Kanina lang, may tumawag sakanyang isang reporter tapos ngayon
napapalibutan na siya ng mga ito…
Dahil dito, dali-dali niyang binitawan ang doorknob.
Alam niya na ipapahamak niya lang ang sarili niya kung bubuksan niya ang
pintuan, lalo na ngayon na magisa lang siya sa loob ng mansyon!
Masyadong mabilis ang mga pangyayari…parang kanina lang gumising siya na
mahal na mahal siya ng mga tao at ngayon naman ay kinukuyog siya ng
napakaraming reporters dahil sa mga akusasyon na wala siyang ideya kung
saan nanggaling…Walang tigil sa pagdodoorbell ang mga ito at noong hindi na
nito natiis ang pananahimik niya, biglang inalog ng mga ito ang bakal nilang
gate na parang mga asong ulol kaya bandang huli, hindi niya na kinaya ang
takot at nagmamadali siyang tumakbo pataas para magtago.
Nagmamadali siyang dumiretso sa study room pero pagkabukas na pagkabukas
niya ng pintuan, biglang nag'ring ang kanyang phone at base sa kinostomized
niyang ringtone, alam niyang si Lu Jinnian ang tumatawag.
-
Ang taong kameeting ni Lu Jinnian ngayong araw ay walang iba kundi si Chief
Wei ng Wei Enterprise. Kilala ang kumpanya nito sa pagsusupply ng mga
mamahaling bato, perlas ang iba't-ibang klase ng mga alahas. Una silang
nagkita sa isang dinner party, twenty days na ang nakakalipas, at noong gabing
'yun, nilapitan siya ni Chief Wei para magbigay ng business card nang
mabalitaan nito na naghahanda ang Huan Ying Entertainment ng bagong drama,
na mangangailangan ng maraming mamahaling bato.
Noong una, hindi niya masyadong binigyan ng atensyon ang inaalok nito dahil
sa totoo lang, sobra-sobra na ang mga sponsors ng Huan Ying Entertainment
kaya noong pauwi na siya, hindi na siya nagabalang tignan ang business card
nito at iniwan niya lang sa loob ng sasakyan niya.
Sa totoo lang, nagbakasakali lang ng si Chief Wei noong gabing 'yun, pero hindi
siya kahit kailan hindi siya umasa dahil alam niya naman na masyadong mataas
ang Huan Ying Entertainment kaya laking gulat niya noong bigla siyang
tinawagan ni Lu Jinnian noong isang linggo para mag'tsaa.
Pero noong panahong 'yun, nasa Africa pa siya kaya napagkasunduan nilang
dalawa na iatras nalang ng isa pang linggo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikipagtransaksyon siya kay Lu
Jinnian kaya bago siya makipagkita rito ay nagtanong-tanong muna siya sa iba
pang mga nakakasama niya sa business club kung paano ang galawan nito.
Napagalaman niya na ayaw nito ng paligoy-ligoy kaya wala pa man din silang
napaguusapan ay naghanda na siya ng kontra na pwede nitong pagaralan at
pirmahan kung sakaling magkasundo na sila.
Pero mukhang ibang tao ata ang tinutukoy ng mga napagtanungan niya… hindi
niya inakala na literal na magtsatsaa lang talaga sila sa loob ng dalawang oras
habang nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay na malayo sa collaboration.
Bukod dito, niyaya pa siya nito na magdinner at magindoor golf.
Golf ang isa sa pinaka paboritong gawin ni Chief Wei at sa tagal niya ng
naglalaro sa sports na 'to, pwede na rin siyang tawaging propesyunal. Bagamat
larong kaibigan lang at siya ang nanalo sa huli, alam niya naman na di hamak
na mas magaling sakanya si Lu Jinnian at pinagbigyan lang siya nito.
Pagkatapos nilang maglaro, dumiretso sila sa lounge ng club para magpahinga.
Sobrang nakakarelax sa pwesto nila lalo na't naglalaban ang magandang sikat
ng araw at malamig na simoy ng hangin.
May lumapit na waiter para magbigay sakanila ng tigisang kape.
Walang pagmamadaling humigop si Lu Jinnian ng kape bago siya silipin ang
oras sakanyang relo. Alas dos na ng hapon at oras na para pagusapan nila ang
pinakahihintay ni Chief Wei…
"May pinaghahandaan na drama ang Huan Ying Entertainment at ang kwento ay
iikot sa paguumpisa ng isang jewelry company. Alam ko naman na may ideya ka
na rito Mr. Wei, tama ba?"
Huminto sandali si Lu Jinnian para hindi naman masyadong mabigla ang kausap
niya bago siya muling magpatuloy, "Tungkol sa partnership natin, may naisip
akong magandang proposal. Interesado ka bang pakinggan Mr. Wei?"
Masayang tumungo si Mr. Wei, "Sige Mr. Lu, nakikinig ako."
Bago magpatuloy, muling humigop si Lu Jinnian ng kape at inilapag ang
kanyang tasa sa platito, na gumawa ng matining na ingay sa napaka tahimik na
lounge. "Gusto ko sanang isunod sa pangalan ng Wei Enterprise ang magiging
pangalan ng lead company sa drama."
Hindi inaasahan ni Mr. Wei na may ganito kagandang plano si Lu Jinnian kaya
siyang nabuhayan noong narinig niya ang sinabi nito.
Wei Enterprise….Magandang pagkakataon ito para makilala ng lahat ang
pinaghirapan niyang kumpanya…
Muling nagpatuloy si Lu Jinnian, "Gusto ko rin sanang gawing Wei ang apelyido
ng bidang lalaki."
Dahil dito, lalo pang naging excited si Mr. Wei.
Kung mangyayari ang proposal ni Lu Jinnian, siguradong magiging malakas ang
impluwensya ng Wei Enterprise sa isip ng mga manunuod at magandang
pangenganyo ito para mas maintriga ang mga tao sa mga alahas na binebenta
nila.
Mukhang magandang deal ito…
Pero imposibleng wala itong kapalit…
"Mr. Lu, kung ang mga inooffer mo lang ang pagbabasehan ko, masasabi kong
wala talaga akong reklamo pero pwede ko bang malaman kung ano ang
minimum price na kakailanganin ng production? Kung kaya ng kumpanya
naming abutin, wala na tayong ibang paguusapan at ang kailangan mo lang
gawin ay pirmahan ang kontratang hinanda ko, pero kung medyo malaki,
ididiscuss ko muna ito sa board at saka tayo magusap ulit."
Hindi nagsalita si Lu Jinnian at itinaas niya lang ang kanyang hintuturo.
"Isang bilyon??!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Wei. Bilang isang
negosyante, alam niya na hindi maliit na halaga ang isang bilyon pero mas
lalong hindi biro ang magiging epekto sa kumpanya niya kapag natupad ang
proposal ni Lu Jinnian...Pero marami rin siyang kailangang timbangin dahil
bukod sa hindi pa naguumpisa ang drama, hindi kaya masyado din itong
magarbo kung para lang sa isang advertisement? "Mr. Lu, wala naman akong
duda sa kikitain ng upcoming drama pero kahit gusto kong pumayag, hanggang
fifty million lang kasi ang budget namin sa ngayon. Kung ayos lang sayo,
dagdagan nalang natin ang kontrata ng isang kasunduan na nangangako ang
Wei Enterprise na maglalabas kami ng isa pang fifty million kapag kumita kami.
Kung pagtutulungan natin 'to, sigurado naman ako na madali naming kikitain
ang fifty million…"
"Mr. Wei, nagkakamali ka. Hindi isang bilyon ang tinutukoy ko kundi sampung
bilyon," mahinahong sabat ni Lu Jinnian.
Isang bilyon nga sobrang natatakot na siya tapos ngayon naging sampung
bilyon pa?! Biglang nanlaki ang mga mata ni Mr. Wei sa sobrang pagkagulat.
"Sampung bilyon?! Bakit ganun kalaki? Teka lang Mr. Lu, hindi ko ata kaya…"
"Ako ang magbibigay sayo ng sampung bilyon," pagpapatuloy ni Lu Jinnian.
Hindi maintindihan ni Mr. Wei ang nangyayari kaya sa pagkakataong ito,
napatulala nalang siya kay Lu Jinnian habang pinoproseso ang mga narinig
niya. Sa sobrang kaba, biglang nanginig ang kamay niya na may hawak na kape
kaya hindi niya na namalayan na natapon na siya nito.
At doon lang siya nahimamasan at dali-daling ngumiti, "Mr. Lu, nagbibiro ka
ba?"
Umiling si Lu Jinnian at tumingin ng diretso sakanyang mga mata, "Seyoso ako."
At sa pangalawang pagkakataon…muli siyang napatulala kay Lu Jinnian at base
sa itsura nito, mukhang hindi talaga ito nagbibiro…. Ito ang unang beses na
nagkaroon sila ng negosasyon pero bakit parang sobra-sobra naman ang
inaalok nito sa partido niya…"Ah teka lang Mr. Lu, hindi ko maintindihan. Diba
dapat kami yung maglalabas ng pera kasi tutulungan niyo kaming
magadvertise? Hindi ba kayo malulugi dahil dito?"
Hindi kagaya ni Mr. Wei, walang bakas ng kaba sa itsura ni Lu Jinnian na
naglabas ng cheke at iniabot dito.
Napatitig si Mr. Wei sa napakaraming zero na nakasulat sa cheke at noong
binilang niya ito, totoo ngang sampung bilyon ang hawak niya…
Matagal na rin siya sa mundo ng negosyo at alam niya na may dahilan si Lu
Jinnian kaya kahit natatakot siyang magtanong ay pinili niyang linawin ang
lahat, "Mr. Lu, gusto mo bang bilhin ang Wei Enterprise?"
"Hindi." Kalmadong umiling si Lu Jinnian at bago siya magpatuloy, muli niyang
kinuha ang kanyang kape para humigop, "Pero tama ka na imposibleng walang
kapalit ang mga inaalok ko sayo."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES