Pero higit sa lahat, hindi nalang ang mga Qiao ang nirerepresinta niya ngayon
dahil siya na Mrs. Lu at hinding hindi niya hahayaang mapahiya si Lu Jinnian ng
dahil sakanya.
Kagaya ng mga tipikal na variety show competitions ng China, mayroon ding
tatlong stages ang Hollywood casting: Ang selection process, top eight at ang
finals.
Sa dami ng mga tsino, maraming mga talentadong nagbabakasakaling
makaswerte kaya napaka liit lang ng tsansa ng bawat kalahok. Limitado lang
ang oras ng bawat magpeperform at sa kapiranggot na pagkakataong ito,
kailangang itodo kaagad ng kung sinuman ang nakasalang sa entablado para
magpasikat sa mga hurado.
Walang kahit anong rehearsal at impromptu lang ang lahat. Nakapila ang mga
kalahok depende sa apelyido at kung sa normal lang na patimpalak ang
paguusapan, dahil sa "Q" naguumpisa ang apelyido ni Qiao Anhao, pwedeng isa
siya sa pinaka una o isa sa pinaka huli pero ayon sa listahang inilabas ng
council, siya ang pangforty nine mula sa daan-daang mga nagbakasakali.
Kilala niya ang iba pang mga babaeng artista na napili at alam niya na sapat
ang mga talento ng mga ito para magpaimpress sa mga hurado. Habang
tumatagal, painit ng painit ang laban kaya noong umakyat na ang pang'labing
tatlo, medyo kinabahan na siya.
Pagakyat ng number thirty eight, nagumpisa na siyang maghanda pero hindi
kagaya ng mga normal na tao, habang papalapit ng papalapit ang bumber niya
ay nawawala ang kaba niya.
Para lalong ikundisyon ang sarili, tumapat siya sa salamin para kausapin ang
sarili niya habang nagiinhale exale pero habang nasa kalagitnaan, bigla siyang
natigilan nang marinig niya ang pangalang tinawag ng host para sa number
forty. Paglingon niya, nakita niya si Lin Shiyi na nakaayos na saktong kakaakyat
lang ng stage.
May TV sa backstage kaya napapanuod niya pa rin ang live broadcast ng
nangyayari sa labas. Pumili si Lin Shiyi ng isang mataas na English song at
kahit na mas sanay ang mga tao na nakikita itong umarte, hindi naman lingid sa
kaalaman ng lahat na magaling talaga itong kumanta kaya noong bumirit ito,
hindi na napigilan ng mga hurado na magsipalakpakan.
Kaya bandang huli, apat sa limang mga hurado ang bumoto rito na makaabot sa
next round: ang top eight.
Dahil tapos na ang performance at positibo rin ang natanggap nitong resulta, di
hamak na mas kalmado na si Lin Shiyi noong bumaba ito sa entablado kumpara
noong umakyat ito kaya pagkabalik nito sa backstage, tignan nito si Qiao Anhao
ng puno ng pagmamalaki.
Walang balak si Qiao Anhao na makipagaway kay Lin Shiyi kaya imbes na
patulan ito o dibdibin ang ginawa nito, nagpanggap nalang siya na walang nakita
at nagpatuloy sa pagkakabisado ng lyrics na kakantahin niya kapag siya na ang
magpeperform.
Naalala niya ang mga sinabi sakanya ni Lu Jinnian na sa tuwing hahamunin siya
ni Lin Shiyi, dapat lalo siyang magpatay malisya dahil kagaya nga ng sinabi ni
Edison Chen, "Ang hindi pagpansin sa kalaban ay ang pinaka malupit na ganti."
Pagkatapos magperform ng number forty seven, hindi niya inaasahang
makakatanggap siya ng text galing kay Lu Jinnian. Isa lang itong simpleng
"Good Luck!" pero siguro dahil galing ito sa taong pinaka mamahal niya, parang
meron itong kapangyarihan na humawi ng lahat ng nararamdamdan niyang kaba
at nagpataas ng kanyang kumyansa.
Noong nagsalita ang host ng "At ngayon naman, tawagin na natin ang number
forty nine na si Qiao Anhao sa stage", kalmado niyang ibinigay ang kanyang
phone kay Zhao Meng at umakyat sa entablado.
Kakanta rin siya pero hindi kagaya ng mga nauna, hindi niya ito sasamahan ng
sayaw, pagpa'piano, pag'gigitara, o pag'birit dahil tatayo lang siya sa gitna ng
stage at kalmadong kakantahin ang pinili niyang awitin na may pamagat na "Ano
naman ngayon."
Noong nakaraang taon niya lang unang narinig ang kantang ito habang nasa
loob siya ng sasakyan.
Noong mga oras na yun, halos mabaliw na siya kakahanap kay Lu Jinnian at
sakto narinig niya ang kantang ito na para bang sumasalamin sa mga sinasabi
ng puso niya. Mula noon, paulit-ulit niya na itong pinakinggan hanggang sa
makabisado niya na ito.
"Gusto ko nalang magtago sa sobrang lungkot,
"Hindi naman sa pinagdadamutan ko ang sarili ko sa iba,
"Pero masyado na kasi akong nasasaktan,
"Hindi ako natatakot magmahal pero natatakot ako na baka pag nahulog ako ay
sumalo sa akin.
Habang kumakanta siya, parang nagslow motion sa isip niya ang mga alaala
nila ni Lu Jinnian. Para sakanya, kumakanta siya sa harap ng marami ngayon
hindi lang para sa Hollywood casting kundi para ikwento sa buong mundo ang
lahat ng magaganda nilang pinagdaanan.
Tandang tanda niya pa kung gaano niya ka'crush si Lu Jinnian noon, pero hindi
niya alam kung paano aamin. Marami rin siyang ginawa para lang magkalapit
sila at sa tuwing mabibigyan sila ng pagkakataon, palagi rin naman silang
sinusubukan ng tadhana at nagkakalayo pero buti nalang, masyadong malakas
ang pagmamahalan nila sa isa't-isa na para bang nagkukusa ang mga puso nila
na magtagpo.
"Wala na akong ibang ginawa kundi maglasing sa tuwing supasapit ang gabi,
"Sa isang kusina na walang ikaw at ako,
"Kahit ang paborito kong kanta ay hindi na ako kayang patulugin,
"Pero tuloy pa rin naman ang buhay…"
Ngayon na magasawa na sila at hindi na siya nasasaktan kagaya ng dati,
pakiramdam niya ay napakaswerte niya habang kinakanta ang napakalungkot na
awiting ito.
Maswerte siya dahil pinagbigyan siya ng langit… na mahanap ulit si Lu Jinnian
at sa pagkakataong ito, mahawakan na ang kamay nito hanggang sa huli niyang
hininga.
Sa sobrang saya niya, kahit sinong makarinig ng kanta niya ay mararamdaman
kung gaano karami ang emosyon na ibinubuhos niya sa bawat salitang
lumalabas sakanyang bibig.
Para itong malungkot, pero hindi talaga malungkot.
Pagkatapos niyang kumanta, biglang nabalot ng katahimikan ang buong
kapaligiran at halos kalahating minuto rin siyang nakatayo sa gitna bago siya
may narinig na isang pumalakpak galing sa mga nanunuod na siya ring
sinundan na ng lahat. Doon lang nahimasmasan ang mga hurado at para itong
mga robot na biglang nagsipalakpakan. Nang muli ng tumahimik ang
kapaligiran, pinuri siya ng limang hurado at ang lahat ng mga ito ay walang
pagdadalawang isip na bumoto sakanya sa next round.
-
Nitong mga nakaraan araw, sobrang daming bumabagabag sa isip ni Han
Ruchu. Simula noong nilantad ni Qiao Anhao sa charity ang recording ng
paguusap nila ni Lu Jinnian, tuluyan ng itinakwil ng lipunan ang Xu Family. Hindi
na siya pinapansin ni Xu Wanli at mas madalas na itong hindi umuuwi ng bahay.
Kung uuwi man ito, malalim na ang gabi kaya natutulog na rin siya at imbes na
sa master's bedroom ay sa guest room ito nagpapalipas ng gabi.
Simula noong magtatlong taong gulang si Xu Jiamu, nagbago na ang buhay niya
dahil nalaman niya na may anak sa labas ang pinaka mamahal niyang asawa.
Walang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya pero masyado
pang bata si Xu Jiamu para sumuko siya kaya simula noon, ipinangako niya sa
sarili niya wala na siyang ibang pagbubuhusan ng pagmamahal kundi ang
nagiisa niyang anak. Matagal na rin silang nagpapanggap na maayos ni Xu
Wanli sa tuwing nasa harap sila ng maraming tao, pero kapag silang dalawa
nalang ang naiwan sa kwarto, parang hindi sila magkakilala na hindi
nagpapansinan kaya mahigit sampung taon na din noong huli niyang
naramdaman ang pakiramdam na may asawa.
Kaya ngayon na wala na talaga itong pakielam sakanya….wala na rin siyang
pakielam at ang iniisip niya nalang ngayon ay kung paano babalik ang kanyang
Xu Jiamu…
Isang linggo na ang nakakalipas simula noong inabandona siya nito sa labas ng
Beijing Club. Araw-araw niya itong sinusubukang ikontak pero ni minsan ay hindi
ito sumagot sakanya, at sa tuwing susubukan niya namang puntahan ito sa
kumpanya, panay dahilan lang ang mga sinasabi ng assistant nito.
Kaninang alas sais ng hapon, sinubukan niya ulit tawagan si Xu Jiamu pero
kahit anong pagtiyatiyaga ang gawin niya ay ayaw talaga nitong sumagot.
Naihanda na ng mayordoma ang gabihan pero dahil bigo nanaman siya, bigla
siyang nawalan ng gana at naiinis nalang na umakyat sa taas.
Apat na oras siyang nagkulong sa loob ng kwarto niya sa sobrang sama ng loob
bago siya lumabas para kumuha ng tubig. Pagkababa niya, nakita niya na
nanunuod ng TV ang dalawa sa mga katulong ng mga Xu.
Hindi siya interesado sa mga variety shows kaya wala siyang balak na
makinuod. Hinintay niya lang ang tubig at babalik na sana siya ulit sa kwarto
niya pero noong saktong paakyat na siya, bigla niyang narinig ang pangalan ni
Qiao Ahao sa TV.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES