Pagkaputol ng tawag, pasinghal na sinabi ni Xu Jiamu, "Gusto niyong
manggulo diba? Sige, magsawa kayo dahil tumawag na ako ng mga pulis!"
Sa pagkakataong ito, natakot ang mga reporters at biglang bumagal sa
paglalakad.
Dahil dito, sinulit ni Xu Jiamu ang pagkakataon na hilain si Qiao Anhao papasok
sa loob ng bahay at isarado ang pintuan.
-
Habang nagkakagulo kanina sa labas, normal lang kay Xu Jiamu bilang best
friend ni Qiao Anhao na iligtas ito pero ngayon na silang dalawa nalang sa loob
ng bahay, muli niyang naalala ang mga nangyari noong charity gala kaya bigla
siyang napayuko sa sobrang kahihiyan.
Nakatayo lang si Qiao Anhao sa tapat ng pintuan at hindi pa rin siya
makapaniwala sa mga nangyari kaya huminga siya ng malalim para kalmahin
ang kanyang sarili bago niya tignan si Xu Jiamu, na walang kaimik-imik na
nakatayo sa tabi niya, "Brother Jiamu, maraming salamat."
Ang mga salitang "Brother Jiamu" ay lalo pang nagpakonsensya kay Xu Jiamu at
dahil hindi niya talaga ito kayang tignan ng diretso sa mga mata, tumungko
nalang siya bilang tugon.
Dahan-dahang lumuhod si Qiao Anhao para ikuha si Xu Jiamu ng isang pares
ng tsinelas. "Halika muna sa loob. Nasa labas pa ang mga reporters."
At naglakad siya papasok.
Doon lang kumalma si Xu Jiamu at sumandal sa pintuan. Para siyang nasa
isang panaginip…
Pumunta muna si Qiao Anhao sa kusina para kumuha ng dalawang basong
tubig. Pagkabalik niya, nakita niya si Xu Jiamu na nakatulala sa may pintuan
kaya nagtataka niya itong tinawag, "Brother Jiamu?"
Medyo nagulat si Xu Jiamu sa pagtawag ni Qiao Anhao pero hindi siya kaagad
nahimasmasan kaya ilang sandali pa bago niya ito tignan at nang sandaling
magkasalubong sila ng tingin, dali-dali ibinaling ang kanyang tingin sa iba at
nagpalit ng sapatos.
"Umupo ka muna." Itinuro ni Qiao Anhao ang sofa.
Pabulong na nagpasalamat si Xu Jiamy at umupo.
Ibinigay ni Qiao Anhao ang isang baso ng tubig sakanya.
Muli, nagpasalamat siya, pero sa pagkakataong ito, hindi na masyadong
maintindihan sa sobrang hina.
At… bigla siyang napatulala sa baso ng tubig.
Pagkatapos ng matagal na pananahimik, bigla siyang nagsalita, "Nakita ko sa
balita na kinasal na kayo. Totoo ba yun?"
"Uh huh," malumanay na sagot ni Qiao Anhao.
Gusto sanang itanong ni Xu Jiamu ang "Yung kapatid ko… ayos lang ba siya?",
pero noong magsasalita na siya, hindi niya alam kung paano magpapatuloy kaya
bandang huli, muli siyang yumuko at tumitig nalang ulit sa hawak niyang baso
ng tubig.
Nang muling nanahimik ang buong paligid, sinulit ni Qiao Anhao ang
pagkakataon na magtanong, "Brother JIamu, diba iilan ang ang may alam na
ikinasal tayo, paano kaya yun lumabas sa balita?"
Biglang humigpit ang hawak ni Xu Jiamu sa baso.
"Isa pa Brother Jiamu, yung picture na kumakain kami ni Lu Jinnian ng dinner…
diba yung mga pamilya lang natin ang may kopya nun. Paano yun kumalat sa
internet?"
Halatang inosente at walang halong bakas ng paninisa ang boses ni Qiao Anhao
pero para kay Xu Jiamu, sampal ang mga tanong na to sakanya.
Nabalitan niya ang tungkol sa scandal na to kay Song Xiangsi kalahating oras
palang ang nakakalipas...
Noong makita niya ito, hindi siya makapaniwala pero alam niya sa puso niya
kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
Sakto, sa Mian Xiu Garden siya natulog kagabi at sa sobrang lungkot niya sa
mga nabalitaan niya, lumabas muna siya sa balcony para manigarilyo at doon
niya nakita na binuksan ni Qiao Anhao ang gate at dinumog ito ng mga
reporters.
Kaya walang pagdadalawang isip niyang pinatay ang kanyang sigarilyo para
tumakbo papunta sa katapat na villa.
Ngayong tinatanong siya ni Qiao Anhao kung paano kumalat ang mga picture sa
internet kung iilan lang naman ang nakakaalam ng tungkol dito?
Ano bang dapat niyang isagot?
Noong gabi ng charity gala, namulat siya sa katotohanan nang mabalitaan
niyang pinatay ng sarili niyang ina ang walang kamalay-malay na bata, kaya
ngayon malinaw sakanya kung sino ang punot-dulo ng lahat ng nangyayari.
Pero hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan niya…. Na baka ang
nanay niya nanaman ang may kagagawan ng mga nangyari.
Sa totoo lang, sobrang bigat nito para sakanya at nasasaktan lang siya kapag
hindi niya nasasagot ang tanong ng kanyang kaibigan kaya bigla siyang nagisip
ng iba nilang pwede pagusapan,"Qiao Qiao, nasaktan ka ba?"
Habang sinasabi niya ito, napatingin siya sa nagasgasan nitong braso.
Kaya dali-dali niyang inilapag ang hawak niyang braso at tumayo para kunin first
aid kit na nasa ilalim ng coffee table. "Nasaktan ka. Gagamutin ko yung sugat
mo."
Alam ni Qiao Anhao na hindi papayag magpatalo si Han Ruchu kaya sigurado
siya na may ginawa ito para makaganti sakanya.
Pero hindi naman niya naisip na ganito kabilis…
Dahil alam niyang si Han Ruchu ang nasa likod nito, sobrang sama ng loob niya
at gustong-gusto niyang gumanti…
Sa kabila ng paggamit niya kay Xu Jiamu para makaganti sa nanay nito… Hindi
pa rin ito nagdalawang isip na iligtas siya… Pero wala na kasi siyang ibang
pagpipilian…
Ginamit ni Han Ruchu ang kahinaan ni Lu Jinnian para patumbahin ito, kaya
gusto niya itong gantihan sa parehong paraan na ginamit nito.; ang gamitin ang
kahinaan ng matandang 'yun para makaganti.
Hindi alam ni Qiao Anhao kung anong sasabihin kaya pinagmasdan niya lang si
Xu Jiamu habang kumukuha ng bulak galing sa first aid kit. Noong una, medyo
nagdalawang isip pa siya pero gusto niyang linawin ang lahat, kaya naglakas
loob siyang magsalita, "Brother Jiamu, alam ko namang alam na ang tanging
rason kung bakit ako pumayag sa sinabi ng nanay ay dahil kaibigan kita. Noong
panahon na yun, naaksidente ka at nacomatose ka kaya gusto kitang tulungan."
Biglang napatigil si Xu Jiamuy habang naglalagay ng betadine sa bulak.
Tama. Gusto lang naman siyang tulungan ni Qiao Qiao, pero ang kabaitan din
nito ang humila rito pababa.
"Pero Brother Jiamu, hindi ko naman naisip na magkakaganito ang lahat…"
Mangiyak-ngiyak na nagpatuloy si Qiao Anhao, "Brother Jiamu, alam mo ba?
Galit na galit sa akin ngayon ang buong internet. Tapos na ako… Sa mga
natitirang araw ng buhay ko, hindi na ako makakabangon….Gusto lang naman
kitang tulungan, pero bandang huli pero ako pa ang nasira. Pero ang pinaka
masakit dito ay…pati si Lu Jinnian ay nahila ko pababa…"
Naglalabas lang ng sama ng loob si Qiao Anhao… pero pakiramdam ni Xu
Jiamu ay sinisisi siya nito, kaya hindi niya maingat ang ulo niya para tignan ito.
Napahawak siya ng mahigpit sa betadine at ilang sandali rin siyang nanahimik
bago maglakas loob na magsalita, "Sorry."
"Brother Jiamu, bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali."
Noong oras na yun,mas gusto pa ni Xu Jiamu na tumayo si Qiao Anhao,
sigawan siya, sisihin dahil sa mga ginawa ng nanay niya at sabihan ng walang
utang na loob…
Dahil pakiramdam niya ay doon lang gagaan ang loob niya.
Alam niyang walang wala ang "Sorry" niya sa gulong hinaharap ngayon nina
Qiao Anhao at Lu Jinnian ng dahil sa kagagawan ng nanay niya.
Pero hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin kaya ang tanging
magagawa niya lang ay paulit ulit na sabihin ang salitang iyo... "Sorry Qiao
Qiao. I'm sorry. Sorry."
At noong oras din na yun, biglang nagbukas ang pintuan at hindi mapakaling
nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Qiao?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES