Noong gabing pinuntahan siya nito, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili niya na
wag ng umasa dahil alam niya namang hindi rin sila ang magkakatuluyan sa
huli. Si Xu Jiamu, ang tanging lalaking minahal niya…Sa totoo lang, hindi siya
sigurado noon kung may patutunguhan ba ang relasyon nilang napaka labo
pero pinili niyang magpikit mata at ialay rito ang pitong taon ng kanyang
kabataan kaya ngayon na nagiging maayos na ang lahat sakanya, ayaw niya
na sanang hayaan ang sarili niya na sirain ulit ng isang tao… Alam ng Diyos
kung gaano siya kadesido na magmove on, pero bigla siyang naduwag noong
niyakap siya nito ng mahigpit at noong naramdaman niya na may tumulong
luha sa kanyang leeg…. at tuluyan na siyang bumigay noong nagmakawa ito
sakanya na wag munang umalis.
Sa pagkakatong ito, hindi niya alam kung happy ending na ba o isa nanamang
nakakadurog pusong pagpapaalam ang mangyayari sakanila.
Pero isa lang ang malinaw sakanya at yun ay yung sobrang nagaalala siya
para kay Xu Jiamu.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para silipin si Xu Jiamu na
kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nakatutok sa phone nito na may
kaharap na maraming papel.
Noong naramdaman nito na papalapit siya, bigla nitong kinuha ang mga papel
at binulsa bago ito tumingin sakanya.
Hindi maitatanggi na sobrang kampante nila sa isa't-isa at ngayong alam
niyang kailangan nito ng isang taong handang makinig, dahan-dahan siyang
umupo sa tabi nito at pasimpleng sumilip sa screen na tinitignan nito –
nagbabasa ito ng mga pambabash ng netizens sa Weibo profile ni Qiao Anhao.
"Wag mo ng tignan yan… Maniwala ka sa akin. Hindi mo mapagkakatiwalaan
ang internet."
Tumungo lang si Xu Jiamu at para sundin ang sinabi ni Song Xiangsi, ibinato
niya ang kanyang phone sa coffee table at sumandal sa sofa.
Nakapagtanggal na siya ng jacket kanina kaya nakasuot nalang siya ngayon ng
isang simpleng longsleves na kulay asul. Kumpara sa labas, di hamak na mas
mainit sa loob ng kwarto kaya nirolyo niya ang kanyang mga manggas
hanggang siko para mapreskuhan kahit papano. Sakto, biglang napatingin
sakanya si Song Xiangsi, na napansin kaagad ang malaki niyang pasa kaya
biglang kumunot ang noo nito at nagalalang hinatak ang kanyang braso, "Ano
to? Bakit ka nagkapasa ng ganito kalala? Nagpacheck up ka na ba?"
Siguro sa sobrang pagaalala ni Song Xiangsi, masyado itong naging agresibo
kaya napahinga nalang siya ng malalim nang mahawakan nito ang kanyang
sugat at dahil sa naging reaksyon niya, dali-dali siya nitong binitawan.
Nangingig ang kanyang boses na nagpaliwanag, "Ayos lang ako. Nabagsakan
lang ako ng video camera kaya hindi ko na kailangang magpacheck up."
"Pero mukhang seryoso yan ah… Tignan mo nga oh, sobrang itim. Hindi ba
masakit?" Naawang tanong ni Song Xiangsi. Base sa nakikita niya,
imposibleng totoo ang sinasabi ni Xu Jiamu na ayos lang ito kaya nagmamadali
siyang tumayo para kumuha ng first aid kit. "Gagamutin ko."
Hindi tumutol si Xu Jiamu. "Hmmm."
Habang ginagamot niya ito, hindi mapigilan ni Song Xiangsi ang sarili niya
pagalitan si Xu Jiamu sa sobrang pagaalala, "Kung natamaan ka ng camera,
bakit hindi ka niya pinacheck up o binayaran manlang?"
"Xu Jiamu, wag kang pasaway ha! Kapag lumala yan bukas, kailangan mo ng
magpacheck. Paano kung nabalian ka pala ng buto?"
"Sobrang bigat kaya ng mga video camera! Bakit ba sila nagdadala pa ng
ganun kung hindi naman pala nila kayang buhatin, TSK! Delikado na talaga
ang mundong 'to. Buti nalang braso lang ang natamaan sayo at hindi ulo kasi
kung minalas ka pa ng konti, nako.. baka nabagok ka!"
Pagkatapos maglitanya ni Song Xiangsi, biglang natigilan si Xu Jiamu.
"Bakit? Masakit ba? Sige, idadahan-dahan ko lang, konti nalang…."
"Xiangsi," Malungkot na tawag ni Xu Jiamu.
"Hmm? Bakit?" Nagaalalang tanong ni Song Xiangsi.
"Si Qiao Qiao at ang kapatid ko… Ano bang pinaka malalang pwedeng
mangyari sakanila?"
Biglang umirap si Song Xiangsi na para bang naiinis siya sa tanong ni Xu
Jiamu. "Seryoso ka ba?! Tinatawag na ngayon ng buong China si Qiao Anhao
na malandi, hindi pa ba 'yun malala para sayo?"
Dahil dito, biglang namutla si Xu Jiamu.
Wala namang intensyon si Song Xiangsi na konsensyahin si Xu Jiamu kaya
noong napansin niyang biglang bumagsak ang mukha nito, dali-dali siyang
nagpatuloy, "Gusto mo ba talagang malaman?"
Tumungo si Xu Jiamu.
Sa totoo lang, ayaw na sanang makadagdag ni Song Xiangsi sa bigat ng
sitwasyon pero naisip niya na karapatan pa rin ni Xu Jiamu na malaman ang
katotohanan kaya bigla siyang naging seryoso at nagpatuloy, "Sige…
papasimplehin ko nalang. Ang pinaniniwalaan kasi ng lahat ngayon ay nagloko
si Qiao Qiao habang may asawa pa siya kaya ibig sabihin, habang buhay ng
sira ang reputasyon niya. Baka dahil dito, hindi na siya pwedeng maging artista
at siguradong pagtsitsismisan siya ng lahat. Pero nasa kanya pa rin naman yun
kasi kung kaya niya namang tiisin na walang nagaalok sakanya ng mga
pelikula o endorsements, edi maganda. Diba sumali siya sa audition ng
Hollywood casting? Walang duda na maganda ang performance niya, pero
dahil sa mga nangyari, hindi ko na masabi ngayon kung may pagasa pa siya.
"Para naman sa kapatid mong si Lu Jinnian... Mas magaan ang mangyayari
sakanya kumpara kay Qiao Qiao, pero habang nabubuhay ng tatak sa isip ng
tao na kabit siya kagaya ng nanay niya.
"Magiging tapat ako sayo ha? Sobrang lala na ngayon ng scandal kaya kahit
magpapresscon pa sila para magpaliwanag o kahit magkano pa ang ilabas nila
para bayaran ang media, imposible ng mamatay ang issue. Isa pa, walang
maniniwala sakanila kung sasabihin nila sa publiko na minsang nagpanggap si
Lu Jinnian bilang ikaw kaya ang taong pinakasalan ni Qiao Qiao ay walang iba
kundi ang asawa rin nito ngayon."
Dismayadong umiling si Song Xiangsi bago siya magpatuloy, "Iniisip ko nga
kung kanino ba talaga nanggaling ang impormasyon. Kung sino man siya,
sigurado akong hindi pera ang habol niya dahil kung oo, diba dapat tinakot
niya lang si Lu Jinnian? Pero talagang nilabas niya kaya ibig sabihin gusto niya
talagang sirain ang buhay ng dalawa…"
Sa puntong 'to, medyo bumibigat na ang usapan para kay Xu Jiamu kaya bigla
niyang pinahinto si Song Xiangsi sa kalagitnaan ng pagsasalita nito at tumayo,
"Sige na , medyo pagod na ako kaya mauna na akong matulog."
At hindi pa man din ito pumapayag ay dali-dali siyang dumiretso sa kama at
nagtalukbong ng kumot.
Marami pa sanang gustong sabihin si Song Xiangsi pero noong nakita niyang
hindi na interesado si Xu Jiamu, kusa na rin siyang huminto at lumabas nalang
kwarto.
-
Sobrang lungkot ni Qiao Anhao kanina kaya ngayon na nandito na si Lu
Jinnian, para siyang bata na ayaw bumitaw sa braso nito. Nangako ito sakanya
aayusin nito ang lahat kaya walang pagdadalawang isip siyang tumungo.
"Naniniwala ako sayo."
Hindi siya nagdududa sa kakayahan ni Lu Jinnian, pero natatakot din siya na
baka masyadong mabigat ang sitwasyon para rito.
Sobrang laking gulo ang ginawa ni Han Ruchu noong nilabas nito ang wedding
picture nila ni Lu Jinnian, isa pa, totoong nagsasama na sila nito bago pa man
sila opisyal na magdivorce ni Xu Jiamu.
Nagtitiwala siya kay Lu Jinnian at alam niyang bukod sakanya, sobrang
nalungkot din ito ng dahil sa mga nangyari kaya hanggat maari, ayaw niya ng
magpakita na pinanghihinaan talaga siya ng loob.
Noong gabing yun, nagluto siya ng gabihan at pagkatapos nilang kumain,
naglakad-lakad muna sila sakanilang bakuran.
Pinilit niyang magmukhang masaya na para bang balewala lang sakanya ang
mga nangyari.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES