miss Qiao, pero bukod sa kasunduang
yun, wala na kaming ibang relasyon. Sa madaling salita, mabuti kaming
magkaibigan.
"Kung ang tinutukoy niyong salu-salo ng mga Qiao at Xu noon ay kasal, edi
kinasal nga kami. Pero ang totoo, walang batas na nagsasabing naging
magasawa kami. Hanggang ngayon, single ako at walang asawa, hindi single at
divorce, o sa madaling salita, wala kaming marriage certificate."
Sobrang kalmado ni Xu Jiamu, na para bang nagkwekwento lang siya sa isang
malapit na kaibigan, pero dahil sa mga pasabog niya, sobrang bigat ng awra at
wala ni isa sa mga manunuod ang makapagsalita.
"Isa pa, ang Xu Jiamu sa wedding photo na kumakalat ngayon sa internet ay
hindi ako."
Hindi pa man din napoproseso ng mga manunuod ang mga nauna niyang
rebelasyon, muli nanamang nagulantang mga ito sa panibago niyang pasabog,
at sa pagkakataong ito, pati ang mga hurado ay atat na atat na ring marinig ang
kasunod niyang sasabihin, kaya hindi na napigilan ng isa na magtanong, "Ibig
sabihin, dalawa ang Xu Jiamu?"
"Tama. Mayroong dalawang Xu Jiamu," pagamin ni Xu Jiamu, na muli nanamang
nagpagulo sa mga manunuod.
Dahil may isang hurado ng naunang maglakas loob, hindi na napigilan ng isa
pang interesadong hurado na magtanong, "Dalawang Xu Jiamu? Mr. Xu, ang
ibig mo bang sabihin ay may kambal ang Xu family?"
"Ang isang Xu Jiamu ay ang nakakatanda kong kapatid." Ilang sandaling
natigilan si Xu Jiamu bago siya muling magpatuloy na halatang may pagdidiin,
"si LU JI-NNI-AN."
Hindi makapaniwala ang lahat kaya muli nanamang nabalot ang buong venue ng
mga bulungan.
Maging ang mga hurado ay nagbulungan na rin para kinukumpirma sa isa't-isa
kung tama ba ang mga narinig nila.
"Mr. Lu? Magkahawig nga kayo, pero hindi naman masyado."
"Sa picture, mukhang ikaw talaga yun Mr. Xu na may peklat sa mukha."
"Mamaya na natin pagusapan ang tungkol jan. May kailangan akong ipakita
sainyong lahat." Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, naglabas siya ng isang
dokumento mula sakanyang bulsa at inabot sa host na nakatayo sa tabi niya.
"Pwede ba kkong makisuyo sayo na palakihin ang dokumentong ito sa screen?"
"Sige."
"Salamat," Magalang at pormal na sagot ni Xu Jiamu.
"Walang anuman." Nagmamadaling tumakbo ang host dala ang dokumento.
Pagkalipas ng limang minuto, lumabas sa screen ang larawan ng dokumento.
Gulat na gulat ang lahat na napatitig sa screen para sundan ang bawat picture
na may dalawampung segundong pagitan sa bawat isa. Hinintay ni Xu Jiamu na
lumabas ang pinaka huling puicture bago siya magpatuloy, "Ito ang medical
record ko galing sa ospital. Base sa mga picture na 'to, naniniwala ako na
malinaw naman sa lahat kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Nagising
ako ng September at February.
"Pero, alam kong naguguluhan kayong lahat, dahil noong nakaraang February,
nagpa'press conference si Mrs. Han Ruchu para iannounce na ang
tagapagmana ng Xu Enterprise, na si Mr. Xu Jiamu ay nagising na mula sa
comatose. Hindi lang dun natapos, dahil nakasubaybay rin ang media noong
araw na lumabas siya ng ospital. Pagkalipas ng linggo, marami pang lumabas
na picture mula sa iba't-ibang events na dinaluhan niya.
"Kaya ang tanong… ano ba talaga ang totoo? Ang balitang lumabas noong
nakaraang taon o ang sinasabi ko ngayon."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES