Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, biglang binasag ni Xu Jiamu ang
katahimikan, "Xiangsi."
Xiangsi? Kadalasan, Song Xiangsi ang tawag nito sakanya at sa pitong taon
nilang nagsama, bilang lang ang pagkakataon na tinawag siya nitong 'Xiangsi'.
Kaya sa kalagitnaan ng napaka tahimik na gabi, talagang tumagos ang simpleng
salitang ito sa puso niya.
"Hm?"
"Diba kinuha ka nilang guest sa finals ng Hollywood casting?"
"Oo." Dahil pinaalala ni Xu Jiamu, muli nanamang naalala ni Song Xiangsi ang
ginawa ng kanayang manager at naiinis na nagreklamo, "Nakakinis talaga yang
manager ko… Ayaw niya ata talaga akong pagpahingahin. Nakabakasyon nga
ako diba, hindi niya ba yun naiintindihan? Tapos sabadong sabado, bigla niya
akong gagawing guest?! Wala na ba talagang iba jan? Ano bang pakielam ko?...
Isa pa, kasing galing ko bang umarte ang mga kasali dun? Interesado ba akong
makita silang magperform? Hayyyy nakakainis talaga!!!"
Kung gaano kagalit si Song Xiangsi, kabaliktaran naman si Xu Jiamu, na
sobrang kalmado. "Pwede mo ba akong gawan ng pabor?"
"Anong pabor?" biglang natigilan si Song Xiangsi.
"Bago umakyat si Qiao Qiao sa stage bukas, pwede mo bang gawan ng paraan
na makaakyat ako? Ten minutes lang, pangako ten minutes lang."
Alam ni Song Xiangsi na medyo imposible ang gustong mangyari ni Xu Jiamu,
pero bilang siya si Song Xiangsi, lahat ay pwede niyang magawan ng paraan.
"Sinasabi mo bang hindi ko kailangang mapagod bukas?"
"…" Ang buong akala ni Xu Jiamu ay iba magisip si Song Xiangsi kaya bigla
siyang natigilan at muling magtanong, "May problema ba?"
"Ano bang ibig sabihin sayo ng problema?" Madali lang naman kausap si Song
Xiangsi kaya tumingin siya ng diretso sa mga mata Xu Jiamu para makipag
negosasyon, "Sige. Ipapaliwanag ko sayo ha. Sikat ako at ang tingin ng lahat sa
akin sa industriya ay reyna. Ngayon, sa oras na buksan ko ang bibig ko, kahit
ilang minuto lang, kailangan nila kong bayaran ng halagang sampung oras, dahil
kung hindi, aba… wawalk outan ko sila!"
Tinapik niya ang balikat ni Xu Jiamu at nagpatuloy, "Kapag hindi sila pumayag
sa presyo ko at hindi nila ako binigyan ng sampung minuto, ikaw ang
magbabayad sa akin!"
"..."
-
Noong araw ng final round, dumating ang assistant sa Mian Xiu Garden ng mga
bandang alas sinco ng hapon para sunduin sina Qiao Anhao at Lu Jinnian.
Pagkarating nila sa venue, sinalubong sila kaagad ni Zhao Meng, na bago
nanamang balita tungkol sa panibagong kumakalat sa internet.
May mga picture na kumakalat ngayon sa internet na kasama ni Lu Jinnian sa
isang dinner ang direktor at ang producer in charge ng Hollywood casting. Ayon
sa isang hindi kilalang source, nagbayad daw di umano si Lu Jinnian ng
tatlumpung porsyento para sa pelikulang ito. At may isa pang article na
nagsabing luto na ang laban kaya galingan man ni Qiao Anhao o hindi, walang
duda na siya na makakakuha ng role.
Magiisang buwan ng puro siya ang laman ng balita kaya ngayon na may
panibagong tsismis nanaman na lumabas, muli nanaman siyang inatake ng mga
netizen. Base sa mga comments ng mga ito, mandaraya raw siya at nakapasok
lang siya sa finals dahil sa backer niya. Pero hindi kagaya noong naunang
scandal, hati na ngayon ang galit ng mga tao dahil bukod sakanya, inaatake rin
ng mga ito ang organizer ng event at si Lu Jinnian.
Nagbasa lang siya ng sandali at agad niya ring ibinalik kay Zhao Meng ang
phone nito.
Sa puntong 'to, hindi na siya matitibag ng kahit anong tsismis kaya wala na
siyang pakielem kahit kagalitan pa siya ng buong mundo, lalo ngayon na alam
niyang malapit na siyang makabawi!
-
Bago pumunta si Xu Jiamu sa venue ng finals, dumaan muna siya sa mansyon
ng mga Xu.
Noong nakita siya ni Han Ruchu, hindi ito makapaniwala at nagmamadaling
tumakbo papalapit sakanya para yakapin siya ng mahigpit.
Noong nakita siya ni Han Ruchu, hindi ito makapaniwala at nagmamadaling
tumakbo papalapit sakanya para yakapin siya ng mahigpit. Sa sobrang
pananabik, hindi na nito napigilang umiiyak, "Jiamu, dumalaw ka na kay mama?
Diba pinapatawad mo na si mama?"
Sa pagkakataong ito, hindi siya nakipagtalo at hinayaan niya lang na yakapin
siya ng nanay niya. Higit sa pagbisita ang pakay niya kaya siya umuwi kaya
para hindi maalanganin sa oras, dumaan lang siya ng sandali sa study room
para kunin ang isang napaka halagang dokumento at nagpaalam na rin kaagad.
-
Si Qiao Anhao ang nakakuha ng pang walong pwesto noong nakaraang sabado,
kaya siya rin ang huling magpeperform ngayong gabi.
Apat lang ang make up artist sa back stage kaya pagkarating ni Qiao Anhao sa
make up room, naghintay pa sila ni Zhao Meng hanggang sa may mabakanteng
isa.
Pagkaupo niya sa tapat ng salamin, sasabihin niya na sana kaagad sa make up
artist kung anong kulay ng isusuot niya at kung anong plano niyang maging
itsura, pero bigla siyang natigilan nang makita niya si Lin Shiyi, na nakakuha ng
second place noong nakaraang round, na palabas ng dressing room.
Nakasuot ito ng isang sinaunang Chinese dance costume na kulay rosas, na
tugmang tugma sa pagkakamake up at pagkakaayos ng buhok nito.
Pero hindi siya natigilan dahil nagagandahan siya rito, kundi…. Dahil parehong
pareho sila ng costume.
"Qiao Qiao, bakit pareho kayo ng costume? Pano yan… Diba mauuna siyang
umakyat sa stage? Mabilis lang to kaya imposibleng makauwi ako para ikuha ka
ng bago. Tsk… sa mga ganitong klaseng competition, siguradong mababa ang
makukuha mong score dahil iisipin nilang nanggaya ka ng costume."
Ramdam niya ang pagaalala ni Zhao Meng kaya nginitian niya ito at sinabi sa
make up artist, "Natural look nalang na bagay sa suot ko ngayon."
Sa totoo lang… wala rin naman talaga siyang planong sumayaw ng drum dance
ni Zhao Feiyan, pero gusto niya sanang isuot ang inorder niyang costume
mamaya sa stage, kaya medyo nalungkot siya noong nakita niyang parehong
pareho sila ni Lin Shiyi…ang style… ang kulay… lahat…
Grabe namang coincidence to? Talagang pareho sila ng napiling costume?
Pagkaakyat ni Lin Shiyi sa stage, saktong katatapos lang din ni Qiao Anhao sa
pagpapamake up kaya sabay silang umupo ni Zhao Meng sa lounge. Wala
siyang pakielam sa performance ni Lin Shiyi, pero bigla siyang napakunot ng
noo nang marinig niya kung anong gagawin nito…
Drum dance ni Zhao Feiyan….
Pareho na nga sila ng costume, pareho pa sila ng performance?
Imposible…noong nalaman niyang nakapasok siya sa final round, sinigurado
niyang pasabog ang susunod niyang performance kaya sabay sila ni Lu Jinnian
na gumawa ng konsepto. Wala silang ibang pinagsabihan at kahit si Zhao Meng
o ang assistant ay wala ring alam, kaya paano malalaman ni Lin Shiyi?
Hindi niya alam kung anong hokus pokus nanaman ang ginawa ni Lin Shiyi, pero
isa lang ang malinaw: sinasabotahe siya nito at dahil siya ang huling
magpeperform, lalabas na siya ang nanggaya.
Kahit mabigat sa loob, natanggap niya pa na pareho sila ng susuotin pero
ngayon na malinaw na may umaatake nanaman sakanya, bigla siyang
nalungkot.
Magkaiba naman ang pagkakachoreograph ng mga sayaw nila at di hamak na
mas maganda ang kanya, pero dahil hindi talaga biro ang steps ng drum dance,
pagkatapos nitong magperform ay nagsipalakpakan ang lahat at binigyan ito ng
mataas na score ng mga hurado.
Pagkababa ni Lin Shiyi ng stage, tinignan siya nito ng masama, na halatang
naghahamon.
Maganda rin ang performance ng lima pang sumunod.
Pagkatapos magperform ng pang pitong contestant, naglakad na si Qiao Anhao
papunta sa stage. Habang binabaybay ang mahabang corridor, rinig na rinig
niya ang mga komento at score na binigay ng mga hurado sa huling nagperform.
Kumpara sa mga nauna niyang performance, dito siya pinaka kinabahan dahil
ang gagawin niya ay hindi na para sa show, kundi, para kay Lu Jinnian… Pero
noong handa siyang umakyat sa stage sa tawag ng host, biglang sumingit ang
special guest na si Song Xiangsi, "Sorry to interrupt for a moment."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES