App herunterladen
77.8% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 757: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (17)

Kapitel 757: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkaputol ng linya, nagpahangin muna si Lu Jinnian sa balcony hawak ang

kanyang phone bago siya bumalik sa kwarto nila. Dahan-dahan niyang inihiga si

Qiao Anhao sakanyang braso, na komportableng yumakap sakanya.

-

Kagabi, nailabas na ni Qiao Anhao ang lahat ng sama ng loob na naipon sa

dibdib niya noong umiyak siya sa harapan ni Lu Jinnian, kaya paggising niya

kinaumagahan, di hamak na mas magaan na ang pakiramdam niya.

Totoong hindi madali ang buhay, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na kaya.

Darating at darating talaga sa puntong susubukan ng tadhana ang katatagan ng

isang tao at minsan pa nga ay darating sa punto na mukhang wala na talagang

pagasa. Pero sa oras na matutunan mong palipasin at pakawalan ang mga

bagay na wala na sa kontrol ng tao, maiintidihan mong pansamantala lang ang

lahat ng nangyayari sa mundong ibabaw.

Sapat na kay Qiao Anhao na alam niyang wala siyang ginawang mali kaya kung

hindi talaga siya bigyan ng pagkakataon ng tadhana na madependsahan ang

sarili niya, hindi na siya magrereklamo at masaya siyang tatayong halimbawa ng

mga hindi dapat tularan.

Hindi naman sa wala na siyang pakielam, pero kahit ano kasing gawin

niya…kahit mamatay pa siya kakaisip…hindi niya na mababago ang realidad.

Galit na galit sakanya ang buong mundo ngayon, kaya ano pang matitira

sakanya kung siya ay magagalit sa sarili niya? Isa pa, ano naman kung masira

ang reputasyon niya? Mayroon pa rin naman siyang Lu Jinnian na mahal na

mahal niya at mahal na mahal siya.

Okay na sakanya ang lahat, hindi na siya malungkot.

Dahil masyado ng malaki ang scandal, inuwi nalang muna ni Lu Jinnian ang mga

dapat niyang tapusin sa trabaho para masamahan si Qiao Anhao ng bente-

kwatro oras.

Inisip ni Qiao Anhao na baka madisqualify na rin siya sa Hollywood casting

competition na sinalihan niya nitong kamakailan lang, pero laking gulat niya na

dalawang araw na ang nakakalipas pero wala pa ring tumatawag sakanya mula

sa show.

Pagkatapos ng mga nangyari, hindi na siya umaasa na siya ang mananalo dahil

kahit makalusot man siya ngayon, malaki ang posibilidad na wala ring boboto

sakanya pero naisip niya na wala namang mawawala kung maghahanda siya

kaya nagpractice pa rin siya kasama ni Lu Jinnian na naging sobrang supportive

sakanya.

Sa parating second round, naisip niyang umarte bilang si "Empress Wu Zetian".

Nagresearch siya ng mga sikat nitong kasabihan at sa loob ng limang minuto

tuloy-tuloysiyang aarte bilang batang Empress Wu Zetian.

Bilang isang artista, sobrang challenging nito dahil bibihira lang ang mga taong

may ganitong klaseng talento.

Kaya tatlong araw na walang tigil na nagpractice si Qiao Anhao para magawa

niya ito ng tama.

Noong mismong araw ng kumpitesyon, gabi pa ang schedule ng show pero

maaga niyang ginising si Lu Jinnian para magpatulong magpractice ng mga

sasabihin niya.

Tatlong araw ng paulit-ulit na nagpapractice si Qiao Anhao ng mga linya ni

Epress Wu Zetian kaya naririndi na si Lu Jinnian. Noong oras na ginising siya

nito, gusto niya nalang sanang yakapin ito ng mahigpit at matulog ulit, pero

nakita niya kung gaano ito kadeterminado at bilang number one fan ni Qiao

Anhao, gusto niyang suportahan kung saan ito masaya, kaya sa pang isang

daan at tatlumput apat nitong take, muli siyang nagpanggap na audience.

Sa tatlong araw na walang tigil na pagkakabisado, sa wakas nakuha na rin ni

Qiao Anhao ang pagkatao at emosyon ni Empress Wu Zetian, mula sa pagiging

mahinhin hanggang sa pagiging matapang nito, na gusto niyang iparamdam sa

mga manunuod.

Lalong lalo na noong binigkas niya ang mga sinabi ni Empress Wu Zetian bago

ito mamatay, "Sa susunod kong buhay, hindi na ako magiging emperatris at

magiging isang simpleng manugang nalang ako ng Lee family". Nabigyan niya

ng diin ang mahahalagang salita at galaw kaya sa huli niyang practice, para na

talaga siyang tunay na Emperatris ng China.


Kapitel 758: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (18)

Redakteur: LiberReverieGroup

Si Lu Jinnian, na napilitan nalang manuod, ay bigla ring napanganga sa ginawa

ni Qiao Anhao.

Pagkatapos magperform, huminga ng malalim si Qiao Anhao at parang batang

inosente, dali-dali siyang tumalon sa kama at tinignan si Lu Jinnian ng diretso sa

mga mata, "Ano? Kamusta?"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at niyakap ito, "Magaling."

"Gaano kagaling?"

"Magaling na magaling na magaling."

"Kung ikaw yung hurado, ilang points ibibigay mo sa akin?"

"One hundred points."

"Totoo?"

"Mas totoo pa sa ginto."

Yumakap si Qiao Anhao sa braso ni Lu Jinnian at kinikilig na ngumiti. Sa

sobrang saya, para siyang kiti kiti na hindi mapakali. Umikot siya para sumandal

sa likod nito at payabang na sinabi, "Alam mo, yun din yung palagay ko eh!"

"Ang yabang naman." Natatawang sagot ni Lu Jinnian. "Hindi ka ba nahihiya?"

Tinignan ni Qiao Anhao ng masama si Lu Jinnian at binuksan ang kanyang

bibig, na para bang kakagatin niya ito, pero bandang huli, bigla niya itong

hinalikan sa pisngi at malokong sinabi, "Hmmm.. Sige, bilang reward mo sa

pagsasabi ng totoo, bababa muna ako para paglutuan ka ng breakfast."

Pero noong paalis na siya, biglang niyakap ni Lu Jinnian ang kanyang bewang

at ginantihan ng halik. "Parang mas gusto kitang gawing umagahan…"

At hindi nagtagal, biglang gumapang ang kamay nito sa loob ng kanyang

pajamas.

Teka lang Lu Jinnian?! Hindi pa nga ako nakakarecover sa ginawa natin kagabi,

tapos ito nanaman tayo? Nako… Hindi pwede… May performance ako

mamayang gabi at kailangan kong ikundisyon ang katawan ko.

Para awatin si Lu Jinnian, walang pagdadalawang isip niyang kinurot ang

bewang nito at noong bigla itong huminto, sinamantala niya ang pagkakataon na

itulak ito papalayo at tumakbo papasok sa CR.

Pagkasarado ni Qiao Anhao ng pintuan, natawa nalang si Lu Jinnian sa

pinagagagawa nila at imbes na habulin ito ay bumalik siya sa tulog.

-

Masyado pang maaga para maligo, kaya pagkapasok ni Qiao Anhao sa CR,

nagtooth brush nalang muna siya at nagmuni-muni kung anong magandang

suotin para sa performance niya mamayang gabi, pero habang nakatingin sa

salamin, napansin niya ang iniwang chikinini ni Lu Jinnian sa leeg niya, kaya inis

na inis siyang ngumuso.

Nagmumumog siya ng mouthwash at pagkadura niya, hindi niya sigurado kung

dahil lang ba sa toothpaste o ano, pero bigla siyang naduwal.

Wala naman siyang naramdamang kakaiba kaya binalewala niya lang ito.

Kagaya ng nakasanayan, mabilisan siyang naghilamos, naglagay ng manipis na

moisturizer at nagpalit damit bago bumaba para magluto.

Saktong katatapos niya lang maghanda ng umagahan noong bumaba si Lu

Jinnian.

Umupo sila ng magkatapat. Kumuha si Qiao Anhao ng tinapay at dire-diretso

itong sinubo, pero parang natabangan siya kaya pinaabot niya kay Lu Jinnian

ang apple jam. Habang naghihintay, tumikim muna siya ng prinitong itlog, pero

noong lulunukin niya na ito, bigla namang nagloko ang kanyang tyan.

Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya dahil noong una,

parang nasusuka siya na ewan pero noong tatayo na siya, bigla namang

nawala.

Binuksan muna ni Lu Jinnian ang apple jam bago niya ito iabot kay Qiao Anhao,

pero noong napansin niya na bigla itong natigilan habang may hawak hawak na

chopsticks, nagaalala siyang nagtanong, "Anong nangyari?"

Dali-daling umiling si Qiao Anhao at hinimas ang kanyang tyan. "Wala… parang

may kakaiba lang."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C757
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES