App herunterladen
74.51% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 725: Ang Lu Qiao Couple (14)

Kapitel 725: Ang Lu Qiao Couple (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Yumuko siya para silipin si Qiao Anhao na nakasandal sa braso niya.

Malinaw na kay Qiao Anhao ang lahat… Noong huminto si Lu Jinnian sa

pagtatype, bigla niyang inagaw ang kanyang phone hindi para burahin ang

ginagawa nito kundi para magdagdag ng dalawang salit, Pagkatapos naming

maglunch sa ACR, pinagshopping muna ako ng asawa kong si Lu Jinnian para

magpababa ng kinain tapos…

Pagkatapos niyang magtype, tumingin siya kay Lu Jinnian at nagtanong, "Mas

maganda kapag ganito diba?"

"May pinagkaiba ba?" tanong ni Lu Jinnian habang nakatitig sa mga salitang

"asawa kong si Lu Jinnian." Habang patagal ng patagal niya itong tinitignan,

lalo lang siyang kinikilig kaya habang hindi nakatingin si Qiao Anhao ay hindi

niya napigilang mapangiti.

Wala pang isang minuto noong nagpost ang account ni Qiao Anhao nang

magcomment si Lin Shiyi. [Qiao Anhao, hindi ka ba talaga nagiisip?]

At mukhang hindi pa ito nakuntento dahil pagkatapos na pagkatapos nitong

magsend ay muli nanaman itong nagreply, [Anong ibig sabihin nito?]

Iniisip palang ni Qiao Anhao kung magrereply ba siya o hindi nang bigla

nanamang agawin ni Lu Jinnian sa kamay niya ang kanyang phone at nagtype

ng mabilisan: [Hindi ba halata? Sampal ko yan sayo.]

Prangka talaga magsalita si Lu Jinnian at base sa pagkatao ni Qiao Anhao ay

hindi niya kayang magsalita ng ganun.... Pero kahit gusto niya itong pigilan ay

huli na siya dahil nagsend na ang message.

Pagkatapos magreply ni Lu Jinnian, dumiretso siya sa profile ni Lin Shiyi para

iblock ito.

"Bakit hindi mo nalang siya dinelete? Nakablacklist ako sakaya at blinock niya

rin ang account ko…" Nagrereklamong tanong ni Qiao Anhao.

"Kapag nakikipagkumpitensya ang isang tao, gagawin niya ang lahat para

subaybayan ang kalaban. Sigurado akong hindi ka niya iboblock kaya blinock

ko siya kung sakali mang inisin ka nanaman niya." Paliwanagy ni Lu Jinnian

habang ibinabalik kay Qiao Anhao ang phone nito.

Inisip ni Qiao Anhao ng maigi ang sinabi ni Lu Jinnian at bandang huli ay

sumangayon din siya. Ganun naman talaga ang ginagawa ng normal na tao at

sa totoo lang, masaya siya dahil tinutulungan siya nito pero hindi naman siya

pwedeng magpahalata na kinikilig kaya nagkunwari siyang nakikipagtalo, "Lu

Jinnian ganyan ka na ba kababa para pumapatol sa babae? Hindi mo baa lam

ang kasabihan na 'ang mga mabubuting lalaki ay hindi dapat nakikipagaway sa

mga babae?"

Kahit na sinabihihan siya ni Qiao Anhao na 'mababa', masaya pa rin si Lu

Jinnian kaya payabang niyang sinabi, "Eh ano naman? Basta para sayo, wala

akong pakielam kahit na maging pinaka mababa pa ako."

Paano niya nga ba hahayaan ang ibang tao na pahirapan ang buhay ng

babaeng matagal niyang pinangarap na makasama at maprotektahan?

Noong malayo pa sa katotohanan na maabot niya si Qiao Anhao, lagi siyang

nakakaisip ng paraan para protektahan ito at ngayon na magasawa na sila,

mananahik nalang ba siya at hayaan ang ibang tao na pahirapan ang

pinakamamahal niya?


Kapitel 726: Ang Lu Qiao Couple (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ngayon na asawa niya na si Qiao Anhao, wala siyang pinagsisihang kahit ano.

At ang tanging hiling niya lang ay maging masaya at mapayapa ang buhay nito

lalo na ngayon na magkasama na sila.

-

Limang minuto palang ang nakakalipas nang magpost si Qiao Anhao sa

kanyang account pero umabot na ng mahigit isang daan ang notification ni Lu

Jinnian.

Madalas na ring nagtetrending noon ang mga pinopost ni Qiao Anhao pero ito

ang kauna-unahang pagkakataon na dinagsa siya kaagad ng napakaraming

reacts sa loob lang ng ilang minuto kaya napatalon siya sa gulat noong nakita

niya na umabot na ito sa tatlong figures. Hindi siya makapaniwala kaya ilang

beses siyang kumurap bago niya ito pindutin para silipin. Pagkabukas ng post,

tumambad sakanya ang hindi na mabilang na mga reply mula sa labas at loob

ng entertainment industry, na parehong kilala at hindi niya mga kakilala.

Iwanabecuteeveryday(Zhao Meng): Grabe naman yang Mr. Lu mo, Mrs. Lu!

Goodmanthatsme(assistant): 32 likes.

...

Sa ilalim ng comment ni Zhao Meng at ng assistant, nalula siya sa dami ng iba

pang mga replies, [Xia Qiao, nagpost ka din pala sa friends' circle mo?], [Bakit

hindi mo pinost yung marriage certificate mo?], [Gabe ka Qiao Qiao! Sobrang

panalo naman na napangasawa mo si Mr. Lu!], [Congratulations,

congratulations. Wag niyo kong kakalimutan para sa mga wedding sweets!],

[Pa'red envelope naman kayo jan!]

Hanggang sa lumabas ang reply ni Song Xiangsi na isang segundo palang na

naisesend. [Oh! Yung isa nagpost sa Weibo, tapos yung isa naman sa

WeChat… Mukhang match na match talaga sina Mr. at Mrs. Lu Qiao ah!"

Noong nabasa ito ni Qiao Anhao, bigla siyang napahinto sa pagswiswipe at

nakakutob na parang may kakaiba dahil napansin niya na karamihan sa mga

nabasa niyang comment ay laging may kasama na, "nagannounce na din siya

ng kasal nila", kaya dali-dali siyang nagexit sa WeChat para buksan ang

kanyang Weibo account na umabot na pala sa ilang milyon ang notifications.

Ang top three na pinaka mainit na balitang pinagkakaguluhan ngayon ng mga

tao ay lahat tungkol sakanila ni Lu Jinnian. Naglabas din ang Weibo ng isang

advertisement na nagsasabing kakaannounce lang ni Lu Jinnian na kasal na ito

ngayong gabi, kasabay ng isang picture na may hawak itong isang marriage

certificate.

Noong nabasa niya ito, lalo pang lumakas ang kutob niya kaya dali-dali niyang

hinanap ang profile ni Lu Jinnian sa Weibo. Hindi nga siya nagkamali dahil

sinalubong siya ng bago nitong post pagkatapos nitong maging inactive ng

limang buwan! Lu Jinnian na Lu Jinnian ang pagkakalatag ng post nito –

prangka at walang paligoy-ligoy; nagstatus ito ng isang heart emoji kasama ang

kopya ng marriage certificate nito, picture nila noong ikinasal, mga pirma at ang

stamp na galing sa civil affairs bureau.

Kagaya ng post niya sa WeChat, kakaupload lang din ni Lu Jinnian sa Weibo

pero umabot na sa ilang milyon ang mga naglike at tumataginting na fifty million

comments, na karamihan ay galit na galit.

Ibig bang sabihin, sinamantala ni Lu Jinnian ang pagkakataon noong natutulog

siya para iannounce ang tungkol sa kasal nila?

Sa sobrang kilig, pasimple niyang sinilip niya si Lu Jinnian at noong nakita

niyang tutok na tutok ito sa phone, dahan-dahan niyang inunat ang kanyang

leeg para makiusisa sa binabasa nito.

Noong binuksan niya ang Weibo, hindi niya na nabasa ang mga bagong balita

dahil dumiretso siya kaagad sa profile ni Lu Jinnian kaya ngayong nakita niya

na may binabasa ito, naintriga siya at dali-dali niyang binuksan ang page ng

entertainment news. Nakita niya noong sumilip siya sa screen ni Lu Jinnian na

nakatitig ito sa mga picture na inilabas ng mismong Weibo habang

nagshoshopping sila kanina sa ACR.

Mula noong kumakain sila ni Zhao Meng sa Japenese Restaurant, pagdating ni

Lu Jinnian, noong naghalikan sila sa fire exit pero ang pinaka marami ay noong

nililimas nila ang buong ACR….Nakuhanan din sila ng picture noong binuhat

siya nito papunta sa rest area para masahiin ang paa niya at noong pasakay na

sila ng sasakyan….Sa kabila ng dami ng mga pictures na lumabas, hindi siya

napagod na isa-isahin ang mga ito.

Pero hindi dito nagtatapos ang lahat dahil kasunod ng mga pasabog na picture

ay isa pang topic na na umabot na rin sa headline, [Ang napakabait na Nation's

Husband].

Dali-dali niyang tinap ito at hindi niya inaasahan na puno ito ng mga comments

ng mga parehong netizens na tumawag sakanyang desperada sa lalaki na

biglang naging panig na sakanya ngayon.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C725
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES