Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Cheng Yang na nagkaganoon si Qiao
Anxia kaya bigla siyang natigilan bago siya magtanong sa sobrang pagaalala,
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Hindi… Ayos lang ako." Nakangiting sagot ni Qiao Anxia habang umiiling.
Nakakakutob na si Cheng Yang na may mali pero pinili niyang magpatay
malisya kaya sumagot lang siya ng isang simpleng "oh" at hinawakan niya ang
kamay nito, "Tara, kain na tayo."
Sinilip ni Qiao Anxia ang mga pagkain na hinain ng kanyang boyfriend at
kagaya ng nangyari noong sumilip siya sa steamboat, muli nanaman siyang
nawalan ng gana kaya bigla siyang kumalag sa pagkakahawak nito at sinabi,
"Hindi nga ako gutom. Gusto ko na talagang matulog. Kung gutom ka, ikaw
nalang kumain."
Hindi makapaniwala si Cheng Yang sa mga ikinikilos ni Qiao Anxia kaya gulat
na gulat siyang napatingin dito. Gustong gusto niyang itanong kung anong
nangyari pero mukhang hindi naman ito handang magkwento kaya bandang
huli, hinayaan niya nalang ito at tumungo, "Ah ganun ba. Sige, bubuksan ko
nalang ang shower para sayo."
"Wag na. Ako nalang." Mahinahong sagot ni Qiao Anxia.
Habang sinusubukan ni Cheng Yang na makipagusap, lalo niya lang
nararamdaman na may mali kaya ngumiti nalang siya at tumungo, "Ah sige…
mas mabuti nga kung magpahinga ka nalang muna. Iinitin ko nalang yung
pagkain kapag nagutom ka."
"Uh huh" walang pagtutol na sagot ni Qiao Anxia.
Kagaya ng nakasanayan, yumuko si Cheng Yang para halikan ang pagitan ng
mga kilay ni Qiao Anxia pero noong sandaling iangat niya ng bahagya ang
kanyang mga labi sa balat nito, bigla nitong hinawi ang kamay niya na
nakahawak sa braso nito at umalis.
Ano bang dapat niyang maramdaman? Kanina pa siya naghihintay na lumapag
ang eroplano ni Qiao Anxia at sa kagustuhan niyang sabay silang kumain, tiniis
niya ang gutom pero sa mga ikinilos nito, paano pa ba siya magkakaroon ng
gana? Hindi niya rin alam kung anong nangyayari pero isa lang ang malinaw
sakanya: hindi sila okay. Nasasaktan lang siya sa tuwing iniiwasan siya nito
kaya hindi muna siya sumunod sa kwarto at halos kalahating minuto pa ang
lumipas bago siya tumayo sa kinauupuan niya. Binalot niya sa aluminum foil
ang mga binili niyang pagkain at itinago ang mga ito sa thermal box bago siya
pumasok sa kwarto.
Pagkabukas niya ng pintuan, nakita niya na nagmamadaling itinago ni Qiao
Anxia ang phone nito sa ilalim ng kumot at pumikit.
Hindi niya inaasahan ang maabutan niya kaya ilang sandali rin siyang natigilan
sa pintuan para pagmasdan ito. Sa pagkakataong ito, gustong gusto niya ng
komprontahin si Qiao Anxia pero kabisado niya ang girlfriend niya at alam niya
na kahit anong pilit niya ay hindi ito magsasabi ng totoo sakanya kaya bandang
huli, pinili niyang magpatay malisya nalang at dahan-dahang maglakad
papunta sa gilid ng kama. Hindi para matulog kundi para magpanggap na wala
siyang nakita at kagaya ng normal niyang ginagawa, kimumutan niya ito bago
siya dumiretso sa CR.
Pagkalabas niya ng shower, pinatay niya ang mga ilaw at dahan-dahang
humiga sa tabi Qiao Anxia. Para mapanindigan ang pagpapanggap, pumikit
siya kahit hindi pa siya inaantok.
Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakapikit noong
naramdaman niya na dahan-dahang dinudukot ng katabi niya ang phone nito
galing sa ilalim ng kumot at kahit na nakapikit siya, naaninag niya pa rin na
umilaw ang screen nito.
Matagal din bago nawala ang liwanag at sa kalaliman ng gabi, napalitan ang
katahimikan ng mahinang hikbi mula sa babaeng nakahiga sa tabi niya…
Gustong gusto niyang sumilip at itanong kung anong nangyari pero hindi niya
rin maintindihan kung bakit idinidikta ng isip niya na wag dumilat at magpatuloy
sa pagpapanggap na tulog…
Matagal bago tumigil ang hikbi at wala siyang ideya sa kung anong ginawa nito
sa pagitan pero ang sunod niya nalang na narinig ay lumalim na ang paghinga
ni Qiao Anxia, na nagpapahiwatig na nakatulog na ito ng mahimbing. Ilang
sandali niya pa itong pinakiramdaman bago niya idilat ang kanyang mga mata
para silipin ito. Sa tulong ng liwanag na nanggaling sakanilang dim light, kitang
kita niya ang namumugto nitong mga mata sa kakaiyak.
Napalunok siya at napatingin sa phone nito. Hanggat maari, ayaw niya sanang
panganuhan si Qiao Anxia pero bilang boyfriend, hindi naman maalis sakanya
na magalala kaya matapos ang matagal na pagdadalawang isip, dahan-dahan
niya itong kinuha sa pagbabakasakali na makakita kasagutan. Inenter niya ang
passcode at hindi niya inaasahan na tatambad sakanya ang profile ni Lu
Jinnian sa Weibo.
Nakazoom ang latest post nito na: [Excuse me, Mrs. Lu, masarap ba ang
marriage certificate natin? @Qiao Anhao]
Kahit saang anggulo tignan, hindi maikakaila na kahit maikli lang ang post na
ito ay sobrang sweet at dagdag pa ang personalidad ni Lu Jinnian na kilala
bilang suplado kaya kahit sinong makabasa ay ramdam na kakaiba ang saya
nito.
Pero siguro bilang ate ni Qiao Anhao, buong magdamag na umiyak si Qiao
Anxia sa sobrang saya…
Kahit anong sabihin ni Cheng Yang sa sarili niya para makumbinsi siya na wala
dapat siyang alalahanin ay hindi pa rin siya mapanatag. Alam niya ang
limitasyon niya bilang kasintahan kaya palagi niyang binibigyan ng personal
space si Qiao Anxia pero sa pagkakataong ito, hindi niya rin alam kung anong
pumasok sa isip niya at gustong gusto niyang buksan ang Contacts nito. Hindi
naman normal na humanap ng ebidensya sa Contacts pero para bang may
kumukontrol sa daliri niya na magscroll lang ng magscroll hanggang sa makita
niya ang pangalang "Mahal ko." Kampante siya sa kung anong makikita niya
kaya tinap niya ito pero laking gulat niya na hindi sa kanya ang number na
nakaregister kundi sa isang number na sobrang pamilyar sakanya…
Sigurado siya na number ito ni Lu Jinnian…
Tama nga ang intuwisyon niya at ang eleven digits na ito ang kasagutan sa
lahat ng mga katanungan niya…
Ibig sabihin… ang babaeng pinagsisigawan niyang girlfriend sa loob ng
kalahating taon… ang girlfriend na gustong gusto niyang yayain ng kasal sa
darating na February Fourteen… ang girlfriend na walong buwan niya ng
dinedate…ay may iba palang mahal…
-
Pagkatapos magannounce nina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa publiko, buong
linggo silang namayagpag sa headlines. Lahat ng tao ay tutok na tutok
sakanila at kahit saan sila magpunta ay sinusundan sila ng mga ito para kunan
sila ng mga sikretong picture habang naglalakad o kumakain sa labas.
Dahil sa mga pinagsama-samang mga candid photos, may panibagong topic
nanaman na nanguna sa Weibo: [Ganito pala magmahal ang isang Lu Jinnian!]
Simple lang ang rason ng mga admin – sa lahat ng photo, bihirang makikitang
nakangiti si Lu Jinnian pero madalas siyang gumagawa ng mga bagay na
nakakakilig na walang kaide-ideya si Qiao Anhao.
Halimbawa, yung video habang namimili si Qiao Anhao ng mga twalya
samantalang si Lu Jinnian naman ay nakatayo lang sa malayo habang
nagphophone, na para bang wala itong pakielam sa asawa. Pero kung
titignang mabuti ang video, kapansin-pansin na sa loob ng forty seconds ay
labindalawang beses nitong sinilip si Qiao Anhao at base sa mga netizens, ang
pinaka maikling tingin nito ay isang segundo, at ang pinaka mahaba naman ay
umabot sa limang segundo.
Isa pang halimbawa… Isang picture naman na kinuha rin ng isang fan nina
Qiao Anhao at Lu Jinnian sa loob ng elevator. Makikita na punong-puno ang
elevator at mukhang may kinukwento si Qiao Anhao pero hindi manlang
tumitingin si Lu Jinnian. Ayon sa nasaksihan ng nasabing fan, hindi raw
nagsalita si Lu Jinnian kahit isang beses pero sa buong oras na nasa loob sila
ng elevator ay nakayakap lang ito sa ulo ng asawa sa takot na baka mauntog
ito kapag nagkasiksikan.
Sa ilalim ng topic na: [Ganito pala magmahal ang isang Lu Jinnian!], may isang
partikular na comment na umabot na sa three hundred likes: [Hindi naman
talaga siya suplado, sadyang may iisang tao lang siyang gustong lambingin.]
-
Habang tumatagal, unti-unti ring lumamig ang balita tungkol kina Lu Jinnian at
Qiao Anhao lalo na noong napalitan ito ng isang poll.
Ngayong taon, naghahanap ang Hollywood ng isang babaeng artista na galing
sa China at ang character ay pipiliin sa pamamagitang ng poll method.
May mga bagay na nasabi si Qiao Anhao noon para lang may mapagusapan na
wala naman talaga siyang ibig sabihin… Pero lahat ng ito ay naalala ni Lu
Jinnian lalo na ang pangarap niya na maging reyna ng silver screen.
Hindi basta-bastang nakukuha ang trono ng reyna ng silver screen dahil hindi
sapat na determinado lang ang isang artista dahil kailangan niya rin ng
patunay na may mga nagawa siyang magagandang projects kaya imposibleng
magawa ito ng isang baguhan.
At ang poll ng Hollywood ang pinaka magandang break na hinihintay ng bawat
artistang babae para bumulusok pataas ang kanilang mga career.
Dahil marami na ring nagawang projects si Qiao Anhao, hindi na rin siya
malayo sa pagiging reyna ng silver screen pero kung makukuha niya ang role
na binibigay ng Hollywood, napakalaking tulong nito para maabot niya kaagad
ang kanyang pangarap.
Kaya naman, bilang isang supportive na asawa ay si Lu Jinnian na mismo ang
nagsign up para sakanya.
Wala siyang kaalam alam tungkol dito kung hindi niya pa natanggap ang sulat
na ipinadala ng Hollywood sa Mian Xiu Garden na nagsasabing isa siya sa
mga maswerteng napili.
Sa totoo lang, wala naman talaga siyang plano na maging reyna ng silver
screen noong pumasok siya sa entertainment industry. Sinabi niya lang ito kay
Lu Jinnian para pagtakpan ang totoo niyang dahilan na gusto niya lang maging
best screen couple kasamsa nito. Ngayong magasawa na sila, higit pa siya sa
kuntento dahil natupad na ang matagal niya ng pinapangarap.
Ilang araw niya na ring iniisip na tumigil na sa pagaartista, pero huli na ang
lahat dahil nasign up na siya ni Lu Jinnian at isa na siya sa mga napili. Pwede
niya namang sabihin sa asawa niya na ayaw niya pero kung ganun ang
mangyayari, hindi ba parang binabalwela niya naman masyado ang pangarap
nito para sakanya? Isa pa, simula noong nasuspend ang production ng 'Love at
First Sight', kadalasan ay nasa bahay nalang siya kaya wala ring mawawala
kung ibibigay niya ang lahat ng kaya niya para sa Hollywood casting poll na
ito.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES