App herunterladen
79.34% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 772: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (32)

Kapitel 772: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (32)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi makapaniwala si Xu Jiamu sa narinig niya kaya bigla siyang natigilan at

tinitigan ng mabuti ang screen para kumpirmahin kung si Lu Jinnian ba talaga

ang pinapanuod niya.

Sa mga naunang parte ng video, sobrang kalmado at pormal ng itsura ni Lu

Jinnian, pero noong sandaling mapasok si Qiao Anhao sa usapan, halatang

nagbago ang tono ng boses nito.

Matagal ng alam ni Xu Jiamu na may nagugustuhang babae ang kapatid niya.

Unang beses niya itong narinig noong minsan silang naginuman at sa sobrang

kalasanginan, bigla itong napakwento bago mawalan ng malay.

Gustong gusto niyang malaman kung sino ang maswerteng babae.

Pero ni minsan hindi niya naisip na matagal niya na pala itong kilala at ito ay

walang iba kundi ang best friend niyang si Qiao Anhao.

Habang nagkwekwento si Lu Jinnian, naalala ni Xu Jiamu noong nagpatulong ito

sakanyang magorder ng cake sa Black Swan para kay Qiao Anhao. Medyo

mahal ang napili nito, at dahil pareho naman nilang kababata si Qiao Anhao,

hindi na siya nagisip ng kung ano at ibinigay nalang ang kanyang credit card,

pero laking gulat niya noong ibinalik ito sakanya ng kapatid niya ng walang

kabawas-bawas. Hindi lingid sa kaalaman niya na medyo kapos si Lu Jinnian

pagdating sa pinansyal noong mga panahon na yun at para sakanya, wala

namang kaso yun kaya sa sobrang pagaalala, hindi niya na napigilang

magtanong, "Bro, saan ka kumuha ng pera para makabili ng cake?"

Habang nagbabasa ng physics book, walang emosyon itong sumagot, "Meron

ako."

Alam niyang para sa isang katulad ni Lu Jinnian, importante ang bawat sentimo

at bilang nagiisa nitong karamay, sinubukan niyang bigyan ito ng pera, pero

nagmatigas ito, kaya bandang huli, hindi niya nalang ito pinilit sa takot na baka

mapahiya lang ito.

Kahit na magkaiba ang estado ng mga buhay nila, wala siyang natatandaan na

nagkaroon sila ng samaan ng loob kaya sobrang nalungkot siya noong ilang

beses siyang tinanggihan nito sa tuwing nagyayaya siyang maglaro ng football.

Isang beses, pumunta siya sa isang bar kasama ang mga kaibigan niya at

narinig niya sa isang bartender na nagtrabaho pala dun si Lu Jinnian ng ilang

buwan.

Noong mga oras na 'yun, ang buong akala niya ay nagtatrabaho lang ang

kapatid niya para buhayin ang sarili nito kaya hindi niya masyadong inisip. Pero

habang pinapakinggan niya ngayon ang live confession nito, naintindihan niya

na ang lahat. Sa tagal ng panahong lumipas, ngayon niya lang nalaman na ang

perang pinambili pala nito ng cake ay galing sa kinita nito sa bar.

Pero noong nagkapera na ito at handa na sanang umamin, nawalan naman ito

ng pagkakataon dahil nalaman nitong engage na si Qiao Anhao.

Hinding hindi niya makakalimutan… may isang party silang sabay na inattenan

at noong lumabas sila para manigarilyo, bigla siyang tinanong nito kung totoo

bang engage siya sa Qiao Family.

Sumagot siya ng oo.

Muli itong nagtanong: si Da Qiao o si Xiao Qiao?

At walang preno niyang sinabi: si Xiao Qiao.

Dahil ba sa naging sa naging sagot niya kaya bigla nalang sumuko si Lu Jinnian

sa taong matagal nitong na pinapangarap?

Tama… Dahil magkapatid sila… ibig sabihin ayaw nitong masira ang relasyon

nila ng dahil sa isang babae?

Dahil sa mga napagdudugtong-dugtong ni Xu Jiamu, bigla siyang naging

emosyunal at maging ang kanyang mga mata ay naging mangiyak-ngiyak.

Sa tagal ng panahong lumipas… ang buong akala niya ay kilalang kilala niya na

ang kapatid niya, pero ngayon, narealize niya na wala pala siyang kaalam-alam

tungkol dito.

Ang napakasuplado niyang kapatid, na walang ibang ginawa kundi

pagkatiwalaan at ipagtanggol siya, ay sumuko sa taong nagugustuhan nito ng

dahil sa sobra-sobranitong pagmamahal sakanya.

Sa totoo lang… wala siyang kaalam-alam…Hindi naman talaga niya kailangang

pakasalan si Qiao Qiao, pero sa lahat ng babaeng pwede niyang pagpipilian,

dito talaga siya pinaka kampante.

Kung alam niya lang na si Qiao Qiao pala ang nagugustuhan ni Lu Jinnian,

hinding hinding hindi niya sasabihin na si Qiao Qiao ang gusto niya.

At bilang kapatid, wala naman siyang ibang gusto kundi ang maging masaya rin

ito kagaya niya, kaya kung alam niya lang…. walang pagdadalawang isip niya

pa itong tutulungang manligaw sa best friend niya.

Malinaw na kaya nagpa'live interview si Lu Jinnian ay para ipagtanggol ang

babaeng mahal nito… Kung tutuusin, madali lang naman sanang lusutan ang

nangyayaring aberyang kung sasabihin nito ang totoo, pero sa kabila ng lahat

ng pinagdaanan nila bilang magkapatid, mahal na mahal pa rin siya nito at

hanggang sa dulo ay pinili nitong panindigang itago ang sikreto na minsan itong

nagpanggap bilang siya.

Pagkatapos ng interview, ibinulsa ni Xu Jiamu ang kanyang phone at huminga

ng malalim. Hindi talaga siya makapaniwala na ganun siya kamahal ng nagiisa

niyang kapatid, pero bilang isang matikas na lalaki, hindi siya sanay na umiyak

kaya pinili niyang magpigil nalang ng luha. Habang nasa kalagitnaan ng

pagmumuni-muni, may nakita siyang humintong sasakyan sa katapat niyang

villa at hindi nagtagal, lumabas si Qiao Anhao na may dalang maraming papel.

Base sa anggulo na nakikita niya, nagpaalam ito sa driver, at pagkaalis ng

sasakyan, kalmado itong naglakad papasok pero noong bubuksan na nito ang

gate, biglang nagsilaglagan ang mga hawak nitong papel.


Kapitel 773: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (33)

Redakteur: LiberReverieGroup

Napahinto si Qiao Anhao sa pageenter ng passcode para pulutin ang mga

papel.

Pero dahil sa winter, sobrang lakas ng hangin at pagkapulot niya ng ika-apat na

papel, biglang umihip ang malakas na hangin kaya nagsiliparan ang mga

naiwang papel papunta sa direksyon ng kinatatayuan ni Xu Jiamu.

Nagmamadaling hinabol ni Qiao Anhao ang mga ito at isa-isang pinulot,

hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang sasakyan kung saan lumapag

ang huling dalawang papel. Pero noong kukunin niya na ang mga ito, may

biglang yumuko sa harapan niya para tulungan siya.

Wala siyang ideya kung sino ang nagmagandang loob na tumulong sakanya

kaya pagkatapos niyang magpasalamat, dali-dali niyang tinignan ang itsura nito,

at kagaya ng palaging nangyayari, biglang nagbago ang tono ng boses niya at

masaya itong binati, "Brother Jiamu!!"

Tumungo lang si Xu Jiamu. Hindi siya yung tipo ng tao na mahilig makiusisa

kaya pagkapulot niya ng dalawang papel, balak niya sanang ibalik din ito

kaagad kay Qiao Anhao, pero noong akmang iaabot niya na ito, may dalawang

salita na hindi niya inasahang aagaw sa kanyang atensyon…Biglang kumunot

ang kanyang noo at dali-daling inagaw ang mga papel para kumpirmahin ang

nakita niya at hindi nagtagal, masaya siyang tumingin kay Qiao Anhao at hindi

makapaniwalang nagtanong, "Qiao Qiao? Buntis ka???"

"En." Tumungo si Qiao Anhao.

"Ilang buwan na?" Dali-daling tumingin si Xu Jiamu sa tyan ni Qiao Anhao, na

mukhang wala namang pinagbago.

"Isang buwan palang." Sagot ni Qiao Anhao.

"Ah…" Hindi alam ni Xu Jiamu kung ano eksakto ang gusto niyang sabihin, kaya

ilang segundo rin siyang natigilan bago magpatuloy. "Yung kapatid ko… alam

niya na ba?"

Umiling si Qiao Anhao. "Hindi niya pa alam kasi kanina ko lang din nalaman."

"En." Tumungo lang si Xu Jiamu at muling binasa ang papel na hawak niya.

Hinding hindi niya makakalimutan kung paano pinatay ng sarili niyang nanay

ang unang anak ni Qiao Anhao, kaya ngayon na may ganito nanamang balita,

bigla siyang napayuko sa sobrang kahihiyan. Hanggang ngayon, hindi niya pa

rin alam kung paano siya titingin sa taong sobrang nasaktan ng dahil sakanya,

kaya ilang sandali rin siyang natahimik bago muling magsalita, "Mula ngayon,

alangan mo na ang sarili mo ha?"

Alam ni Qiao Anhao kung anong ibig sabihin ni Xu Jiamu…

Namatayan siya ng anak noon dahil pinili niyang magpatay malisya sa mga

sintomas na pinparamdam ng sarili niyang katawan, kaya sa pangalawa niyang

anak, gagawin niya ang lahat para protektahan ito.

"Maraming salamat, Brother Jiamu. Oo, pangako aalagaan ko ang sarili ko."

"Tama yan, tama yan." Muli, natahimik nanaman si Xu Jiamu dahil hindi niya na

alam kung anong sunod niyang sasabihin.

Mula't sapul, hindi sinisi ni Qiao Anhao si Xu Jiamu, pero alam niyang bukod

sakanila ni Lu Jinnian, sobrang nasaktan din ito ng dahil sa mga ginawa ng sarili

niong ina, kaya gusto niyang hayaan muna itong makapagisip-isip hanggang sa

dumating ang punto na kaya na siya ulit nitong harapin. "Brother Jiamu, kung

wala ka ng sasabihin, mauna na ako ha?"

"Ah oo oo. Ang lamig dito sa labas kaya pumasok ka na. Tandaan mo, hindi

pwedeng uminom ng gamot ang mga buntis kaya hindi ka pwedeng magkasakit."

"En." Paano siya makakaalis kung hindi pa ibinabalik ni Xu Jiamu sakanya ang

mga papel niya?

Hindi niya alam kung anong iniisip nito, pero base sa nakikita niya, medyo balisa

ito.

At kung hindi pa siya nagsalita ay hindi pa nito maalala. "Brother Jiamu, yung…

check up results ko."

"Ah…oo nga!" Hiyang-hiyang inabot ni Xu Jiamu ang mga papel kay Qiao

Anhao.

"Brother Jiamu, ayos ka lang ba?"

"Oo.. ayos lang ako." Umiling si Xu Jiamu at muling pinaalala, "Pumasok ka na."

"Osige, bye."

"Bye."

Ngumiti si Qiao Anhao kay Xu Jiamu bago siya tumalikod at maglakad papasok

sa villa ni Lu Jinnian.

Samantalang si Xu Jiamu naman ay naiwang nakatulala sakanyang

kinatatayuan.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C772
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES