Hindi niya inaasahan na sa lahat ng pwede niyang marinig ay pangalan pa
talaga ng taong pinaka kinasusuklaman niya kaya para siyang isang makina na
nagkusang bumagal sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa TV na halos
kasing laki na ng pader.
Hindi nga siya nagkamali ng dinig dahil nakita ng dalawa niyang mga mata sa
screen si Qiao Anhao na may hawak na microphone habang nagpapakilala at
hindi nagtagal, naglakad ito papunta sa gitna ng stage at kumanta.
Malamig ang boses at klaro kung kumanta si Qiao Anhao kaya napakarasap
nitong pakinggan.
Bukod sa limang hurado na napanganga, pati ang dalawang katulong na
nanunuod ay napatulala rin sa sobrang pagkamangha.
Pagkatapos nitong kumanta, halos isang minuto pang nakatulala ang mga
hurado bago ito magsipalakpakan. Kilala ang Hollywood pagdating sa mga
ginagawa nitong drama kaya natural lang na maging pihikan ang mga ito
pagdating sa mga ganitong patimpalak. Pero sa pagkakataong ito, ganadong-
ganado ang mga ito kakapuri kay Qiao Anhao na kalmado lang na nakatayo sa
gitna ng stage habang masayang nakangiti.
Pero para kay Han Ruchu, kabaliktaran ang lahat…Mula noong tumuntong si
Qiao Anhao entablado hanggang ngayon na hinuhusgahan na ito, para siyang
nasusuka sa sobrang pagkamuhi.
Paano niya nga ba makakalimutan? Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit siya
tinitiis ngayon ng sarili niyang anak na si Xu Jiamu.
Ito rin ang yumurak sa reputasyon niya sa buong Beijing Business Industry kaya
lahat ng mga kasosyo at mga kaibigan niya ay tinalikuran na siya ngayon…
Tama… Ang babaeng ito ang may kagagawan kung bakit ang isang Han Ruchu
na dating nasa langit ay nakahalik ngayon sa lupa…
Ah… Sumali si Qiao Anhao sa isang selection show? Bakit? Gusto niyang
sumikat online dahil nakakamangha ang talento niya? Ah…. Gusto niyang
maging perpekto sa mata ng lahat…
Pwes sige… Tutal ikaw na rin naman ang gumawa ng sarili mong pangalan kaya
nakaantabay sayo ang ngayon buong mundo, bakit hindi natin gamitin ang
pinanghahawakan mong pangalan, para kagaya ko, masira na rin ang
reputasyon mo… Sisiguraduhin kong tatawagin ka ng lahat na malanding babae!
Hindi napigilang mapangisi ni Han Ruchu habang iniisip niya ang madumi
niyang plano, pero alam niya na hindi niya ito kakayanin ng magisa kaya
tinawag niya ang nagiisang tao na palagi niyang kakuntsaba, "Aunt Yun."
Nasanay siya na sa tuwing tinatawag niya ito ay magmamadali ito palaging
lumalapit sa kanya, pero sa pagkakataong ito, sumigaw lang ito ng "Ai" at hindi
lumabas kaya sa inis niya ay sumigaw siya ng mas makalas, "AUNT YUN!!"
"Madam…" Nagmamadaling tumakbo palabas ang mayordoma galing sa kwarto
nito. "Madam, pasensya na nagCR lang ako."
Hindi sumagot si Han Ruchu at sumenyas lang siya na sa kwarto niya magusap
bago siya umakyat sa hagdanan.
Naiintindihan naman ng mayordoma ang ibig sabihin ng amo niya kaya
nagmamadali siyang sumunod dito.
Pagkapasok nila sa kwarto, sinigurado niyang nakasarado ng mabuti ang
pintuan. "Madam, anong kailangan mo sakin?"
Pinalapit ni Han Ruchu ang mayordoma at bumulong sa tenga nito para
siguraduhing walang ibang makakarinig ng plano nila. "Nakuha mo?"
Dali-daling tumungo ang mayordoma, "Oo, nakuha ko Madam! Wag kang
magaalala, gagawin ko na kaagad ang ipinaguutos mo.
-
Pagkatapos ng unang round, gumawa ang organizers ng Hollywood Casting
Selection ng isang poll sa Weibo na dadagdag sa points ng mga mapapalad na
nakaabot sa top eight.
Base sa mga natanggap niyang papuri, alam ni Qiao Anhao na siya ang
nangibabaw kagabi, pero hindi niya naman inasahan na gigisingin siya ng balita
na siya na ang nangunguna sa poll at mahigit sampung milyon na ang lamang
niya sa sumunod.
Hindi na sila masyadong nakapagusap ni Lu Jinnian dahil pagkatapos nitong
magumagahan ay dumiretso na ito kaagad sa trabaho.
Ngayong pasok na siya sa top eight, wala na siyang balak na umatras pa at ang
gusto niya nalang na mangyari ay mas lalo pa siyang manibabaw sa susunod
niyang performance na gaganapin na kaagad sa Lunes kaya pagkatapos na
pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya kaagad sa computer para
magresearch.
Buong maghapon siyang nakababad sa tapat ng computer at mag'aalas kwatro
na ng hapon noong nakaisip siya ng magandang ideya. Gusto niya sanang
ikwento kay Lu Jinnian ang mga plano niya kaya masaya niyang kinuha ang
kanyang phone para tawagan ito, pero sakto naman na may naunang tumawag
sakanya.
Hindi nakasave ang number na tumatawag…
Hindi siya komportable na kumausap ng hindi niya kakilala kaya medyo matagal
din siyang nagdalawang isip bago niya ito sagutin. "Hello."
"Hello, si Miss Qiao Anhao ba 'to?" nagmamadaling tanong ng babae mula sa
kanilang linya.
"Hello, si Miss Qiao Anhao ba 'to?" nagmamadaling tanong ng babae mula sa
kanilang linya.
Bukod sa hindi niya kilala ang number, hindi rin pamilyar sakanya ang boses ng
babae kaya hindi niya maintindihan kung paano nito nakuha ang contact details
niya kaya medyo nagaalangan siyang sumagot, "Uh huh, ako nga. Pwede ko
bang malaman kung sino 'to…"
Pero habang nasa kalagitnaan siya ng sinasabi niya ay muli nanaman itong
nagsalita, "Miss Qiao, reporter ako galing sa HF. Tumawag lang sayo ngayon
para interviewhin ka ng sandali…."
Halatang beterano ang reporter at alam nitong pwede siyang tumanggi kaya
hindi niya pa man din napoproseso ang mga sinabi nito ay nagtanong na nito,
"Totoo ba na dati mong asawa ang CEO ng Xu Enterprise na si Xu Jiamu?"
Sa pagkakataong ito, biglang natigilan si Qiao Anhao dahil hindi niya alam
kung tama ba ang narinig niya.
Imposible… Iilan lang ang nakakaalam na ikinasal sila ng pangalan ni Xu
Jiamu noon kaya paano naman ito malalaman ng reporter?
Hindi niya man maintindihan kung anong nangyayari pero malinaw sakanya
na hindi siya pwedeng magbitaw ng kahit anong salita dahil pwede itong
gamitin laban sakanya kaya nanatili siyang kaya hinayaan niya lang ang
reporter na magpatuloy, "Miss Qiao Anhao, bakit ba kayo nagdivorce ni Mr.
Xu Jiamu? Totoo bang dahil ito kay Lu Jinnian? Anong masasabi mo sa
kumakalat na balita na kayo na raw ni Lu Jinnian habang magasawa pa kayo
ni Xu Jiamu? Totoo ba ang tsismis na tinuhog mo ang magkapatid? Miss Qiao
Anhao, bakit hindi ka nagsasalita? Ang ibig bang sabihin ng katahimikan mo
ay sumasangayon ka?"
Habang patagal ng patagal, lalong kumukulit at nangiipit ang reporter.
Ito ang unang pagkakataon na ginipit siya ng sobra ng kausap niya pero hindi
siya pwedeng magpahalatang natatakot dahil pwede siyang akusahan nitong
"guilty" kaya pinilit niyang kumalma at nagmamadaling sumagot sa reporter,
"Pasensya ka na, hindi kasi ako nagpapainterview."
At pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, nagmamadali niyang pinutol
ang linya para hindi na ito makapagtanong pa ulit.
Dahil sa tumambad na balita, nakalimutan na niya na tatawagan niya si Lu
Jinnian at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa computer para silipin ang
kanyang Weibo at kagaya nga inaasahan niya, nasa headlines nanaman siya.
Pinindot niya ang link at nakita niya ang picture nila ni Lu Jinnian, na
nagpapanggap pa noon na Xu Jiamu, sa isang maliit na kasalan. May picture
rin na nakayakap siya sa braso nito, at ang iba ay puro sa reception na.
At sa bandang ibaba, may mga lumabas din na ilang picture nila ni Lu Jinnian
noong minsan silang nagdinner ng magkasama. Ito yung picture na
sinusubuan niya ito ng hipon habang abala itong nakikipagusap sa phone.
Tandang tanda niya…ilang araw palang simula noong nagising si Xu Jiamu
galing sa pagiging comatose nang makunan ang mga picture na ito ng isang
taong hindi malinaw sakanya kung sino. Noong mga panahon na 'yun,
napagusapan na nila ng best friend niya ang tungkol sa divorce pero bago pa
man din yun mangyari, biglang lumabas ang mga ito kaya galit na galit na
sumugod si Han Ruchu sa bahay nila.
Ang pinaka huling picture ay isang relationship chart kung saan ipinapakitang
magkapatid sa ama sina Lu Jinnian at Xu Jiamu… Nakalagay din dito na ang
una niyang asawa ay si Xu Jiamu at ngayon naman ay si Lu Jinnian.
Kapansin pansin na mayroong note sa ilalim na nagsasabing sila na ni Lu
Jinnian habang magasawa pa sila ni Xu Jiamu.
Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari at sinusubukan niya palang
iproseso sa isip niya ang mga narinig at nakita niya nang bigla namang
tumunog ang doorbell sa baba.
Nagmamadali niyang binitawan ang mouse at tumakbo pababa. Sa tuwing
may nagdodoorbell at siya ang ngbubukas ng pintuan, nakasanayan niya ng
sumilip muna sa surveillance camera at laking gulat niya na punong puno na
ang bakuran nila ng mga reporters. Hindi niya alam kung kailan dumating ang
mga ito pero may dala itong mga kanya-kanyang camera at microphone.
Walang tigil ang pagilaw ng mga flash sa kakapicture ng mga ito sa bahay
nila at mayroon pang iba na naka'live at sabihing nasa tapat na sila ngayon
ng bahay ni Lu Jinnian.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES