Sa totoo lang, ang gusto niya lang naman talagang mangyari ay ang wag
ng ibalik ni Qiao Anhao ang mga ibinili niya para rito …. pero hindi niya
alam kung paano niya sasabihinn kaya naisip niya nalang na magdahilan.
Dali-daling binuhat ng assistant ang mga nakabalot na bag pero taliwas sa
masunurin niyang kilos ay ang nagrereklamo niyang isip sa sobrang
kadramahan ng dalawa.
-
Pagkalabas nila ng bag store, biglang hinila ni Lu Jinnian si Qiao Anhao
papasok sa katabing store kahit na sinabi niya rito na uuwi na sila.
Desidido na talagang umuwi si Qiao Anhao kaya bigla siyang huminto at
hinila ang braso ni Lu Jinnian. "Lu Jinnian, diba sabi mo uuwi na tayo?"
Tumungo si Lu Jinnian at mahinahong sumagot, "Oo, pero masyado kasing
mabigat yung kinain nating lunch kanina. Magshopping nalang muna tayo
para bumaba yung mga kinain natin."
-
Noong totoong pauwi na talaga sila, hindi naman inakala ni Qiao Anhao na
ang shopping pala na tinutukoy ni Lu Jinnian ay sisimutin nila ang lahat ng
laman ng bawat store sa ACR.
Noong una, tinatanong pa siya ni Lu Jinnian kung gusto niya ang isang
item pero sa tuwing magaalangan siyang umiling ay bigla nitong
sinisenyasan ang assistant na bilhin ang item na itinuturo nito. Sinubukan
niyang magdahilan kay Lu Jinnian o pigilan ang assistant nito pero para
itong bingi pagdating sakanya at tanging ang amo lang nito ang sinusunod
nito.
Kaya bandang huli, may naisip siyang magandang ideya! Sa pagkakataong
ito, sa tuwing magtatanong si Lu Jinnian ay iiling siya kaagad ng walang
bakas ng kahit anong pagaalinlangan. Noong una, nakumbinsi niya pa ito
na talagang ayaw niya lang ng item pero dahil tuloy-tuloy lang ang pagiling
niya, nakahalata ito at mula noon ay hindi na ito nagtatanong sakanya at
panay nalang ito bili ng kahit anong madaan ng mga mata nito. Sa totoo
lang, di hamak na mas nakakapressure Lu Jinnian kumpara kay Zhao
Meng.
Maging si Zhao Meng na nakaisip ng ideya na magshopping kasama si Lu
Jinnian ay hindi rin makapaniwala sa sobrang kaOA-an naman ng
nangyayari kaya dali-dali itong lumapit sakanya para bumulong, "Qiao
Qiao, ano bang sinabi mo kay Mr. Lu? Lilimasin niya na ba ang buong
ACR?"
At noong sandali ring 'yun, muli nanamang may itinurong dress si Lu
Jinnian. Tumingin ito sakanila para tanungin siya kung anong kulay ang
gusto niya, pero noong hindi siya sumagot, muli itong tumingin sa
assistant nito at walang pagdadalawang isip na pinakuha ang lahat ng
kulay na meron ang nasabing dress.
Napanganga nalang si Zhao Meng sa sobrang gulat. "Wa! Nababaliw na
nga si Mr. Lu!"
Pero infairness ha! Lalo pa siyang gumwapo!
-
Hindi pa man din sila tapos sa biglaan nilang shopping spree ay halos
hindi na nila mabuhat ang mga pinamili ni Lu Jinnian kahit pa pagsama-
samahin ang lakas nilang apat kaya tumawag ang shop assistant ng store,
na huli nilang nilimas, ng security na magakyat ng dalawang trolley para
maibaba nila ang lahat ng mga bibit nila.
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay uuwi na sila pagkababa nila pero mali
siya dahil hindi pa pala kuntento si Lu Jinnian at muli nanaman siyang
hinila nito papasok sa isa pang store. Sa totoo lang, hindi na siya
natutuwa sa nangyayari kaya sa pagkakataong ito ay nagmatigas na siya
at mangiyak-ngiyak na sinabi, "Lu Jinnian, pwede bang wag ka ng
bumili…"
Napatingin sakanya si Lu Jinnian na halatang sobrang nagaalala, "Bakit?
Pagod ka na ba? Masakit na ba ang paa mo?"
"Ang sabi ko, wag ka ng bumili…"
Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita ay bigla naman siyang binuhat
ni Lu Jinnian.
"Lu Jinnian, ano bang ginagawa mo?" Napayakap nalang si Qiao Anhao
sa leeg ni Lu Jinnian sa sobrang pagkagulat.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa rest area
para iupo siya sa isang bench.
Noong sinubukan niyang tumayo, bigla naman siyang pinigilan ni Lu
Jinnian at muling pinaupo. Hindi pa napoproseso ng utak niya ang mga
nangyari mula noong ipagshopping siya nito ng sobra-sobra hanggang sa
buhatin siya nito nang bigla naman itong lumuhod sa harap niya at
tanggalin ang sapatos niya.
Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyayari kaya sinubukan
niyang tanggalin ang paa niya mula sa kamay ni Lu Jinnian pero lalo lang
nitong hinigpitan ang pagkakahawak dito at dahan-dahang minasahe ang
gitna ng talampakan niya.
Naligo naman siya kanina bago umalis ng bahay at wala rin naman siyang
alipunga o anumang sakit sa paa pero dahil buong araw na rin siyang
naglalakad, siguradong madumi na ang mga paa niya. Ano ba kasing
pumasok sa isip ni Lu Jinnian…Isa pa, plano nila ni Zhao Meng na
magshopping kaya sinadya niyang magsuot ng komportableng sapatos
para maging handa siya sa matagal na lakaran kaya hindi talaga masakit
ang paa niya…
May tao man o wala, hindi niya pa rin ipapamasahe kay Lu Jinnian ang
mga paa niya no! Pero bakit ba bigla nalang nitong naisip na masahiin siya
sa kalagitnaan pa ng mall!
Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak ni Lu Jinnian para hindi siya
makapalag pero dahil sobrang nadedesperado na siya, bigla niyang
hinawakan ang kamay nito.
Tumingala ito para tignan siya bago nito tanggalin ang kamay niya. "Ano
ba, umupo ka lang jan at wag ka ng malikot."
Kalmado naman ang pagsasalita ni Lu Jinnian pero natatakot si Qiao
Anhao na baka bigla nalang itong magalit kapag nagpumilit siya kaya
binitawan niya nalang ang kamay nito at hinayaan itong masahiin siya.
Sakto lang ang pwersang ginamit nito kaya kahit hindi masakit ang paa
niya ay narelax pa rin siya.
Halos hindi siya makagalaw habang tinitigan niya si Lu Jinnian, na
sobrang seryoso sa ginagawa nito. May gusto sana siyang sabihin pero
para siyang biglang na'pipe at hindi siya makapagsalita.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay halatang sobrang komportanle sa
ginagawa nito.
Ilang sandali ring nakatitig si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago niya ibaling
ang tingin niya sa iba. Sakto, noong sandali ring iyon ay may napansin
siyang isang lalaking nakasuot ng sombrero na nagtatago sa isang gilid na
mukhang palihim silang kinukuhaan ng picture.
Kitang-kita niya na nakafocus ang camera sa kamay ni Lu Jinnian na
seryosong minamasahe ang paa niya. Hindi napansin ng paparazzi na
nakatingin siya kaya tuloy-tuloy lang ito sa pagkuha ng picture.
At doon niya lang naintindihan kung bakit biglang naging kakaiba ang mga
kilos ni Lu Jinnian.
Pakiramdam niya parang biglang nalaglag ang puso niya at ang inis na
nararamdaman niya kanina ay biglang napalitan ng pasasalamat.
Kaya naman pala ayaw tumigil ni Lu Jinnian sa kakashopping at bigla
nalang siyang binuhat nito paupo sa isang bench para masahiin ang paa
niya ay dahil gusto nitong hayaan ang paparazzi na kunan sila ng litrato
para malinis ang pangalan niya.
Parang may biglang bumara sa lalamunan niya kaya pwersado siyang
lumunok bago magsalita, "Lu Jinnian, pagod na ako. Uwi na tayo."
"Sige," Sagot ni Lu Jinnian habang patuloy sa pagmamasahe ng paa niya
pero ilang beses pa ang lumipas bago ito tumayo. Ang buong akala niya
ay tutulungan siya nitong magsuot ng sapatos pero bigla itong tumalikod at
hinila ang kamay niya. "Bubuhatin kita."
Pagkakuha ni Lu Jinnian ng sapatos niya, dahan-dahan itong tumayo at
siniguradong komportable muna ang pwesto niya bago ito maglakad
papunta sa elevator.
Samantalang ang assistant at si Zhao Meng naman ay nagmamadaling
sumunod sa dalawa, pero dahil masyadong puno ang dalawang trolley,
maya't-mayang may nahihulog na bag kaya ilang beses rin silang huminto
para pulutin muna ang mga nalalaglag.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES