Sa sobrang abala ni Cheng Yang, hindi niya kaagad napansin si Qiao Anxia
kaya kung hindi pa ito kumatok ay hindi niya pa siya mahihimasmasan. Dali-
dali niyang inilapag ang kanyang phone at lumabas para tulungan itong ipasok
ang maleta sa likod ng sasakyan niya, "Pumasok ka na sa loob. Masyadong
manipis ang damit mo kaya baka ginawin ka."
Pero bago sumunod sa sinabi ng boyfriend, tumingkayad muna si Qiao Anxia
para halikan ito sa pisngi.
Pagkatapos isalansan ni Cheng Yang ang mga maleta ni Qiao Anxia sa likod
ng kanyang sasakyan, nagmamadali siyang bumalik sa driver's seat. Pero
noong iistart niya na ang makina, napansin niya na hindi pa nagsi'seatbelt si
Qiao Anxia kaya yumuko siya para kabitan ito. Bigla nitong niyakap ang leeg
niya at malambing na nagtanong, "Namiss mo ba ako?"
Inaasahan niya naman na gagawin ito sakanya ni Qiao Anxia kaya tinignan
niya ito ng malagkit at dahan-dahan siyang yumuko para halikan ang mga labi
nito, "Oo naman."
"Gaano mo ako namiss?" Nakangusong tanong ni Qiao Anxia.
Muling hinalikan ni Cheng Yang ang mga labi ni Qiao Anxia bago siya lumapit
sa tenga nito at mapangakit na bumulong, "Malalaman mo pag uwi natin."
"Nakakainis ka!" Natatawang sagot ni Qiao Anxia habang tinutulak niya si
Cheng Yang papalayo.
Natawa nalang din si Cheng Yang habang iniistart niya ang sasakyan. "Saan
mo gustong kumain?"
"Hmm, steamboat?"
"Sige," Sagot ni Cheng Yang. "Yung malapit ba dun sa makitid na daan?"
Hinintay lang ni Cheng Yang na tumungo si Qiao Anxia bago niya dahan-
dahang apakan ang accelerator.
Pagkapasok nila sa highway, may biglang pumasok sa isip ni Cheng Yang kaya
sumilip siya kay Qiao Anxia. "Xiaxia, kailan tayo kukuha ng marriage
certificate?"
"Diba napagusapan na natin na kukuha tayo sa May? Nagmamadali ka na ba?"
Nakangiting sagot ni Qiao Anxia.
"Oo nagmamadali na ako." Walang pakitang taong sagot ni Cheng Yang.
"Naunahan ka pa ni Qiao Qiao, diba mas matanda ka sakanya?"
"Qiao Qiao? Nagbibiro ka ba?" Hindi makapapaniwalang tanong ni Qiao Anxia.
"Bakit hindi ko alam ang tungkol jan?"
"Hindi ka naniniwala sa akin?" natatawang sagot ni Cheng Yang. "Sige, check
mo yung Weibo account ni Brother Lu."
Si Lu Jinnian ang tumulong kay Cheng Yang na sumikat kaya kahit nakagawa
na siya ng sarili niyang pangalan, "Brother Lu" pa rin ang tawag niya rito bilang
pagrespeto.
"Nagbibiro ka lang." Hindi talaga makumbinsi ni Cheng Yang si Qiao Anxia
kaya para makumpirma niya ang sinabi nito, dali-dali niyang kinuha ang
kanyang phone. "Pag nalaman ko na niloloko mo ako, lagot ka talaga sa
akin…."
Pero bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay nagload na rin ang profile ni
Lu Jinnian sa Weibo… Nang makita niya ang latest post nito, biglang nagbara
sa lalamunan niya ang mga kasunod niyang sasabihin.
Gulat na gulat siya sa tumambad sakanyang heart emoji nitong status. Hindi
siya makapaniwala sa nakikita niya kaya dahan-dahan niyang zinoom ang post
ni Lu Jinnian na naglalaman ng marriage certificate at picture noong ikinasal
ito at ang pinsan niyang si Qiao Anhao.
Pwera biro, bagay na bagay talaga ang dalawa…. Sa picture, halata sa ngiti ni
Qiao Anhao na sobrang saya nito, samantalang si Lu Jinnian naman na hindi
talaga pala-ngiti ay halata ring panatag at kuntento.
Hindi nga nagsisinungaling si Cheng Yang… Totoong kasal na si Qiao Anhao…
at kay Lu Jinnian pa…
Base sa marriage certificate nito, mahigit labindalawang araw na ang
nakakalipas.
Ibig sabihin, alam na ni Qiao Anhao na pumunta sakanya si Lu Jinnian para
hanapin ito pero naging madamot siya at hindi niya sinabi na nacomatose
ito…Alam na rin kaya ni Qiao Qiao na siya ang dapat na magpapakasal kay Xu
Jiamu, pero dahil ayaw niyang magpa'sakal sa fixed marriage ay pinain niya
ang sarili niyang pinsan?
Noong isang araw lang, tandang-tanda niya na tumawag sakanya ang nanay
niya para ikwento na pinatay ni Han Ruchu ang anak ni Qiao Anhao…
Hindi siya nagsalita habang nagkwekwento ang nanay niya ng sama ng loob
nito kay Han Ruchu pero noong gabing 'yun, binagabag siya ng konsensya
niya at hindi siya nakatulog.
Wala siyang ideya dati na mahal din pala ng pinsan niya si Lu
Jinnian…Nalaman niya lang ito noong Pasko, dalawang buwan mula noong
bigla nalang mawala si Lu Jinnian.
Noong gabing yun, naginuman sila ni Qiao Anhao at nang malasing na ito,
walang tigil ito sa kasisigaw ng pangalan ni Lu Jinnian. Noong bisperas naman
ng bagong taon, bigla itong nawala at noong hinanap niya ay nakita niyang
nakasalampak ito sa labas ng mansyon ng mga Qiao habang umiiyak at
binubulong ang parehong pangalan.
Wala siyang kaalam-alam na nagmamahalan pala ang dalawa…
At hindi lang si Lu Jinnian ang may nararamdaman para sa pinsan niya na
itinuring niya ng kapatid…
Kung sinabi niya ba kay Lu Jinnian noong lumapit ito sakanya na nacomatose
si Qiao Anhao ay magakakahiwalay pa rin ba ang dalawa?
Ilang oras palang noong nagpost si Lu Jinnian sa Weibo pero umabot na
kaagad ang balita sa headlines kaya ang buong internet ay nakatutok nalang
dito at kay Qiao Anhao.
Nakita niya na ang ebidensyang sinasabi sakanya ni Cheng Yang pero gusto
niya pa rin na kay Qiao Anhao mismo manggaling kaya dali-dali siyang nagexit
sa Weibo para buksan ang kanyang WeChat.
Pero mukhang nasagot na ang tanong niya dahil pagkabukas na pagkabukas
niya palang ng WeChat ay nangunguna na sa feed niya ang pinakabagong post
ni Qiao Anhao na [Pagkatapos naming maglunch sa ACR, pinagshopping muna
ako ng asawa kong si Lu Jinnian para magpababa ng kinain tapos…]
Sa ilalim ng status ay may dalawang picture na nakaattach: ang una ay picture
ng likod ng sasakyan nito na punong puno ng designer bags at ang pangalawa
naman ay ay ang loob ng sasakyan nito na naguumapaw din ng iba't-ibang
bagong gamit.
Base sa nakikita niya, mukha talagang magkasundo ang dalawa at ngayon niya
lang nakita na ganito kasaya si Qiao Anhao…
Gusto niyang maging masaya para sa nagiisang taong itinuring niyang kapatid
pero hindi niya maintindihan kung bakit may kumikirot sa puso niya habang
tinitignan niya ang mga salitang "Asawa kong si Lu Jinnian". Kuntento na siya
kay Cheng Yang pero ngayon na alam niyang asawa na ng pinsan niya ang
taong matagal niyang pinangarap, hindi niya maalis sa sarili niya na kahit
papaano magselos…
"Huy! Nanaginip ka ba jan? Kanina pa kita tinatawag!" Bigla siyang
nahimasmasan nang maramdaman niya na tinapik siya ni Cheng Yang sa ulo.
Dali-dali niyang nilock ang kanyang phone at umiling. Hindi nagtagal, huminto
ang sasakyan sa tapat ng pinagkasunduan nilang restaurant. "Nandito na tayo,
mauna ka na saloob para makakuha ka na ng lamesa habang nagpapark ako."
Sinilip ni Qiao Anxia ang steamboat pero siguro dahil na rin sa nabalitaan niya,
bigla siyang nawalan ng gana. "Medyo pagod na ako. Ayoko munang kumain.
Uwi nalang tayo para makapagpahinga."
Hindi inaasahan ni Cheng Yang ang magiging sagot ni Qiao Anxia kaya bigla
siyang natigilan bago siya tumungo. "Sige, ihahatid nalang muna kita sa bahay
tapos saka nalang ako bibili."
Hindi na nakipagtalo si Qiao Anxia at tumungo nalang. Habang nasa byahe,
nakatulala lang siya sa labas.
Pagkarating nila sa bahay, kagaya ng pinangako ni Cheng Yang, hinatid lang
siya nito at umalis ito kaagad na wallet lang ang dala para bumili ng makakain
nila.
Sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya imbes na magbihis ay dumiretso siya
sa sofa at napatulala lang sa kisame. Hindi pa rin siya sigurado kung realidad
ba o panagip lang ang mga nakita niya kanina kaya muli niyang kinuha ang
kanyang phone para silipin ulit ang profile ni Lu Jinnian sa Weibo…Pero
kagaya ng naramdaman niya kanina, muli nanamang gumuho ang kanyang
mundo dahil tumambad nanaman sakanya ang picture ng marriage certificate
na pinost nito…
Nakatitig lang siya dito na walang klarong ideya kung ano ba talagang
nararamdaman niya kaya hindi niya na namalayan na nakabalik na si Cheng
Yang na may dalang mga pagkain nila.
Tapos na rin itong maghain sa lamesa. "Xia Xia, tara kumain na tayo."
Pero parang wala siyang narinig at nakatulala pa rin siya sakanyang phone.
"Xia Xia?"
Ramdam ni Cheng Yang na may kakaiba sa girlfriend niya kaya bigla siyang
napakunot ng noo. Dali-dali niyang ibinaba ang mga platong hawak niya para
lapitan si Qiao Anxia. Nang mapansin niya namumutla ang mukha nito,
nagaalala niyang kinapa ang noo nito para tignan kung mainit ito.
Biglang nahimasmasan si Qiao Anxia at nagmamadali niyang nilock ang
kanyang phone… ang buong akala niya ay mabilis na siya pero ang hindi niya
alam ay nasilip na ni Cheng Yang ang tinitignan niya sakanyang screen – ang
profile ni Lu Jinnian sa Weibo.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES