Sa kagustuhan niyang mapalapit kay Qiao Anhao, nagisip siya ng magandang
topic na pwede nilang mapagusapan habang nagpapalipas ng oras. Alam niya
na isa ang 'Eternal Heart' sa top ten na diamond sa buong mundo pero hindi
naman ito ang pinaka maganda o ang pinaka mahal kaya naisip niya na
tanungin kung bakit hindi nito pinili ang mas sikat kagaya ng 'Ocean's Heart' o
ng 'Africa's Heart'.
Siguro, masyadong biglaan ang pagkakatanong kaya medyo nagalangan pa ito
bago lumingon. Hindi ito sumagot kaagad at ngumiti muna sakanya kaya dali-
dali siyang tumingin sa malayo dahil naramdaman niyang namula siya sa
sobrang kilig. "Gusto ko kasi talaga ang 'Eternal Heart'."
"Pero masyado yung mahal kaya hanggang pangarap lang."
Noong mga panahon na 'yun, isa lang siyang mahirap na estudyante at wala pa
siyang ideya na babaliktad ang mundo para sakanya at magiging mayaman siya,
pero dahil nalaman niyang gusto ito ni Qiao Anhao, nagsearch pa rin siya sa
internet at doon niya lang nalaman na kahit anong ipon ang gawin niya ay
imposible niya talaga itong mabili.
Noong umalis siya papuntang America, sigurado na siya na kakalimutan niya na
si Qiao Anhao pero hindi niya naman alam na susunod ito sakanya at yayayain
siya ng kasal nang wala manlang ligawan, proposal, engagement o kahit
manlang seremonya na talagang pinagplanuhan nilang dalawa.
Hindi ganito ang plano niya at kahit na hindi ito nagsasalita o nagrereklamo
sakanya, hahayaan niya nalang ba na hindi nito maranasan ang isa sa pinaka
hinihintay ng bawat babae?
Isa pa, noong gabing tinawagan niya si Mr. Wei, naabutan niya na nanunuod ito
ng isang eksena kung saan nagpopropose ang bidang lalaki sa bidang babae at
ramdam na ramdam niya ang inggit sa mga mata nito.
-
"Kasi gusto yun ng asawa ko."
Simple pero napaka puro ng sagot ni Lu Jinnian kaya paano pa ba
makakakatwiran si Mr. Wei?
Gusto ng asawa niya…Ibig bang sabihin handa talaga itong gumastos ng malaki
para sa isang diamond?
Mukhang ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay taong ang pinaka mayaman
sa buong mundo…
Muling sinilip ni Mr. Wei ang walang lamang dokumento bago niya ito ibalik kaya
biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian. "Hindi pa rin ba sapat?"
"Hindi." Kinuha ni Mr. Wei ang cheke na nakalapag sa lamesa at kumbinsidong
sinabi, "Sa tingin ko sapat na 'to, para sa mga karagdagang kundisyon, hindi ko
na kailangan ng mga 'yun."
Bukod sa magaling talaga si Lu Jinnian sa pakikipag negosasyon, alam ni Mr.
Wei na marami itong koneksyon sa Hollywood.
Ito ang unang beses na nagkaroon sila ng transaksyon at ayaw niya naman na
ito na rin ang maging huli kaya imbes na tanggihan ang kagustuhan nito ay
pumayag siya dahil alam niya na ito ang magiging susi para makilala siya ng
buong mundo.
Mahalaga sakanya ang Eternal Heart pero mas mahalaga sakanya ang negosyo
niya kaya naniniwala siya na ang isang magaling na negosyante ay laging iisipin
ang kapakanan ng kumpanya.
Muli siyang tumingin kay Lu Jinnian na kalmadong nakaupo sa harapan niya,
"Sige. Pumapayag na ako. Ibebenta ko na sayo ang 'Eternal Heart' at kung wala
kang gagawin ngayong araw, sumama ka na sa akin sa Wei mansyon para
maiuwi mo na kaagad."
Ang buong akala ni Lu Jinnian ay magpapakipot pa si Mr. Wei pero kampante
naman siya na papayag ito dahil alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito:
malinaw na ginagawan siya nito ng pabor para mas lumalim ang ugnayan nila.
Hanggat maari, ayaw ni Lu Jinnian ng utang na loob pero para kay Qiao Anhao
ay handa siyang lunukin ang paninindigan niya kaya pumayag siya at tinawag
ang waiter para sa bill.
Pagkalabas nila ng golf course, dumiretso na sila sa sasakyan ni Mr. Wei pero
noong papasok na siya, biglang nagring ang kanyang phone – tawag ito mula
sakanyang assistant. Kilala siya ng kanyang assistant bilang isang taong hindi
interasado sa mga walang kwentang bagay kaya alam niya na tumatawag lang
ito sakanya kapag sobrang halaga na ng balita. Dahil dito, nagpaalam muna siya
kay Mr. Wei at lumayo para sagutin ang tawag.
"Mr. Lu, may problema tayo! Kumakalat ngayon sa internet na ikinasal si Miss
Qiao kay Mr. Xu noon at may naglabas din ng address ninyo sa Mian Xiu
Garden kaya binabaha na ang bakuran niyo ngayon ng mga reporters."
Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian sa sobrang pagaalala dahil alam niyang
magisa lang si Qiao Anhao ngayon sa bahay nila. Matagal na siyang
nagtatrabaho sa entertainment industry kaya alam niya kung gaano kabrutal ang
mga reporters pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
Kaya hindi niya na hinintay na idetalye pa ng assistant niya kagaya ng, kung
paano nangyari, sino ang may gawa o kailan nagumpisa, at nagmamadali siyang
sumagot, "Sige. Pauwi na ako."
Wala ng dahilan para tumunganga siya dahil kailangan siya ngayon ng asawa
niya kaya atat na atat niyang pinutol ang linya at bumalik kay Chief Wei. Bilang
respeto, binuksan niya ang pintuan ng sasayan nito at humingi ng paumanhin,
"Mr. Wei, pasensya ka na, may nangyari lang kasi na kailangan kong puntahan.
Babalikan kita para sa 'Eternal Heart'."
Gusto pa sanang magtanong ni Mr. Wei kung anong nangyari pero bago pa siya
makapagsalita ay tumakbo na si Lu Jinnian papunta sa sasakyan nito at sa
sobrang pagmamadali ay binalibag na nito ang pintuan ng driver's seat.
Sa kabila ng pagkataranta ni Lu Jinnian, hindi niya pa rin naman nakalimutan
ang manners niya kaya bago siya humarurot ay ibinaba niya muna ang bintana
niya para magpaalam kay Mr. Wei.
Sa bawat minutong pumapatak ay lalo lang siyang kinakabahan na baka
napasok na ng mga reporters ang bahay nila kaya habang nakahawak ang isa
niyang kamay sa manibela ay kinakalikot niya rin ang kanyang phone gamit ang
kabila. Pagkabukas niya ng Weibo, tumambad sakanya ang headline na
binabash na si Qiao Anhao ng buong internet.
Nagmamadali niyang kinontak si Qiao Anhao pero hindi ito kaagad sumagot
kaya lalo pa siyang kinabahan. Ayaw niyang magisip ng masama pero habang
nasa malayo siya at wala siyang natatanggap na sagot, paano nga ba siya
kakalma? Tatawagan niya nalang sana ang telepono nila sa bahay pero noong
saktong ibababa niya na ay biglang sumagot si Qiao Anhao at base sa boses
nito, alam niyang takot na takot na ito.
"Lu Jinnian… anong gagawin ko? Ang daming reporters sa labas…"
Tumutok si Lu Jinnian sa kalsada at para hindi na makadagdag sa tensyon,
pinilit niyang kumalma habang nakikipagusap, "Makinig ka, pauwi na ako at ako
ng bahala. Tatawagan ko ang property management para paalisan ang mga
reporters. Hanggat wala ako jan, wag na wag kang lalabas at siguraduhin mong
nakasara ang lahat ng mga bintana…"
Marami pa siyang sinabi kay Qiao Anhao na paalala at pagkaputol ng tawag,
hinawakan niya ang manibela gamit ang dalawa niyang kamay at inapakan ng
mas madiin ang accelerator.
-
Pagkatapos makipagusap kay Lu Jinnian, chineck talaga ni Qiao Anhao ang
mga pintuan at bintana. Nang masiguro niyang nakalock ang lahat, palihim
siyang sumilip sa floor-to-ceiling window at hindi niya inaasahan na kahit ilang
minuto palang ang nakakalipas ay lalo pang dumami ang mga reporters.
Nakakita na rin siya noon ng ganitong klaseng eksena sa TV at sa mga
entertainment news magazine kaya alam niya na nanunugod talaga ang mga
reporters ng mga artistang may malalalang scandal pero kahit kailan ay hindi
niya inisip na isa siya sa mga mabibiktima ng mga ito.
Medyo matagal din siyang nakadungaw sa bintana bago siya umakyat. Simula
noong unang nagdoorbell, natatakot na siyang tumingin sa internet dahil base
sa nakikita niyang reaksyon ng mga reporters, alam niyang di hamak na mas
masasaktan siya kapag nagbasa siya ng mga pambabash ng mga netizens.
Naniniwala siya na kung hindi niya makikita ay hindi siya masasaktan, pero
siguro bandang huli ay natalo rin siya ng sarili niyang emosyon kaya hindi niya
na kinaya at muli siyang bumalik sa tapat ng computer.
Tama nga siya… Galit na galit ang mga tao sakanya dahil pinaglaruan niya raw
di umano ang magkapatid: habang kasal sila ni Xu Jiamu ay nakikipagdate na
rin siya kay Lu Jinnian. Sabi sakanya ng mga netizens, mukha lang daw siyang
inosente pero sa totoo lang, sobrang sama niyang babae. Kahit alam niyang
nabubulagan lang ang mga ito, hindi pa rin naman maalis sakanya na masaktan
lalo na sa tuwing tinatawag siyang malandi at manggagamit ng mga ito…
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES