App herunterladen
76.67% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 746: Ang desisyon ni Xu Jiamu (6)

Kapitel 746: Ang desisyon ni Xu Jiamu (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ngayong tinatanong siya ni Qiao Anhao kung paano kumalat ang mga picture sa

internet kung iilan lang naman ang nakakaalam ng tungkol dito?

Ano bang dapat niyang isagot?

Noong gabi ng charity gala, namulat siya sa katotohanan nang mabalitaan

niyang pinatay ng sarili niyang ina ang walang kamalay-malay na bata, kaya

ngayon malinaw sakanya kung sino ang punot-dulo ng lahat ng nangyayari.

Pero hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan niya…. Na baka ang

nanay niya nanaman ang may kagagawan ng mga nangyari.

Sa totoo lang, sobrang bigat nito para sakanya at nasasaktan lang siya kapag

hindi niya nasasagot ang tanong ng kanyang kaibigan kaya bigla siyang nagisip

ng iba nilang pwede pagusapan,"Qiao Qiao, nasaktan ka ba?"

Habang sinasabi niya ito, napatingin siya sa nagasgasan nitong braso.

Kaya dali-dali niyang inilapag ang hawak niyang braso at tumayo para kunin first

aid kit na nasa ilalim ng coffee table. "Nasaktan ka. Gagamutin ko yung sugat

mo."

Alam ni Qiao Anhao na hindi papayag magpatalo si Han Ruchu kaya sigurado

siya na may ginawa ito para makaganti sakanya.

Pero hindi naman niya naisip na ganito kabilis…

Dahil alam niyang si Han Ruchu ang nasa likod nito, sobrang sama ng loob niya

at gustong-gusto niyang gumanti…

Sa kabila ng paggamit niya kay Xu Jiamu para makaganti sa nanay nito… Hindi

pa rin ito nagdalawang isip na iligtas siya… Pero wala na kasi siyang ibang

pagpipilian…

Ginamit ni Han Ruchu ang kahinaan ni Lu Jinnian para patumbahin ito, kaya

gusto niya itong gantihan sa parehong paraan na ginamit nito.; ang gamitin ang

kahinaan ng matandang 'yun para makaganti.

Hindi alam ni Qiao Anhao kung anong sasabihin kaya pinagmasdan niya lang si

Xu Jiamu habang kumukuha ng bulak galing sa first aid kit. Noong una, medyo

nagdalawang isip pa siya pero gusto niyang linawin ang lahat, kaya naglakas

loob siyang magsalita, "Brother Jiamu, alam ko namang alam na ang tanging

rason kung bakit ako pumayag sa sinabi ng nanay ay dahil kaibigan kita. Noong

panahon na yun, naaksidente ka at nacomatose ka kaya gusto kitang tulungan."

Biglang napatigil si Xu Jiamuy habang naglalagay ng betadine sa bulak.

Tama. Gusto lang naman siyang tulungan ni Qiao Qiao, pero ang kabaitan din

nito ang humila rito pababa.

"Pero Brother Jiamu, hindi ko naman naisip na magkakaganito ang lahat…"

Mangiyak-ngiyak na nagpatuloy si Qiao Anhao, "Brother Jiamu, alam mo ba?

Galit na galit sa akin ngayon ang buong internet. Tapos na ako… Sa mga

natitirang araw ng buhay ko, hindi na ako makakabangon….Gusto lang naman

kitang tulungan, pero bandang huli pero ako pa ang nasira. Pero ang pinaka

masakit dito ay…pati si Lu Jinnian ay nahila ko pababa…"

Naglalabas lang ng sama ng loob si Qiao Anhao… pero pakiramdam ni Xu

Jiamu ay sinisisi siya nito, kaya hindi niya maingat ang ulo niya para tignan ito.

Napahawak siya ng mahigpit sa betadine at ilang sandali rin siyang nanahimik

bago maglakas loob na magsalita, "Sorry."

"Brother Jiamu, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali."

Noong oras na yun,mas gusto pa ni Xu Jiamu na tumayo si Qiao Anhao,

sigawan siya, sisihin dahil sa mga ginawa ng nanay niya at sabihan ng walang

utang na loob…

Dahil pakiramdam niya ay doon lang gagaan ang loob niya.

Alam niyang walang wala ang "Sorry" niya sa gulong hinaharap ngayon nina

Qiao Anhao at Lu Jinnian ng dahil sa kagagawan ng nanay niya.

Pero hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin kaya ang tanging

magagawa niya lang ay paulit ulit na sabihin ang salitang iyo... "Sorry Qiao

Qiao. I'm sorry. Sorry."

At noong oras din na yun, biglang nagbukas ang pintuan at hindi mapakaling

nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Qiao?"


Kapitel 747: Ang Desisyon ni Xu Jiamu (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang sandaling marinig ni Xu Jiamu ang boses ni Lu Jinnian… bigla siyang

nabalot ng takot.

Narinig niyang papalapit ng papalapit ang boses nito hanggang sa tuluyan na

itong huminto sa tabi niya.

Alam niyang nakita na siya ni Lu Jinnian.

Kasalukuyan siyang nakasalampak sa sahig habang nakatalikod sa pintuan….

At hindi niya kayang tumingin sa taong nasa likod niya..

Sa kalagitnaan ng pagaalala ni Lu Jinnian, bigla siyang natigilan nang makita

niya si Xu Jiamu… Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang likod nito bago niya

dahan-dahang ibaling kay Qiao Anhao ang kanyang tingin… hindi niya kung

paano at ano ang sasabihin niya…

Ito ang unang beses na nagkita ang magkapatid simula noong bilhin ni Lu

Jinnian ang Xu Enterprise.

Naramdaman ni Qiao Anhao na medyo bumigat ang awra kaya inilapag niya ang

baso sa lamesa at tumayo. "Kinuyog ako ng mga reporters kanina kaya niligtas

ako ni Brother Jiamu."

Tumungo lang si Lu Jinnian at hindi pa rin nagsalita.

Biglang nanahimik ang buong paligid.

Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at pagkatapos ay si Xu Jiamu. "Bakit hindi

muna kayo umupo?"

"Ayos lang," sagot ni Xu Jiamu na ngayon lang nahimasmasan. Ngumiti siya kay

Qiao Ahhao at nagpatuloy, "Wala naman ng dahilan para magstay ako kaya

mauuna na rin ako."

Pagkataos niyang magsalita, ibinaba niya ang betadine sa lamesa. Hindi siya

makatingin kay Lu Jinnian at nagpatuloy, "Nadapa si Qiao Qiao kanina."

Hindi sinabi ni Xu Jiamu ang pangalan ng kapatid niya pero alam nilang lahat

kung sino ang kinakausap niya.

Nanatili lang si Lu Jinnian sa kinatatayuan niya at kalmadong sumagot, "uh huh"

Hindi na sumagot si Xu Jiamu at dahan-dahang tumayo. Habang nasa

kalagitnaan, doon niya lang naramdaman ang sakit sa braso niya nang dahil sa

nalaglag na camera. Pero wala siyang balak na ipaalam ito sa dalawa kaya

nagpanggap siya na wala siyang nararamdaman at nagmamadaling nagpaalam.

Bago pa makapagsalita si Lu Jinnian, inunahan na siya ni Qiao Anhao, "Bye."

Hindi na tumigin si Xu Jiamu at naglakad nalang palabas ng pintuan. Noong

dumaan siya kay Lu Jinnian, gusto niya sanang tignan ang kapatid niya pero

hindi niya talaga kaya, kaya bandang huli, hindi na siya huminto at nagtuloy-

tuloy nalang sa paglalakad.

Pagkaalis ni Xu Jiamu, isang minuto pa ang nakalipas bago mahimasmasan si

Lu Jinnian at maglakad papalapit kay Qiao Anhao. "Qiao Qiao? Ayos ka lang

ba?"

Habang nagsasalita, tinignan niya si Qiao Anhao ng mula ulo hanggang paa

hanggang sa makita niya ang nagsgasan nitong palad. Kumunot ang noo niya at

pinaupo muna ito. Kinuha niya ang bulak at ang betadine na inilapag ni Xu

Jiamu para linisin ang sugat.

"Sabi ko sayo diba wag kang lumabas? Bakit hindi ka nakinig sa akin at lumabas

ka pa din?"

"Umalis na kanina yung mga reporters. Tapos may delivery man na dumating

kaya lumabas ako. Hindi ko naman na reporter pala yun at nagpapanggap lang

na delivery man. Noong binuksan ko ang pintuan, bigla nila akong pinalibutan."

"Bukod sa gasgas mo sa kamay, may masakit pa ba sayo?"

"Wala na," malambing na sagot ni Qiao Anhao bago siya yumakap kay Lu

Jinnian.

Niyakap naman ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at yumuko para halikan ang ulo nito.

Noong una, medyo nagaalangan pa siyang magtanong, pero gusto niyang

klaruhin ang lahat kaya naglakas loob siya, "Eh si Jiamu? Bakit siya nandito?"

"Hindi ko din alam…Nadaganan ako ng mga reporters sa sahig. Pinapalibutan

talaga nila ako at kahit anong gawin ko, hindi ako makatayo. Tapos biglang

dumating si Brother Jiamu…"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C746
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES