Noong tinanong ng host si Lu Jinnian kung magkano na ang kinita nito sa stock
market, dali-daling tumingin si Zhao Meng kay Qiao Anhao para makiusisa,
"Qiao Qiao, magkano ba talaga yung ininvest ng asawa mo sa stock market?"
Sa totoo lang, wala talagang alam si Qiao Anhao sa mga ginagawa ni Lu Jinnian
lalo na pag tungkol sa trabaho, kaya umiling siya bilang sagot sa tanong ni Zhao
Meng. Bagamat matagal na silang nagmamahalan, ngayon lang sila nabigyan ng
pagkakataon na makilala ng lubusan ang bawat isa kaya marami pa siyang hindi
alam tungkol dito kahit pa naging legal na silang mag-asawa. Ang alam niya
lang, palagi itong nasa study room at nagtatrabaho o di naman kaya may mga
kameeting sa ibang lugar, pero wala talaga siyang ideya kung gaano ito
kayaman.
"Qiao Qiao, anong klaseng asawa ka ba??!! Hindi mo man lang inaalam kung
magkano ba talaga ang pera ng asawa mo…" Habang nasa kalagitnaan ng
paglilitanya, biglang natigilan si Zhao Meng nang muli niyang marinig ang boses
ni Lu Jinnian mula kanyang phone. "Para suportahan si Qiao Qiao." Base sa
pagkakakilala niya kay Lu Jinnian, hindi ito basta-bastang nagsasalita sa publiko
kaya napanganga siya sa sobrang pagkagulat at imbes na magpatuloy sa
pagpapagalit kay Qiao Anhao ay kinikilig niya itong tinignan at sinabi, "Qiao
Qiao, grabe ka talaga! Ikaw na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo!"
"…" Inirapan lang ni Qiao Anhao si Zhao Meng at muling tumingin sa screen
para magpatuloy sa panunuod. Oo…pinilit niya lang na magmukhang kalmado
sa harapan ng kaibigan niya, pero sa loob loob niya, halos mamatay na siya sa
sobrang kilig…
-
Hindi makapaniwala ang host sa ginawa ni Lu Jinnian kaya gulat na gulat itong
napatingin sakanya. "Mr. Lu, nagtatrabaho ka ng sobra para suportahan ang
asawa mo?"
Mula noong pumasok si Lu Jinnian sa entertainment industry, kilala ito bilang
misteryoso dahil walang sinuman ang nagkaroon ng pagkakataon na makakuha
ng impormasyon tungkol sa pribado nitong buhay, kaya ngayon nagkaroon ng
pagkakataon ang host na ungkatin ang kapiranggot na bahagi ng buhay nito,
sinamantala na rin ng organizer ng show na maghanda ng mga dagdag na
tanong. "Mr. Lu, pwede mo bang ikwento sa amin kung paano kayo nagumpisa
ni Miss Qiao?"
Mahinahong sumagot si Lu Jinnian, "Oo naman."
"Mr. Lu, kelan kayo nagkita ni Miss Qiao? At paano?"
Kahit na matagal na panahon na ang nakakalipas, nakatatak pa rin sa isip ni Lu
Jinnian ang bawat detalye ng mga pinagdaanan nila, na para bang kahapon lang
nangyari ang lahat, kaya noong sandaling magsalita siya, para nalang siyang
literal na nagkwekwento sa host.
"Noong first half ng third year ko sa junior middle school, lagi ko siyang
nakikitang nagbabike sa football field na pinaglalaruan namin ng mga kaibigan
ko. Doon ko siya unang nagustuhan."
Siguro dahil tungkol sa nakaraan nila ni Qiao Anhao ang pinaguuusapan, parang
bigla siyang naging interesado magkwento. "Pero first year high school palang
kami noong una ko siyang nakita."
"First year high school?" Hindi makapaniwala ang host sa mga rebelasyon ni Lu
Jinnian.
"Oo, first year high school," mahinahon na pag'ulit ni Lu Jinnian. "Pero sa
pagitan ng third year ng junior middle school at high school namin, yun yung
unang pagkakataon na nagkausap kami."
"Nagkausap?" Interesadong tanong ng host.
"Umuulan noong araw na 'yun at sakto, pareho kaming walang dalang payong
kaya sumilong muna kami sa iisang bubong."
"Ohhhh nakakakilig naman… Naalala ko tuloy yung lyrics sa kanta ni Jay
Chou… Ano nga ulit 'yun?" Masyado ng nadala ang host kaya marami pa sana
siyang isisingit, pero bigla niyang naalala na nasa live interview nga pala sila.
Si Lu Jinnian, na hindi mahilig makipagusap, ay sinakyan din ang host at muling
sumagot. "Hindi ang tag'ulan ang maganda, kundi, ang makasama ka na
palipasin ito sa ilalim ng iisang bubong."
"Yan nga. Mukhang kabisado mo yan, Mr. Lu ha! Ibig sabihin, tumatak talaga
yan sa puso mo." Masayang sagot ng host bago ito muling magtanong, "So.. Mr.
Lu, nainlove ka na sa tag'ulan mula noong nakasama mo si Miss Qiao na
magpatila sa ilalim ng iisang bubong?"
"Oo."
-
"Qiao Qiao, ibig sabihin, crush ka na pala ni Lu Jinnian noong nasa third year
palang tayo sa junior middle school?" Nangiintrigang tanong ni Zhao Meng.
Parang hindi narinig ni Qiao Anhao si Zhao Meng, at nanatili lang siyang
nakatitig kay Lu Jinnian, na ganadong nagkwekwento habang naka live stream.
Tandang tanda niya pa noong nagfifilm palang sila ng 'Alluring Times'… Nasa
iisang hotel lang ang lahat ng crew kaya pumunta ang assistant ni Lu Jinnian sa
kwarto niya para makiusap na bisitahin niya muna ito. Sakto, umuulan din noong
gabing 'yun kaya masaya siyang tumakbo papunta sa bintana para pagmasdan
ang pagpatak ulan, at… sa hindi niya inaasahang sitwasyon, bigla itong
nagtanong, "Gusto mo ng tagulan?"
Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing yun….ang tono ng boses nito na
halatang gulat na gulat…
Pero sa totoo lang, hindi niya alam kung anong nakakagulat sa sinabi niya kaya
sumagot lang siya ng "Oo", at nagtanong din pabalik, "Gusto mo rin ng
tag'ulan?"
Yun yung panahon na kakakita lang nila ulit isa't-isa pagkatapos ng mahabang
panahon, at wala silang ibang gustong gawin kundi magkwentuhan ng
magkwentuhan.
Noong gabing yun, nagkwento sakanya si Lu Jinnian na nagustuhan nito ang
tag'ulan ng dahil sa isang tao kaya sobrang saya niya dahil pareho sila ng
dahilan.
Kung hindi pa sinabi ni Zhao Meng na naka live interview si Lu Jinnian, hindi
niya pa malalaman na kaya pala marami silang pinagkapareha ay dahil yun ang
mga nagsilbing palatandaan nila sa bawat isa.
-
"Mr. Lu, sinabi mo na magkakilala na kayo ni Miss Qiao simula noong first year
high school niya. Ibig bang sabihin, naging crush mo si Miss Qiao noong taong
yun?"
Biglang yumuko si Lu Jinnian. Wala namang nagbago sa tono ng boses niya,
pero kumpara kanina, kahit sinong makarinig ay mararamdam na may kasamang
lungkot ang pagkakasabi niya, "Hindi lang isang taon, kundi, labintatlong taon."
"Labintatlong taon?" Hindi makapaniwala ang host na sa likod ng isang napaka
tahimik at mahirap abutin na Lu Jinnian, ay may nagtatago palang napaka tamis
na sikreto. "Hindi biro ang labingtatlong taon ah. Halos lahat naman ata tayo
nagkakaroon ng crush, pero kadalasan lilipas din kaagad, kaya bakit ganun ka
naman ka pursigido, Mr. Lu?"
"Hindi naman sa gusto ko maging pursigido, pero hindi ko kasi talaga kayang
sumuko. Siguro dahil binigay ko na sakanya lahat ng pagmamahal na meron
ako, kaya mula nun, wala na akong maibigay sa iba."
Habang nagsasalita si Lu Jinnian, sobrang kalmado lang ng itsura niya, pero
ang bawat salitang binitawan niya ay talagang tagos sa puso.
Sa pagkakataong ito, ilang sandaling napatulala ang host kay Lu Jinnian bago
ito mahimasmasan at magpatuloy, "Eh.. Mr. Lu, bakit hindi ka nagconfess
kaagad kay Miss Qiao?"
Mula pagkabata, napakarami niya ng pinagdaan sa buhay, kaya hanggat maari,
gusto niya nalang kimkimin ang lahat at iwanan ang mga ito sa nakaraan dahil
ayaw niyang kaawaan siya ng iba… Pero ngayong gabi, may dahilan siya kung
bakit niya inutusan ang kanyang assistant na magset up ng interview, kaya sa
kauna-unahang pagkakataon at sa harap ng buong China, walang paligoy-ligoy
siyang nagsalita ng walang tinagong kahit ano, "Dati, namimigay ako ng mga
leaflets sa kalsada habang tirik na tirik ang araw para lang mabilhan ko siya ng
birthday gift, kaya napaisip ako noon na wala akong karapatan sakanya dahil
ultimo pinaka simpleng bagay ay wala akong pambili."
"Mr. Lu, natatakot ka ba na maghirap ang babaeng nagugustuhan mo kaya
hindi ka nalang nagconfess?"
Sa pagkakataong ito, tumungo lang si Lu Jinnian.
"Pero kung tama ang pagkakaalala ko, Mr. Lu, nanalo ka ng best supporting
actor six ago, tama? Noong panahon na 'yun, sigurado ako na malaki ang kinita
mo kaya ibig sabihin, pwede mo ng magbigay ng magandang buhay si Miss
Qiao. Eh… bakit hindi ka pa rin nagconfess?"
"Gusto ko naman talagang magconfess…" Hinding hindi niya makakalimutan ang
gabing natanggap niya ang kauna-unahan niyang award… Mula Changsha,
nagmadali siyang umuwi sa Beijing para lang makita ito at batiin ng 'Happy
Birthday' at 'Mahal kita'. Pero, malayong malayo sa pangarap niya ang nangyari
noong gabing yun…"Pero bago ako magconfess, nalaman ko na engage na siya
sa iba."
"Iba?" Mainit ngayon ang pangalan ni Qiao Anhao sa social media kaya
sinamantala na rin ng host ang pagkakataon na buksan ang usapan, "Si Mr. Xu
Jiamu ba ang tinutukoy mo, Mr. Lu?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES