App herunterladen
78.93% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 768: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (28)

Kapitel 768: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (28)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Iba?" Mainit ngayon ang pangalan ni Qiao Anhao sa social media kaya

sinamantala na rin ng host ang pagkakataon na buksan ang usapan, "Si Mr. Xu

Jiamu ba ang tinutukoy mo, Mr. Lu?"

"Oo." Walang pagsisinungaling na sagot ni Lu Jinnian.

"Medyo sensitibo ang topic na 'to, kaya naniniwala ako na hindi ito ganun

kadaling." Sa pagkakataong ito, ang host na kanina'y kilig na kilig ay biglang

naging seryoso. "Mr. Lu, siguro naman nakita mo na ang mga picture na

kumakalat ngayon sa social media. Isa pa, sayo na rin mismo nanggaling na

naging engaged talaga sina Miss Qiao at Mr. Xu, so… Pasensya ka na Mr. Lu

kung didire-diretsuhin ko na…Totoo bang ikaw ang dahilan ng pagdidivorce

nina Mr. Xu at Miss Qiao?"

Siguro dahil naka live sila ngayon kaya di hamak na mas prangka ang

pagtatanong ng host kumpara sa mga reporters, na sumugod sa Mian Xiu

Garden, na ang dami pang paligoy-ligoy. At dahil beterano na siya sa

kalakarang ito, alam na alam niya kung paano manghuli ng mga artista.

Pero walang pinagkaiba ang tanong nito sa malaking tanong ng lahat…'totoo

ba na nagkaroon ng kalaguyo si Qiao Anhao habang kasal ito?' at 'si Lu

Jinnian ba talaga ang naging dahilan kung bakit nito hiniwalayan si Xu

Jiamu?'

Kahit na naging tuso ang host at nakahanap ito ng butas para mang'usisa,

alam ni Lu Jinnian kung paano ito paikutin, kaya nanatili siyang kalmado, na

para bang hindi si Qiao Anhao ang pinaguusapan nila. Maging ang tono ng

boses niya ay parehong-pareho noong nagkwekwento siya ng mga plano ng

Huan Ying Entertainment. "Mukhang naniniwala naman ang lahat sa mga

picture na kumakalat online, sa tingin mo ba kailangan ko pa tong sagutin?"

Hindi inaasahan ng host ang magiging sagot ni Lu Jinnian, kaya ilang sandali

rin siyang nawala sa gusto niyang sabihin, bago siya muling ngumiti at

magpatuloy, "Mr. Lu, ibig bang sabihin nito, mali ang iniisip ng lahat?"

Pero kagaya ng inaasahan, kabisadong kabisado ni Lu Jinnian kung paano

siya gagalaw kaya imbes na sagutin ng direkta ang tanong ng host ay sinagot

niya ito ng isa pang tanong, "Kung tatanggi ba ako, maniniwala ka ba sa

akin?"

CHECKMATE! Sa pagkakataong ito, hindi na alam ng host kung paano siya

sasagot.

Huminga ng malalim si Lu Jinnian at nagpatuloy, "Kapag mahal na mahal ng

isang lalaki ang isang babae, naniniwala ako na hindi siya gagawa ng paraan

para sirain ang reputasyon nito.

"Kung talagang gusto ko siyang agawin, dapat ginawa ko na 'yun five years

ago noong engage palang sila kasi kung ako lang, ayokong hayaan yung

sarili ko na makita yung babaeng pinaka mamahal ko na makasal sa iba kaya

bakit kailangan ko pang magtiis ng limang taon?

"Mula noon, gusto ko lang naman siyang makitang masaya at kahit kailan

hindi ako umasa na mapapangasawa ko siya.

"Pero siyempre, kahit anong paliwanag ko, alam ko namang marami pa ring

hindi maniniwala sa akin. Isa pa, wala akong ebidensya at oo, totoo ang mga

picture na kumakalat sa internet.

"Alam ko rin na wala namang magbabago kung sabihin ko man ang totoo o

hindi. Wala akong planong kunin ang simpatya ng mga tao, at ginagawa ko

lang ito para marinig niya ang panig ko.

"Kasi gusto kong malaman niya na kahit talikuran na siya ng lahat, nandito

lang ako sa tabi niya at hindi ako natatakot na kalabanin ang buong mundo

para sakanya."

Habang nagsasalita si Lu Jinnian, hinayaan lang siya ng host na ilabas ang

lahat ng gusto niyang sabihin.

Malinaw na nalihis na ang topic ng interview, pero wala ni isa sa mga crew

ang gustong kumontra.

Biglang nanahimik si Lu Jinnian ng ilang sandali bago siya magpatuloy.

Walang pinagbago ang boses niya, pero sa pagkakataong ito, ramdam na

ramdam ang emosyon sa bawat salitang binitawan niya, "Qiao Qiao, kahit

laitin ka pa ng lahat…kahit pa gaano karaming kasinungalingan ang ikalat nila

tungkol sayo, para sa akin, ikaw pa rin ang prinsesa ko.

"Patawarin mo ako kung ikaw yung sinasaktan nila, pero nangangako ako na

gagawin ko ang lahat para protektahan ka."


Kapitel 769: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (29)

Redakteur: LiberReverieGroup

Alam ng lahat sa entertainment industry na sa tagal ni Lu Jinnian sa larangang

ito ay ni minsan hindi siya tumanggap ng kahit anong interview, at wala ring

nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya ng tungkol sa personal niyang

buhay, pero ngayon…Simula noong umupo siya, sinadya niyang sagutin ang

lahat ng ibatong tanong ng host dahil alam niya na darating ang punto na

mauungkat ang tungkol sa scandal.

Mula umpisa, mukha lang itong isang normal na interview, pero ang hindi alam

ng lahat, may plano siyang niluluto na unti-unti niyang ginagawa.

Sa ngayon, wala pa siyang ebidensya na siya ang tumayong 'Xu Jiamu' noong

unang beses na ikinasal si Qiao Anhao kaya ang pwede niya lang gawin muna

sa ngayon ay klaruhin ang panig niya at itatak sa isip ng mga manunuod na

hindi siya nang'agaw.

Alam niya na kahit klaruhin niya ang lahat, marami pa ring kokontra sakanya….

at kagaya ng sinabi niya, wala siyang intensyon na kumbinsihin ang kahit sino,

pero dahil parte ito ng plano niya, kailangan niyang manindigan.

Isa pa, gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na mangako kay Qiao

Anhao sa harap ng maraming tao na hindi niya ito pababayaan.

Kaya kahit walang maniwala sakanya, ano namang pakielam niya?

Si Qiao Anhao lang ang iniisip niya at walang siyang ibang gusto mangyari kundi

ang maging masaya ito.

-

Biglang natigilan si Qiao Anhao noong sinabi ni Lu Jinnian na: "Nagconfess

ako…"

Ha? Nagconfess? Bakit wala siyang alam? At kailan?

Pero hindi pa man din nasasagot ang katanungan niya, muli nanaman itong

nagsalita…

At maging si Zhao Meng, na walang ibang ginawa kundi magsalita ng magsalita

sa tuwing may bagong binubunyag si Lu Jinnian, ay bigla ring natigilan.

Kaya noong sandaling 'yun, biglang nanahimik ang ang buong paligid at tanging

boses lang ni Lu Jinnian ang nangibabaw sa loob ng sasakyan.

"Kasi gusto kong malaman niya na kahit talikuran na siya ng lahat, nandito

lang ako sa tabi niya at hindi ako natatakot na kalabanin ang buong mundo

para sakanya."

Walang nagbago sa tono ng pananalita ni Lu Jinnian, pero kahit sinong

makarinig ay siguradong magugulantang sa mga rebelasyon nito.

At bilang para sakanya mismo ang mga salitang binitawan nito, napatakip

nalang si Qiao Anhao ng kanyang bibig habang nakikinig.

"Qiao Qiao, kahit laitin ka pa ng lahat…kahit pa gaano karaming

kasinungalingan ang ikalat nila tungkol sayo, para sa akin, ikaw pa rin ang

prinsesa ko.

"Patawarin mo ako kung ikaw yung sinasaktan nila, pero nangangako ako na

gagawin ko ang lahat para protektahan ka."

Para sa mata ng lahat, isang tipikal na Lu Jinnian lang ang nagsasalita – walang

emosyon at nakakaenganyong tono, pero para kay Qiao Anhao, ang mga sinabi

nito ay isa sa pinaka nakakakilig na mga salitang narinig niya.

Hindi niya sigurado kung may koneksyon ba ang pagbubuntis niya sa emosyon

niya, pero sa pagkatapos magsalita ni Lu Jinnian, hindi niya na napigilang

maiyak.

Tandang tanda niya na ginising siya nito kanina para sabihing papasok na ito sa

trabaho.

Noong nalaman niyang buntis siya, ilang beses niya itong sinubukang tawagan

pero hindi ito sumagot, kaya medyo nalungkot siya dahil atat na atat na siyang

ibalita ang napaka gandang sorpresa.

Gusto niya sanang hintayin nalang itong makauwi at sabay silang magpacheck

up, pero dahil sumakit ang tyan niya kagabi, natakot siya na baka masama ang

kundisyon ng bata, kaya kahit mabigat sa loob niya, nagpasama nalang siya kay

Zhao Meng.

Sa totoo lang nagtampo siya dahil iniwanan siya ni Lu Jinnian ng magisa sa

bahay habang inaatake siya ng lahat sa internet, pero hindi niya naman akalain

na kaya pala ito nagmamadaling umalis kanina ay dahil gusto nitong ipagtanggol

siya sa lahat.

Pagkatapos niyang mailabas ang lahat ng sama ng loob, sinabi niya sa sarili

niya na 'ano naman kung ayaw sakin ng lahat?' para tapalan yung sugat sa

puso niya. Pero ngayon na napatunayan niya na siya si Qiao Anhao na may Lu

Jinnian, wala na siyang mahihiling pa.

Totoo nga ang kasabihan na ang mga tunay na lalaki ay hindi masalita, pero

iisip at iisp sila ng paraan para pasayahin ang taong mahal nila.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C768
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES