App herunterladen
74.71% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 727: Ang Lu Qiao Couple (16)

Kapitel 727: Ang Lu Qiao Couple (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dali-dali niyang tinap ito at hindi niya inaasahan na puno ito ng mga comments

ng mga parehong netizens na tumawag sakanyang desperada sa lalaki na

biglang naging panig na sakanya ngayon.

Maraming fans na nagseselos, naiinggit, at naiinis sakanya…

[Oh god! Totoo palang asawa ni Qiao Anhao ang dream guy ko ]

[Ate Qiao Anhao, niligtas mo ba ang daigdig para regaluhan ka ng langit na

mapangasawa ang asawa ko?!]

[Hoy! Sino bang sinasabi niyong asawa niyo? Gumising nga kayo! Si Qiao

Anhao ang tunay na asawa ni Lu Jinnian na pwede niyang makasamang

matulog, magmasahe ng paa niya at bumili sakanya ng maraming bags…]

[Bakit ang hot hot ng asawa ko? Nilinis niya ba ang buong ACR?]

-

Parang kaninang umaga lang, tinatawag siya ng lahat na "desperada", "walang

hiya", at "walang kwenta"…. Pero ngayon bigla naman siyang naging

"tagapagligtas ng daigdig", "nanalo sa buhay", at Mrs. Lu"?

Masyadong mabilis ang naging twist ng kwento kaya pakiramdam niya na

panaginip lang ang lahat ng nangyari sakanya.

Inulan siya ng mga bagong followers sa Weibo at walang katapusan rin ang

mga nagcocomment at nagsheshare ng simpleng post ni Lu Jinnian kaya

walang tigil ang kanyang phone sa kakavibrate. Hindi nagtagal, bigla siyang

nahimasmasan at muli niyang binuksan ang profile ni Lu Jinnian.

Ilang sandali palang noong huli niya itong sinilip pero ang kaninang fifty million

ay biglang naging eighty million na ngayon. Binuksan niya ang comment section

at napansin niya ang isang natatanging comment na may pinaka maraming

likes: [Ikaw ang dream guy ko at gustong gusto talaga kitang pakasalan, pero

kung saan ka masaya, doon din ako magiging masaya.]

At ang comment na may sumunod na pinaka maraming likes naman ay: [Dream

guy, bakit isang marriage certificate lang ang pinicturan mo? Yung ibang artista

kasi laging dalawa ang pinipost.]

Noong nabasa niya ito , bigla siyang napangiti dahil naalala niya yung gabi na

para siyang nabaliw at pinagpupunit ang marriage certificate niya. Alam niya na

isa 'to sa pinaka nakakatawang ginawa niya sa harapan ni Lu Jinnian kaya

naisip niyang iiscreenshot ang mga comments para iprivate message kay Lu

Jinnian. [Oo nga….Mr. Lu, bakit isang ang pinost mong marriage certificate?]

Pagkapindot niya ng 'send', narinig niya na nagalert ang phone ni Lu Jinnian at

dahil alam niyang galing 'yun sakanya, pasimple siyang sumilip ng nakakagat

labi pa, pero laking gulat niya na wala manlang itong karea-reaksyon.

Naghintay siya ng reply nito pero kalahating minuto na ang nakakalipas ay hindi

pa rin nagaalert ang kanyang phone.

Kaya nagsend na naman siya ng isa pang message. [Mr. Lu, bakit isang

marriage certificate lang ang pinost mo?]

Pero…. hindi pa rin siya nireplyan nito kaya sa inis niya ay tinadtad niya ito ng:

[Mr. Lu, bakit isang marriage certificate lang ang pinost mo?]

Sinilip niya si Lu Jinnian pero parang hindi ito apektado kaya magagalit na sana

siya nang biglang magvibrate ang kanyang phone. May bago siyang notification

sa Weibo kaya dali-dali niya itong binuksan at tumambad sakanya na may tinag

si Lu Jinnian.

Pagkapindot niya ng notification, nakita niya na pinost nito ang sinend niyang

screenshot ng comment na: [Dream guy, bakit isang marriage certificate lang

ang pinicturan mo? Yung ibang artista kasi laging dalawa ang pinipost.] na

dinagdagan pa nito ng status na: [Excuse me, Mrs. Lu, masarap ba ang

marriage certificate natin? @Qiao Anhao]

Dahil sa shinare ni Lu Jinnian, muli nanamang dinagsa ang notification ni Qiao

Anhao ng mga panibagong comments.

[Kinain ni Mrs. Lu ang marriage certificate niya?!]

[Mrs. Lu, magreply ka naman please, ano bang lasa ng marriage certificate?]

[Bukas, bibili talaga ako ng marriage certificate na tig nine cents para

matikman ko kung masarap ba talaga]

[Woo woo woo, gusto ko ring tikman…]


Kapitel 728: Ang Lu Qiao Couple (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

[Balang araw, gusto ko ring tumikim ng marriage certificate!]

[Bakit balang araw pa, gawin mo na ngayon…]

Hindi inaasahan ni Qiao Anhao ang magiging palitan ng comment ng mga fan

ni Lu Jinnian kaya hindi niya na kinaya at sumabog na siya kakatawa.

Maraming mga fans ang nakigatong kay Lu Jinnian sa pangaasar kay Qiao

Anhao kaya wala pang kalahating oras ay naging headline nanaman siya na

may topic na: [Qiao Anhao, kinain di umano ang kanyang marriage certificate].

May isa pang fan na nagabalang gumawa ng meme kung saan ang pinost

niyang picture na kumakain ng tinapay ay inedit at pinalitan ng marriage

certificate.

Kanina lang maraming nagagalit at nagseselos sakanya, pero ngayon parang

biglang nagiba ang ikot ng mundo at naging katatawanan naman siya sa

internet. Kahit na malinaw na pinagtitripan siya ng mga netizens, masaya at

kinikilig pa rin siya sa ginawa ni Lu Jinnian para sakanya kaya masaya niya

itong tinignan at nagpanggap na naiinis, "Hay nako! Kasalanan mo to….Lu

Jinnian, magsorry ka saakin!"

Para kay Lu Jinnian, parang batang nagmumukmok si Qiao Anhao kaya hindi

niya na napigilang mapangiti ng abot tenga. Inilapag niya ang kanyang phone

at dahan-dahang lumapit sa tenga nito para bumulong ng parang nang'aakit,

"Paano mo ba ako gustong magsorry? Gusto mo bang lumuhod ako sayo?"

Biglang kinilabutan at bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao dahil sa tono ng

boses ni Lu Jinnian kaya kahit pinipilit niyang magmukhang kalmado ay halata

pa rin sa nanginginig niyang boses ang kaba. "Oo! Gusto kong lumuhod ka at

magsorry…"

"Sige ba." At hindi niya inaasahan na muli nanamang papaibabaw si Lu

Jinnian sakanya…

-

Sa sobrang lakas ni Lu Jinnian, hindi na kinaya ni Qiao Anhao kaya hinihingal

siyang nagmakaawa na umawat na. Noong pinakawalan na siya nito, dahan-

dahan siya nitong hinila para yakapin at bumulong, "Qiao Qiao, kanina pa ako

nakaluhod para humingi sayo ng tawad pero hindi manlang sumakit ang tuhod

ko."

Nakaluhod para humingi ng tawad…

Biglang natigilan si Qiao Anhao habang pinoproseso ang mga sinabi ni Lu

Jinnian. Tama nga naman, kanina pa ito nakaluhod sa ibabaw niya…

At doon niya lang naintindihan kung anong pinapahiwatig nito…

Ahhh… Ang luhod pala na sinasabi ni Lu Jinnian ay…. Luluhod ito sa ibabaw

niya at gagamitin ang katawan nito para humingi ng tawad….

-

Pagsapit ng saktong alas nuebe ng gabi, lumapag na ang eroplanong

sinasakyan ni Qiao Anxia mula Japan sa Beijing International Airport. Habang

hinihintay niya si Cheng Yang sa airport lounge, sinilip niya muna ang kanyang

Weibo para malibang at doon niya lang nabalitaan na may scandal pala si Qiao

Anhao.

Sobrang kinabahan siya dahil para niya na ring kapatid si Qiao Anhao kaya

dali-dali niyang pinindot ang link at laking gulat niya nang makita niya ang

pangalan ni Lu Jinnian.

Ang taong hinahanap ni Qiao Anhao ay si Lu Jinnian na nawala ng limang

buwan….

Habang pinoproseso niya ang mga nabasa niya, biglang tumawag sakanyang

phone si Cheng Yang para sabihin sakanya na nasa parking lot na ito.

Kaya dali-dali niyang ibinulsa ang kanyang phone at umalis ng lounge hila-hila

ang kanyang maleta.

Pagkalabas niya ng airport, nakita niya kaagad ang sasakyan ni Chen Yang na

nagaabang kaya walang pagdadalawang isip siyang naglakad ng mabilis

papunta rito. Pagkasilip niya sa bintana, nakita niya na may binabasa ito sa

phone.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C727
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES